bc

Yellow Chrysanthemum

book_age16+
237
FOLLOW
2.2K
READ
HE
heir/heiress
drama
mystery
loser
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Tagalog Writing Contest Forbidden Love

Upon bumping into each other, Alexis and Nikka exchanged their cellphones. A strange connection was felt by them when they met to return it. It's possible that it's love at first sight.

As time went by, they became closer to each other, particularly when Alexis was hired by Nikka's father.

No matter how much they hide their emotions, the truth cannot be concealed. At one point, Nikka revealed her feelings and it was reciprocated. Although they were together, they kept their relationship private because society considered it wrong and they waited until they were ready to tell their parents.

Things seemed fine, until Nikka's dad caught them and separated them.

Will they fight for their love or part ways because it is the right thing to do?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Alexis Napabalikwas ako nang marinig ko ang alarm, agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Ngayon ang interview ko sa isang company. “Good morning, Ma.” Niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi. “Good morning, anak. Kumain ka muna.” “Ma, hindi na po.” “Ang aga naman ng anak ko.” Si Papa na hawak ang tasa ng kape sabay higop dito. “Good morning, Pa!” Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. “Mauna na po ako, baka mahuli po ako sa interview.” “Good luck, anak.” Tumayo si Mama at inayos ang kuwelyo ng puting polo ko. “Kayang-kaya mo ‘yan.” Ngumiti siya. “Thank you po.” “Good luck! Ingat sa pagmamaneho.” Paalala ni Papa. Ang sarap talagang maramdaman ang pagmamahal at suporta ng pamilya. Lumalakas tuloy ang loob ko. Sumakay na ako sa sasakyan. Kapag minamalas ka nga naman, oh! Ayaw mag-start. “Ngayon pa talaga? Kung kailan nagmamadali ako.” Sabay hampas sa manibela. No choice. Magku-commute ako, mapapamahal ako sa taxi nito. Hindi naman ako puwedeng ma-late. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi naman ako nahirapang humanap ng taxi. Habang nasa biyahe, pinapakalma ko pa rin ang sarili ko. “Kaya mo ito, Alexis!” Pagtingin ko sa bintana ay nasa harap na kami ng building ng company. “Ito po ‘yong bayad, kuya. Maraming salamat po.” Dali-dali akong bumaba— sa pagmamadali ko ay may nakabungguan ako, ang bango niya. Nahulog ‘yong cellphone ko at ganoon din ang sa kaniya, pareho pa kami ng model. Dinampot ko ‘yong malapit sa paanan ko. Pagtingin ko kung sino ‘yong nabangga ko, natulala ako, ang ganda n’ya. Siguro applicant din siya. Tiyak! Kuha na siya. Matangkad siya, siguro nasa five feet and five inches ang height n’ya, maputi, maganda ang kaniyang pangangatawan, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, mahaba ang mga pilikmata at kulay brown ang mga mata. Nakatitig lang siya sa akin. Nahimasmasan ako nang bigla kong maalala ang interview. Sa pagmamadali ko ay umalis na ako nang hindi man lang ako nakahingi ng tawad. Huminga ako nang malalim bago ko buksan ang pinto. Kinakabahan talaga ako at pakiramdam ko pawis ang kamay ko. Nakakakahiya sa HR nang kamayan ako. Nagsimula na siyang magtanong. Kahit kinakabahan ako ay sinagot ko ang mga ito with confidence. “Okay, we'll call you.” Nang marinig ko ito ay nawalan ako ng pag-asa. Palabas na ako nang maalala kong muli ‘yong babae kanina. Sh*t! Ang ganda talaga niya. Nai-insecure ba ako kasi mas maganda siya sa akin? Hindi naman ito ‘yong first time na makakita ako ng maganda. Araw-araw nga, sa tuwing tumitingin ako sa salamin. Napapangiti at napapailing na lang ako sa naiisip ko. Kinuha ko ‘yong cellphone sa shoulder bag. “Nagagas na, wala kasing case, eh.” Pagpindot ko, laking gulat ko! Picture no’ng babae kanina ‘yong wallpaper. “Namamalikmata lang ba ako?” Tinignan kong mabuti, siya nga talaga. Aww! Nag-swap ang cellphone namin. “Mali ‘yong nadampot ko.” Napa-facepalm ako. “Paano ito ngayon? Plano ko pa namang i-text si Sam para mag-unwind. Bahala na! Kailangan ko ‘yong cellphone ko. Andoon lahat ng contacts ko.” I decided to call my number. “Sana sagutin niya. Aww! Out of coverage area. Malas nga naman, oh! Hays! Ano ang gagawin ko rito?” Aligaga na ako at hindi ko pa rin alam ang gagawin. “Paano ko mababawi ‘yong cellphone ko? Lintik naman, oh!” Naisipan ko munang maglakad-lakad sa isang mall na malapit dito. Maya-maya, nagulat ako nang may tumawag sa cellphone niya. “Sagutin ko kaya? Ano ang sasabihin ko? Eh, hindi naman sa akin ‘to.” Dahil sa pagka-curious ko kung sino, ay agad ko itong kinuha. Laking gulat ko nang makita ko ang number ko. Dali-dali kong sinagot kahit medyo kinakabahan ako. Ang weird, hello lang ang nasabi ko? Kanina ang dami kong gustong sabihin. Bakit ganito parang nauutal ako? “Hi! Miss. Nagkapalit tayo ng cellphone. Pasensiya na hindi ko nasagot ‘yong tawag mo kanina. I have class a while ago.” Ang hinhin ng boses niya. “Ah! Oo nga, eh, no’ng nagkabanggaan tayo. Sorry naistorbo kita. May klase ka pa ba?” “Wala na.” Ang tipid ng sagot niya. Ano ang sasabihin ko? I’m out of words. “Ahmm...gusto mo mag-meet tayo?” Hindi ako makapaniwala na lumabas ito sa bibig ko. Pumayag naman siya at napagdesisyunan naming magkita rito sa mall. “Okay! Just wait for me, okay?” Ang sweet ng boses niya. Bakit parang nasasabik ako na makita siyang muli? Nagpunta ako sa CR para mag-retouch, nakakahiya naman kapag nakita niyang haggard ako. Maya-maya, tumawag na siya. Sayang ang regular load ko, pero okay lang. Nang mga sandaling iyon kinakabahan ako. Sabi niya magkita raw kami sa tapat ng Chimmy’s. Pababa na ako sa escalator, malayo pa lang siya ay tanaw na tanaw ko na, ang ganda talaga niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Nang papalapit na ako ay bigla siyang kumaway, “Hi!” “H-Hello!” Nahihiya at kinakabahan ako. Samantalang siya naman ay nakatitig lang at nakangiti, “Ito na pala ‘yong cellphone mo.” Sabay abot. Ang ganda niya, iyong ngiti niya, nakakahawa. Hindi ko maipaliwanag. “Salamat! Ito na rin pala ‘yong cellphone mo.” Nahawakan ko ‘yong kamay niya, para akong nakuryente. “Thanks! By the way, I'm Nikka Ashley Romulo and you are?” Tumingin siya sa mga mata ko. “Nice too meet you, Nikka! I'm Alexis Nicole Galvez.” Nakipagkamay ako, ang lambot ng palad niya. Sa pagkakataon ngayon ay hindi na ako nakuryente. “Nice to meet you too, Alexis. What do you want to do?” Nakatitig lang siya at naghihintay ng sagot. Hindi ko alam ang isasagot at natulala ako, napakaganda talaga niya lalo kapag nakangiti. “Okay ka lang ba, Alexis?” Nahimasmasan ako, tanging ngiti at tango lang ang naging sagot ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero hinayaan ko na lang, just go with the flow. Timing ang pagdating niya kasi gusto kong makalimot sa nangyari sa interview ko kanina. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. What’s with her?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
364.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook