020: ANOTHER silence ensued in the room. Zira just looked at Archiebal nervously. Pero hindi naman mabasa ni Zira ang reaksyon ng lalaki dahil nakayuko pa rin ito sa papel na hawak. Naghihintay kasi si Zira sa sasabihin sa kanya ni Archiebal. A week passed by already. Mahigit isang linggo na ring nakatira si Zira kasama si Archiebal. At isang linggo na rin mula nang magsimulang mag-aral si Zira tungkol sa witchery. At ngayon nga ang huling araw na binigay ni Archiebal sa kanya. Katatapos na rin niyang mag-exam. Mukhang kinareer ng lalaki ang pagtuturo kay Zira, dahil nga sa nagawa pa nitong magbigay ng halos isang daan tanong para kay Zira. At lahat iyon ay identification, ni wala man lang choices. Todo effort na rin si Archiebal dahil nga sa talagang nakaprint pa sa isang long bond pap

