021: MALAKAS na umihip ang hangin, kasabay noon ay ang mabilis na pagliparan ng mga nalantang dahon sa paligid. Pinaikutan ng mga dahon si Zira na para bang isa iyong ipo-ipo na si Zira ang ginawang sentro. Hindi naman nabahala si Zira at nanatili lang itong nakapikit habang nakalahad ang dalawang kamay sa kanyang unahan. Mayroon namang mahihinang usal na namumutawi mula sa kanyang mga bibig na hindi maintindihan. Nang tuluyan na siyang palibutan ng mala-ipo-ipong hangin na iyon ay doon marahang itinaas ni Zira ang dalawang kamay. At para namang nakasunod sa bawat galaw ng mga kamay ni Zira ang ipo-ipo, na umangat din iyon mula sa lupa. Tumigil lang ang pag-angat ng maliit na ipo-ipo noong tumigil na rin sa pag-angat ang mga kamay ni Zira. Zira were currently raising her hands up while

