"Shan, look. Gwapo ba?" Kinalabit ako ni Dahlia na nakaupo ngayon sa tabi ko. Nag-re-review ako ngayon dahil mayroon daw quiz para sa subject ngayon pero ang kaibigan ko ay ngingisi-ngisi lang na naghahanap ng gwapong lalaki sa isang dating app.
Kumunot ang noo ko. "Can you please stop disturbing me, Dahlia? I'm studying. But no, hindi kayo bagay." Inirapan ko siya at muling binuklat ang libro para magpatuloy sa pag-re-review.
"Whatever. I'll just find you a man na lang. Hindi ka ba nababagot sa buhay mo?" pangdadaldal niya pa pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasaulo ng mga terms na mahirap bigkasin.
Si Dahlia ang tanging bestfriend ko na nakilala ko pa noong 8 years old ako. Magkaibigan ang parents namin kaya kapag may mga events ay naiimbitan kami. Saulong-saulo ko na rin ang buong pagkatao niya at gano'n din siya sa ‘kin. Minsan nga lang ay nagiging dependent siya sa akin, pero ayos lang dahil ako naman ang mas matanda sa amin.
"Lim, can you lend me my pen? Gumulong kasi papunta sa ilalim ng upuan mo." Automatic na nag-init ang pisngi ko nang lapitan ako ng kaklase kong si Darius, ang lalaking halos tatlong taon ko ng crush. "Sorry, naka-skirt ka kasi. Baka isipin mong sinisilipan kita kapag kinuha ko iyon sa ilalim mo."
Gentleman! Kaya crush na crush kita eh!
Narinig ko ang pag-ubo ni Dahlia na nagkukunwari pang hindi nakikinig sa amin. Hindi pa rin humuhupa ang pag-iinit ng pisngi ko kaya dali-dali akong yumuko at iniabot sa kanya ang ballpen niya. Matindi ang pagpipigil ko ng kilig dahil ayaw kong may makaalam na crush ko siya. Hindi ‘yon tatanggapin ng pride ko, ‘no! Hinding-hindi ako mag-fi-first move kahit pa baon na baon sa lupa ang pagkagusto ko sa kanya! Sa ganda kong ‘to?
"Thanks, Shantelle." He smiled. Halos sumabog ang internal organs ko dahil sa naramdamang kilig. Gusto kong magwala at hampas-hampasin si Dahlia pero hindi ko na ginawa pa dahil baka mapagkamalan lang akong baliw na baliw sa kanya.
"Grabe maka-blush ah? Kilig na kilig 'yan?" Nang-aasar na tumingin sa ‘kin si Dahlia na agad kong sinamaan ng tingin. Tumawa lang siya saka muling pinagtuunan ng pansin ang screen ng kanyang cellphone na may mirror selfie ng isang lalaking naka-topless. Sa baba pa no’n ay may nakalagay na “Tyron, 24” na mayroon pang katabing emoji ng apoy. Yuck, masyadong pa-yummy.
Bumalik ako sa pagsasaulo pero wala ng pumapasok sa utak ko ngayon dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagiging slow ko sa mga lessons o talagang hindi lang ako maka-move on sa interaction namin kanina. Ano na lang ang isasagot ko sa exam mamaya? Kwento ng kalandian ko? Kailangan ko na yatang mag-cleanse for the nth time!
"Hindi kayo bagay." Umiling-iling siya bago tumitig sa pintuan, kung saan kakapasok lang ng mayabang naming kaklase, si Jaxon.
As usual, halos maputol ang ulo ng mga babae naming kaklase katititig sa kanya. May mga babae ring nakikisilip pa sa bintana at nagkukunwaring dumadaan para lang masilayan siya. Hindi ko sila ma-gets. Oo gwapo siya, pero saksakan naman ng yabang. Hindi ba nila nakikita 'yon? Mabuti pa si Darius, gwapo na nga, mabait pa. Gano'n sana, hindi ‘yong walang substance katulad ng GGSS na 'yan.
"Baka matunaw ako sa titig mo, Miss?" Humalakhak siya pagkadaan sa harap ko.
Excuse me? Hindi ako nakatitig, 'no!
"Ang pogi,” kinikilig na bulong sa akin ni Dahlia bago nagpatuloy sa paghahanap ng lalaki sa panibagong dating app na in-install niya. "‘Yon ang bagay sa'yo."
Inis akong bumaling kay Dahlia. "No way. Baka ikamatay ko pa kapag nakasama ko ang isang 'yon!"
Tinawanan lang niya ako habang nakikipag-chat sa nahanap niyang lalaki na type niya raw. Inilingan ko na lang siya at nagpatuloy sa pag-re-review kahit na kanina pa nag-fa-flashback sa utak ko ang sinabi ni Jaxon kanina. Ano raw? Miss? Tatlong taon na kaming magkaklase sa subject na 'to tapos hindi pa rin niya alam ang pangalan ko? Mas lalo tuloy akong nainis! Galit na galit ako sa kanya dahil sa pagiging mayabang niya pero siya ay hindi man lang ako kilala? The hell?
Kung pwede lang talagang i-drop 'tong subject na 'to, ginawa ko na. Bakit naman kasi makakasama ko pa siya sa iisang classroom? Lagi ko tuloy na-fi-feel na pinagkakaitan na ako ni Lord ng peace of mind dahil sa tuwing nandyan si Jaxon ay automatic na ang pagkulo ng dugo ko sa kanya. Ewan ko ba, nakakainis siya. ‘Yong mata niyang mukhang nanghuhusga, ‘yong kilay niyang laging tumataas, ‘yong bibig niyang hindi matigil sa kakatawa, at ‘yong presensya niyang nagsusumigaw ng kayabangan! Lahat 'yon, naipon lang sa katawan ng isang tao. At kung minamalas nga naman, ‘yong taong ‘yon ay araw-araw ko pang nakikita!
"Miss, pahingi nga ng papel." Kinalabit ako ng nakakainis na si Jaxon. Bwiset, bakit pa kasi sa likod ko siya nakaupo? Panira ng araw eh!
Umirap lang ako at hindi siya pinansin pero dahil nga sa tinatraydor ako ni Dahlia, in-entertain niya pa si Jaxon habang patagong kinukurot ang kamay ko dahil sa ginawa kong pagsusungit.
"Teka lang daw, Jax. Pasensya na ha, may dalaw kasi 'tong kaibigan ko." Ay sus, palusot! Bakit 'di mo na lang sabihin sa kanya nang diretsahang galit ako sa kanya?
"Ayos lang, Dahlia." Humalakhak na naman siya. "Araw-araw ba siyang may dalaw? Palaging galit sa ‘kin eh."
Parang gustong mag-usok ng ilong ko dahil sa inis sa kanya! Freak! Kahit wala akong dalaw, nag-uumapaw pa rin ang inis ko sa ‘yo, 'no!
"Naku, Jax, ganyan talaga 'pag walang jowa."
DAHLIA!
At dahil mukhang mapupudpod na ang kuko ni Dahlia sa kakukurot sa kamay ko ay nagpunit na lang ako ng limang papel saka inis na binalingan ang nakangising si Jaxon. Shet, nag-maximum level tuloy ‘yong inis ko nang makita ko ‘yong nakakalokong mukha niya!
"Huwag kang pumasok kung wala kang papel." Mataray ko siyang tinalikuran. Akala ko ay nagtagumpay ako sa pang-iinsulto sa kanya pero nagulat na lang ako nang malakas siyang tumawa dahil do'n.
Anong nakakatawa? Galit ako! Hindi ako nakikipagbiruan!
"Ang taray mo naman, Miss. Parang hindi ka tumitig sa akin kanina ah?" Mas lalo pa siyang tumawa dahilan para magsiakyatan ang dugo ko papunta sa mukha. Kayang-kaya niya talagang bwisitin ako kahit sa simpleng paghinga niya lang!
Lumingon ako sa kanya at nagsalita. "First of all, Mister, I am not obliged to give you a piece of paper because it's your responsibility to bring that as a student. Late ka na ngang pumapasok, wala ka pang papel? Second, hindi ako nakatitig sa ‘yo kanina. I was just memorizing these terms kaya natingnan siguro kita unintentionally. Third, my name is Shantelle, not Miss. We've been classmates for years tapos gano'n pa rin ang tawag mo sa akin? And lastly, you should be aware that you're really annoying and your laugh makes it even harder for me to stop myself from punching you! So please, stop being so noisy and be considerate with people who hates you, okay?!"
Napanganga siya sa sinabi ko but I... failed. Ilang segundo pa ay mas lalo pa siyang napahagalpak sa tawa. Parang sinasabi pa ng tawa niya na lahat ng sinabi ko kanina ay nonsense. What a freak!
Matapos siyang kumalma sa malakas na pagtawa ay siya naman ang nagsalita. "First of all, Miss, I asked for a paper because your tumbler is leaking a lot of water under your chair. I was planning to clean it with a paper para sana hindi ka na mag-abala pa! Second, I caught your eyes following me earlier kahit na gumalaw-galaw man ako sa harap mo. Of course, I would think that you're staring at me! Third, you should also stop calling me Mister, my name is Jaxon Reigan Venturi, okay? And I know who you are. You are Shantelle Sophia Lim, I just didn't know what to call you because you got angry at our classmate when we were in first year because he called you by your name, right? And lastly, it's not my fault if you find my presence annoying. I don't want to be considerate with people who hates me because why would I? If you don't like me then I shouldn't be the one to adjust, okay?!"
Ngayon naman ay ako ang napanganga. Pati si Dahlia na abala sa pag-ce-cellphone ay napangisi at bumulong pa ng "may point". Ugh! I really hate him!
"Whatever, Jaxon. You're unbelievable." Inirapan ko siya at muling humarap sa librong na-stuck na sa isang page. Hindi na ako nakapag-review nang maayos dahil sa kanya!
"Whatever Jaxon," he mocked. "Napakasungit mo, wala naman akong ginagawa sa ‘yo." Muli siyang tumawa.
Mabuti na lang at dumating na ang prof namin kaya't napigilan ko ang sarili kong manapak ng tao sa likod. Sisipol-sipol pa kasi siya at paulit-ulit na ginagaya ang boses ko kanina noong sinabi ko ang "whatever Jaxon" na hindi man lang niya makalimutan.
Freak!