TAKEOVER
midnyt_princess
CHAPTER 5
______________
AERIE POV
"Matagal na rin. Ewan ko ba, basta nag enrol nalang ako sa swimming class eh. Tapos nagustuhan ko na din, kasi nakaka relax. Parang form of therapy na rin. Ikaw? Bakit parang ayaw mo sa mga pool?"curious na tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang talaga ako marunong lumangoy kaya pag naiisip ko na baka malunod ako, automatic na nagre-react na yung katawan ko, natatakot ako. Sino ba naman ang gustong malunod di ba?"sagot nya na may halong biro.
"Ngayon hindi mo na kailangan ang matakot kasi you have me!"pagmamalaki ko pa. "Ako ang magiging salbabida mo para hindi mangyari yung kinatatakutan mo,"nakangiting assurance ko pa sa kanya.
"Talaga? Wow! Swerte ko naman at nakakilala ko ng isang salbabida na hindi lang basta magaling mag swimming kundi maganda na, sobrang bait pa!"puri nya sa akin na hindi ko sure kung binobola lang nalang nya ko. Haha
Pero aminado naman ako na sobrang pinataba nya ang puso ko sa mga sinabi nyang iyon.
"Naku! Jamming mo talaga!"sabi ko na sinabuyan ko sya ng tubig para pagtakpan ang pagka pahiyang naramdam ko.
"Hindi jamming iyon ah, sa totoo lang iyon, kaya salamat Aerie, sa friendship at sa pagtitiyaga sa pagtuturo sa akin,"seryosong sabi sa akin ni Boni at nag thumbs up pa sya.
"Wala iyon! Friends nga di ba?"irap ko sa kanya na ikinatawa nya. "Seriously speaking Boni, ako dapat ang magpasalamat sayo."
"Bakit naman?"nagtatakang tanong nya.
"Dahil nandito ka at kasama kita. Marami naman akong friends pero hindi sila nag aaksaya ng panahon na samahan ako pag ganitong hapon na. Oo nga at may reason ka sa pag punta dito dahil tinuturuan kita, pero after naman ng session natin pwede ka ng umuwi at wag na kong hintayin hanggang sa matapos ako sa ensayo ko."
"Wala iyon! Friends nga di ba?"panggagaya nya sa sinabi ko kanina. Pati yung boses at action ko ay ginaya pa nya tapos ay tsaka sya natawa.
"Kakainis ka! Nagda-drama ko dito eh!"natatawang irap ko ulit sa kanya after ko syang sabuyan ng tubig.
"Sige na! Sorry! Nakikinig naman ako eh. At makikinig ako lagi sayo kahit anong drama pa ang gusto mo, promise yan!"sabi nya sa akin at itinaas pa ang kamay nya na parang nanunumpa.
"Iyan! Diyan ka magaling Boni! Sa mga hirit mong ganyan. Dati tahimik ka lang at puro ka lang tango ha pero ngayon apura promise mo! Pag iyan di mo natupad, yari ka sa akin!"kunyari ay warning ko sa kanya at umamba pa ako na ginilitan ko ang leeg ko tapos ay nagpatay p*****n ako.
Nagkatawanan kaming dalawa sa ginawa kong iyon.
"Pero alam mo Boni, kaya gusto ko din na nandito ko sa pool kasi feeling ko hindi ako nag iisa. Lagi akong may kasama. Look!"itinuro ko sa kanya ang tubig tapos pareho kaming nag lean at pareho naming nakita ang reflection namin sa tubig. "See, kahit nag iisa lang ako noon, pag nakikita ko ang reflection ko para na rin akong may kasama. Pero ngayon, kahit hindi ko na yon tignan, kasama naman kita eh, di ba?"naka ngiting sabi ko sa kanya.
Nung lingunin ko si Boni ay nakatitig pa rin sya sa tubig. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip nya. Kung narinig ba nya yung mga sinabi ko sa kanya o natulala na sya at nagandahan sya sa itsura nya. Basta nakatulala nalang kasi sya.
"Hoy Boni! Natulala ka na diyan!"sigaw ko sa kanya, lumapit pa nga ako para kalabitin sya eh.
"Ha?"gulat na tanong nya sa akin nung parang ngayon lang nya naramdaman ang presensya ko.
"Natulala ka na kako, okay ka lang ba?"nag aalalang tanong ko pa sa kanya.
"Okay lang ako. Iniisip ko lang kasi yung sinabi mo, sa part na pag nasa pool ka parang hindi ka nag iisa kahit nag iisa ka. Ako din naman ganon, feeling ko di ako nag iisa kasi parang may shark sa ilalim!"seryosong sabi nya na niyakap pa ang sarili nya at parang nag chill pa nga sya.
Natawa ko sa reaction nya. Iyon pala ang iniisip nya kaya nakatulala sya kanina at parang may sinisilip sa ilalim.
"Shark talaga ha! Tignan mo nga kung may shark nga!"natatawang biro ko sabay tulak ko sa kanya. Basta gusto ko lang makita ang reaction nya.
Kaya lang nung mahulog naman sya sa tubig ay lumubog na sya don at hindi na sya lumutang.
"Boni! Hoy!!!"nag aalalang tawag ko sa kanya. Baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya nasa 6ft pa naman kami.
"Tulong! Aerie! Pinupulikat yata ako!"sigaw nya sa akin na parang nalulunod. Lulubog at lilitaw sya sa tubig. Tapos ay nandon na sya agad sa bandang gitna.
"Boni!"sigaw ko sa pangalan nya at agad akong ng dive para sagipin sya. Habang palapit ako sa kanya ay halos marinig ko ang kabog ng dibdib ko sa pag aalala. Kung ilang beses pa nga akong napa s**t sa isip ko ay hindi ko na mabilang.
Kung may mangyayaring masama kay Boni ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil kasalanan ko talaga ang nangyari.
"I got you! I got you!"malakas na sabi ko sa kanya nung finally ay makuha ko sya. Tumigil na sya sa pagpalag at dali dali syang kumapit sa akin. Syempre mabilis ko syang dinala sa gilid para tulungan syang maka ahon.
"Boni, okay ka lang ba ha?"maiyak iyak na tanong ko sa kanya. Pero hindi ko na naituloy ang ibang sasabihin ko sa kanya nung maramdaman ko ng panginginig ng katawan nya. Tapos ay hindi na nya napigilan ang pagtawa nya.
"Ano to?"galit na tanong ko sa kanya.
"Sorry! Joke lang naman iyon Aerie eh,"natatawang sabi nya sa akin. "Di ko napigilan ang sarili ko na matawa kasi,"
"Kasi ano? Sira ka pala eh! May joke bang ganon? Hindi yon nakakatawa! "singhal ko sa kanya at naiiyak na talaga ko. Kanina sa pag aalala ngayon ay dahil sa inis ko sa kanya.
Kakaloka tong si Boni, hindi nya alam na halos mamatay na ako sa takot dahil sa ginawa nyang iyon.
"Diyan ka na nga!"inis na sabi ko sa kanya at binalak kong umahon na lang at iwan sya.
"Sandali lang naman oh!"pigil nya sa akin. "Pakinggan mo muna ko."
"Ayoko ng makinig sayo!"sa inis ko ay tumulo kusa ang mga luha ko.
"Please Aerie! Patapusin mo muna kasi ko! Sabi ko kaya di ko napigilan ang sarili ko na matawa kasi nga, sobrang saya ko na nag aalala k sa akin. Iyon yung totoo! Kaya sorry kung napagalit kita,"seryosong paliwanag nya sa akin at sinadya pa nyang titigan ako sa mata.
"Ang totoo, ngayon ko lang naramdaman yung ganon. Yung may taong nag aalala talaga sa akin kaya masaya talaga ko."dagdag pa ni Boni habang pinupunasan nya ang mga luha ko kaya tuluyang wala na akong nasabi sa kanya.
Basta nagkatitigan nalang kaming dalawa. Kaya nagulat na nga lang ako nung biglang lumapit ang mukha nya sa akin at dumampi ang labi nya sa labi ko. Alam kong parang may mali pero hindi ko sya nagawang sawayin. Bagkus ay ipinikit ko pa ang mga mata ko para damhin ang kakaibang pakiramdam na iyon. At ibinuka ko pa nga ang labi ko para mahalikan nya ako ng maayos.
Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Boni ang mga bagay na to pero wala akong sapat na lakas para bawalin sya.
"Aerie! Hoy! Sorry naman na! Please wag ka ng umiyak at wag ka ng magalit!"narinig kong sabi ni Boni sa akin sabay yugyog sa mga balikat ko.
"Ha?!"takang tanong ko sa kanya.
Back to reality.
Hindi naman pala ako hinalikan ni Boni. Kaya nagtataka ako sa sarili ko dahil all of the sudden ay naisip ko ang kahalayang iyon. Tsaka bakit ako hahalikan ni Boni? At bakit ko hahayaan na halikan nya ko? Pareho kaming babae! My God!
Sa naisip kong iyon ay biglang napahiya ako sa sarili ko. Feeling ko tuloy ay mas nagkasala pa ko kay Boni dahil sa pantasyang naisip ko.
"Hoy Aerie, okay ka lang ba? Namumula yung mukha mo eh. Baka sisipunin ka na. Umahon na nga tayo!"nag aalalang sabi pa nya at hinipo nya ang noo at pisngi ko.
Nung maisip ko yung tingin ko na nangyari sa aming dalawa kanina ay sobrang nahiya na talaga ako sa kanya.
"Okay lang ako!"sagot ko sa kanya sabay alis ko sa kamay nya na nakahawak sa pisngi ko at umalis na ko agad sa tabi nya.
"Galit ka pa ba? Hoy!"narinig kong sigaw pa ni Boni sa akin.
*******
BONI POV
Nagtatakang nasundan ko nalang ng tingin si Aerie sa pagwo-walk out nya.
"Anong nangyari don?"parang tangang tanong ko sa sarili ko.
Alam ko naman na maling mali yung prank ko sa kanya kanina pero naipaliwanag ko na ang side ko at ilang beses na rin akong nag sorry. It's not like may masama namang nangyari di ba?
Ang weird talaga ni Aerie, sa ilang Linggo kong pagkakakilala sa kanya ay hindi ko pa rin mahuli ng todo ang ugali nya kahit pa nga ba lagi na kaming magkasama. Madalas ay masaya sya, magana kumain, sweet, madaldal at makwento. Pero minsan ay may time talaga syang bigla nalang sya totopakin at magwo-walk out tulad nga nito.
Napapa iling na nagdesisyon nalang ako na umahon na rin ng pool at sundan sya sa shower room. Paalis na sana ako nung mapansin ko na naiwan yung hair cap ni Aerie na lulutang lutang sa isang gilid. Kaya syempre inabot ko yon para kunin. At nasa ganoon akong gawain nung mapatingin ako sa reflection ko sa tubig.
"Kahit nag iisa lang ako, pag nakikita ko ang reflection ko dito ay para na rin akong may kasama."
Iyan ang mga salita ni Aerie kanina na tandang tanda ko.
"Buti pa sya nakikita nya ang sarili nya, pero ako hindi ko makikita ang sarili ko kahit kailan,"malungkot na sabi ko sa sarili ko.
Kahit kasi anong gawin ko ay si Sari pa rin ang nag iisang tao na masasalamin ko sa reflection ko.
Iyon ang bagay na bumabagabag kanina sa akin kung bakit napa isip at napatulala ako. Hindi dahil sa sinabi kong dahilan na nakaka isip ako ng shark sa malalalim na pool na tulad nito.
"Boni! Iiwan na kita kung wala kang balak umalis dyan!"sigaw sa akin ni Aerie na kumaway pa.
Syempre naka moved on na sya at hindi na sya ulit galit sa akin.
"Sandali! Magpapalit lang ako!"ganting sigaw ko sa kanya at nagmamadali na akong nagpunta sa may shower room.
*******
KINABUKASAN
"Nasa meeting pa kami, baka hindi agad kita masamahan sa pool."
Text iyan ni Aerie with sad face.
"No sweat! May pupuntahan din kasi ako ngayon kaya take your time. See you tom,"reply ko naman sa kanya.
Para nga syang naka auto reply dahil saglit lang ay na-receive kong text nya. Sabi nya ay: "san ka punta?" Tapos may sad face na naman sya.
Magre-reply pa sana ako pero biglang nag empty na ang cellphone ko dahil hindi ko nga pala na charge iyon.
So wala akong choice kung hindi tanggapin nalang na siguradong magtatampo sa akin si Aerie dahil hindi ko na sya ni-replyan. Oh! Well magpapaliwanag nalang ulit ako tulad ng dati.
Sumabay ako sa ibang classmate ko na pumunta sa mall. Pero humiwalay din ako sa kanila pagdating namin don. May ilang groceries lang akong binili sa supermarket tapos ay naisipan kong pumunta sa department store after kong ilagay sa baggage counter yung mga pinamili ko.
Balak ko kasi ay bilan si Sari ng bestida. Pamalit don sa damit nya na nasunog ko sa plantsa nung nakaraang araw. Katext ko kasi non si Aerie at nangungulet sya kaya medyo distracted ako. Hindi man nagalit si Sari sa akin dahil sa ginawa ko ay guilty pa rin ako kaya nag decide ako na bilan sya ng regalo.
"Ma'am may size pa po nyan,"sabi sa akin nung saleslady na lumapit.
"Okay na tong size na to, meron bang ibang kulay ng dress na to?"tanong ko sa kanya.
"Meron po ma'am, saglit lang po at kukunin ko,"sagot nya at umalis na muna. Inabala ko muna yung sarili ko sa pagtingin tingin sa ibang damit habang hinihintay ko na bumalik yung saleslady.
"Ma'am may size pa po kami nyan at may iba pang kulay,"narinig kong sabi ni Aerie na nasa likuran ko na pala. Ginaya pa nya ang tono ng boses nung mga babaeng nagta-trabaho don.
"Aerie! Nandito ka rin pala,"nagulat pa ako pagkakita ko sa kanya.
"Napadaan lang ako,"nakangiting sabi nya sa akin. "Namimili ka yata? Sinong kasama mo?"usyoso nya sa akin habang tumitingin tingin din sya sa mga damit na naka hanger.
"Wala ako lang, may binili lang ako."
"Ah okay, kung nireplyan mo ko edi sinamahan sana kita,"maya maya ay sabi nya na hindi na naitago ang pagtatampo.
Itutuloy...