CHAPTER 2

1643 Words
Alexis Nakarating din kami sa destination namin, isang restaurant malapit sa mall. Pagpasok namin ay bumati sa kaniya ‘yong mga crew. “Magandang tanghali sa inyong lahat.” Ngumiti siya. “You owned this?” Tumingin ako diretso sa mga mata niya. Natawa naman siya. Natulala akong muli, ang sarap pakinggan ng tawa niya. “Ano ka ba? Hindi, ‘no. Madalas lang ako rito kaya kilala na nila ako. Tara!” Nang makaupo kami ay agad kaming inabutan ng menu. “Ano bang masarap dito?” Tanong ko habang binabasa ito. “Ito! Iyan ang favorite ko rito at isa ‘yan sa best seller nila.” Ngumiti siya. “Hmmm…it looks delicious. Sige, ito na lang.” Nag-order na siya. Grabe, hindi ko maiwasan hindi matulala habang binibigkas niya ang order namin. “Oh! Bakit natutulala ka r’yan?” Tumawa siya. Nakakahiya nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. “A-ah, wala naman. Siya nga pala, hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa nangyari kanina.” “Ah! Ayon ba? Okay na ‘yon. Alam mo ba? Muntik na kitang masungitan kanina at nainis din talaga ako na hindi ka man lang humingi ng pasensiya.” “Nako! Sorry talaga. Sa pagmamadali ko hindi ko na nagawa.” “It’s okay. Naintindihan ko naman.” “Thank you! Sorry, nagasgas na ‘yong cellphone mo.” “No problem, ang importante naibalik na ito sa akin. May gasgas din ‘yong sa iyo.” “Okay lang ‘yan. Remembrance.” Tumawa ako dahilan upang matawa rin siya. “You know what? Nakakatuwa ka. Kakikilala lang natin, pero parang matagal na kitang kilala.” “Kaya nga. We got the same vibes.” Ngumiti ako. Maya-maya, dumating na ang order namin. Nagpa-picture kami para remembrance raw. Nagkuwentuhan din kami at mas nakilala ko siya. “Congrats in advance. Konti na lang ga-graduate ka na.” “Thank you. Kaya nga! Finally! Ikaw, ano ang pinagkakaabalahan mo?” “Ah! Heto naghahanap ng trabaho. Feeling ko nga hindi ako makukuha roon. Gusto ko talagang mag-unwind, sakto ang pagdating mo.” “Oh! Bakit mo naman nasabi ‘yan? Huwag mong pangunahan. I’m rooting for you.” Ngumiti siya. “Same here. Hindi maganda ang naging simula ng araw ko.” “Thank you. Kaya siguro tayo pinagtagpo para i-comfort ang isa’t-isa.” Tumawa ako. “Siguro nga. Kaya thankful ako na nakilala kita.” Ngumiti siyang muli. May kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag nang marinig ko ‘yon, napangiti na lang ako. Ang saya niyang kasama, may sense of humor siya at ang gaan na agad ng loob ko sa kaniya. “Thank you, Nikka for bringing me here. Sobrang sarap ng pagkain.” “You’re welcome. Kaya madalas ako rito lalo kapag hindi ako okay, kasi sa tuwing kumain ako rito ay gumaan ang pakiramdam ko.” “Good food, good mood.” Ngumiti ako. Maya-maya, lumapit ‘yong crew. “Ah! Ako na, Nikka.” Akmang kukunin ko ang wallet ko. “No, ako na ito, Alexis. Ako ang nagyaya sa iyo rito, di ba?” Ngumiti siya at tumingin diretso sa mga mata ko. Hindi na ako nakapalag. “Nakakahiya naman.” “Ano ka ba? Eh, di, kung gusto mo sa susunod ikaw naman.” Nakangiting wika niya. Ang saya ko nang marinig kong may next time pa. “Sure! Ako naman, ha!” Napansin ko na natulala siya, bigla ko siyang ginulat. Napasigaw siya sabay hampas sa akin. “Aww!” Napahawak ako sa braso ko. “Hala! Sorry. Hindi ko po sinasadya. Eh, ginulat mo po kasi ako.” Malambing niyang sabi sabay haplos sa braso ko. “Sorry na po hindi ko po sinasadya.” May parang kung ano’ng kumikiliti sa aking t’yan. “Hala! Joke lang. Hindi naman masakit, eh!” Ngumiti ako. “Ikaw talaga!”Sabay hampas ulit. “Aww! Masakit na ‘yon.” Kunwari nagtatampo ako. “Hala! Sorry po. Ikaw naman po kasi niloloko mo ako.” Ang sarap marinig ng malambing niyang boses. “Ang seryoso mo kasi, eh. Ano ba kasing iniisip mo?” “Wala.” Matipid niyang sagot. Bigla akong nalungkot, kapag iniisip ko na maghihiwalay na kami, nami-miss ko na agad siya. Hindi ko talaga maipaliwanag ‘yong nararamdaman ko. Ang saya ko ngayong nakasama ko siya. “Oh! Alexis, bakit ikaw naman ang nanahimik d’yan?” “A-ah, kasi naman ang bilis ng oras. Mamaya uuwi na tayo.” Malungkot ang tono ng boses ko. “Ano ka ba? Hindi na ba ulit tayo magkikita? Di ba nga, ililibre mo pa ako.” Tuminigin siya diretso sa mga mata ko at ngumiti. Bigla akong nabuhayan nang marinig ko ‘yon. “Ah! Oo nga pala.” “Don't be sad. Nasa call log mo naman ang number ko, text mo ako, ah!” Ngumiti siya. “Oo naman!” Napangiti rin ako. “Oh? Paano ba ‘yan? Time to go home. Maaga pa ang pasok ko bukas. Gusto mo sumabay ka na sa akin pauwi?” Tumingin siya diretso sa mga mata ko. “A-ah, huwag na. Magko-commute na lang ako.” “Ano ka ba? Late na, oh. Hatid na kita. Tara na! Naka-park sa mall ‘yong sasakyan. Hatid na kita, I insist.” Ngumiti siya. How can I resist? “Ah, okay. Sabi mo, eh! May magagawa pa ba ako?” Pabirong sabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang naglalakad kami. I just met her, pero sobrang gaan ng pakiramdam ko when I’m with her. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami. Sinindi niya ang radio, tanging ang kanta lang ang maririnig mo. “Saan pala ‘yong sa inyo?” Binasag niya ang katahimikan. “Ah, sa Irisville Subdivison.” Ang tahimik talaga, nararamdaman ko na lang ang bilis ng t*bok ng puso ko. Naririnig kaya niya ito? Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko at marahan ko itong tinatapik. Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Nalungkot ako kasi hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita. “Oh, paano? It's time to say our goodbyes now. Thank you, Nikka.” “Ano ka ba? Maka-goodbye naman. Farewell lang.” Ngumiti siya. “Ah, sabi ko nga. Salamat sa time at paghatid.” “Salamat din. Nag-enjoy ako sobra. Text me, okay?” “Ako rin, nag-enjoy ako. Nawala ‘yong pag-aalala ko sa interview ko.” Nagkatitigan kami, bumilis lalo ang t***k ng puso ko. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko, para akong nalulunod sa tingin na ‘yan. “A-ah, it’s getting late na. Thank you ulit at ingat, ha?” Akmang bababa na ako. “Wait!” Napalingon ako sa kaniya at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Sa tingin ko namumula ang pisngi ko, dahil sa init na nararamdaman ko mula rito. “Oh? Bakit natulala ka?” Nakatingin lang siya diretso sa mga mata ko. “Beso?” “Ah? Nagulat lang ako. Sige. Ingat ka, okay?” “I will. Thank you.” Ngumiti siyang muli. Umalis na siya at sinundan ko nang tingin ang sasakyan niya. Magmo-moment pa sana ako habang nakahawak sa pisngi ko nang bigla akong gulatin ni Sam na nasa likod ko na pala. “Oh? Best! Gulat na gulat ka naman. Para ka namang nakakita ng multo!” Tatawa-tawa siya. “Eh, paano bigla-bigla kang sumusulpot!” Napahawak ako sa dibdib ko. “Ang ganda ko namang multo.” Patuloy siya sa pagtawa. “Hmm...sino ‘yon?” “Sino ang alin?” “Sus! Eh, di, sino pa? Iyong naghatid sa iyo? Bago mong manliligaw?” “Etchosera ka talaga, best!” “Eh, sino nga ‘yon?” Ganito talaga itong best friend ko parang detective, ang daming tanong. Ang kulit, hindi titigil hanggang hindi niya nalalaman ang sagot. “Bagong kaibigan ko.” “Weh? Kaibigan ba talaga?” Tumingin siya diretso sa mga mata ko. “Hay nako! Samantha. Huwag ka nang magtanong kung hindi ka rin maniniwala sa sagot.” “Ang sungit! Talagang binuo mo ang pangalan ko, ha. Maiba ako, kumusta ‘yong interview mo?” “Hay nako, best. Huwag na nating pag-usapan. Tingin ko hindi okay.” “Batukan kaya kita! Ang nega mo naman.” “Pumasok na kaya tayo sa loob, do’n na lang tayo magkuwentuhan.” Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin. Childhood friend ko siya, same school din kami nag-aral. Partner in crime ko ito. “Aba! Dapat lang! Mukhang marami kang dapat ikuwento sa akin.” “Siya! Maiba ako. Kumusta ang araw mo?” “Okay naman. Huwag mong ibahin ang usapan.” Ilang oras din kaming nagkuwentuhan hanggang sa magpasiya na siyang umuwi. “Oh! Bukas na natin ituloy ang chika. Inaantok na ako.” “Hay! Mabuti naman.” Tumawa ako. “Tatawa-tawa ka pa. Basta! Bukas. Good night, best.” “Oh! Ingat ka! Baka sa kalsada ka na makatulog sa antok.” Patuloy ako sa pagtawa. “Sira! Matulog ka na rin.” “Oh! Umuwi na pala si Sam. Kumusta ang araw mo, anak?” “Okay lang po, Ma.” “Mukhang pagod ka na. Sige bukas na tayo magkuwentuhan. Tulog na rin ang papa mo.” “Sige po, Ma. Good night po.” Sabay yakap. “Good night, anak. I love you.” Sabay halik sa noo ko. “I love you po.” Pumasok na ako sa kuwarto at nag-freshen up na. Pahiga na ako nang maalala ko na hindi pa nga pala ako nakapag-text kay Nikka. Napapangiti ako habang nagta-type. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naaalala ko siya. Napatingin ako sa kisame. “Ano ba itong nararamdaman ko sa iyo, Nikka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD