PROLOGO
Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa ‘kin nang makababa ako sa eroplano. Sumisipol pa ito habang tinatangay ang alon ng aking buhok. It felt welcoming, as if it was telling me that I did well for the past 5 years, when I was away.
"Welcome home, Shan." My brother hugged me. "You're getting late. Kanina pa nagsimula ang birthday party ng kaibigan mo."
He was quiet the whole ride, ramdam ko rin ang pasulyap-sulyap niya sa akin magmula noong magsimula ang byahe papunta sa bahay ng kaibigan kong si Dahlia. Wala siyang pinagbago. He still looks incredibly young. Hindi ko nga lang alam kung paanong wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon, eh mukha namang hindi siya mauubusan ng babae sa ganyang itsura.
I was staring at the window the whole time, admiring all the changes and improvements of the city. Mukhang pinaganda nga nila nang maigi ito. Maraming nadagdag na mga gusali, kalsada, at mga ilaw. Mas dumami rin ang mga malalaking billboards na makikita agad sa bawat gilid ng kalsada. Iba-iba iyon, may mga bagong produkto pero mayroon pa rin namang advertisements na naabutan ko pa noon.
Vinci Laurel.
Natawa ako sa naisip. I suddenly remember how I told him that I see him as a model of this brand. I didn't get to see the whole billboard, though. Katawan lang ang nakita ko roon, and it’s funny how it reminded me of him.
"How was your flight?" My brother, Thaddeus, broke the silence.
"Ayos lang, nanibago lang ako." I answered without looking back at him. "How's your family?"
"Shan, it should be OUR family. Ilang beses ko bang ipapaalala sa ‘yo 'yan?" He sounded pissed. "Dad was very excited when I told him that you'll be home tonight. He even cleared his schedule for today and tomorrow just to welcome you."
"Hindi na ba siya galit sa akin?" Bumaling ako sa kanya na nakatuon pa rin ang pansin sa kalsada. Lumiko na kami sa isang exclusive subdivision na pag-aari ng pamilya ni Dahlia.
"Hindi naman siya nagalit sa ‘yo kahit kailan, Shantelle. Iniisip mo lang 'yon." Muli akong bumaling sa bintana at pinagmasdan ang mga malalaking bahay na nadaraanan. "He will never be angry at his only daughter. Remember that."
Hindi na ako sumagot pa nang maaninag ko ang isang pamilyar na bahay sa harap, bahay iyon ng kaibigan kong si Dahlia. Excited akong lumabas ng sasakyan dahil alam kong magugulat siya sa pagdating ko. Ngayon kasi talaga ako umuwi ng Pilipinas para lang masurpresa siya ngayong birthday niya. Inihanda ko na rin ang sarili sa mga posibleng bisita niya na kakilala ko noon.
Pinapasok agad ako ng helper nang makilala ako, natulala pa ito at tumitig sa akin saglit bago aligagang binuksan ang gate at itinuro sa akin ang backyard kung saan kasalukuyang ginaganap ang party.
"Shantelle? Is that you?" Nanlalaki ang mata ni Jaira na kaklase ko noon, matapos akong makitang papalapit sa party nila.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong venue. Sakto lang ang dami ng tao, karamihan pa’y nag-iinuman na habang ang iba naman ay maingay na nagkukwentuhan. Malakas ang dagundong ng dibdib ko sa kaba, lalo na’t unti-unti ko na ring nakikita ang mga kaibigan at kakilala ko noon. Hindi ko alam. Pakiramdam ko’y dinaya ko sila dahil sa isang iglap ay bigla na lang akong nawala nang walang paalam. Yes, I still blame myself. At hindi na rin ako magtataka pa kung pati sila’y galit din sa akin.
"Huh? Anong sinasabi mo dya— Oh my gosh! Shantelle Lim?" Napatayo sa gulat ang katabi niyang si Harriet. Napatakip pa ito ng bibig habang titig na titig sa akin na naglalakad pa rin papalapit sa kanila. Pilit akong ngumiti, panlaban sa tingin niyang gulat sa akin.
Dahil sa pagsigaw niya ay napatingin sa akin ang mga bisitang nakaupo sa kani-kanilang table. Bakas ang gulat sa mga kakilala ko noon at ang mga hindi naman pamilyar sa akin ay halata sa mukha ang pagtataka sa kung sino ako. Pati sila’y nginitian ko rin dahil nararamdaman ko na ang tensyon sa mga nangyayari. Halos lumabas na nga ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Ang kaninang excitement ay agad napalitan ng pangamba, lungkot, at takot. Pangamba dahil baka hanggang ngayon ay galit pa rin sila sa akin, lungkot dahil sa sitwasyong ibinigay ko sa kanila noong nawala ako, at takot sa kung ano man ang iisipin nila.
Pilit kong inalis ang kaba saka pinasadahan ng tingin ang buong party. Agad na dumapo ang paningin ko sa birthday celebrant na nakangangang nakatitig sa akin habang may hawak pang bote ng wine. Nginitian ko siya kaya agad siyang tumakbo at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Natawa pa ako nang ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at mangiyak-ngiyak na sumigaw sa akin.
Sa isang mahigpit na yakap, bigla ay nakaramdam ako ng pangungulila. I can still feel myself regret for what I did before. Pero heto ngayon, imbes na galit ang isalubong ni Dahlia sa akin, saya pa ang ipinakita niya.
"Hayop ka, Shantelle. Limang taon kang hindi nagparamdam tapos bigla kang susulpot dito? P*tangina ka." Mahina akong napahalakhak sa pagmumura sa akin ng kaibigan.
Nagsilapit na rin sa amin ang mga kakilala at kaibigan ko noong college. Lahat sila ay gulat na gulat pa rin sa pagdating ko, ang iba nga'y maluha-luha pang pinapasadahan ako ng tingin. No words can express how much I’ve missed them all.
"Kakarating ko lang tapos mumurahin mo lang ako? Nakakasama ka na ng loob ah!" pagloloko ko pa habang hinahagod ang likod ni Dahlia kahit na halos maibuga ko na ang kaluluwa ko sa higpit ng pagkakayakap niya.
Nang pakawalan niya ako sa makapigil hiningang yakap ay dumagsa na rin sa harap ko ang mga nag-iiyakan kong kaibigan noong college. Lahat sila ay nagtatanong kung saan ba ako nanggaling at kung bakit ang tagal kong hindi nagparamdam sa kanila. Pinipigilan ko ang luha ko habang isa-isa silang niyayakap at kinakamusta. Nagmukha na ngang reunion ang birthday party nang dahil sa mga nangyayari ngayon.
Ilang minuto pa kaming nag-iyakan at nagkwentuhan, lalo na ang mga close friends ko noong college. Lahat sila ay successful na, karamihan pa nga’y may mga pamilya na. Nakakatuwang isipin na ang lahat ng akala ko ay mali pala, siguro nga’y masyado akong nag-isip nang masama para lang masisi ko ang sarili ko sa pangyayaring kinalimutan na nila.
“Binyag ng anak ko next month! Ninang ka na, ha?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Lirah na pinapaypayan pa ang mata dahil mahal daw ang eyeshadow niya.
“Ang ganda mo na lalo, Shan! May asawa’t pamilya ka na ba?” pabirong sabi ni Harriet na agad ding sinulsulan ng iba.
“Hep! Hep! Huwag muna kayong tanong nang tanong! Kung may dapat mang malaman, ako dapat ang unang makaalam, ‘no!” pangtataray naman ni Dahlia na agad akong marahas na hinila papalayo. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin, dahilan para mas gumaan ang pakiramdam ko.
Natigil ako sa pakikinig sa kanila nang biglang may kumalabit sa akin. Napakunot ang noo ko habang inaalala ang pangalan ng isang pamilyar na lalaki sa harap ko. Pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakasama noon. Tumawa siya at inilahad ang kamay sa akin.
"Hindi mo na siguro ako naaalala dahil mas pumogi ako, Shantelle." Humalakhak siya. "It's me, Tyron."
Napatakip ako ng bibig at pinasadahan ng tingin si Tyron na nakilala ko sa isang musical event noong college. Mas naging matured nga ang itsura niya dahilan para muntik ko na siyang hindi makilala.
"Oh my gosh, I'm sorry hindi kita nakilala. You looked different!" gulat ko pa ring sabi na tinawanan niya.
Lumingon siya sa gilid at agad nagsalita. May kinausap siya roon.
"Aren't you going to welcome her home, Jaxon?"
That name...
Dahan-dahan akong tumingin sa gilid kung saan nakalapat ang tingin ni Tyron.
It’s him.
He's smirking while staring at me. Ang laki ng pinagbago niya. He became more masculine. Pati ang porma at aura niya ay ibang-iba na sa kung ano siya noon. Pero ‘yong mata niya. . . hindi pa rin nagbabago. Kung ano man ang nararamdaman ko noon sa tuwing tinititigan niya ko, gano’n pa rin ang ipinararamdam no’n sa ‘kin hanggang ngayon.
But he suddenly looked away and whispered at the woman beside her. They laughed. He laughed like I wasn't there.. like he didn't see me.
“Magkakilala ba sila ni Jaxon?”
“Hindi naman ata. Hindi nga siya pinansin, eh.”
“Hindi ‘yan. Alam niyo namang matatag ang loveteam nila ni Nathalie”
“True, baka mabaliw ang fans nila kapag nalamang may ibang girl si Jax.”
Naguluhan ako sa mga bulungang narinig ko. Loveteam? Fans? Ano 'yon? What did I miss for a whole freaking 5 years?
"Your ex is now a celebrity, Shantelle. Can you believe that?" Tyron whispered beside me. "Jaxon Reigan Venturi, a very famous model and celebrity in the Philippines... and also the father of your child. Am I right?”