Alas kwatro pasado na. Ilang oras na lang at Senior Ball na.
Nakaupo ako sa damuhan sa likuran ng tinitrhan kong dorm at nagabasa ng libro para kahit papano makatakas ako sa malungkot kong realidad.
Nawala ang atensyon ko sa aking binabasa ng ilang dosenang fighter jets na iba’t iba ang kulay ang nagsiliparan sa himpapawid papunta sa direction ng Fenrir School Building.
Bumuntong hininga na lang ako at bumalik sa pagbabasa.
No use concerning myself over my sad reality. Babalik na lang ako sa pagbabasa ng aking libro.
At least dito nagiging masaya ako.
“Hi ate!”
Bigla akong napatingala sa aking pagkakaupo. Laking gulat ko nang makita ko ang mga batang kasama ko sa book reading sessions.
They are still wearing their uniforms and respective badges and armbands.
Pinilit kong ngumiti at tiningnan ko sila isa-isa, “Anong ginagawa ninyo dito? Hapon na ah,” masaya kong bati.
Sa halip na sumagot ay nagsibungisngisan ang mga ito at lumapit sa akin ang dalawang bata from Almorica and Phidoch at inakay ako patayo.
“Halika Ate. Punta tayo sa kwarto mo. May surprise kami sa iyo,” sabi ng isang taga Rayse.
Nagpaakay ako sa kanila at nakarating na kami sa aking kwarto.
Laking gulat ko ng nakita ko ang isang napakagandang pinkish-orange ball gown na napapalamutian ng mga petal sequence and butterflies.
Nilapitan ko ito at hinawakan ang mala sutlang tela.
“Saan ito galing?” gulat kong tanong sa mga bata.
Lumapit si Cindy from Almorica at ngumiti, “That was my mom’s last creation before she died. I asked dad if you can have it. He said yes. We want my mom’s creation to be worn by someone like you Ate.”
Nagpalakpakan ang mga bata sa paligid ko at maiiyak na sana ako ng biglang may dalawang panyo ang dumampi sa aking mga mata.
“Bawal ka umiyak ate. Hindi magandang lagyan ng make-up ang puffy eyes!” saway sa akin ni Tasha from Rayse faction.
“Take a bath ate at aayusan ka namin promise!” utos naman ni Tisha ang kanyang kakambal at itinulak ako papuntang banyo.
Mabilis naman akong naligo at paglabas ko ay nakita kong inaayos ng ibang bata ang aking gown at pinapaupo ako ni Yvrose from Zymeth sa harap ng salamin.
“Steady ka lang ate and close your eyes. We will make sure you will look pretty,” pangako nito sa akin sabay utos sa ibang mga bata from Zymeth and Rayse na tulungan siya sa pag aayos ng aking mukha at buhok.
Inayos din nila Kriela at Gailyn ang aking mga daliri.
I don’t know why pero ang sarap sa pakiramdam na tinutulungan ka ng mga batang minahal mo.
Mga maliliit na kamay na walang tigil ang pag-gawa maayusan lang ako.
“Ok, you can now open your eyes ate,” utos ni Yvrose.
Ang unang-una kong nakita ay isang magandang babae na nakatitig sa akin.
Her brown skin is very pronounced at ang dark brown nyang mga mata ay natingkad sa saya. The long dark and full hair is swaying with the wind.
Naramdaman ko na may sinuot sa aking mga paa si Quennie from Phidoch at pagtingin ko ay isa itong pink stilettos, “Bigay ko na lang sa iyo ate. Binili ko yan online kaso hindi naman kasya sa akin obviously.”
Ipinatong naman ni Mingjie from Feng ang isang silver coronet sa ulo ko complete with pink peridots, “School project ko yan ate. Ingatan mo ha?”
“This ring is my project too Ate. Made from silver yan. Medyo pangit nga lang but still, kung ikaw magsusuot. I’m sure gaganda yan sa paningin ng iba!” sabi naman ni Josefa from Brigantys pagkasuot ng gawa nyang singsing sa aking daliri.
“Sana nagustuhan mo ate yung manicure at pedicure namin ha? 98 kami ni Daz sa Home Economics!” pagmamalaki ni Daz at Germaine sa aking mga daliri na nagkulay pinking orange din with maching butterfly and flower nail arts.
Pinatayo ako ng mga bata at lumapit sa akin si Kendi from my own faction, “And this is from me,” hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti, “Sabi nila mommy at daddy lucky daw ang kiss ko kaya ayan. Magiging swerte ka na!”
Niyakap ko ito at huminga ng malalim. I looked around and saw the admiring and patronizing look from the children.
“Thank you sa inyo,” naiiyak kong sabi sa kanila.
Umiling silang lahat at mabilis akong hinatak palabas ng dormitory at nakita ko ang isang yellow school bus na naghihintay.
“Tara Ate kinausap namin si Manong. Pumayag naman siya kasi mabait ka daw sa kanya. Ihahatid ka namin sa Fenrir School Building!” sabi ni Yvrose.
“Mabuti naman at may ibang makakakita sa ganda mo Verna!” magiliw na sabi ni Manong Berto ang driver na lagi kong kakwentuhan since grade school.
“Salamat Manong.”
“Hala siya sakay na kayo mga bata at nang maihatid na! Halos seven na!” utos nito sa amin at nagsiupuan na kami at pinalipad na ni Manong Berto ang bus namin na parang racing car lang.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Halo-halong emosyon. Takot, kaba, saya, excitement, kilig at pangamba.
“Tingnan ninyo sa labas! Dali!” malakas na irit ni Kendi na nagpagising sa aking isipan.
Pagsilip ko sa labas ng bintana ay bumagsak ang panga ko sa aking nakita.
Sa kalangitan ay hindi mabilang na synchronized fireworks ang nagliliwanag sa kadiliman ng gabi.
Ilang sandali pa at nakalagpas na kami sa makapal na gubat na compound ng Fenrir Faction at bumulaga sa amin ang malaking kastilyo na nagsisilbing school building ng First Class.
Hindi ko alam kung bakit pero ngayong gabi ay merong ibang aura itong inilalabas.
When I looked at the majestic and strong walls, nakikita ko na parang simbolo ito ng prestige and power ng Versalia University.
Napapalamutian ng yellow lights ang daan at hindi mabilang na mamahaling sasakyan ang nakaparada sa harapan ng kastilyo.
Huminto ang bus sa tapat ng building at nagsilabasan na kami ng mga bata.
Hinarap ko sila at tumungo, “Salamat ng madami sa inyong lahat,” taos puso kong sambit sa kanila.
“No need to thank us ate!”
“Now you carry our dreams!”
“Go Ate!”
“Ipakita mo sa amin na hindi lang sa libro nangyayari ang ganitong eksena!”
“Papanuorin ka namin!”
“Wala kaming pake sa iba. Basta sa amin, isa kang prinsesa!”
Lumapit sa akin si Josefa at itinuro ang malalaking pintuan ng building, “No time to waste Ate. Enjoy it while it last!”
Iyon lang at sinimulan ko na ang paglalakad ng mabilis papasok sa building.
Ilang hilera ng mga sundalo ang nadaanan kong nagbabantay at nagpapatrol sa paligid.
Ang iba ay sundalo ng Pilipinas. Ang iba naman ay halatang mga foreigners. I bet they are from T.A.N.
Napansin ko na sinusundan nila ako ng tingin kanina pa pero wala akong pake. Dapat mabilis akong makapunta. Nakakahiya kung late. Sabihin pa paimportante ako.
Ilang beses na akong nakakapasok sa Fenrir especially last year pero ibang-iba siya tonight.
Festive ang decorations at lahat ng tinatagong displays ng bawat faction ay nandito at nakalantad para makita ng lahat.
Dumeretso lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng dambuhalang pinto at automatic itong bumukas pag lapit ko.
Isang malaking hall ang bumungad sa akin. I’ve never seen anything as grand as this one.
Gold plate walls and chandeliers made of real diamonds and precious crystals. The velvet red carpets and the world class orchestra. Everything is straight out of a fairy tale scene.
And the students...