FaIrY PrObLeMs
by: Mystina Denise Maranan
Senior Correspondent
Versalia Fairy Channel
EXCLUSIVE: TOTOO ANG MGA KWENTO NG DIWATA!
Hindi ko akalain na magiging saksi ako sa pinaka-interesante at pinaka-nakakakilig na eksena sa kasaysayan ng post-war Versalia University almost two weeks ago! Heto ako, naghahandang kumanta para sa Senior Ball ng biglang dumating ang isang napakagandang babae dressed in pinkish orange gown na napapalamutian ng petals at butterflies!
Walang kahirap-hirap na nakuha niya ang atensyon, hindi lang mga kalalakihan at tomboy kundi pati narin ng mga kababaihan at kabaklaan!
Dahan-dahan siyang bumaba sa grand stair case at halata mong natural ang kanyang kilos. The way she innocently looks around na parang hindi niya alam kung anong susunod na gagawin niya at any moment at tatakbo siya sa isang sulok para magtago!
Then suddenly inannounce ang number EIGHT at laking gulat ng lahat ng si Crown Count Travis ng Riksent ang lumakad papalapit sa ating mystery princess!
Ilang beses akong nagpasapak sa Ate Stellar ko para lang masigurado na hindi ako nananaginip o nanunuod lang ng live shooting ng isang fairy tale story!
Akala ko ay sa mga libro at television screen ko lang makikita ang ganoong eksena!
Kinuha ni Travis (with all due respect ang haba kasi ng title mo, limited lang ang space ng column ko) ang kamay ng ating mystery princess at nagsimula na silang sumayaw.
Buti na lang at kinurot ako ni Ate sa singit at bumalik na ako sa katinuan. Nagsimula na akong kumanta para sa dalawang nagsasayaw sa dance floor.
Literal na nawala sila sa mga mata ng isa’t isa. Para bang nasa loob lang sila ng isang bubble na hinding hindi mo mapuputok. Yung tipong sila lang dalawa ang nag-eexist. I can definitely feel the love ika nga. Alam ko na hindi lang ako kundi pati na rin lahat ng nakapanuod either live or sa kani-kanilang mga tahanan ang makakapagsabi na parang isang scene sa isang librong binabasa sa atin ng ating mga magulang noong kabataan pa natin ang nagaganap ng mga oras na iyon!
We also all know for a fact na hindi scripted ang nangyari. Not just our local news here but also in the whole world ay pinaguusapan hanggang ngayon ang nangyari! They also cannot believe that these kind of scenarios really do exist in reality!
After my song ended. Naglakad papuntang garden ang dalawa at ayon sa aking sources ay nagusap sila ng matagal.
But just like any other stories real or no, nagkaroon ng problema...
Pinatawag ng Grand Duke and Duchess si Travis saglit para may ibilin pero nagkagulo ang buong Dance Hall at malamang ang buong mundo ng mabalita na bigla na lang nagtatakbo palayo ang ating mystery princess (Cinderella anyone?)!
Sinubukan siyang habulin ng mga sundalo ng Riksent pero naligaw sila sa pesteng maze ng Fenrir. Ilang oras akong naligaw dun at halos maging daing na estudyante kaya feel ko ang naging problema ng mga sundalo na humahabol sa kanya.
Well, as of this moment, the world is waiting in bathed breath. Hindi pa rin mahanap si mystery princess up until now. Mukhang talagang na-inlove si Travis sa kanya at inutos na kailangang mahanap siya by hook or by crook!
Malaking prize pa ang inoffer para sa kung sino man ang makapagturo sa kinaroroonan ng babae.
Bakit siya tumakbo?
Kung normal kang babae, tatakbo ka pa ba kung biyaya na ang lumapit sa iyo?
O merong mabigat na dahilan kung bakit niya minabuting tumakas at magtago (bet ko ‘to teh)?
May chismis na nagsasabing baka hindi daw taga V.U ang mystery princess natin dahil almost two weeks na ay wala pa ring nakakakita ni anino sa kanya.
Hindi nga kaya gatecrasher siya? Estudyante ba talaga siya ng V.U? Makikita pa nga ba siya ni Travis? Saan hahantong ang mala fairy tale na istoryang ito?
Cliché? Yes!
But reality!
Is it real?! Troo!
Don-don-don-dolondon---
Nespu*a!
OO KULET!
Tulad ninyo, nag-aabang din ako sa next chapter ng story na itech!
On the lighter note, malapit na ang School Competion, Festival at Cultural Fest ng Versalia University. Yun muna ang pagtuunan natin ng pansin dahil ilang taon nang nangungulelat ang faction ko (sorry my minions, don’t worry, babawi ako as always *wink*wink*).
That’s all for now my readers! This is Senior Correspondent Mystina Denise Maranan, Representative Councilor of Second Class Zymeth Faction reporting!
Pak...
Pak...
GANERN!!!
Choz! HAHA!
Isinara ko ang Versalia Daily Newspaper ko at nabaling ang pansin ko sa Headlines kung saan kita ko ang aerial view shot ng paglalakad ko pababa ng grand staircase ng Fenrir Dance Hall.
Kahit dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, parang isang alaala na lang ang lahat ng nangyari.
Alaalang hinding-hindi ko makakalimutan magpakailanman. Mabuti na lang at nagawa kong titigan ng mabuti ang mukha ni Travis. It is now etched firmly inside my heart and mind even as far as my soul.
Hindi man natapos sa magandang ending ang nangyari at least I have the memories that I can go back to.
Hindi ko maintindihan, pero bata pa lang ako ay lagi ko nang pinapangarap na ang buhay ko ay para lang isang fairytale story...
It was a magical night...
Sa isang sayaw lang pakiramdam ko mas makatotohanan siya kesa sa mga nakakakilig na romance stories na nabasa ko...
At kahit isang saglit lang naging perpekto ang malungkot kong buhay habang nagsasayaw at nag-uusap kami...
Binigyan niya ako ng chance na magpatuloy na managinip kasama siya...
Kaso kung kelan malapit ko nang maabot ang pangarap ko, tsaka pa ako nagising...
Napatawa na lang ako at itinapon sa pinakamalapit na trash can ang dyaryo at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng bus.
After that night tumigil na akong mangarap at nagsimula na akong mabuhay sa katotohan.
Katotohanan na kahit anong pilit mo, kung hindi talaga maaari, wala kang magagawa.
Time to face the reality and start living in it...
-0-
“Verna!”
Napakurap ako at parang biglang lumitaw ulit si Ravinder sa aking paningin. Kaharap ko ito at parang kanina pa ata kinukuha atensyon ko base sa nakasimangot nitong mukha.
“Oh, ano nga ba sinasabi mo?” tanong ko sa kanya at inayos ko ang aking pagkakaupo.
Nasa labas kami ng stadium kung saan kagagaling naming sa practice ng Graduation Ceremony.
Wala nang isang buwan gagdraduate na kami.