Chapter 8

2161 Words
TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 8 _______________ BONI POV   Pinatay sya ni Nelly nung aksidente syang nag takeover sa consciousness ko nung araw ng panghahalay. At simula nung araw na mailigtas nya ako ay tinanggap na rin sya ni Sari tulad ko, bilang alter ng kanyang pagkatao.   Noon kasing sa Manila pa ako nag aaral ang pangalan na gamit ko ay Rosario Millan, ang totoong pangalan ni Sari. Pero ako pa rin ang pumapasok at nakikiharap sa mga tao para sa kanya dahil nahihirapan syang makisama at maraming ala ala ang bumabalik sa kanya pag matagal syang na e-exposed sa labas.   Sa madaling salita nung mapatay ni Nelly yung professor ko ay agad kaming itinakas ng Mama ni Sari para magtago. Naging madali lang ang lahat para sa amin dahil nga Bise Presidente pa rin ng bansang Pilipinas ang Papa ni Sari. Dahil marami silang koneksyon ay agad na naglaho si Rosario Millan at napalitan ng Bonifacia Ciriaco (alter name ko)   Lahat ng mga documentation na kailangan ko para mamuhay bilang si Bonifacia ay automatikong naging legal sa mga mata tao at sa batas. At dito nga kami napadpad sa tahimik na probinsya ng Nueva Ecija.   Matapos naming magkwentuhan ni Aerie tungkol sa mga personal na buhay namin ay nag aral na muna kami ng leksyon. Naramdaman ko nga na mas naging close kaming dalawa dahil sa pagsasabihan ng sikreto ng bawat isa.   "Ang lakas mo palang kumain!"puna sa akin ni Aerie nung accidentally ay nag burp ako.   "Ang sarap kasi ng luto ni aling Belen,"natatawang alibi ko pero ang totoo ay gutom na gutom na kasi ako. Hindi ko naman alam na kailangan pala naming tapusin muna ang pag aaral bago kumain.   Nagtatawanan kami nung biglang may sasakyan na bumusina ng tatlong beses. Pagkarinig ni Aerie non ay nakita ko ang biglang pamumutla nya.   "Bakit? May problema ba?"tanong ko agad sa kanya.   "Nandiyan yung uncle ko,"inform nya sa akin at mabilis nyang iniligpit sa tray yung mga pinagkainan namin. Sa kaka apura nga nya ay nabasag pa nya un isang baso. Kaya nung mahawakan nya yon ay nasugatan pa ang daliri nya.   Ewan ko ba naman at bigla kong kinuha ang palad nya at wala sa sariling sinipsip ko agad yung dugo sa daliri nya. Konti lang naman kasi yon para maampat na rin ang pagdurugo.   "Sorry and thank you Boni,"sabi ni Aerie na ewan ko kung bakit pulang pula yung mukha.   Nginitian ko lang sya at tinulungan na magligpit ng mga pinagkainan namin. Nagtaka nga ako kung bakit itinago lang nya ang dalawang tray sa ilalim ng kama nya.   "Boni sorry sa gagawin ko na to ha. Hindi ko kasi alam na dadating pala yung uncle ko,"malungkot na sabi nya sa akin habang inaaya nya ako sa gawing cabinet. "Ayaw kasi non na may pumupunta dito na ibang tao kahit kaibigan ko pa kaya mas mainam na hindi ka nya makita,"apologetic na sabi nya sa akin at pilit nya akong pinapapasok sa loob ng malaking cabinet nya.   "Teka muna Aerie,"tutol ko, ang dilim kaya sa cabinet nya. Medyo natatakot ako.   "Pumasok ka na diyan at mamaya na ako magpapaliwanag. Basta ipangako mo sa akin na kahit ano pang makita at marinig mo, wag kang lalabas dyan okay?!"bilin pa nya sa akin na isinara agad yung pinto ng cabinet nung palapit na yung mga yabag sa amin.   "Aerie, bakit hindi mo ko sinalubong?"narinig kong sita nung bagong dating na lalaki.   "Kakabihis ko lang kasi uncle,"pagdadahilan ni Aerie tapos ay naramdaman kong lumayo sya sa pagkakasandal sa cabinet kung saan ako nakatago. Basta may pinag uusapan sila na hindi ko masyadong maintindihan yung iba.   Hanggang sa marinig ko si Aerie na napa daing. Yung parang nasaktan sya tapos narinig kong pakiusap nya ay "pwede po bang wag dito uncle,"   "Dito nalang, nalilibugan na ko sa suot mo eh,"bastos na sagot nung kausap nya.   Nagpantig nga ang tenga ko sa narinig ko na yon kaya ang ginawa ko ay iniuwang ko ng konti yung pinto ng cabinet para makasilip ako. Nagulat pa ako dahil bigla nalang kumalabog don sa bookshelf na nandon. Buhat sa position ko ay nakikita ko ang kalahating katawan ni Aerie.   Medyo parang nakasubsob kasi syang nakataban don sa shelf habang parang may mga kamay na pumipigil sa ulo nya pati sa gawing dibdib nya. Medyo na shock pa nga ako nung makita kong nilalamas nung kamay na yon yung boobs nya. Nakataas na ang skirt nya at nakababa ang panty nya. Basta gumagalaw galaw yung katawan ni Aerie na parang may bumubundol bundol sa kanya.   Ginagahasa na pala sya ng uncle nya. Sa nakita kong yon ay binalak kong lumabas ng cabinet para pigilan sila at tulungan sya. Pero narinig kong sumigaw si Aerie ng 'wag!' kaya hindi ko na itinuloy ang mga balak kong iyon.   Nagkasya nalang ako sa ngitngit na nararamdaman ko at sa piping panonood ko. Awang awa ako kay Aerie sa nangyayari pero wala akong magawa. Naupo nalang ako at pigil ang galit na nanahimik. Namaluktot sabay takip sa mga tainga ko para hindi ko marinig ang maingay na pagpaparaos ng walang pusong tiyuhin nya.   Matagal ng walang ingay sa loob ng silid ay hindi ko pa rin magawang lumabas mula sa pagkakatago sa loob ng cabinet. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Aerie o kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya dahil kaibigan nya akong ituring ay hinayaan ko lang syang harap harapan na babuyin.   "Boni?"narinig kong tawag sa pangalam ko kaya automatic na lumabas ako sa loob ng cabinet. Hindi si Aerie ang tumawag sa akin bagkus ay si aling Belen.   "Si Aerie po?"malungkot na tanong ko.   "Nagpapahinga na sa kabilang kwarto. Ang sabi nya ay ipahatid nalang kita at sa susunod na araw na kayo mag usap,"malungkot din na sagot nya sa akin tapos ay nagpatiuna na syang lumabas ng kwarto.   Siguradong naawa din sya sa kalagayan ng alaga nya pero tulad ko ay wala din syang magawa para tulungan ito.   "Aling Belen, hindi po ako aalis dito hanggat hindi ko po nakikita si Aerie. Kaya please lang po tulungan nyo po akong makausap sya,"buong pusong pakiusap ko sa kanya.   Matagal nanatiling nakatalikod si Aling Belen sa akin hanggang sa mapansin ko na umuuga na ang mga balikat nya. Umiiyak na pala kasi sya.   "Gawin mo ang makakaya mo Boni para kahit paano ay mapawi mo ang sakit na nararamdaman nya, pakiusap,"sabi ni Aling Belen habang hilam sya sa mga luha. Dumukot sya sa bulsa nya at inabot nya sa akin ang isang susi.   Itinuro nya sa akin yung isang pintuan sa gawing dulo. Determinadong tumango ako tapos ay iniwanan nya na ko.   Paglapit ko sa kwarto na kinaroroonan ni Aerie ay ni hindi ko magawang kumatok don. Parang wala kasi akong lakas ng loob na harapin pa sya pero hindi ko rin naman sya kayang basta nalang iwanan at pabayaan.   "Ayoko ng kausap Yaya!"narinig kong sabi ni Aerie after kong kumatok ng tatlong beses.   Nung ayaw talaga nya akong pagbuksan ay ginamit ko na nga yung susi. Pag bukas ko ng silid ay sobrang dilim don, ang tanging liwanag lang na tumatanglaw don ay kung may mga sasakyang dumadaan sa gawing kalsada.   "Yaya ano ba?! Sinabing ayoko ng kausap!"galit na sigaw ni Aerie pero halatang umiiyak sya.   "Aerie ako to, si Boni!"pakilala ko sa kanya. Timing naman na biglang may dumaan na sasakyan kaya biglang umilaw sa paligid.   "Boni?"shock na tanong nya nung makita nya ako. Hindi nya talaga siguro ine-expect na nandito pa ako at magpupumilit na makausap sya.   Ako naman ay na shock din pagkakita ko sa kanya. Sa konting liwanag na tumatanglaw sa amin ay nakita ko sya sa gawing sulok ng kwarto. Nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Yakap yakap nya ang mga tuhod nya habang nakatingin sya sa akin na halos mamaga na ang mata sa kakaiyak.   Pagkakita ko nga sa kanya ay hindi ko naiwasan ang panggigilid ng mga luha ko.   "Wag mo kong tignan! Wag kang maawa sa akin, please!"iyak nya tapos ay dumukdok nalang sya sa sarili nyang tuhod at pilit na itinago ang mukha nya don.   Sa awa ko kay Aerie ay wala akong nasabi kundi ang tawagin lang ang pangalan nya. Lumapit ako sa kanya at pilit kong niyakap sya.   Noong una ay nagmamatigas pa sya hanggang sa bumigay na rin sya at yumakap na rin sya sa akin. Hinayaan ko nalang na iyak sya ng iyak habang paulit ulit nyang tinatawag ang pangalan ko. At tulad kanina ay wala akong maapuhap na sabihin sa kanya kaya sinabayan ko nalang sya sa tahimik na pagluha. Nanatili ako sa tabi ni Aerie hanggang sa gumaan ang pakiramdam nya.   Pero kahit kumalma na sya ay hindi pa rin kami nag usap. Wala kahit ni isa sa amin ang gustong magsalita at nirespeto naman namin ang isa't isa. Yung parang sapat na namag kasama kaming dalawa.   Sampong malalakas na tunog ng wallclock na nandon s kwarto ang bumasag sa katahimikan na yon.   "Siguro kailangan ko ng umuwi. Sana maging okay ka na Aerie,"paalam ko sa kanya. Nung hindi sya sumagot ay tumayo na ko kaya nagulat pa ako nung bigla nya kong pigilan sa braso.   "Wag kang umalis Boni,"sabi nya sa akin na nasa tinig nya ang pagmamakaaawa.   "Gusto ko man mag stay dito Aerie, hindi pwede. Hahanapin ako ng mga kasama ko sa bahay, ayaw ko silang mag alala sa akin."pagdadahilan ko sa kanya.   Pero totoo rin naman iyon. Lalo at iniiwasan ko na ma-upset si Sari sa akin. Alam ko kasi ang mga pwede nyang gawin sa akin.   "Tawagan mo sila, sabihin mo sasamahan mo lang ako ngayong gabi. Please?"pakiusap pa ulit nya at mas humigpit ang hawak nya sa braso ko.   Hindi ko malaman ang isasagot ko sa sinabi nyang iyon. Dahil imposible na mangyari ang bagay na yon, dahil walang sasagot sa akin.   "I'm sorry talaga Aerie, I have to go,"pagmamatigas ko at tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin. "Bibilinan ko si Aling Belen na samahan ka,"sabi ko sa kanya at tumalikod na ko.   "Boni! Pag umalis ka, magpapakamatay ako!"banta nya sa akin na umiiyak.   Nung marinig ko iyon ay parang umecho echo yon sa pandinig ko at biglang may alaala na bumalik sa isipan ko.   [Flashback]   "Boni! Pag umalis ka, magpapakamatay ako!"banta sa akin ni Sari habang umiiyak sya.   Ito yung mga panahon na pursigido ang Mama nya na gamutin sya. Apura ang ang pa psychotherapy nila at regular din ang inom nya ng mga antidepressant drugs. Kinukumbinsi ko sya na uminom na sya ng mga gamot nya kahit mawala pa ako sa tabi nya basta gumaling lang sya.   Sa awa ko kay Sari ng mga panahon na iyon dahil sa mga pinagdaanan nya ay ginusto ko talagang gumaling sya kahit ang totoo non ay natatakot talaga ako na mawala nalang basta.   At dahil nga madalas na gawing panakot ni Sari ang pagpapatiwakal ay pumayag na rin ang Mama nya na hayaan nalang sya na may mga kasamang katulad namin sa buhay ng anak nya.   [End of Flashback]   "Ano ba iyang sinasabi mo Aerie? Nasisiraan ka na ba ng bait?!"galit na tanong ko sa kanya.   Bakit madali lang para sa kanila na sabihin n tatapusin na nila ang buhay nila? Samantalang maraming katulad ko ang nagnanais na magkaron ng sariling buhay?   "Oo! Nasisiraan na ko ng bait!"galit na sigaw nya din sa akin. "Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin! Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito! Alam kong mali pero gusto kita Boni!"umiiyak na pagtatapat nya sa akin.   "Huh? Gusto mo ko?"napamaang ako sa sinabi nyang iyon at hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.   "Gusto talaga kitang makasama Boni, please dito ka lang sa tabi ko,"sabi ulit ni Aerie bago pa ko tuluyang makapag isip ng maayos.   Nagulat nga ako nung bigla nya nalang ako itulak sa may kama don. At dahil guard down ako ay natumba talaga ako. Kaya wala na akong nagawa nung umibabaw sya sa akin at bigla nalang nya akong hinalikan sa labi.   Nung magpumiglas ako ay buong lakas nyang pinigilan ang mga kamay ko. Basta sinakop nya ang bibig ko at pilit nya kong dinadarang sa ginagawa nya sa akin.   Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganong posisyon basta ang alam ko ay mali ang kung ano mang ginagawa namin na yon.   "Aerie tama na!"sa wakas ay nasabi ko nung pakawalan nya ang bibig ko at pareho naming habol ang hininga.   "Gusto rin kita dahil kaibigan kita! Pero hindi ko kayang gawin to dahil mali! Pareho tayong babae! Naiintindihan mo ba yon ha?"masama ang loob na sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga labi ko. Itinulak ko pa nga sya para makaalis na ko ng tuluyan sa kwarto nya.   Alam kong umiiyak si Aerie nung iniwanan ko sya. Pero wala akong magagawa sa ngayon kung hindi ang layuan nalang muna sya.   Sigurado ako na nalilito lang siya ngayon kung ano man ang nararamdaman nya.   Itutuloy...              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD