Chapter 14

1042 Words
“Pero alam mo dahling mali ka sa isang bagay...” seryosong sabi ni Neil sa girlfriend.   “Saan naman?”   “Hindi happy ang mga iyon! Tom Jones ang eksena nila doon. Tinangay ni Mystina ang bouffet!”   Binato nya ito ng sapatos pero nakailag naman ito. Nagtawanan na lamang silang lahat. -0- “Well, after ng gabing iyon, lahat ay nagbago,” sabi ni Stellar, “Dahil sa naging bayolente kong ugali after that at sa panununtok ni Neila, napalipat kami sa Phidoch faction”   Tumango si Niela at kumindat sa akin, “Well, nung una natakot ako. Parang pinatapon ka sa faction kung saan hindi ka na makakagapang ng buhay palabas.”   “Well, hindi na kailangang gumapang. Sa tindi ng ugali at fighting skills netong si Stellar, in just a span of few months naging Representative Councilor na siya at naging Coordinator ka na my girlfriend,” masayang sagot ni Shivali kay Neila.   “Yes. Naging maingay at fame w***e na si Mystina after that. Wanting to prove to everyone that she is not the same person as she was before, napalipat naman silang dalawa ni Shivali sa Zymeth,” masayang kwento ni Stellar.   Nagbow si Shivali na parang nagbibigay galang kay Stellar at humarap sa amin ni Ravinder, “Yes. Kapareho din nila Niela at Stellar, almost the same time. Naging Representative Councilor ng Zymeth si Mystina at ako naman ay ang coordinator niya. Actually, mas madali yung sa amin nitong tulog na ito. Halos sambahin siya ng mga Zymeths the moment she stepped into their school compound. Imagine, bumalik sa kanila ang descendant nila Alyssa at Steven. Para mo na ring sinabi na bumalik ang tagapagligtas nila,” natatawang iling nito sabay pisil sa pisngi ni Mystina.   Napatawa kaming lahat at bigla na lang nagising ang na dehydrate na si Mystina at nagpalingon-lingon.   “Estofado?!” malakas niyang hiyaw sabay lingon sa ate nya, “Ube?” inosente nitong tanong sabay ngiti na animo’y bata lang.   Napatawa silang tatlo sa Representative Councilor ng Zymeth at tinulungan itong makatayo.   “Naku, tara na Mystina. May kailangan pa tayong asikasuhin. Hindi magsisimula ang bola kung hindi natin aayusin,” makahulugang sabi ni Shivali dito sabay hatak.   Tumingin sa akin si Mystina sa akin ng makahulugan at ngumisi, “I bet magugustuhan mo ang bolang hinahanda namin Verna! Maboboladas ka talaga at mabibilog ang ulo mo! Promise!”   “Hah?” naguguluhan kong tanong.   Napangiwi kami ni Ravinder ng batukan ni Stellar ang kapatid na kung ako siguro ang tinamaan ay gugulong ako sa semento sa sobrang sakit. Pero simpleng ouch lang ang sinabi ni Mystina na parang sanay na sanay na.   “Kahit coordinators din sila, they are not privy on that information. Stop divulging things kung hindi ay itatapon ko ang yema cake mo sa imburnal!” banta dito ni Stellar sabay lakad ng mabilis palayo habang naka angkla ang mga kamay sa braso nila Shivali at Neila.   “Hintayin moKUWAIT!” sigaw ni Mystina sabay takbo.   Kunot noo kong tiningnan si Ravinder na nagkibit balikat na lang at napakamot sa likod ng ulo.   “Don’t look at me Verna. Ganyan na talaga ang mga yan since nung mga bati pa kami.   -0-   “You know this is my favorite part. Kasi dito mo makikita na magtatagpo sila ng prinsipe pero hindi niya malalaman na siya pala iyon till chapter three,” excited kong sabi sa mga bata sa harap ko.   Nagpalakpakan ang mga batang babae na nakaupo sa damuhan sa harap ko. As usual from all factions pero ang nakakagulat lang ay pati mga students from grade four to six ay nandito na din.   Seems like fairytales and dreams are really not only for the young gullible ones. Pati etong mga babaeng halos magdadalaga na ay nakikinig pa din ng mga stories like these.   “Coordinator Verna, totoo ba ang mga happy endings?” inosenteng tanong ng isang grade three stundent from Almorica.   Tumango naman agad ako, “Oo naman. Minsan nga lang hindi natin nakikita dahil nag-eexpect tayo ng iba. Minsan nasa atin na pala o na reach na pala natin yung happy ending natin, hindi lang natin napapansin.”   “Madali lang bang magka happy ending Coordinator?” tanong ng isang grade two student from Fenrir.   “Hindi. Iyan ang isa sa mga bagay na sigurado ako. Mahirap marating ang masyang katapusan. Sa mga perpektong stories na nababasa natin parang napakadali diba?” tanong ko hindi lang sa kanya kundi sa ibang mga nakikinig sa akin.   Nagsitanguan sila sa akin at nagpatuloy ako.   “Pero iba ang totoong buhay. Ang hirap, madaming problema at pasakit. Hindi ko ito dapat siguro sinasabi sa inyo pero ayokong umasa kayo na madali lang ang lahat. Na sa isang wasiwas lang ng magic wand, magkakatotoo na lahat,” seryoso kong sabi sa kanila.   Napaiyak naman ang isang grade one student. Parang hindi niya matanggap ang sinabi ko.   Tumayo ako sa aking bench na kinauupuan at lumuhod sa tapat ng naiyak na bata at hinawakan ko ang kanyang kanang pisngi at pinawi ang kanyang mga luha.   “Pero alam mo kahit nag-iisa ka lang sa buhay, makakaya mo pa ding magpatuloy,” paninigurado ko sa kanya at tiningnan ko lahat ng mga batang nakaupo sa unahan ko, “Magtiwala lang kayo sa sarili niyo at kahit ano pang bagyong dumating sa buhay ninyo, patuloy na magliliwanag ang araw ng pag-asa sa likod ng madidilim na ulap magpakailanman. Hindi ito mawawala, bagkos babalik din matapos ang ulan. Wag kayong bibitiw sa kabutihan at pagmamahal at patuloy kayong magliliwanag sa masalimuot na buhay na ito. Pag nagawa ninyong lahat iyon, mararating din natin ang ating mga happy endings.”   Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan silang lahat, “Ito na ang huli nating book session. Sana may natutunan kayong lahat kahit kaunti lang. Naniniwala ako na ako at kayo ay magiging matatatag. That is all. Go and start your journey towards your very own happy endings!”   Sa gulat ko ay sa halip na magtakbuhan paalis gaya ng lagi nilang ginagawa ay nagsilapitan ang mga ito sa akin at niyakap ako ng sabay-sabay.   No words...   Just embraces and tears...   “Thank you,” naiiyak kong sambit sa mga batang nasa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD