Chapter 15

1166 Words
“Oh my goodness!”   “Who cares kung Vasquers tayo! We are still girls!”   “Lottery based?! How crude and exciting!”   “Kailangang ma compute ang possibility na mabubunot ko ang number ni crush!”   “Ang bilis ng panahon!”   “San kaya ako mag papatahi ng dress?”   Napakunot ang noo ko ng mapadaan ako sa foyer ng Vasque.   Isang malaking kumpulan ng mga estudyante na karamihan ay from my year ang nagkakagulo at nagkakatulakan sa harap ng isang makeshift stage kung saan nandoon at High School at College Body Presidents na parang nagpapabunot ng strips of papers mula sa apat na malalaking fish bowls.   One for male, one for female, one for lesbians and the last one was for gays. Liberated dito sa Versalia. We don’t tolerate bullying of any kind. May it be for race, religion, gender etc. Absolutely no bullying is tolerated.   Kung sino man ang lumabag ay makakatikim ng matinding parusa. With Mystina as one of the Representative Councilors, a well known liberated woman and enemy of discrimination and a victim of bullying herself, extra harsh ang punishments. Of course si Stellar ang mag-eenforce, the Pain Swan.   “Once again, please pick one from your designated gender bowls. Walang tulakan, lahat makakabunot,” kalmadong announce ng h.s .body president sa mga Vasquers na ngayon ay hindi magkamayaw.   Bumunot na din ako ng isa at bumaba na sa stage. Hindi ko na nabuklat ang nakatuping papel para makita kung ano ang nakasulat doon dahil biglang may nag comment.   “Paano kung mabunot ko ay bakla?! Nakakasuka naman!” galit na reklamo ng isa sa mga ka batch ko from Tech group.   Natahimik bigla kaming lahat at animo’y may anghel na dumaan sa sobrang tahimik.   If you have a discriminating opinion, we don’t force you to change yourself. Pero yung ipaghiyawan mo in a tone na nakaka insulto ay ibang usapan na.   “Then dance with her. Pero kung ayaw mo wala namang pilitan. Yun nga lang malalaman mo kung sino ang kapartner mo sa mismong ball. If you back out just because of the gender, then bahala ka na sa sarili mo,” makahulugang sagot ng College Body President sabay tawa.   Nagkatawanan na din kaming lahat. Alam namin ang ibig sabihin niya.   “It’s just a dance. Pagkatapos ng sayaw, pwede ka na namang umalis. Kung ayaw mo wag ka na lang pumunta. Ako kahit sino, makasayaw lang,” sabi ng classmate nitong lalaki sabay bunot sa male bowl.   Now I get it. Ito yung sinasabi dati ni Mystina. Zymeth and Phidoch ang may hawak ng Annual Senior Ball this year siguro.   Na excite akong bigla.   Ano kaya ang theme ng Ball this year? Last year ay Coachella theme.   Nasagot ang tanong ko ng biglang umakyat sa stage ang isang babae na naka orange mechanic suit na puno ng grasa at langis. Magulo ang buhok at puro grasa din ang mukha. Nakasuot ito ng orange scarf, beach hat at walrus badge.   She’s Paladia.   “My fellow Vasquers, hindi ko inakala na sa faction ko pa pala mangyayari ang pinakamadugong bunutan na nakita ko sa buhay ko,” seryosong sabi nito na nagpatawa sa amin, “At nakita ko na ang bunutan ng mga Zymeths at Phidochians,” dugtong nito na nagpatawa sa aming lahat.   Natatawang itinaas ng aming Representative Councilor ang kanan niyang kamay matapos ang ilang sandali ng hagalpakan para patahimikin kami.   “The ball will be held exactly one month from this day sa Dance Hall ng Fenrir Faction,” announce niya.   Nanlaki ang aming mga mata at napasinghap kami. Ang Dance Hall ng Fenrir Faction ang isa sa mga, if not pinakamagandang dancing venue para sa mga formal gathering not just in the Philippines but also in Asia.   Nagbulungbulungan ang aking mga ka faction at parang sobrang excited na sila.   “Settle down Vasquers, settle down,” mahinahong saway ni Paladia sa amin, “Hindi ko pa nga nasasabi ang best news,” natatawa nitong paalala.   “Oh my ano yun?”   “What is it Councilor Paladia?!”   “Spill the beans!”   “Naiihi na ako sa excitement!”   “Ano pa ba ang mas exciting sa Fenrir Dance Hall?!”   Itinaas muli ni Paladia ang kanyang kanang kamay at mabilis pa sa hinahabol na Feng na babae ng isang Brygantysian silang tumahimik at tanging hinga at hingal ng excitement ang makikinig.   “The Crown Princess of the Imperial Dominion of Scandinavia, Crown Princess of the Democratic Kingdom of Greendland and the Crown Count of the Aristocratic Dukedom of Riksent will be at the ball,” malinaw na announce ni Paladia sa tahimik niyang mga ka faction na ngayon ay nanginginig na makinig ang susunod pa niyang sasabihin, “And one of the slips of papers with numbers that you are holding now ay maaring isa sa tatlong masuswerteng tickets para makasayaw ninyo ang isa sa tatlong next rulers ng T.A.N!” malakas na hiyaw ni Paladia.   Akala mo ay merong rebolusyon na naganap at nagwala na ang dating mga tahimik kong mga ka faction. All dignity and poise forgotten. Nagtatalon ang iba samantalang halos gumulong na sa excitement ang karamihan. May naiiyak pa at hinihingal sa sobrang tuwa.   “Vasquers, the theme for the ball is in line with my suggested agenda for this year, “Fairytale”. So magsuot kayo ng mga dresses from middle ages. Very fitting para sa mga special guests natin if I might add. Lastly bawal makipagpalit ng numbers. Lahat ng mahuhuli ay ieexpel swiftly. Iyon lang and enjoy!” sabi na lang ni Paladia at bumaba na ito sa stage at tumakbo paalis. Pabalik na tiyak ito sa garage niya kung saan meron itong kinukutingting na kotse for sure.   Sa gitna ng mga maiingay kong mga ka faction ay binuksan ko ang maliit na papel na hawak ko at tiningnan ko ang nakasulat dito.   8   -0-   Sa loob ng isang buwan, walang ibang topic kundi ang papalapit na Senior Ball ng Versalia University.   Bawat estudyanteng makasalubong ko ay related sa ball ang topic ng usapan.   Kahit ang mga lower years na hindi kasali ay excited dito.   Televised din kasi ang ball worldwide.   Some even go far and say that this will be the grandest in the history of Versalia University.   Ang tatlong royalties from the Tripartite Alliance Nations ay nakadagdag sa prestige at excitement surrounding the event.   Eto nga at may dumaan sa aking ilang malalaking trucks papunta sa Fenrir faction. Todo paghahanda talaga ang ginagawa, hindi lang ang Fenrir faction, kundi maging Versalia University at ang Versalia Island State.   Ang buong mundo ay nakakatutok muli sa Pilipinas at sa Versalia Island so talagang kahit ang Republican States of the Philippines Government ay bigay todo din sa pagsuporta sa gaganaping Event.   Hindi lang pala Senior Ball ang magaganap.   Ang official launching to the public ng mga anak ng current rulers ng T.A.N ang mangyayari. Pupunta dito ang mga pinuno nila kaya sobrang higpit ng security.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD