Chapter 6

2210 Words
TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 6 ________________ BONI POV   "Ah okay, kung nireplyan mo ko edi sinamahan sana kita,"maya maya ay sabi nya na hindi na naitago ang pagtatampo.   "Sorry naman! Re-replyan naman talaga kita madam! Ang kaso nag empty nga yung phone ko,"explain ko sa kanya at ipinakita ko pa yung ebidensya.   "Ma'am eto nalang po yung available na kulay,"interrupt sa amin nung saleslady kaya hindi na nakasagot si Aerie sa sinabi ko.   "Okay na to, kukunin ko na po,"sabi ko after kong tignan yung damit na ibinigay nya.   "Thank you ma'am!"sabi nung saleslady at umalis na sya.   "Hindi ko alam na nagsusuot ka rin pala ng dress,"comment ni Aerie sa akin nung makita nya yung yari nung damit.   "Hindi naman sa akin to eh. Ibibigay ko to sa roommate ko, kay Sari. Yung kinu-kwento ko sayo,"   "Ah, birthday nya?"   "Hindi,"sagot ko lang sa kanya na hindi ko na nadugtungan dahil nga kinausap na ako nung kahera. Tinatanong kung may reward card ako.   "Sana all nireregaluhan kahit hindi birthday,"narinig kong comment pa ni Aerie. Hindi nalang ako kumibo sa sinabi nya dahil ayaw kong isipin na parang nagseselos pa yata sya.   "Uuwi ka na ba after nito?"tanong nya sa akin maya maya. Naglalakad na kami palabas ng department store. Bago ako sumagot ay napatingin tuloy ako sa orasan ko. Pasado alas siyete na pala, may pupuntahan daw kasi si Nelly ng 8pm kaya kailangan ay nakauwi na din ako ng mga oras na iyon.   "Samahan mo naman akong kumain sandali Boni. Umalis kasi si yaya Belen sa bahay kaya wala akong kasama don eh. Promise ipapahatid kita sa driver ko tapos libre kita ng dinner,"paglalambing nya sa akin.   Syempre hindi naman ako nakatanggi kaya sumama na rin ako. Kesa naman magtampo na naman sa akin ang babaeng to.   Naghihintay kami ng pagkain ng biglang may news flash na lumabas sa screen ng malaking television sa fast food kung saan kami nandon. Sabi sa balita ay nagkaroon daw ng shootout sa may airport at sa kasamaang palad ay natamaan ng baril ang Vice President ng bansang Pilipinas.   "Dalangin ng lahat ang kaligtasan ni VP Gabriel Lacsamana. Sana ay maging maayos ang lagay nya,"sabi ng reporter sa may news.   Pagkarinig ko palang sa balitang yon ay agad ko ng naisip si Sari at kung ano ang reaction nya. Kahit naman walang amor sa kanya ang lalaking yon ay sya pa rin naman ang kanyang ama.   "Mabait kasi yang si VP Lacsama, di ba tatakbo sya ng pagka Presidente next year? Baka kaya sya tinambangan ay dahil natatakot yung mga kalaban nya,"comment ni Aerie sa balita. "Boni? Okay ka lang ba?"gulat na tanong nya sa akin nung bigla nalang akong tumayo dahil sa pag aalala.   "Sorry Aerie, emergency lang. Kailangan ko ng umuwi, babawi nalang ako next time,"paalam ko sa kanya at walang lingon likod ay iniwan ko na syang mag isa.   Next time ko nalang sasabihin ang reason ko sa kanya basta ang mahalaga ngayon ay makita ko si Sari at madamayan ko sya. Baka kasi hindi pa nya alam ang nangyari sa tatay nya dahil natutulog pa sa ngayon ang diwa nya.   Sa pag aapura ko nga sa pag uwi ko ay hindi ko na nabitbit pa ang mga groceries ko na naiwanan ko na sa mall.   Pagdating ko sa apartment ay naabutan ko na si Sari na may kausap sa phone. Hindi na muna ako nagpakita sa kanya dahil baka ma distract ko pa sya.   "Ma, wag ka ng umiyak please. Baka kung mapano ka pa eh,"narinig kong nag aalalang sabi nya sa kabilang linya. "Opo, alam ko, alam ko. Pero marami naman don na mag aasikaso sa kanya. Magagaling at makabago na ang mga gamit sa hospital ngayon kaya magiging okay lang si Papa,"explanation pa nya.   "Ma naman! Syempre nag aalala din naman po ako. Ma? Ma?"   Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya nung siguro ay pagbabaan na naman sya ng linya ng Mama nya.   "Umiiyak ka ba?"tanong ko agad kay Sari nung makita ko syang nagpapahid ng luha.   "Medyo,"sagot nya sa akin. "Ang totoo hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko. Kung naaawa ba ako kay Mama dahil sobra ang pag aalala nya kay Papa o naawa ako kay Papa hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi halatang halata ko kasi na mas concern pa si Mama sa sustento namin kaysa sa kalagayan nya,"pagtatapat nya sa akin. Ni hindi ko man lang sya kakitaan ng kahit na konting emosyon. Samantalang agaw buhay ang ama nya sa hospital dahil sa insidente na kinasangkutan nito.   "Nabalitan ko yung nangyari sa Papa mo at naawa ako sa kalagayan nya. Kaya naniniwala ako Sari na ang dahilan ng pag luha mo ay pareho lang ng naramdaman ko o mas matindi pa ron. Syempre magulang mo pa rin sya, kahit ano ang mangyari ay hindi mo iyon mababago. Habang nabubuhay ka kailangan mo pa rin sila,"seryosong sabi ko sa kanya. Inilahad ko lang lahat ng nilalaman ng isip ko. Umaasa ako na kahit papaano ay matatagpuan nya sa puso nya ang pagpapatawad para sa ama nyang nasa bingit ng kamatayan.   "Mali ka Boni,"sabi nya sa akin na parang nasaktan. Tapos nagulat ako nung bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at yumakap sya sa akin. "Hindi ko sila kailangan, ikaw lang ang kailangan ko! Mawala na lahat sa akin, wag lang ikaw!"   Hindi ako nakakibo sa sinabi na iyon ni Sari. Basta naramdaman ko nalang na papahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.   "Boni, ganon ka rin ba sa akin ha? Ako lang din ba ang kailangan mo?"tanong nya sa akin na nangungusap ang mga mata.   Napatango tuloy ako ng di oras sa kanya. Hindi ko alam kung ano yung eksaktong naramdaman ko sa mga sinabi nyang yon. Basta ang alam ko ay may gumapang na kilabot sa buong sistema ko, kung sa takot yon at pangamba ay hindi ko alam.   Aminado ako sa sarili ko n pagdating kay Sari ay wala akong kalaban laban.   "Natutuwa ako Boni, salamat at nandito ka. Huwag mo kong iiwan ah, ayokong mag isa,"sabi nya ulit sa akin at niyakap nya ulit ako.   Ang yakap na iyon ay tumagal tapos ay pahigpit ng pahigpit hanggang sa parang nasasakal na nya ang buo kong katawan at nauubusan na ko ng hangin.   "Sari, hindi ako makahinga!"sabi ko sa pagitan ng pagpipilit kong makawala sa kanya.   "Dito ka lang! Hindi mo ko iiwan!!!"malakas na sigaw nya sa akin at mas hinigpitan pa nya ang yakap nya sa akin hanggang sa sumabog na ang buong katawan ko sa pagkakataban nya.   "Aaaahhhh!!!!"napasigaw ako at napabalikwas ako ng bangon. Panagip lang pala ang lahat.   Isang napaka samang panaginip! Salamat naman at nagising na agad ako. Habol ang hininga na pinunasan ko ng mga palad ko ang butil butil kong pawis sa mukha. Tapos ay nagpunta agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Nasa ganon akong gawain ng biglang may dalawang batang nagtakbuhan sa gawing likuran ko.   Nagulat man ako ay napasunod talaga ako ng tingin sa kanila.   "Shet! Paanong nagkaron ng mga bata dito sa apartment namin at sa ganitong oras pa!"natatakot na tanong ko sa sarili ko pero lakas loob ko silang sinundan. At ganon nalang ang pagkabigla ko nung maalala ko ang scene na to way back 7 years ago.   [FLASHBACK]   "Ayoko na! Natatakot ako! Natatakot ako!"sigaw ni Sari habang takip takip nya ng dalawang palad nya ang mga tenga nya at namamaluktot habang nanginginig sa takot.   Awang awa ako sa kanya pero wala akong magawa para tulungan syang makatakas sa impyernong kilalalagyan namin. Kasalukuyan kaming nasa isang madilim na kulungan kasama ang ilan pang mga bata na hindi nasaklolohan ng mga awtoridad tatlong taon pagkatapos ng mass k********g na naganap sa buong bansa.   Bali nasa 30% ng mga kawawang bata ang nanatili sa posesyon ng mga halang ang kaluluwang nilalang. Sa kasamaang palad ay kasali si Sari sa mga batang iyon. Lahat ng batang natira dito edad walo pataas ay ginagawa nilang laruan at alipin. Pero kadalasan ay ibinebenta nila sa mga mayayamang p********a na bulok na ang kaluluwa sa kasamaan.   "Ano ka ba? Tibayan mo ang loob mo Sari! May katapusan ang lahat ng ito, makakatakas din tayo dito. Maniwala ka!"pagbibigay ko ng pag asa sa kanya. Kahit ang totoo pati ako ay pinanghihinaan na rin ng loob.   "Boni, wag mo akong iiwan! Dito ka lang please! Lahat sila iniwan nila ko! Lahat sila pinabayaan nila ko!"umiiyak na sabi ni Sari at yumakap sya sa akin.   "Hoy bata! Sino ang kausap mo ha?Katulad ka na din ba ng lahat ng nandito na nababaliw na?"bully ng isang bata na lumapit kay Sari.   "Hindi ako baliw!"umiiyak na sagot ni Sari sa kanya. "Boni bakit nya ko tinatawag na baliw? Hindi naman ako baliw ah!"sumbong sa akin ni Sari na mas hinigpitan pa pagkakayakap nya.   "Huwag mo syang pakinggan, wag mo nalang sya pansinin,"alo ko sa kanya at niyakap ko rin sya.   "Ayan na! May kausap ka! Kinakausap mo yung sarili mo! Baliw!"tawa ng tawa na sabi nung bata na lalong nagpaiyak kay Sari.   "Tumahimik kayo dyan!"bawal nung bantay sa labas tapos ay tinawag nya yung batang kausap namin.   "Paano ba iyan? Tawag na nila ako! Mauna na akong umuwi sa inyo! Kakain ako ng marami mamaya sa bahay namin. Bye na baliw!"tawa ng tawa na sabi nung bata na yon habang paalis sya. Obviously ay nasiraan na din sya ng bait sa nangyayari sa kanila.   Maya maya ay narinig namin ang pagsigaw ng batang iyon. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa kanya pero umaatungal sya sa sakit.   "Ayoko na dito! Boni!"humahagulgol na iyak ni Sari. "Ayoko na mapalo ng maraming beses, masakit iyon eh. Ayoko ng makakita ng lalaki na may ipinapasok sa akin! Masakit iyon eh!"reklamo nya habang halos mapugto ang hininga nya sa pag iyak.   At ako halos maiyak din ako sa pagka awa ko sa kanya.   "Ganito nalang Sari. Matulog ka na, hayaan mong ako nalang ang maging ikaw. Para ako nalang ang makaramdam ng sakit na ayaw mo ng maranasan. Hindi ka na nila masasaktan, pangako ko yan at hindi kita iiwan,"kumbinsi ko sa kanya.   Ilang minuto din kaming nag usap bago ako magtagumpay na mag takeover sa consciouness ni Sari. Tapos ay hindi nga nagtagal ay ako na ang tinawag nung lalaking bantay.   Takot na takot man ako ay tinibayan ko ang loob ko. Kung nasaang lupalop man ako ngayon ay sure ako na isa to sa parte ng impyerno. Punong puno kasi ng mga nagtatawanang mga demonyo.   "Teka lang po, san nyo po ako dadalin? Maawa po kayo!"pakiusap ko pero sadyang bingi at manhid na silang lahat.   "Tumahimik ka! Sige luhod!"sabi sa akin nung lalaki at binatukan pa nya ko bago ako sapilitang pinaluhod katabi ko ang ilan pang mga bata na katulad ko ay mga umiiyak din at nagmamakaawa. Wala na din kaming nagawa nung itali nila ang mga kamay namin sa gawing likuran namin na parang isang hayop.   "Ahhhhh!!!!"sigaw nung batang katabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya at pagkatapos non ay bigla nalang syang tumumba.   "Susunod!"sigaw nung isang lalaki at automatic na tinabanan na ako nung kasama nya. Lalong nanginig ang laman ko nung nakaramdam ako ng mainit sa balikat ko. Hindi lang iyon basta mainit dahil unti unting tinutupok non ang balat at kalamnan ko. Halos tumulo lahat ng katas ko sa buong katawan ko sa sakit. Hindi lang basta luha at laway, naihi rin ako dahil sa ginawa nilang pagpaso sa akin.   Para kaming mga baboy na tinatakan ng kung ano sa balat namin pagkatapos ay isa isa rin nila kaming iginapos sa isang machine habang nakataas ang dalawang kamay at inilulublob kami sa malalim na tubigan. Basta para nila kaming pinaglalaruan at minsan ay sinasadya pang malunod.   Kulang nalang ay lumuha ako ng dugo sa hirap na dinanas ko ng mga oras na iyon. Hindi ko akalain na sa halos tatlong taon na pagkakakulong ni Sari sa impyernong ito ay natagalan nya ang lahat ng ito.   "Boni! I'm sorry! Umiiyak na sabi ni Sari nung makita nya ako sa kalagayan ko.   "Okay lang ako basta ang mahalaga ay hindi ka nila nasaktan,"sabi ko sa kanya at pinilit ko ang ngumiti. Simula ng mga oras na to ay naipangako ko din sa sarili ko na magiging mas malakas at mas matibay pa ako para kay Sari at hindi na muli akong iiyak.   Habang may alter na papalit kay Sari ay wala syang matatandaan sa mga mangyayari. Pati ang sakit ay malilimutan na rin nya. Ang alter nya ang nagsisilbing pananggalang nya laban sa mga kaganapan na wala syang lakas na loob para harapin.   Iyon nga lang pagpumalit na sya sa akin ay mararamdaman na rin nya ang sakit.   "Hoy! Labas na bata!"tawag nung bantay kay Sari.   "Boni,"natatakot na tawag nya sa akin.   "Wag kang mag alala, nandito lang ako. Ako ang bahala,"matapang na sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay nya.   "Napaka bagal mong kumilos! Etong sayo!"bulyaw sa akin nung bantay at walang pasabing dinalirot nya ang paso ko sa balikat na kasalukuyang nag nanaknak.   [END OF FLASHBACK]   "Ahhhhhhh!!!!"sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon. Agad agad ay hinawakan ko ang naging paso ko noong panahon na yon sa gawing paypay ko.   Panaginip lang pala ang lahat.   Itutuloy...          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD