We are not wearing our brooches, armbands and signature fashion wear to distinguish us from the other factions.
Ang gaganda at ang gagwapo. Yung mga suot nila sobrang stylish at mamahalin.
“Ma’am?”
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa aking atensyon.
Halatang foreigner dahil sa blue eyes. Mukhang sundalo ito by his looks wearing a white sash.
“Yes?” matipid kong sagot.
“May I have the paper with the number that you have drawn?” magalang nitong tanong.
Iniabot ko sa kanya ang kanina ko pang hawak na papel na nalukot sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko dito.
Ngumiti ulit sya sa akin bago nag bow at bumalik sa kanyang pwesto.
Nagsimula na akong maglakad pababa ng grand staircase and I can see and feel that all of the people downstairs are staring at me. I just took a deep breath and carefully watched my steps as I glided down the staircase.
Siguro dahil na din sa mga batang alam kong nanunuod sa akin ngayon ay hindi ko magawang kabahan o magkamali. Kailangang ipakita ko sa kanila na kaya ko.
Na totoo ang mga nakasulat sa mga librong binabasa namin.
Ipapakita ko sa kanila na hindi nasayang ang kanilang tulong at tiwala sa akin. Makikita ko rin ang prinsipe ko dito.
Ilang sandali lang ang lumipas at nakarating na ako sa baba.
Dito ako sinimulang kabahan.
Anong gagawin ko after this?
Dapat siguro pumunta muna ako sa isang sulok at-----
EIGHT!
Napakurap ako ng biglang may nagsabi ng number na nabunot ko at hindi lang ako kundi ang lahat sa paligid ko ay napasinghap ng lumakad ang isang lalaki sa aking harapan papalapit sa aking kinatatayuan.
-0-
Si Travis.
Or should I say, “The Crown Count of the Aristocratic Dukedom of Riksent, Prince of the Empire of Scandinavia and Kingdom of Greenland. One of the the future Triad Leaders of The Tripartite Alliance Nation. One of the biggest, powerful and wealthy supranational union of countries aside from EU, CARICOM and ASEAN to name the few.
Sun-gold eyes, pale skin at buhok na itim na itim, kulot at silky na nagtitikwasan sa iba’t ibang direksyon. If I must say, the epitome of European Monarch at its finest so to speak.
And he is walking towards me right now.
Halos ilang pulgada din ang tangkad niya sa akin.
If I might add. I am sure what he is wearing is not a costume but the national attire of the monarchs of his country. This, people is authentic.
Nakapangtraditional Riksentian Royal Clothes ito. May White sash na may emblem ng Riksent at majestic crown made of mother of pearls ang naka sabit sa kanang baywang nito.
“His Royal Higness, Prince of the Imperial Dominion of Scandinavia and the Democratic Kingdom of Greenland, Crown Count of the Aristocratic Dukedom of Riksent, Travis Hausen von Dahl!”
Tumigil si Travis sa harap ko at nakatitig na nakatitig siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero automatic kong naitungo ang aking ulo at yumuko ako sa harap niya na halos nagpaluhod sa akin at nagspread sa suot kong gown sa sahig.
Kinabahan ako at natakot.
Crown Count si Travis?! Nakakawindang! Tsaka lang nag sink in sa akin na ang kaharap ko ngayon ay isang lalaking nasa tuktok ng social ladder. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nasa posisyon na iyon ng biglang iniabot ni Travis ang kanyang kanang kamay sa akin.
“May I have this dance?” magalang niyang tanong.
Tumingala ako at nagtama ang aming mga paningin pakiramdam ko ay nawala na lahat ng kaba at takot sa aking puso.
“It will be an honor, your highness,” tahimik kong sagot sa kanya at kinuha ko ang kanyang kamay at itinayo na niya ako.
Nagdim bigla ang ilaw at nagsimulang tumugtog ang orchestra sa saliw ng isang pre war na kanta.
Buti na lang itinuro sa p.e ang steps ng isasayaw dito sa ball at mahilig akong manuod ng mga fairytale movies na may dance sequence kundi magmumukha akong tanga sa harap niya...
Isang malamyos at inosenteng boses ng babae ang nagsimulang kumanta sabay ng unang hakbang naming magkasama...
I get lost in your eyes
Nagsimula na kaming magsayaw at nakatitig na nakatitig ako sa ginintuan niyang mga mata...
And I feel my spirits rise
Pero bakit parang may mali...?
And soar like the wind
Mga matang puno ng kulay pero walang buhay...
Is it love that I am in
Did he lose someone…?
Napagawi kami sa gitna ng dance floor at patuloy kami sa pagsasayaw na parang kaming dalawa lang ang nandoon...
I get weak in a glance
Iniikot niya ako at muntik na akong mapagsak sa sobrang pag-iisip ko...
Isn’t this what called romance
Buti na lang nasalo niya ako at naglapit ang aming mga mukha halos ilang sentimetro na lang ang layo...
And now I know
Hindi ko alam kung bakit pero parang kinurot ang puso ko ng mas malapit kong natitigan ang kulay ginto niyang mga mata...
Cause when I’m lost I can’t let go
Nanikip ang dibdib ko at hindi ko na magawang matitigan siyang muli...
Nakatutok sa amin lahat ng mga mata ng mga nanduon sa dance hall, pati ang hindi mabilang na flash ng mga camera at mga video recorder. Pero wala akong pakialam...
I don’t mind not knowing what I’m headed for
Not just his eyes. Pati na din ung aura niya. Parang he is beyond sadness. All he have is emptiness…
You can take me to the skies
I know this feeling too well… Dahil ganito ako up until now since I’m a kid…
It’s like being lost in heaven
Naaalala ko ang ekspresyon ko sa mukha ni Travis right now… The face of loss and grief…
When I’m lost in your eyes
Napatitig ulit ako sa kasayaw ko and to my surprise he is looking at me curiously...
Naramdaman ko na hindi na kami nagsosolo sa dance floor at ilang daang mga paa na ang nakinig kong nagsasayaw sa palibot namin.
Bago pa ako makareact ay inakay na ako ni Travis papunta sa gilid ng hall at palabas papunta sa maze garden ng Fenrir.