Chapter 16

1041 Words
“Verna!”   Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Siguro after almost four years nasanay na akong makinig ang pagtawag nito lagi.   Paglingon ko ay si Ravinder nga ang aking nakita.   “Problema mo? Bakit ka na naman natakbo?” natatawang tanong ko dito dahil hingal na hingal ito.   “Anong number ang nabunot mo?” mabilis nitong tanong. Kinuha ko ang papel na nakasingit sa aking librong hawak at binuksan ito sa harap ng mukha niya, “Eight. Ikaw?”   “s**t! Ang layo! Three hundred seventy one,” angil nito sabay takbot ulit paalis.   “Oi! Dahan-dahan! Saan ka ba pupunta?” takang tanong ko dito.   “Kahit saan! Hahanapin ko kung sino nakabunot ng eight. Makikipagpalit ako!” desperadong sagot nito sabay takbo ulit.   Napatawa na lang ako at napailing. Hindi pa rin talaga nasuko ito. I have to admire him for that.   Hindi ko alam kung bakit pero hindi yung Crown Count ang inaasahan kong makita sa Senior Ball kundi si Travis.   Siguro iniisip ninyo, kakabasa ko ng mga fairytales ay papangarapin kong maging prinsesa o makatagpo ng isang mala-prinsipeng lalaki diba?   Pero simula ng makilala o mabunggo ako ni Travis ay hindi na siya nawala sa isipan ko.   Minsan nga last year ginamit ko yung status ko as Representative Coordinator para makapasok sa Fenrir para lang makita siya pero nganga ako. Hindi ko ba alam kung nagtatago siya or something kasi hindi ko talaga siya maabutabutan hanggang sa sumuko na lang ako sa pag-aabang.   Pero deep inside, umaasa pa din ako na magkikita pa din kami. Sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya dati pa once we meet again.   If ever.   Kaya panalangin ko lang sana nandun siya sa ball.   All I have to do is to stay kind, trust in my feelings and be tough. Pasasaan ba at magkikita din kami sa ball for sure.   Dala ang resolve na nabuo sa aking puso ay umuwi na ako.   -0-   “NAKU DIYOS KO!” malakas kong hiyaw ng makita ko na wala nang laman ang garapon ng pera na nakatago sa ilalim ng aking kama.   Kakauwi ko pa lang galing school at bibili na din sana ako ng gown na maisusuot sa ball na gaganapin two days from now.   Yung almost ten thousand na inipon ko na para sana sa savings ko na pambili ko na din ng gown ay wala na ngayon.   Alam kong katangahan na mag-iwan ng pera sa garapon sa ilalim ng kama mo, pero hindi ako makapag open ng account sa mga bangko dito sa Versalia dahil dapat minimum ng one hundred thousand ang starting deposit.   Saan naman ako pupulot ng pera na ganung kalaki?   Ulila ako at walang perang naiwan ang mga magulang ko maliban sa isang fully furnished box type na bahay sa probinsya.   Malungkot akong sumiksik sa gilid ng aking kama at nagsimula ng umiyak.   Bakit?   Mabait naman ako, wala akong sinasagasaang tao at hindi ako nag-iisip ng masama pero bakit nangyayari sa akin ito?   Huminga ako ng malalim at umiling. Pinahid ko ang aking mga luha at tumayo.   I refuse to give up.   Gagawa ako ng paraan.   Kahit ano matupad lang ang pangarap ko na makita siyang muli.   -0-   Nanlulumo akong umupo sa isang bench sa tapat ng Vasque School Compound.   Mamaya na ang Senior Ball at cancelled lahat ng klase. Wala akong mahiraman ng pera sa mga kaklase ko kasi kahit sila ay ubos na ang mga pera para sa preparation for later night’s event.   Magsisimula ito ng seven ng gabi.   Pinilit kong hanapin sila Paladia, Mystina at Stellar pero hindi ko sila mahagilap. Figures, sobrang busy sila sa preparation.   Kahit sila Shivali at Neila wala din. Balita ko ay nagpapaparlor ang mga ito sa labas ng Versalia Island sa nanay ni Neila.   “Verna!”   Bigla akong nabuhayan ng loob ng makinig ko ang boses na iyon.   Pagtingala ko ay nakangiting nakatayo sa harap ko si Ravinder.   “Ravinder!” masaya kong bati dito.   “Oh! Ano yun?” masigla nitong tanong sa akin.   “Pautangin mo naman ako kahit five thousand lang. Nanakawan kasi ako nung isang araw. Pambili ko ng gown yun. Promise babayaran ko sa katapusan pag dating ng month allowance ko,” pagmamakaawa ko dito.   Biglang nawala ang ngiti nito at napatungo, “Verna, pasensya ka na. Nagastos ko na yung pera pambili ng suit and tie ko. Gusto man kitang iutang kila papa at mama, grounded ako ngayon eh.”   “Sa mga kaklase mo? Baka naman maihiram mo ako?” pilit ko sa kanya.   Umiling ito at doon na ako nawalan talaga ng pag-asa, “Alam mo naman na ubusan ng pera ngayon Verna. Kahit i-try ko alam mong wala din ako mahihiraman. I’m sure ganyan din sa Vasque.”   Nagpakawala ako ng isang mahabang hininga at pinilit kong hindi maiyak sa sitwasyon ko.   I’m almost there. Kaunti na lang ba...   Bakit ngayon pa nabitin.   “Kung hindi ka makakapunta Verna, hindi na din ako pupunta. Samahan na lang kita. Hindi date promise pero sasamahan na lang kita,” alok nito sa akin.   Tiningnan ko ang aking matagal na manliligaw bago ko inabot ang kanyang pisngi at hinaplos ito, “Hindi ko ba alam kung bakit hindi na lang ako sa iyo nagkagusto Ravinder. Napakabait mo at maalalahanin. Kung ikaw na lang sana nauna. Kaso nahuli ka eh,” natatawa kong sabi dito sabay tapik sa kanyang balikat, “Hala sige, wag mo na akong alalahanin. Pumunta ka sa ball. Alam mo naman ang warning na ma-eexpell ang hindi pupunta doon.”   “Paano naman ikaw?” galit na tanong niya sa akin, “Tsaka anong sinasabi mo na nahuli ako?! Saan ako nahuli? Sa puso mo?!” angil ni Ravinder sa akin.   Pinilit ko na lang ngumiti at umiling ako sabay talikod at nagsimula na akong maglakad palayo, “Wag mo akong alalahanin. Representative Coordinator din ako in case you forgot. I know Paladia will think of something to save me if ever I will be expelled,” nilingon ko siya at biglang may luhang pumatak mula sa aking mga mata, “Please enjoy the ball for me Ravinder. Will you?”   Iyon lang at nagtatakbo na ako pabalik sa sakayan ng bus papunta sa village namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD