Chapter 1

1679 Words
CHAPTER 1 Marietta College Nueva Ecija                             Boni - Point of View   Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko noong makaramdam ako ng ibayong takot matapos kong mapagmasdan ang malawak na swimming pool sa harapan ko. Ewan ko ba at kahit sobrang gandang tignan ang kulay asul na kulay nito ay hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba. Nakakatakot kasi ang pagiging tahimik nito, hindi pa man ako lumulusong doon ay parang hihigupin na ako nito pailalim.   "Ms. Bonifacia Ciriaco?" narinig kong tawag sa pangalan ko noong teacher namin sa Physical Education. Nagtaas ako ng kamay para makita niya ako.   "First day mo nga lang pala sa klase ko hija, though naka-swimming attire ka na ay hahayaan na lang muna kitang mag-observe ngayon, okay? Then later on after class ay ibibigay ko sa ‘yo ang mga pointers na hindi mo naabutan noong mga nakakaraang discussion,"sabi niya sa akin habang sinusulatan niya ang class card na hawak hawak niya. Tumango lamang ako at iniwan na niya ako ulit.   "Ang swerte ko!" bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong mapabuga ng hangin. Sobrang na relieved talaga ako sa sinabi na iyon ni Teacher Kate sa akin. At least alam ko na hindi ko na kakailanganin pa ang lumusong ngayon sa tubig.   Wala naman talaga akong aquaphobia, it's just that ayaw ko lang mapahiya sa mga new classmates ko kung ako lang pala ang hindi marunong lumangoy sa amin.   Actually ay kaka-transfer ko lang dito sa Marietta College, isang private school na malapit lang sa tinutuluyan ko ngayon. Late na nga ako ng two months sa araw ng enrollment buti ay tinanggap pa nila ako.   So heto, back to my second day as a sophomore student taking up Bachelor of Science in Nursing ay nasabak agad ako sa swimming class. How related di ba? Sabagay talaga namang basic pa rin ang curriculum namin hanggang sa ikalawang taon ng pag aaral.   "Alright! Listen girls! We don't have all the time, okay? Pagkatapos n’yo ay ang mga boys naman ang gagamit ng pool,"sigaw ni Teacher Kate para maagaw niya ang atensyon ng mga classmate ko na parang mga nakawalang itik sa ingay. Pumalakpak pa nga siya ng ilang beses para makuha ang atensyon nila.   "Class tulad nga ng lagi kong sinasabi, be thankful at swimming ang P.E. n’yo ngayon. Why? Because every brain loves swimming. The extra blood and oxygen help you become more alert, awake, and focused. May inire-release itong endorphins sa ating katawan, na tinatawag nating “feel good” hormones," simula ni teacher sa discussion niya. "And before tayo magpatuloy, let me call on Ms. Aerie Maris Caridad, please come forward," tawag ng teacher sa isang classmate namin na agad namang tumayo noong marinig ang pangalan niya.   Napatingin agad ako sa kanya hindi lang dahil sa ganda ng mukha niya o dahil sa bagay na bagay sa kanya ang swim suit na suot niya kung hindi sa ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na tiwala niya sa sarili.   "Si Ms. Aerie ang bahalang mag demo sa atin ng mga swimming style na binanggit sa lecture natin noong mga nakakaraang araw. Syempre maliban kay Ms. Bonifacia na bagong transfer, we all know that Ms. Aerie is from our school swimming team. Isa siya sa mga nag-champion last year and hopefully this year din," pagbibigay information ni teacher sa lahat most especially sa akin.   Noong binanggit nga niya ang pangalan ko ay napatingin sa akin lahat pati si Aerie. Noong magtama ang paningin namin ay nagbaba agad ako ng tingin kahit alam ko na ngumiti siya sa akin.   After ng mga intro ay pinanood namin si Aerie sa pagde-demo niya. Hindi ko nga maalis ang tingin ko sa kanya dahil ang sarap niyang panoorin. Para ka talagang nanonood ng isang Pro na nasa television.   "Ang galing talaga niyang si Aerie, minsan talagang unfair din si God, eh. Isipin mo, maganda na siya, matalino tapos very talented pa," sabi ni Gina isa sa mga classmate ko. Siya ang isa sa mga nakilala ko kahapon.   "Hay nako, ano ba naman ang ganda at talento kung napakaharot mo naman sa lalaki, at saka ang papampam kaya niyang si Aerie. Laging nagpapapansin, kala mo kung sinong magaling!" nakairap at bitter na sagot naman ni Tanya sa kanya.   "Por que ba na busted niya ang kuya mo harot na agad sa lalaki ang tawag doon? At por que talented at friendly papansin agad? ‘Wag ganon oy!" pagtatanggol naman ni Gina kay Aerie.   "Tse! Ewan ko sa ‘yo!" sagot ni Tanya sa kanya at umirap pa. "Hoy Boni, kung ako sa ‘yo lumayo layo ka diyan kay Gina ha. Mamaya niyan mahawa ka ng ka-tomboyan diyan!" baling niya sa akin bago kami tuluyang layasan. Sa sinabi niyang yon ay napatingin tuloy ako kay Gina. Sa itsura naman kasi niya ay hindi naman siya mukhng ganon.   "Loka! Hindi ako tomboy noh! Wag kang magpapaniwala doon kay Tanya. Pag pinagtatanggol ko kasi si Aerie laban sa kanya ay lagi niya kong binu-bully na nato-tomboy na naman daw ako! Hay nako! siya naman kasi eh sobra ang pagka bitter!" naiiling na paliwanag nito. At dahil wala akong maisip na mai-comment, nanahimik na lang ako.   So pagkatapos ng demonstration ni Aerie ay si teacher Kate naman ang bumaba sa pool tapos ay isa isa ng sumalang ang mga classmates ko sa pre-test niya. Bale nasa labing-anim lang kaming mga babae at next batch naman ang labing-apat na lalaki after break.   After swimming class ay nagpuntahan na agad ang mga classmates ko sa shower room para magsipagpalit. Kami naman ni teacher Kate ay naiwan muna sandali para sa ilang pointers na idi-discuss daw niya sa akin para tuluyan na akong makahabol sa lesson. Pinalusong pa nga niya ako saglit sa pool at may itinuro siya sa akin doon kaya lumusong din ako. Dahil nasa indoor pool kami ay talagang damang-dama ko ang lamig ng tubig.   Noong moment na iyon ay napatingin ako sa kabilang pool at nakita ko roon si Aerie na may kausap din na isang professor. Medyo na distract niya ako noong kumaway siya sa akin kaya hindi ko na narinig ang ilan sa sinabi ni teacher Kate.   "Sabi ko, hindi ka ba nag-try na mag-swimming lesson before?" tanong niya ulit sa akin. Umiling ako bilang sagot. "Pay attention when I'm talking ha, hindi madali ang magturo," medyo masungit na sabi ni Teacher Kate tapos ay tiningnan niya ‘yong direksyon na tinitingnan ko.   "Sorry po, ma'am," nahihiyang sagot ko tuloy.   After 10 minutes ay na-dismiss na rin ako ni Teacher Kate at baka mahuli pa daw ako sa susunod kong klase. So, nag-apura na akong pumunta sa shower room.   "Hi, ikaw ‘yong bagong transfer? Bonifacia, right?" tanong sa akin noong bagong dating. Nagulat ako kasi bigla na lang siyang tumabi sa akin sabay bukas ng shower sa kabilang space.   Tumango lang ako bilang tugon. May bula pa kasi ako ng shampoo sa ulo ko.   Si Aerie iyon.   "Natandaan ko agad ‘yong name mo, kasi nakatira ako sa gawing Bonifacio street," nakangiting inform pa niya sa akin habang tinatanggal niya ‘yong swimming cap na suot niya.   Napatingin ako sa kanya kasi hindi ko akalain na mahaba pala ‘yong buhok niya. Halos umabot yon sa gawing bewang niya.   "Okay lang ba, Boni? Paki-unzip naman, mahirap kasi tanggalin ‘to, eh," request niya sabay talikod sa akin. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok para makita ko ‘yong zipper ng suot niya.   Siyempre pinatay ko muna ‘yong shower ko at tinulungan ko siya. "Thanks!" nakangiting sbi niya sa akin at dire-diretso na siyang nagtanggal ng swimsuit niya. Hanggang sa panloob na lang niya ang natira.   Siyempre wala namang malisya sa part naming dalawa iyon dahil bukod sa kaming dalawa lang naman ang nandito sa shower room ay pareho naman kaming babae.   "Ah hindi, ‘wag na!" tanggi ko agad noong lumapit siya sa akin at tangkain niyang tulungan din ako sa pagtatanggal ng zipper ng suot ko. Siyempre uniform ‘yon, kung mahirap tanggalin ‘yong pagkaka-zipper ng kanya, natural na mahirap din tanggalin ‘yong sa akin.   "Wag ka nang mahiya, heto naman parang others," natatawang pilit niya sa akin. At dahil sa pamimilit niya ay pumayag na rin ako. Pero hindi ko tuluyang hinubad ang damit ko.   Hindi kasi ako ganon ka-confident sa katawan ko unlike ‘yong kasama ko ngayon. Slim din naman ako pero hindi ako ganoon kakinis at kaputi. Si Aerie kasi kahit swimmer siya ay mapusyaw siyang tingnan at mukhang proud siya sa magandang hugis ng katawan niya.   "Napansin mo ba ‘yong tattoo ko? Matagal na ‘yan since bata pa ko," inform sa akin ni Aerie noong mapansin niyang nakatingin ako sa likod niya.   Queen of hearts ang tattoo niya doon, hindi ko napigilan ang mapatingin doon dahil bukod sa halos kasinglaki iyon ng palad ko ay kapansin pansin ang magkaibang facial expression noong queen. Isang nakangiti at isang nakabusangot.   "Moody kasi ako eh, kaya ganyan. Panget ba?" tanong niya sa akin habang busy siya sa paglilinis ng katawan niya.   "Hindi okay lang," sagot ko naman sa kanya at tapos ay nagpaalam na akong aalis. Dali dali akong pumasok sa isa sa cubicle doon para magbihis ng school uniform.   Kala ko ay umalis na si Aerie kaya nagulat pa ko noong paglabas ko ng pinto ay nakaabang siya sa akin.   "Sorry! Nagulat ba kita?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot. "Hinintay na kita since classmate naman tayo, teka ganyan ka ba talaga katahimik o nahihiya ka lang sa akin dahil newbie ka dito?" dire-diretsong tanong pa niya sa akin.   Hindi ko alam kung madaldal o friendly lang talaga sya. Basta very energetic siya palagi and straight forward sa mga sinasabi niya.   "Tahimik lang naman talaga ako, pero maingay din minsan," sagot ko sa kanya. Naglalakad na kaming dalawa pabalik sa building namin.   "Ah, okay," tatango-tangong sabi niya. "Oo nga pala, napansin ko tingin ka nang tingin sa akin kanina, bakit? Nagagandahan ka ba sa ‘kin?" seryosong tanong niya ulit.   Itutuloy...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD