Chapter 3

1689 Words
CHAPTER 3 TRIA APARTELLE AERIE POV   "Aerie? Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni tita Rose noong makita niya ako sa hallway. Isa siya sa owner ng apartelle at mommy siya ng dating kasamahan ko sa swimming class.   "Tita Rose!" masayang tawag ko sa kanya at nag mano ako. "Actually, napadaan lang po ako para i-drop by itong notes sa new classmate ko sa school, hindi ko nga po sure kung nandito siya ‘pag Sunday," inform ko sa kanya at pinakita ko pa ‘yong mga notebook na dala ko.   "Classmate ba kamo? Baka si Boni ‘yong sinasabi mo? Siya lang naman ‘yong bagong lipat dito na kasing edad mo eh," hula nito.   "Siyanga po, Tita, kaya lang hindi ko po kasi natanong ‘yong number ng room niya," natatawang sabi ko.   Ewan ko ba naman at sa tagal ko siyang kausap kahapon ay nakalimutan ko rin kunin kahit ang cellphone number niya.   "Room #23, third floor, ‘yong elevator nasa dulo ng hallway na ito," sagot sa akin ni Tita Rose at itinuro pa niya ‘yong daan.   "Thank you po, Tita, hindi po kaya ako makaistorbo sa mga kasama niya do’n ngayon? Wala po kasi akong pasabi na pupunta," hesitant na tanong ko sa kanya.   Kahit mabait kasi kausap si Boni ay hindi ko pa rin sigurado kung gusto niyang dinadalaw siya ng ibang tao.   "Kasama? Pero wala siyang kasama do’n. Ewan ko ba naman sa batang ‘yon kung bakit ‘yong pinakamalaking space pa ang nirentahan niya samantalang mag-isa lang pala siya do’n," paglilinaw ni Tita Rose.   Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako kumibo para kontrahin sya. Basta malinaw na sinabi sa akin ni Boni kahapon na tatlo silang magkaka roomates at siyempre mas naniniwala ako sa kanya.   After pa ng ilang kamustahan ay nagpaalam na din ako kay Tita Rose at nagpunta na nga ako ng 3rd floor. Pagdating ko sa room 23 ay hindi ko naman mapagdesisyunan kung magdo-doorbell na ba ako o ano? Kinakabahan kasi ako kaya nanatili lang akong nakatitig sa pintuan sa harap ko.   "Hay nako, Aerie, nandito ka na rin naman bakit hindi mo pa ituloy?" parang tangang sabi ng isip ko.   Sabagay, ibibigay ko lang naman ‘yong notes kay Boni tapos ay aalis na rin naman ako. It's not like tatambay ako maghapon dito para maka-chikahan siya.   Bumuga ako ng hangin tapos ay lakas-loob kong pinindot ‘yong buzzer. Kaso, nakailang pindot na rin ako ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. I guess, walang tao. Kaya laglag ang balikat na umalis na lang ako.   Nag-aabang ako sa elevator noong magulat pa ako na pagbukas no’n ay si Boni ang lumabas. I'm sure ay nagkatinginan kami pero hindi niya ako pinansin. ‘Yong parang hindi kami magkakilala.   "Okay sige, baka ‘di lang talaga niya ako nakita," pagri-reason ko sa sarili ko kaya lakas loob na sinundan ko pa siya. Naabutan ko nga siyang binubuksan ‘yong pintuan ng room nila.   "Hi! Good morning!" masiglang bati ko sa kanya para makuha ko ‘yong atensyon niya. Pagharap niya sa akin ay nakakunot-noo lang siya. Like hindi talaga niya ako kilala.   Actually, for a moment ay napaisip din ako kung si Boni ba ang kaharap ko o may kakambal ba siya? I have no idea kasi na ‘pag nasa bahay pala siya ay iba ang hairdoo niya. Naka-brush up kasi ‘yon na parang punong-puno ng gel tapos ay medyo naka-make up pa siya na parang isang punk. Additional pa nga ang suot niyang malaking shirt at ripped jeans, total impact ay tomboyish style. Malayong-malayo ang dating niya ‘pag nasa school siya. Simpleng-simple lang kasi siya, naka-ponytail at may simpleng lip gloss lang.   "Yes?" tanong niya sa akin habang nguya siya nang nguya ng bubble gum. "Ganda mo naman," comment niya sa akin after niyang hagurin ng tingin ang itsura ko mula ulo hanggang paa sabay ngisi. "Teka, kilala ba kita? May magagawa ba ako para sa’yo?"   Hindi agad ako nakakibo sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya o seryoso sya.   "Boni naman, ako ‘to, si Aerie classmate mo," paalala ko sa kanya at alanganin akong ngumiti.   "Ah, classmate," sabi lang niya at tumango-tango lang siya. "So, bakit nandito ka?" walang interest na tanong niya sa akin tapos ay napatingin siya sa paper bag na dala-dala ko.   "Ibibigay ko lang sa’yo ‘tong notes ko, kasi kako baka gusto mo nang pag-aralan?" hesitant na pinakita ko sa kanya ‘yong mga notebook na dala ko.   "Sige, sige! Ako na ang bahala dito." Kinuha niya sa kamay ko ‘yong mga notebook at pahagis niya iyong nilagay sa table na malapit sa entrance pagbukas ng pinto nila. "Sige, ah! Wala pa kasi akong tulog, eh!" paalam niya agad sa akin at sinarhan niya ako ng pinto after niyang kumindat.   "Teka muna!" pigil ko sa kanya at pinindot ko ulit ‘yong buzzer pero hindi na niya ‘ko nilabas. Maiyak-iyak ako sa ginawa niyang iyon.   Matagal nang wala si Boni sa harap ko ay hindi pa rin ako makaalis sa harap ng pinto nila. Naiinis talaga kasi ako sa gaspang ng ugali niya. Hindi ko akalain na gano’n pala siya ka-mean!   "Aerie, pasensya ka na at hindi kita agad nasundan, doon ako nagpunta sa huling palapag," apologetic na sabi ni yaya Belen na dala-dala ang box ng cookies na ginawa ko kagabi. Ibibigay ko talaga ‘yon kay Boni dahil friends na kami.   "Friends kami kahapon pero ngayon ay hindi na!" inis na bulong ko sa sarili ko tapos ay kinuha ko ang box kay Yaya Belen at nagpatiuna na akong lumakad sa kanya. "Nako ano ba ‘yan anak, sayang naman, pinagpuyatan mo ‘yan kagabi ah!" gulat na sabi ni Yaya noong itinapon ko lang ‘yong box sa basurahan na nakita ko malapit do’n.   "Madumi na iyan, Yaya!" inis na sabi ko sa kanya noong nakita ko na nagtangka siyang pulutin iyon. Syempre dahil hindi na nga maipinta ang pagmumukha ko ay alam na niyang wala ako sa mood kaya nagpabawal siya sa akin at sumunod na lang din sa pag-alis ko.   *****   MARIETTA COLLEGE KINABUKASAN   BONI POV   "Hi!" bati ko kay Aerie noong makakasalubong ko siya sa hallway. Bale papalabas ako ng room namin tapos siya naman ay papasok pa lang. May kausap kasi siyang classmate namin kaya siguro hindi niya ko napansin kahit pa nga ba nagkatinginan pa kami.   Inisip ko na lang na mamaya ko na lang siya pupuntahan ‘pag breaktime since napag-usapan namin kahapon na sabay kami magla-lunch.   "Kakain ka na ba? May dala kasi akong pagkain natin, eh," approach ko kay Aerie habang nag-aayos siya ng gamit niya. Gusto ko kasing ipatikim sa kanya ‘yong specialty ni Sari na teriyaki chicken.   Tumingin siya sa akin pero hindi niya ko pinansin bagkus ay hinarang niya ang isang grupo ng mga kaklase namin na dumaan sa gawi namin at sumama siya ro’n.   Nagtataka man ako sa ikinilos ni Aerie ay hindi ko naman na siya nagawang tanoongin maghapon dahil bukod sa nagpapaka-busy siya ay parang hangin lang ako sa kanya na hindi niya nakikita.   At dahil gusto kong malaman ang dahilan ng biglaang pag-iwas niya sa akin ay matiyaga ko syang hinintay pagkatapos ng swimming club activity niya. Inabangan ko talaga ‘yong chance na mag isa na langsiya doon. Hindi naman kasi ako matatahimik lalo at alam ko na may sama siya ng loob sa akin.   "Aerie, pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong ko sa kanya noong lumapit ako. Noong makita niya ko ay agad syang tumayo buhat sa pagkakaupo sa gilid ng pool at pumunta siya sa sabitan ng towel niya at mabilis na lumakad palayo sa akin. Syempre ay sinundan ko sya.   "Uy, please naman kausapin mo naman ako, oh," pilit ko sa kanya at pinigilan ko pa ang braso niya. "Gusto ko lang naman malaman kung bakit bigla mo akong iniiwasan e, galit ka ba sa akin?" seryosong tanong ko ulit sa kanya.   Bumuntonghininga siya after niyang bawiin ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.   "Sure, sige mag-usap tayo, Boni! Gusto ko rin malaman kung bakit ang lakas pa ng loob mo na kausapin ako ngayon after ng nangyari sa atin kahapon? So, ano? Kilala mo lang ako ‘pag nasa school tayo, ha? Tapos ‘pag nasa labas na, who you na lang ang peg? Kakainis din, ah!" sabi niya na halatang-halata na masama ang loob.   "Teka muna, kahapon?" kinakabahang tanong ko. Agad kong naisip na wala akong alam tungkol sa mga nangyari dahil hindi ako ang alter ni Sari kahapon.   "So, what now? Don't tell me hindi mo rin alam na nagkita tayo sa apartment mo kahapon? E ‘di wow! May sakit ka bang kalimot?" sarcastic na sita niya sa akin. "Hay nako, alam mo mahirap maging kaibigan ang katulad mo kaya kung pwede lang, ‘wag mo na akong kakausapin ulit," naiinis na sabi niya sa akin noong hindi pa rin ako makasagot. Hindi ko na nga siya nagawang pigilan noong talikuran niya ako, eh.’   Alangan namang habulin ko ulit siya at ipaliwanag ang side ko na hindi ako ‘yong nakausap niya. Na hindi ko magagawang maging mean sa kanya lalo na ang magpanggap na hindi ko siya kilala. Baka lalo pang magka-leche-leche ang lahat dahil ano mang tanggi ko, ano mang iba ng damit o ayos ko, iisa lang ang mukha naming tatlo. Kaya kahit anong sabihin ko ay ako pa rin ‘yong kausap niya kahapon.   "Siyanga pala! Pakisoli ‘yong notes ko ha at pwede pakiingatan? Pinaghirapan ko kasi ‘yon, eh. Hindi ‘yong ibabato mo na lang kung saan-saan!" masama ang loob na dugtong pa ni Aerie.   Nahabol ko na lang siya ng tingin noong dire-diretso na siyang umalis.   "Nakakainis naman!" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa sarili ko. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Napakagat-labi at nakuyom ko na langang mga kamao ko sa galit.   ‘Pag napatunayan ko talaga na nagkamali at lumabag si Nelly sa mga napagkasunduan namin, ay humanda talaga siya sa akin!   Itutuloy...              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD