FY#41 ANG SABI ni Dra. Torres ay kailangan niyang hindi magkikilos dahil hindi na pwedeng mangyari ulit ang pagbuka ng sugat niya sa kaniyang tiyan. Napabuntonghininga na lang siya. Alam niyang delikado talaga kapag nangyari iyon ulit. "Anyway, I have to go. Magra-rounds pa ako sa ibang pasyente ko." Paalam ni Dra. Torres sa kanila. "Sige po, Doktora. Salamat po ulit." Aniya at ngumiti. Inihatid naman ito hanggang sa pinto ni Mommy Ysabella, pagkuwan ay bumalik din ito agad sa kanya. "Mhie, bakit wala pa ang mga anak ko? Nasaan na po ba si Luke?" Sunud-sunod na tanong niya. Bumalik na naman ang kaba niya. Kanina pa rin siya hindi mapakali. "Anak..." ani Mhie, na hindi na rin mapakali. Mas lalo siyang kinabahan sa mga ikinikilos nito. "H-Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo ito

