FY#42 PUNO NG luha ang mga matang pinagmamasdan ni Karenina ang mga anak niya. Naipaliwanag na ni Luke sa kanya ang lahat. Hindi niya ito masisisi dahil kung may dapat mang sisisihin sa lahat ng ito ay ang pamilya niya iyon, particularly si Lola Conchitta. Kung hindi lang sana mapagtanim ng galit ang Lola Conchitta niya hindi ito mangyayari lahat. Pero ano pa ba ang magagawa nila? Tapos na, nangyari na at nahatulan na ng kamatayan ang puno't dulo nitong lahat. "Love..." napasinghap siya nang marinig niya ang boses ni Luke. Naramdaman din niya ang mga kamay nitong agad na yumapos sa kanyang baywang. "Stop crying, please..." he said. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at pinaharap siya nito. "I'm worried to our twins," naiiyak na sabi niya. "Lalo na kay Margaux." Sinapo ng dal

