Chapter 7

2220 Words
TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 7 _______________ BONI POV   Panaginip lang pala ang lahat.   Pero totoong totoo sa pakiramdam ko ang lahat ng iyon. Parang bumalik ako sa panahon na nangyayari yon. Pinunasan ko ang butil butil na pawis sa mukha ko at tinungo ko agad yung kusina para uminom ng tubig. Parang tuyong tuyo kasi ang lalamunan ko.   Pabalik na ako sa kwarto nung marinig ko na may nag uusap sa kabilang kwarto. Medyo naka uwang ang pintuan don kaya sumilip ako.   "Wow! Come on! Grabe ka naman! Gusto mo na humingi ako ng tawad kay Boni? Para saan? Malaki ba ang kasalanan ko sa kanya? aba kaya lumalaos yon kasi kinukunsinti mo eh!"narinig kong sabi ni Nelly kay Sari na punong puno ng hinampo.   "Basta gawin mo nalang!"sagot ni Sari sa kanya ng walang kagatol gatol.   "Kung ayaw ko?"hamon naman ni Nelly sa kanya.   "Hindi importante sa akin kung ayaw mo o gusto mo. Basta gawin mo yung sinasabi ko sayo kung gusto mo pang mabuhay sa mundong to. Naiintindihan mo ba Nelly?"banta ni Sari sa kanya.   Nakita kong natigilan si Nelly sa narinig nya at ganon din naman ako. Actually ay ngayon ko nalang narinig na magsalita ng ganon si Sari. Yung parang ibang tao na naman sya.   Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Nelly nung mga oras na iyon pero nung lumabas sya ng kwarto ay padabog nyang isinara ang pinto. Nung makita nga nya ako sa gilid ay nagulat sya pero siguro dahil sa inis na nararamdaman nya sa akin ay tinignan nalang nya ako ng masama at tuluyan na syang nag walk out.   Sa takot ko na maabutan ako ni Sari sa pwesto ko ay dali dali akong bumalik ng kwarto ko. Humiga ulit ako sa kama at nagpanggap na natutulog. Pero ganon pa man ay hindi maitago ng katawan ko ang nadaramang takot dahil hindi ko mapigilan ang panginginig ko. Lalo na at parang paulit ulit na ume-echo sa isip ko ang mga katagang binitiwan ni Sari kanina.   "Basta gawin mo yung sinasabi ko sayo kung gusto mo pang mabuhay sa mundong to. Naiintindihan mo ba?"   Hindi pa alam ni Nelly kung gaano ka simple para kay Sari na tuparin ang banta nyang iyon, pero ako ay alam ko.   Alam na alam ko...   [FLASHBACK]   Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari nung mga panahong nakalaya na kami ni Sari sa impiyernong lugar ng mga kidnapper tapos ay isinama nya ako sa bahay ng Mama nya.   Doon ay nakilala ko ang dalawang alternate personality ni Sari na sina aling Martha (isang nasa middle age na babae) at si Joy (5 years old) Pinakilala ako sa kanila ni Sari at naging malapit din naman ako sa kanila dahil pareho naman silang mabait at masayang kasama. Syempre dahil naiintindihan namin ang kalagayan ng bawat isa ay itinuring ko na rin silang kapamilya.   Kaya nga nagtaka nalang ako isang araw nung bigla nalang silang hindi nagpakita. Sabi sa akin ni Sari ay inalis na nya sila dahil hindi nya makalimutan ang ginawang pagtataksil sa kanya nung dalawa. Dahil nung mga panahong kailangan niya sila ay hindi nila nagawang magpakita sa kanya.   Nawalang parang bula si aling Martha at si Joy. Doon ako unang nakaramdam ng ibayong takot kay Sari. Nakita ko kasi kung gaano lang kadali para sa kanya ang paikutin kami sa mga palad nya at tanggalin kami sa landas nya.   Hindi lang kay Nelly nya kayang gawin yon kundi pati na rin sa akin.   [End of flashback]   Napapikit ako ng madiin ng maalala ko ang mga masasakit na pangyayaring iyon. Hindi ko talaga yon malilimot kahit kailanman.   "Boni gising ka na ba?"narinig kong tanong sa akin ni Sari. Tumabi pa nga sya sa akin at niyakap ako.   "Kakagising ko lang, anong oras na ba?"nakangiting sagot ko sa kanya nung harapin ko sya.   Pinilit kong itago ang ano mang takot na nararamdaman ko kanina sa pamamagitan ng pagiging natural.   "6am,"nakangiting sagot nya sa akin sabay abot ng cellphone. "Sorry na open ko yung message ni Aerie,"apologetic na sabi nya.   Nung binasa ko iyon text ay pinapaalala lang ni Aerie yung about sa napagkasunduan ng klase namin na group study mamaya.   "Hindi naman ako pupunta dito,"walang interest na sabi ko at bumangon na ko buhat sa pagkakahiga.   "Bakit naman?"nagtatakang tanong nya sa akin. Bumangon na din sya at naupo sa tabi ko sa kama.   "Preparation kasi yon para sa exam namin sa susunod na araw. Since ikaw naman ang kukuha ng exam para sa akin, hindi ko na kailangang sumama sa kanila para mag aral di ba?"   Medyo mahina kasi ako sa mga IQ test kaya para siguraduhin ang pagpasa ko ay si Sari ang pumupunta sa school bilang ako at kumukuha non.   "Pumunta ka pa rin, dagdag knowledge mo iyon eh."   Tumingin ako sa kanya kung seryoso ba sya sa sinasabi nya.   "Okay lang sayo?"tanong ko.   "Oo naman. Ikaw pa ba?"nakangiting sagot nya sa sakin sabay thumbsup nya."Sabi ko naman sayo Boni, malaya kang gawin ang gusto mo basta babalik ka sa akin. Dahil wala na akong ibang kailangan, kundi ikaw lang,"seryosong dagdag pa nya habang parang alaga nya akong hinimas himas ang ulo ko. "Nagkakaintindihan naman tayo sa part na yon, hindi ba?"   Wala akong maisip na sabihin sa kanya kaya napatango na lang ako. Hindi pa din kasi nawawala sa isip ko yung banta nya kanina kay Nelly.   Nung sumang ayon ako sa kanya ay nakita kong nasiyahan sya at mas lalong napangiti pa.   "Teka nga! Bakit hindi mo pinapansin yung suot ko?"pag iiba nya sa usapan tapos ay tumayo sya sa harap ko at umikot ikot.   Suot nya pala yung bestida na binigay ko sa kanya noong isang araw.   "Aalis ka ba?"natanong ko tuloy.   "Hindi noh! Sinukat ko lang to at isusuot ko sa check up bukas. Bagay ba?"tanong nya ulit sa akin at nagpa cute pa.   "Oo naman, bagay talaga sayo ang mga damit na ganyan,"puri ko sa kanya. Nakita ko na mas lumuwang ang pagkakangiti nya. Itinaas pa ng nya ang bumabang salamin nya sa mata.   "Salamat Boni ha. Lagi mo kong napapasaya!"sabi nya tapos nagulat nalang ako dahil paglapit nya sa akin ay bigla nya kong hinalikan sa labi tapos ay mabilis na syang lumabas ng silid.   Nagtatakang nasundan ko nalang sya ng tingin.   *****   MARIETTA COLLEGE   AFTER CLASS   "Tara na?"tanong sa akin ni Aerie after nyang ma-confirm na hindi na makakasama yung dalawa naming kasama.   "Tayo lang?"   "Yap! Hayaan mo na nga yung mga yon kung ayaw nila. More often than not may mga kasali lang talaga sa gayakan. Teka don't tell me ayaw mo na rin ha?"nanlalaki ang mga matang tanong nya sa akin. "Hindi na pwede mag cancel noh! Tara na!"yaya nya sa akin na hindi na ko hinayaang maka sagot pa.   Sumakay kami sa kotse nila Aerie, after 15 mins ay pumasok kami sa isang subdivision. Sa bahay kasi nila ang venue ng group study na kalaunan ay naging kami nalang dalawa.   "Boni si yaya Belen nga pala,"pakilala ni Aerie sa isang middle age na babae na sumalubong sa amin pagdating sa bahay nila.   "Good afternoon po,"bati ko sa kanya.   "Tuloy ka Boni, lagi kang naikwe-kwento ni Aerie sa akin,"nakangiting sabi ng yaya nya.   "Yaya naman,"kunyari ay suway ni Aerie sa kanya after nyang ibigay ang ilang dala dala nya sa babae. "Tara sa kwarto Boni,"baling nya sa akin. Hinawakan pa nya ang kamay ko at magka agapay kaming umakyat sa hagdan papunta sa second floor.   Habang paakyat kami ay namasdan ko ang modernong bahay nila Aerie. Isa itong bungalow house na hindi man sobrang laki ay siksik naman sa magagandang kagamitan. Sabagay unang tingin palang naman kay Aerie ay mapagkakamalan na talaga syang mayaman. Nasa kutis kasi nya at mga galawan. Kaya nga siguro kahit swimmer sya ay hindi sya gaanong umiitim.   "Ang ganda naman ng kwarto mo,"puri ko after kong pasadahan ang malinis at maaliwalas nyang silid. Pinaupo nya muna ako sa upuan ng study table nya.   "Thanks! Dito lang kasi ako madalas naka tambay kaya lagi kong sinisiguro na malinis,"inform nya sa akin.   Nung matingin ako sa kanya ay nakita kong nagbibihis sya ng damit, doon na mismo sa tapat ng kama nya kung saan automatic na naka lagay yung pampalit nya.   "Gusto mo rin bang magpalit muna ng damit? Pahiramin kita para mas komportable ka,"alok nya sa akin nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Inisip nya siguro na baka mainggit ako.   "Hindi na!"sagot ko at napapahiyang ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon nung makita ko na naka underwear nalang sya. Kaya nga nakita ko na sa isang corner ay punong puno iyon ng posters ng mga sikat na male kpop idols.   "Gwapo nila noh?"sabi nya nung mapansin nyang nakatingin ako sa mga posters nya. Tapos ay pumunta sya sa bookshelf nya don at kinuha yung mga libro na gagamitin namin.   "Buti hindi pinagseselosan ng mga jowa mo yung mga kpop na yan,"naisipan kong itanong.   "Huh? Wala naman akong jowa eh,"simpleng sagot nya sa akin habang busy pa rin sa paghanap ng ibang kakailanganin namin sa pag aaral. Kaya nga habang nakatalikod si Aerie ay napagmasdan ko sya.   Mahugis talaga ang katawan nya at ang kinis nyang tignan kaya siguro very confident syang magsuot ng mga mini skirt tulad ng suot nya ngayon at spaghetti strap na sando. Ako kasi ay hindi ko keri ang outfit na ganon.   "Ikaw ba may jowa ka ngayon?"balik tanong nya sa akin.   "Syempre wala! Ikaw nga wala, ako pa kaya,"natatawang biro ko sa kanya.   "Ganon? Tinginin ba na hindi ako nababakante sa relasyon?"nakataas ang kilay na tanong nya sa akin. Lumapit sya sa tabi ko dala ang cellphone nya. "Selfie muna tayo,"sabi nya sa akin at inakbayan pa nya ako bago kami parehong umanggulo. "Tignan mo ang cute natin noh?"nakangiting pinakita pa nya sa akin yung photo.   "Oo nga! Kaso nag mukha akong fan!" Natatawang sang ayon ko sa kanya.   "Hahaha bruha! Kaw talaga!" Natatawang sagot nya sa akin at binira pa nya ako.   "Aerie, sino nga pala ang kasama mo dito sa bahay nyo? Mukha kasing ang daming kwarto?"maya maya ay naisipan kong itanong sa kanya.   "Ako lang at si yaya Belen, yung driver namin kanina, on call lang sya pag ihahatid at susunduin lang ako sa school o di kaya may gusto akong puntahan,"sagot nya sa akin habang pino-pony nya ang mahaba nyang buhok. Pati ang underarms nya ay makinis at maputi din.   "Ah, nasa abroad ba parents mo?"hula ko.   "Parents ko? Matagal na silang wala."   "Ganon ba? Sorry."   "Ano ka ba?? Don't be sorry noh? Pero may uncle naman ako, sya yung nagfi-finance sa akin. I mean sa bahay na to at sa lahat ng pangangailangan ko pero madalang syang pumunta dito. Minsan once a month, minsan twice, basta pagka gusto nya akong galawin pumupunta sya dito,"kwento nya sa akin tapos ay nasalamin ko ang magkahalong galit at lungkot sa mga mata nya.   "Ha? Anong ibig mong sabihin don?"nalilitong tanong ko.   "Galawin, I mean pag gusto nyang makipag s*x sa akin pumupunta sya dito,"paglilinaw nya.   Hindi ako nakakibo sa rebelasyon nyang iyon. Hindi ko kasi akalain na may part ng buhay ni Aerie na dumadaan sa ganoong sitwasyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa at pakikisimpatya sa kanya.   "Sorry, nai-kwento ko pa sayo. Gusto ko kasi na maging honest sayo bilang kaibigan mo Boni,"malungkot na sabi ni Aerie sa akin.   Sa mga narinig ko na yon sa kanya about honesty ay lalong hindi ako nakakibo. Dahil kung mayroon sa aming dalawa ang may madilim na itinatago ay ako lang iyon. At ang salitang honesty na yon ay hindi applicable sa akin. Mahirap ipaliwanag ang sitwasyon ko at wala ako sa posisyon para ibunyag ang mga lihim na iyon.   "Nandidiri ka ba sa akin?"malungkot na tanong nya sa akin nung hindi ako nakakibo.   "Syempre hindi. Lahat naman tayo may mga pinagdadaanan sa buhay natin. Ang totoo nyan, naging biktima din ako ng isang masama at maka mundong tao,"simula ko sa istorya ko.   Wala akong balak na banggitin kay Aerie ang mga dinanas ni Sari sa kamay ng mga kidnapper noon. Kung ilang beses ginamit, pinagpasapasahan at pinagsasaan ang mura nyang katawan. Dahil bilang alter nya sa mga panahong iyon ay ako lahat ang nakaranas ng sakit at hirap noon.   Kaya ang tanging nai-kwento ko lang kay Aerie ay ang dahilan ng paglipat ko ng school. Ang totoo ay sadyang malapit si Sari sa trahedya. Kasi sa dati kong school ay napag interesan ako ng isang professor namin. Yung manyak na yon ay pinilit akong makipag s*x.   "Kaya lumipat nalang ako dito sa province,"kwento ko kay Aerie.   Sya naman ngayon ang hindi agad nakakibo.   "Sorry hindi ko alam na nakaranas ka rin pala ng pagmamalupit,"teary eyes na console nya sa akin. Hinawakan pa nga nya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Anong nangyari don sa walangya na yon? Ipinakulong nyo ba sya?"   "Oo, pinagdudusahan na nya ang kawalangyaang ginawa nya sa akin,"sagot ko kay Aerie at nagbaba na ako ng tingin. Dahil ayaw kong mahalata nya na ang ilan sa mga sinasabi ko ay edited nalang.   Dahil tama nga na pinagdudusahan na ng lalaking iyon ang kasalanan nya pero hindi sa kulungan kung hindi ay sa impyerno dahil patay na sya!   Pinatay sya ni Nelly nung araw na ginagahasa ako at nag takeover sya sa consciousness ni Sari.   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD