Prologue

3376 Words
FY#SIMULA 23 Years Ago... "Kuya Luke, please I want to see M-Mommy..."  Nagising si Luke Andrew nang marinig niya ang pag-iyak ni Andrea Mikaela. Pupungas-pungas na bumangon siya at kaagad dinaluhan ang kapatid na umiiyak. "Addie, sshh... tahan ka na," he said while hugging his sister. "Don't worry we will ask Granny and Daddy if we can visit Mommy in the hospital, okay?" aniya pa at pinunasan ang mga luhang naglalandasan sa pisngi nito. Napasigok ito at tumango. He really hates seeing his sister cry. His princess Mikaela. Alam niyang miss na miss na nito si Mommy at gano'n din naman siya. Miss na miss na niya ang Mommy nila. Hindi siya sanay na wala ito sa tabi nila at niyayakap. Niki-kiss at sinasabihan ng 'I love you.' "Tahan ka na bunso," aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kapatid. Nasa ganoong pwesto sila nang bumukas ang pinto ng silid nila ni Andrei at pumasok doon ang bagong yaya nila. Si Yaya Elena. Kumalas si Addie sa kanya at kaagad humarap sa kakapasok lang na babae. "Yaya Elena, nakapagpaalam na po ba kayo kina Granny at Daddy?" tanong ni Addie na ikinakunot ng noo niya. "You asked her to do that?" tanong niya sa kapatid. Tumahan na ito pero namamaga naman ang mga mata. "Yes, kuya. I want to see Mommy," nakangusong sabi nito. He sighed. Inabot niya ang mukha nito at masuyong hinaplos niya ang namumula nitong pisngi.  Nakita niya sa mga mata nito ang pagsusumamo habang nakatingin sa kanya. "H'wag na kayong mag-alala nakapagpaalam na ako sa lolo at lola niyo, kaya hali na kayo." Nabaling ang paningin niya kay Yaya Elena nang sabihin nito iyon.  Kunot ang kanyang noong mataman niya itong tinititigan pero nag-iwas lang ito ng tingin sa kanya. "Really?" Mikaela beamed in excitement at kaagad bumaba mula sa kama. Sa nakikitang pagkasabik ng kapatid ay bumaba na rin siya at kaagad itong hinawakan sa kanang kamay. "Kuya saan kayo pupunta?" tanong ni Andrei Miguel. Kalalabas lang nito mula sa loob ng banyo at bago pa man siya nakasagot kay Andrei ay naunahan na siya ni Yaya Elena. "Puntahan natin ang Mommy Bella niyo, Andrei." Yaya Elena replied.  Andrei's face lightened up and looked at him as if asking him for confirmation. He nodded. Kaya mas lalong nagliwanag ang mukha nito at tumakbo upang lumapit sa kanila ni Mikaela.  Inakay naman kaagad sila ni Yaya Elena palabas ng kanilang kwarto ni Andrei hanggang sa makalabas sila ng mansion. Pero ang ipinagtataka niya kung bakit parang nagmamadali sila at parang iniiwasan nitong makita sila ng mga bodyguards na nakabantay sa loob at labas ng mansion. Panay rin ang lingon nito sa likuran nila. Weird. "Yaya Elena, bakit po tayo nagmamadali?" hindi na niya napigilang tanong sa babae dahil sa pagtataka. "At saka, bakit po parang iniiwasan po natin iyong mga guard?" tanong naman ni Miguel na napansin din pala ang ginawa ng Yaya Elena nila. "Ha? Ahm, kasi nagmamadali tayo, 'di ba? Kaya kailangan natin iwasan sila para wala ng maraming tanong," sagot nito habang ang paningin ay nasa dinadaanan nila.  Napatitig siya sa babae. Parang kinakabahan ito na ewan. Akala ba niya nakapagpaalam na ito kina Granny at Daddy? But he just shrugged his thought at hindi na lang inisip ang mga napapansin niya. hindi naman siguro sila ipapahamak ni Yaya Elena.  Nang makalabas sila sa malaking gate ng mansion ay may nakita silang itim na van na naroon. Mas lalong kumunot ang noo niya nang mapansing wala naman ganyang van sina Granny at Daddy.  Pero nanahimik na lang siya dahil baka mayroon naman at hindi niya lang alam. Nang makalapit na sila sa van ay kaagad iyong bumukas. Nagulat siya nang may lumabas doon na dalawang lalaking nakaitim. Balot din ang mukha ng mga ito ng itim na mask. "Sandali lang po bakit po—" "H'wag ka ng maraming tanong, sakay!" Bulyaw ng isang nakaitim na lalaki sa kanila na kaagad nagpatahimik sa kanya.  Napatili si Andrea nang hablutin ito ng lalaki kaya nabitawan niya ang kamay nito. He was shocked. At hindi kaagad nakakilos. "Kuya Luke, help!" saka lang siya natauhan nang sumigaw ulit ang kapatid niya. Asking for help.   Nakita niyang padarag itong ipinasok sa loob ng van. "Let go of my sister, you b*stard!" sigaw niya at pilit kumuwala sa lalakeng nakahawak sa kanya. "Mikaela! sandali bitawan niyo po ako." "Kuya Luke, tulong!"  Narinig niyang sigaw rin ni Andrei Miguel kaya nabaling ang atensyon niya rito. "Bitaw!" sigaw niya at pilit hinihiklas ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kaniya para mapuntahan si Miguel na pilit pinapasakay rin sa van. "H'wag niyo pong sasaktan ang kapatid ko!" sigaw niya ulit nang makitang itinulak si Andrei papasok sa loob ng van. At dahil sa galit niya ay sinipa niya ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito. "B*lsh*t!" impit nitong sigaw at kaagad siyang nabitiwan. Nakita pa niyang sapu-sapo nito ang parte ng katawan nitong sinipa niya.  Pero hindi na niya ito binigyan ng pansin at kaagad niyang tinakbo ang van kung saan lulan ang mga kapatid niya. Pero halos manlumo siya nang hindi na niya ito naabutan nang kaagad ng nakalayo ang van. "Sandali! Andrei! Addie!" hinihingal na sigaw niya habang pilit hinahabol ang itim na van. "Ahh!" Napaigik siya nang mapatid siya sa isang bato at nadapa.  Tatayo na sana siya nang may makitang isang pares ng black stiletto's sa harapan niya. Hinihingal pa rin at nanlilisik ang mga mata niyang napatingala siya. Hindi niya kilala ang babae. "Hmm... ang tapang mo naman bata." Anitong titig na titig sa kanya. "Hindi nga nagkakamali si Elena. You look exactly like your father." dugtong pa nito at umuklo para hawakan ang mukha niya.   "Don't touch me!" sigaw niya sa babae at galit na hinawi niya ang kamay nitong nakahawak sa mukha niya.  Tumayo siya at matalim na tinititigan ang yaya nila na nasa likuran lang ng babaeng kaharap niya. "Mhie and Dhie, trusted you but why you did this to us?!" galit niyang tanong kay Yaya Elena.  Bawat bigkas niya sa mga salita ay may diin para maramdaman nito kung gaano siya kagalit. Pero nakatingin lang sa kanya ang yaya nila na parang takot na takot at naiiyak. "And you! Who are you?" Baling niya sa babae na parang witch.  She's wearing a black long dress. Iyong suot din nitong summer hat ay kulay itim din at may nakaharang na itim na net sa mukha nito. Makapal ang itim na lipstick na nasa mga labi nito. She looks like a witch. "Get him and bring him inside the car!" Utos ng babae sa lalaking may hawak sa kanya kanina na ngayon ay nasa likuran na pala niya. "Let go of me! Let go of me! I hate you! Isusumbong kita sa Daddy Andrew ko!" pagsisigaw niya habang nagpupumiglas para makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanya.  Pero hindi man lang ito natinag at walang kahirap-hirap na binitbit siya nito patungo sa sasakyan ng witch. "Tahimik!" Bulyaw nang lalaki sa kanya kasabay ng pagsuntok nito sa kanyang sikmura. "D-Daddy," naanghihinang sambit niya bago siya nawalan ng malay. NAGISING siya nang may bumuhos na malamig na tubig sa kanya. Napaubo pa siya nang may tubig na pumasok sa kanyang ilong. "Hmm... D-Daddy... M-Mommy..." Namimilipit sa sakit niyang sabi. Masakit ang buong katawan niya lalong-lalo na ang tiyan niya na sinuntok no'ng lalaki kanina bago siya nawalan ng malay. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid kung saan siya naroon. Nasa isang lumang kwarto na siya. Nakaupo sa silyang gawa sa bakal habang nakagapos ang kanyang mga kamay sa likurang bahagi niyon payakap sa sandalan.  "Glad! You're awake, now!" Nabaling ang tingin niya sa matandang babaeng nakatayo sa harapan niya. Tinititigan niya ito. Kahawig ito noong witch kanina. "Aghh! Pakawalan niyo po ako," nagpapasag niyang pakiusap dito pero nakatitig lang ito sa kanya at may masamang ngiting naglalaro sa mapupulang mga labi nito. "What do you want from me?!" Sigaw niya rito nang hindi ito nagsasalita at mataman lang na nakatitig sa kanya. "Well, let me tell you a story, little Andrew." basag nito sa mahabang katahimikan. Napaungol siya habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. But no. Hindi siya iiyak dahil ililigtas siya ng Daddy Andrew niya.  "Once upon a time," simula nito sa kwentong sasabihin daw nito sa kanya. "My daughter and your father fall in love with each other. But your mother came into the picture, inagaw niya ang daddy mo sa anak ko at namatay ang anak ko nang dahil sa mga magulang mo!" sigaw nito habang ang mga mata nito ay nalilisik sa sobrang galit. "No! Hindi po iyan totoo," iiling-iling niyang protesta. "Kayo po ang masama at hindi po ang Mommy at Daddy ko," dugtong niya sa nanghihinang boses. "Ows... talaga?" anito sa nang-uuyam na boses. "P'wes hindi iyan ang totoo. Why don't you ask your father? Wait, I will call him,"  May kinuha ito sa dala nitong shoulder bag at nakita niyang cell phone iyon. May ganyan ang mga magulang niya kaya alam niya. "Patayuin niyo iyang batang iyan." utos nito sa tauhan habang nakadikit sa taenga nito ang phone nito. "Del Rio," malamig ang boses na sambit nito sa apelyedo nila.  Pumitlag ang puso niya. Alam niyang sumagot na ang Daddy niya sa kabilang linya. Narinig at nakita niyang tumawa ng malakas ang matandang babae habang nakikipag-usap sa Daddy niya. May nakakatawa bang sinabi si Daddy? "Well, you can only see your son if... you will negotiate with me." sabi nito ulit sa kausap. "Sure, pero bago iyon, gusto mo bang kausapin ang anak mo?" dugtong nito at kaagad tumawa.  She laughed like an insane demon, and he was scared. "Here he is. Little Del Rio, your father wants to talk to you," anito. Matalim pa siya nitong tiningnan bago idinikit sa kanang taenga niya ang hawak-hawak nitong phone. ''D-Daddy...tulong Daddy..." naiiyak na kausap niya sa ama nang marinig niya ang boses ng daddy niya sa kabilang linya. "And please, Daddy save Addie and Andrei too. Unahin mo po sila---" "Tama na iyan!" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang kinuha nito kaagad ang cell phone at kinausap ulit ang kanyang ama. "Buhay ni Ysabella ang kapalit, then your son will be free." anito pa. He froze when he heard his mother's name. Pero agad din siyang napadaing sa sakit nang hatakin siya ng isang lalaki at pinaupo pabalik sa silya at muling itinali ang mga kamay sa likod niyon. Gayundin sa higpit ng pagkakatali nito sa mga kamay niya. "S-Sandali, please I want to talk to my father." Tears stung in his eyes. But he promised himself he wouldn't cry. At mas nag-aalala siya para sa mga kapatid niya. "Why did you do this to us? Where are they? Where are my sister and brother?" sunud-sunod na tanong niya. But she laughs again, then she stops and looks at him angrily. Parang may dual personality ang matanda. Nababaliw. "Shut up! Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang ng Del Rio na iyon kapag nakita ka na niyang wala nang buhay. Gusto ko sanang nandito rin ang Mommy Ysabella mo pero mukhang nauna na siyang tinawag ni kamatayan." mahabang litanya ng matanda sabay tawa na naman. "Daddy will save me and my triplets too," naiiyak niyang sabi sa matanda.   "We'll see. " The old witch said, sarcastically. "Sige na kabitan niyo na iyan ng bomba." utos nito sa isang tauhan nito na nasa likuran lang nito at naghihintay ng utos mula sa matanda.  Kaagad namang kumilos ang mga tauhan nito at nang akma na siyang hahawakan nito ay nagpupumiglas siya at pinatid ito sa mukha. Sapat iyon upang isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Gumanti siya at sinipa na naman ito sa harapan. Namimilipit ang lalaki at humiyaw sa sakit.  The old witch approached him and made two consecutive slaps causing him to fall and hit his head on the chair he was sitting on earlier. Ngayon ay halos hindi na niya makita ang mga ito. Sinarhan ng pamamaga ng laman ang mga mata niya. "Talagang napakatapang mong bata ka!" Singhal ulit ng matanda at akmang itataas na naman nito ang palad para sampalin siya nang natigilan ito nang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan nila.  Pilit naman niyang inaaninag kung sino ang pumasok at nakita niyang ang babaeng kumuha sa kanya ang pumasok at ngayon ay nakatayo na ito sa harap niya. "Ma, stop hurting him." Narinig niyang saway nito sa matanda. "Huwag mo nga akong pigilan Karen Margareth." angil naman ng matanda na ikinatahimik naman nang babae. Wala na siyang nagawa ng kabitan siya ng bomba sa may dibdib niya. Pagkuwa'y umalis na ang mga ito. Napayuko na lang siya at inaalala ang mga kapatid. Ang mga masasayang araw na kasama niya ang mga ito. Ang Mommy at Daddy niya at kung gaano sila kasaya. Napaangat ang tingin niya nang bumukas ulit ang pinto pero hindi naman niya makita kung sino ang pumasok doon. "L-Luke, sorry. Sorry..." umiiyak na boses ng kanyang Yaya Elena. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagyakap nito sa kanya. "W-Why?" Garalgal ang boses na tanong niya. "Wala akong choice. Kailangan ko iyong gawin para mabuhay ang anak ko. May sakit ang anak ko---Diyos ko!" Nahihintakutang sambit ni Yaya Elena nang makapa nito ang bagay na nakakabit sa katawan niya. Kaagad itong napahiwalay sa kanya. Kapagkuwan ay naramdaman niyang may kinapa ito sa likod niya.  "Ano po ang ginagawa niyo?" "Huwag kang malikot, tatanggalin ko ang bomba. Iaalis na kita dito." she said almost in a whisper. Nakahinga siya ng maluwag nang matanggal nito iyon pagkuwa'y isinunod naman nito ang tali niya sa mga kamay pero bago pa man nito iyon nagawa ay may narinig silang mga putok ng baril mula sa labas. "Tang *na kunin niyo ang bata, dali!" Narinig niyang sigaw ng lalaki mula sa labas pagkuwan ay bumukas ang pinto at sunud-sunod na pumasok ang tatlong lalaki roon. Kaagad siyang nagtago sa likuran ng kanyang Yaya Elena na kaagad naman siyang hinarangan pero nahablot pa rin siya ng isang lalaki at binaril ang yaya niya. "Yaya Elena!" sigaw niya nang maaninag ng isang mata niya na bumagsak ito sa maruming sahig. "Yaya, get up!" huling sigaw niya bago siya kinaladkad ng lalaki palabas ng kwarto. Pero hindi pa man sila nakakalayo nang isang nakakabinging pagsabog ang narinig niya at tumilapon sila sa kung saan kasama ang lalaking kumaladkad sa kanya.  Naramdaman din niya ang pagkasunog ng balat ng buong katawan at mukha niya. Gusto niyang humiyaw pero walang tinig na lumalabas sa bibig niya. "D-Dad---dy---" nahihirapang ungot niya bago pumikit ang kanyang mga mata. Isa pang nakakabinging pagsabog ang narinig niya bago niya nararamdamang may humila sa kanya.  FIVE YEARS LATER... NAGISING siya na walang natatandaan kahit pangalan ay hindi niya alam. Balot na balot din ang buong katawan niya pati mukha niya ay ganoon din ng kung anong panapton. "A-Anak gising ka na." Napatingin siya sa babaeng nagsalita. Nakangiti itong nakatunghay sa kanya. Anak? Mama niya ito? "Sino po k-kayo? Bakit po ako nandito?" Naguguluhang tanong niya. Hindi niya maigalaw ang katawan. Hapong-hapo rin ang pakiramdam niya. Ano ba ang nangyayari? "Anak, ako ang Mommy Karen mo. Limang taon kang comatose, Brix." Naluluhang sambit ng babae. Hawak-hawak din nito ang libreng kamay niya. Mommy? Bakit hindi man lang niya iyon maramdaman? Bakit pakiramdam niya ibang tao ito? "M-Mommy po k-kita?" nahihirapan n'yang tanong. Sunud-sunod naman ang pagtango ng babae. "Oo, hijo siya ang Mommy Karen mo at ako naman ang Lola Conchitta mo." Napaangat ang tingin niya sa isang matanda. Nasa kabilang gilid ito ng kamang kinahihigaan niya at nakaupo ito sa isang de gulong na silya.  Napakurap siya dahil biglang pumintig ang ulo niya sa sakit. Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Limang taon siyang natutulog? Pero bakit? Ano ba'ng nangyari sa kanya? Bakit gano'n kahaba siyang natulog? "Hindi mo ba kami natatandaan, hijo?" ani pa ng matandang nagpakilalang lola raw niya. "Natatandaan mo ba ang pangalan mo?" Bumuka ang labi niya. "I---I'm---" napailing-iling siya nang walang pangalang pumasok sa utak niya. Realizations hit him. Wala siyang matandaan. Kung gano'n, sino siya? Nakita niyang nagkatinginan ang mag-ina. "W-Wala po akong maalala," sambit niya sa garalgal na boses.   "Pagpahingahin na muna natin siya, Mama. Saka na lang natin siya kakausapin kapag magaling na siya." wika ng Mommy raw niya na kaagad namang sinang-ayunan ng matanda. Ilang araw pa siyang nanatili sa ospital dahil kailangan pang tanggalin iyong nakabalot sa buong mukha niya bago siya inuwi at dinala ng mga ito sa malaking bahay.  Akala niya maging masaya ang buhay niya pero hindi dahil araw-araw siyang pinagmamalupitan ng Lola Conchitta niya at pinapalaking may galit sa puso para sa mga taong pumatay sa totoo niyang mga magulang.  They trained him like a criminal and treat him like an animal na handang papatay kapag nakita na niya ang mga taong gustong paghihigantihan ng mga ito.  At the age of fifteen, he's cold, ruthless, and fearless until Lorelei came into the picture. Ito ang nagturo sa kanya kung paano matakot. "Who are you?", he asked in a dangerous tone, nang sa pagpasok niya sa may dining hall ng mansion ay may babaeng nakaupo na sa pwesto niya at nagmamadaling kumain na parang hinahabol.  Nakita naman niya kung paano ito nahulog sa silyang kinauupuan nito sa harap ng dining table. Nilapitan niya ito pero bago pa man niya ito matanong ulit ay bigla na lang itong umiyak. "S-Sorry... sorry. Hindi na po mauulit," she said while crying. Kumunot ang noo niya. May kasalan ba ito sa kanya? Sa pagkakaalam niya, ngayon lang niya ito nakita. O baka alam nitong sa kanya ang silyang inuupuan nito. "Why? What did you do to ask my forgiveness?", he asked icily at her. Humikbi ito at tumingin sa pagkaing nasa mesa.  Ah! so, this kid thought na magagalit siya na pinakikialaman nito ang pagkain niya. Yumuko siya at inabot ang kamay nito para tulungan itong tumayo. "You can eat whatever you want," aniya habang inalalayan ito na maupo pabalik sa silyang kinauupuan nito kanina. Pero bago pa man ito makaupo ay ang dumagundong na boses ni Lola Conchitta ang narinig nila. "You piece of sh*t. Who told you na pwede ka ng kumaing, bata ka?!" sigaw ng lola niya sabay duro ng baston nitong hawak sa batang babae.  Napakuyom ang kamao niya nang walang pakundangang sinampal nito ang batang babae. "And you?!" baling ng matanda sa kanya. Takot din siya rito dahil sa pagmamaltrato nito sa kanya pero this time ay kakaiba ang nararamdaman niya. Parang lahat ng takot niya ay nawala. "How dare you let that poor starve b*tch ate on your food!" Nakasigaw pa rin nitong sabi. At ang bata ay nakasiksik na ngayon sa likuran niya. "Let her eat, Lola." Walang emosyong sabi niya. Bahagya pa siyang napatalon ng hampasin siya ng tungkod nito. Pinaghahampas siya nito ng tungkod pero hindi siya umiwas. Hinayaan lang niya ito hanggang sa mapagod ito at ito na rin ang sumuko sa kakahambalos nito sa kanya. "Ikulong ang dalawang iyan!" utos nito sa mga tauhan nito na kaagad namang tumalima. Kinaladkad sila at dinala sa madilim na bodega.  Hindi na rin naman siya natatakot dahil madalas na siyang nagpapabalik-balik dito sa bodega. Sa limang taon na nasa poder siya ng mga ito ay madalas siyang kinukulong ng matanda kapag may hindi ito gustong makita mula sa kanya o di kaya'y sumusuway siya sa mga gusto nito.  Kagaya nang gusto siya nitong ipasok sa isang organization na para sa kanya ay isang illegal---dalawang taon na ang nakalipas. Nabaling ang tingin niya sa batang babae nang malakas itong umiiyak at nagmamakaawa na palabasin ito. Pagapang na lumapit siya rito. Sobrang sakit kasi ng katawan niya.  "Sshh... h'wag mo ng sayangin ang boses mo. Hindi ka rin naman nila pakikinggan." Saway niya sa batang babae. Pero mas lalo lang itong umiyak kaya niyakap na lang niya ito hanggang sa tumahan na ito. “What’s your name, kid?” he asked when she stopped crying. "I'm Lorelei," she replied and smiled. And from that day on, he promised himself that he would protect her. But he failed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD