Chapter 4

2177 Words
TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 4 _______________ BONI POV   Pag napatunayan ko talaga na nagkamali at lumabag si Nelly sa mga napagkasunduan namin, ay humanda talaga sya sa akin!   ***** TRIA APARTELLE   Pag uwi ko ng apartment ay nakita ko agad ang notebook na sinasabi ni Aerie sa akin. Masinop naman iyon na nakasalansan sa mini bookshelf na nakapatong sa study table ko. Pero ganon pa man ay hindi man lang nabawasan ang inis na nararamdaman ko para kay Nelly.   "Boni bakit? Parang wala ka sa mood?"nag aalalang tanong sa akin ni Sari nung sinundan nya ako sa loob ng kwarto.   "Alam mo ba yung tungkol dito?"sita ko sa kanya at ipinakita ko sa kanya yung mga notebook.   Umiling si Sari.   "Nakita ko lang yan kagabi na nakakalat sa gawing pintuan nung naglinis ako. Hindi ko na nga tinanong kung kanino iyan dahil ikaw lang naman ang nag aaral dito, kaya diyan ko na iyan nilagay. Bakit? May problema ba?"nag aalalang tanong nya sa akin.   Pero hindi ko sya sinagot at dumiretso agad ako sa kabilang kwarto na ino-okupa ni Nelly.   "Hoy! Nelly! Lumabas ka dyan!"inis na tawag ko sa kanya at kinatok katok ko yung pintuan nya.   "Boni, bilin kasi ni Nelly wag daw syang gigisingin eh,"nag aalalang pigil sa akin ni Sari pero hindi ako nakinig sa kanya, bagkus ay mas nilakasan ko pa ang pagkalampag sa pintuan nya.   "O bakit ba?"pupungas pungas na tanong ni Nelly pagka bukas nya ng pintuan. Halatang halata sa itsura nya ang disgusto sa ginawa ko.   "Kahapon nagpunta dito yung classmate ko para sa akin. Para ibigay ang mga notes na to. Pero anong ginawa mo? Ikaw ang nakipag usap sa kanya at hindi mo ko tinawag!"sita ko agad sa kanya at hindi ko na itinago ang inis ko.   "Teka nga muna Boni! Hindi ko matandaan yang sinasabi mo na iyan eh,"pag de-deny nya at kumamot kamot pa sya sa ulo nya. "Tsaka hindi mo ba alam ang tungkol sa kasabihan na magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising? Nakteteng naman oo! Walang ka kwenta kwentang bagay ginigising mo ko? Wag ganon huh!"sermon pa nya sa akin at kinurot pa ang pisngi ko.   "Anong walang kwenta?"inis na tanong ko at pagalit kong inalis ang mga kamay nya sa pisngi ko. "Kung sayo walang kwenta, pwes sa akin meron! Ang usapan natin pag may naghahanap sa bawat isa, hindi dapat iyon ini-entertain ng iba lalo na at wala silang idea! Pero anong ginawa mo? Hindi mo ko tinawag, ikaw ang nakiharap sa kanya!"sita ko sa kanya. "Sari, hindi ba iyon ang isa sa rules na ginawa mo? Nilabag yon ni Nelly!"baling ko sa nalilitong si Sari sa tabi ko.   "Sandali! Wag nga kayong mag away! Pag usapan natin to ng maayos tulad ng dati pwede ba?"sabi ni Sari na pumagitan sa amin.   "Pagsabihan mo muna yang si Boni!"sabi ni Nelly kay Sari. "Grabe na sya eh! Pinapayagan na nga syang gawin lahat ng gusto nya sa lahat ng oras, hindi pa makontento! Ako nga minsan na nga lang ako lumaya kino-question nyo pa ko?"nagdadamdam na sabi pa niya.   "Hindi iyon ang issue dito!"naiinis na sabi ko pa rin sa kanya.   "Ah! So anong issue dito?"inis na balik tanong nya sa akin. "Ah... Alam ko na!"sarcastic na sabi ni Nelly na parang nakaisip ng isang magandang ideya. Komportable pa nga syang sumandal sa pintuan at humalukipkip sa harapan namin.   "Alam ko na! Naalala ko na, tungkol to don sa girlfriend mo na nagpunta dito kahapon noh? Well, ganda nya ha! Mukhang barbie yung mukha. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na kausapin sya. Weakness ko din yung mahahaba ang buhok na tulad ng sa kanya eh! Kaka inlove din kasi yung kutis nya, ang kinis at ang puti! Sayang, hindi mo kasi sya nakitang naka mini skirt, wow sa hugis ng katawan!Witwiw!"kwento nya na pumito pa sya. "Iyon ba ang ipinuputok ng butse mo ha Boni? Yung hindi mo sya nakita?"   "Wag mo nga akong i-pares sayo! Sa baluktot mong pag iisip at sa maka mundo mong pag nanasa! Hindi lahat ng tao kasing kitid ng utak mo!"galit na sagot ko sa kanya dahil pinakulo nya talaga ang dugo ko.   "Tama na! Ano ba kayo!?"naiiyak na pigil sa amin ni Sari.   "Wow! Talino mo ah! Sige ikaw na! Hayaan mo sa susunod na makita ko yung syota mo, hindi ko lang sya basta kakausapin! Ide-date ko na rin sya!"provoke pa nya sa akin at pinanlakihan pa nya ko ng mga mata. "Para notebook lang eh! Nakteteng oo!"narinig ko pang sabi ni Nelly bago nya padabog na isinara yung pintuan.   "Hoy! Lumabas ka dito! Hindi pa tayo tapos!"pagalit kong kinatok katok yung pintuan at talagang na high blood ako dahil sa tomboy na yon. Nakakainis dahil hindi nya nakuha ang point ko, akala nya dahil lang yon sa mga notebook kaya ako nagkakaganito.   "Boni please tama na!"nagmamakaawang sabi ni Sari sa akin at hinawakan pa nya ako sa damit para mapansin ko sya. Nagulat ako nung makita ko syang nakasandal sa pader hawak ang tapat ng dibdib nya at habol ang pag hinga.   "Sari bakit? Anong nangyayari?" nag aalalang tanong ko sa kanya. Sa pangyayaring nakita ko ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang lahat ng galit na nararamdaman ko.   Inalalayan ko syang maupo sa sofa at agad ko syang inalok ng tubig para kumalma sya.   "I'm sorry Sari, okay ka lang ba?"naiiyak na tanong ko sa kanya.   "Okay lang ako, wag kang mag alala. Tsaka kasalanan ko lahat ng nangyari, pasensya ka na rin at hindi naman kita gustong bigyan ng alalahanin Boni,"nakangiting sabi sa akin ni Sari at hinawakan pa nya ang pisngi ko.   Napailing ako ng ilang beses dahil sa sinabi nyang iyon.   "Wala kang kasalanan Sari, hindi dapat ako nagpadala sa galit ko, hindi ko dapat inaway si Nelly. Dapat nakinig ako sayo para hindi ka nag alala ng ganito. Pangako ko sayo hindi na to mauulit,"seryosong sabi ko sa kanya at dinama ko pa ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko.   Ang isa sa pinaka importanteng bagay na hindi ko dapat gawin kung mahal ko ang buhay at existence ko ay ang kalabanin si Sari at mapagalit sya. Kaya naman malaki ang pagsisisi ko sa nangyaring ito, kung bakit nagpadala ako sa emosyon ko.   "Ganito nalang Boni, bukas puntahan mo yung kaibigan mo at magpaliwanag kang maayos, okay?"   "Pero absent ako bukas di ba? Magkikita kayo ng Mama mo at pupunta kayo sa doctor."   "Tatawagan ko si Mama at magpapa re-scheduled nalang kami. Madali lang iyon, ang mahalaga sa akin ay maging komportable ka sa pag aaral mo at yung masaya ka,"nakangiting sabi nya.   "Salamat Sari, gusto ko rin naman ay maging masaya ka, gagawin ko ang lahat para mangyari yon,"honest na sagot ko sa kanya.   "Natutuwa akong marinig iyan lalo at galing sayo,"nakangiting tinampal tampal pa nya ang mukha ko. "Oo nga pala sandali,"sabi nya na parang bigla syang may naalala. Tumayo muna sya at pumunta sa may kusina. Pagbalik nya ay may dala na syang transparent na garapon na may lamang cookies.   "Ginawa mo to?"tanong ko sa kanya nung inabot nya iyon sa kandungan ko.   "Hindi ah! Mukhang galing yan sa kaibigan mo kahapon,"inform nya sa akin sabay abot nung dedication card na hawak nya.   Nung basahin ko iyon ay nakita kong pangalan nga ni Aerie ang nakalagay don at cellphone number nya. Lalo tuloy akong na guilty sa ginawa ni Nelly kahapon sa kanya.   "Nakita ko lang yan sa loob ng ref kaninang umaga. Actually naka box kasi iyan pero medyo nasira na yon kaya inilipat ko nalang dyan sa lalagyan na iyan. Tingin ko itinapon nung kaibigan mo yan sa basurahan at agad naman na napulot ni Nelly at ipasok nya sa bahay."   Hindi ako kumibo sa sinabing iyon ni Sari. Hindi naman kami sure kung ganon nga talaga ang nangyari.   "Boni, tungkol naman kay Nelly, ako na ang kakausap sa kanya. Pero sikapin nyo pa rin na magkasundong dalawa dahil hindi tayo magkakalaban dito, okay? Tsaka naisip ko lang, kung gusto nya talaga tayong ipahamak, dapat nagpakilala sya sa kaibigan mo na hindi sya si Boni, na pwedeng mag cause ng mas mataas na level ng confusion di ba? Pero hindi nya iyon ginawa kaya nga akala nung kaibigan mo ay ikaw sya. Yun nga lang medyo mean talaga ang approach nya kaya mali talaga sya. And in the first place, dapat tinawag ka nalang nya. Pero siguro dahil Sunday lang sya nakakalabas hindi na nya gustong maubos ang oras nya kaya intindihin nalang natin sya", mahabang explanation niya.   "Ay ang daldal ko! Sorry naman!"natatawang tinakpan nya ang bibig nya.   Natatawang tinignan ko tuloy sya.   "Mas gusto ko yung ganyan ka kaysa yung hindi ka makahinga tulad kanina. Papatayin mo ba ko sa pag aalala ha?"pangongonsensya ko sa kanya.   "Talaga lang ha?"nagdududang sabi nya.   "Talaga! Talagang talaga!"bola ko pa sa kanya.   ******   MARIETTA COLLEGE   AERIE POV   "I'm sorry talaga, if ever hindi mo na ko gustong maging kaibigan atleast patawarin mo naman ako. -Boni   P.S. thank you so much sa cookies, very much appreciated. Ang sarap nila :)   Text yan ni Boni kagabi sa akin. Actually ay maraming beses ko ng nabasa ang message nya na iyan pero hindi ko pa rin sya magawang replyan. I mean maraming beses ko syang tinangkang replyan pero hindi ako makahanap ng tamang words na ire-reply. Kaya ang plano ko nalang ay kausapin sya ng personal ngayon pag nagkita kami. Kaya nga lang ay maaga rin akong naka tanggap ng message galing sa coach namin sa swim club at pinag assemble kami para sa isang meeting.   Meeting na nakakainip na sa sobrang tagal.   "Kaninong message kaya iyang paulit ulit mong binabasa? Swerte naman nya, samantalang yung message ko sayo nabubulok na pero hindi po rin nakikita,"tanong ni Renz sa akin na may kahalong tampo. Kapatid sya ni Tanya na classmate ko at nagkataon nga na nasa swimmer's club din ang loko kaya nalalapitan nya ako.   "Hay nako Renz, mind your own business,"sabi ko lang sa kanya tapos ay kinuha kong bag ko at iniwan ko na sya. Timing naman kasi na tapos na ang meeting.   Pagbalik ko sa klase namin ay hindi ko na halos naabutan ang mga classmate ko sa P.E. namin. Halos lahat sila ay nasa shower room na maliban nalang kay Boni na kausap pa din ni teacher Kate para sa after class duscussion nila.   Nung makita ko sya buhat sa malayo ay napangiti ako at pinag masdan ko muna sya. Kahit ilang tao nalang sila na nasa pool ay nahihiya pa din sya pagnaka suot ng swim suit namin. Kapareho ko lang naman syang slim at halos magkasing tangkad lang kami. Cute naman sya at medyo maputi lang ako sa kanya kaya ewan ko ba at parang kulang ang confidence nya sa sarili.   "Ms. Boni, mainam siguro kung mag spend ka ng extra time sa swimming. I don't know kasi parang may takot ka sa tubig eh. it's seems like nagiging stiff ang body mo tuwing lulusong ka sa tubig ,you just can't move very much," narinig kong sabi ni teacher Kate sa kanya.   "Teacher ako nalang bahala sa extra swimming lesson ni Boni kung okay lang sa kanya,"hindi ko napigilan ang sarili ko na mag presinta dahil naawa ako kay Boni dahil mukhang down na down na ang pakiramdam nya.   "Wow! Ang ganda ng alok ni Aerie sayo, kailangan tanggapin mo na yon,"suggestion ni Teacher sa kanya.   Nung makita ako ni Boni na naka ngiti sa kanya ay napangiti na rin sya. Kaya sa harap ni teacher ay nag deal na kaming dalawa.   Kaya nga ang nangyari everyday after class ay sumasama sa akin si Boni sa pool para sa extra lesson nya at para panoorin na rin ako sa practice ko. Malapit na rin kasi ang intramurals kaya yung competition sa school is just around the corner.   "Wow! Ang galing mo na ha! Ang dali mo lang din talaga matuto eh,"puri ko kay Boni na after ng ilang session sa akin ay nakakalangoy na sa medyo malalim at kabisado na din ang mga basic.   Hindi na sya yung tulad ng dati na parang nagiging stiff ang body pag nasa tubig na kaya hindi na sya masyadong makagalaw.   "Syempre! Ang galing kaya ng teacher ko!"natatawang bola nya sa akin nung makabalik na sya sa gawing pwesto ko.   "Talaga lang ha? Jamming mo naman!"natatawang sabi ko rin at dali dali akong lumangoy paalis nung sumampa sya sa gilid ng pool.   "Yun ang wow!"narinig kong puri nya sa akin nung nakabalik na ulit ako sa gawi nya.   "Thanks!"   "Bakit ang galing mo mag swimming? Matagal mo na ba yung ginagawa?"maya maya ay tanong sa akin ni Boni. Pareho nalang kaming naka upo sa gilid ng pool at nagpapahinga habang pinagmamasdan namin ang reflection namin sa tubig.   "Matagal na rin. Ewan ko ba, basta nag enrol nalang ako sa swimming class eh. Tapos nagustuhan ko na din, kasi nakaka relax. Parang form of therapy na rin. Ikaw? Bakit parang ayaw mo sa mga pool?"curious na tanong ko sa kanya.   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD