"SIR?"
Brixton Alessandro was startled and woke up from the nightmare he was in. Umayos siya mula sa pagkakasubsob sa kanyang executive desk at naupo ng tuwid nang makita niya ang sekretaryo niyang nakatingin sa kanya.
May isang metro ang layo nito mula sa executive desk niya. That's one of his rules. Put one-meter distance while talking to him. Except kung may iaabot ito sa kanya. Of course, he needs to be near him. At maliban sa kanyang sekretaryo, walang ibang empleyado ang maaaring pumasok sa kanyang opisina.
"Uh, sorry, Sir, I didn't mean to disturb you, but—"
"What is it, Tony?" agap niyang tanong sa kanyang secretary. He wants this man to direct his points.
"Miss Andrea Mikaela Del Rio is already here, specifically in the conference room, Sir." Imporma nito sa kanya.
"Is she alone?" he asked. His eyes darkened upon looking at his secretary. Kita niya sa mukha nito ang kaba at takot sa kanya.
Well, who wouldn't be? Kung laging ipinaparamdam niya sa lahat na siya ang boss sa mga ito. Na siya ang nagpapasuweldo at bumubuhay sa pamilya ng mga ito.
"N-No Sir—I mean she is with her executive assistant." Nauutal na tugon nito sa kanya. He nodded and signaled him to go out. He can easily read people. Kasama iyon sa training niya sa organization na kinabibilangan niya.
He sighed when he remembered his dream a while ago. He dreamed that scenario again, and he didn't know why. Kunot ang noong napatitig siya sa kawalan. Sino ang mga batang iyon sa panaginip niya? Bakit pakiramdam niya may connection ang mga iyon sa mga nawawalang memorya niya?
Dalawang buwan na mula nang dumating siya rito sa Pilipinas at sa dalawang buwan na iyon ay hindi pumapalya ang gabi na hindi siya binabangungot.
He blinked and shook his head when he heard his phone ring on the top of his executive desk.
Kumunot ang noo niya nang makita niyang ang abuela na naman niya ang tumatawag. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
Nagtatagis ang mga ngiping dinampot niya ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag nito.
"Lola..." aniya sa pilit nagpapakahinahong boses.
"Ilang buwan ka na d'yan? Pero bakit wala pa ring progress akong nababalitaan d'yan sa misyong inaatang ko sa'yo, Brixton?!" bulyaw kaagad nito sa kabilang linya.
He clenched his fist. Napatingala siyang sumandal sa kanyang swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata. He also tightened his grip on the device.
Damn, this old woman!
"I'm starting—"
"H'wag kang makupad kung ayaw mong si Lorelei ang gagawa no'n para sa akin." she said, cutting him off. Tila sinakal naman siya sa narinig mula sa matanda.
No.
"Don't you—hello? Damn it!" Malakas na napamura na lang siya nang bigla na lang nitong pinutol ang tawag. Naniningkit ang kanyang mga mata sa galit niya sa matanda.
"Damn it!" Pabagsak na inilapag niya sa desk ang kaniyang cellphone.
Nawasak iyon, but he doesn't care. He's mad. He's fuming, angry that he wanted to strangle that goddamn old woman's neck.
Padarag siyang napatayo siya at mararahas ang hiningang pinakakawalan niya. He closed his eyes tightly and annoyingly scratched his nose bridge. Hindi siya papayag na gamitin na naman ng mga ito si Lorelei. Magkakamatayan na muna sila at kung kinakailangang ilayo niya ang kapatid ay gagawin niya.
His eyes darkened when he glanced at the black folder on his desk.
"Impero Del Rio Associatti." He read what was written outside the folder.
Mas lalong naghuhuramentado ang kalooban niya sa galit. Nang dahil sa pamilyang Del Rio ay naging ganoon katigas ang puso ng Lola Conchitta niya at pati sila ni Lorelei ay nadadamay.
His mad grandmother wants to have a painful revenge with that family. At siya ang inatasan nitong gumawa n'yon. Kaya bago pa man siya nagpunta rito sa bansa ay nagpa-imbestiga na ang matandang iyon tungkol sa mga Del Rio para pabagsakin ang sinasabing emperyo ng mga ito. Lalong-lalo na ang may-ari nito.
Labindalawang taon pa lang siya nang inutusan siya ng Lola Conchitta niya na pumasok sa kinabibilangang organisasyon nina Mommy Margareth at Tito Franco. Pero may kapalit iyon bago siya makapasok sa organisasyon.
He had to promise that his first daughter in the future would join the organization when she turned seven years old. Hindi niya nais na gawin iyon, ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang sumang-ayon.
Nang makapasok siya sa organisasyon ay agad siyang hinasa at tinuruan kung paano makisama sa mga taong mga halang ang mga bituka. Magnakaw, makipag-deal ng mga illegal na gawain at pumatay ng tao. Alam niya kung gaano kadelikado ang mga ginagawa niya at kung anong kahihinatnan niya kapag tatanga-tanga siya at mahuli siya ng mga awtoridad.
Binuklat niya ang folder at tiningnan niya isa-isa ang mga litratong nakapa-loob doon. Napakuyom ang mga kamao niya nang tumambad sa kanya ang litrato ng taong dahilan kung bakit namatay ang totoo niyang ina kasama ang nag-iisang kapatid niya.
"I loathed you to the core, Mr. Andrew Miguel Del Rio. At sisiguraduhin kong mabura ka sa mundo at ang pamilya mo. Lahat kayo."
Isinara niya ang folder at inilagay sa loob ng kanyang drawer bago siya lumabas ng kanyang opisina at tinungo ang conference room kung saan naroon ang una niyang target.
Dra. Andrea Mikaela Sanchez Del Rio. He grinned as he thought about how he would overthrow the Del Rios and start it with their princess.
Pagkapasok niya sa loob ng conference room ay kaagad natahimik ang lahat. Agad namang tumayo ang mga board members na nandoon at sabay-sabay na bumati sa kanya. He motioned them to sit down, pagkuwan ay napunta ang mga mata niya sa babaeng nakatayo malapit sa malaking screen sa harap.
Beautiful and sophisticated. Not bad. His thought complimented. But he was taken aback when his heart constricts the moment their eyes met. Nakita rin niya kung paano ito natigilan pero kaagad din itong umayos sa pagkakatayo. Narinig pa niya ang mahinang pagtikhim nito.
"Good day, Mr. Sanford," she greeted, still looking at him.
He cursed silently again. Why the hell he felt this kind of feeling?
He didn't bother to greet her back and immediately sat down on his swivel chair in the center of the conference table and stared at her coldly.
Naniningkit ang mga matang pasimple rin niya itong tiningnan mula ulo hanggang sa balakang nito. She's sexy as hell with her business suit attire.
But his forehead furrowed when he noticed an unfamiliar woman sitting near where Miss Del Rio was standing.
Nakayuko ito habang busy ang mga mata sa harap ng laptop nito.
"Good day ladies and gentlemen," panimula ni Miss Del Rio na nagpabalik ng paningin niya rito.
Inilibot nito ang paningin sa mga taong narito sa loob ng conference room bago nagsalita ulit.
"My father, Andrew Miguel Del Rio sent me here to present his proposal to you, Sirs." Miss Del Rio said, confidently.
Pinag-aaralan niyang mabuti ang babae. She's tough. Halata iyon sa mga kilos nito. Nang muling magpang-abot ang mga tingin nilang dalawa, hindi man lang niya ito nakitaan ng takot, gaya ng mga taong nakasasalamuha niya araw-araw.
Dauntless, huh! He thought mockingly.
But there's something with this woman that caught his interest. Hindi sa napakayabang niya pero lahat ng babaeng nakasasalamuha niya ay parang hihimatayin na sa kilig. Iyong iba ay harap-harapan pang ipaparamdam sa kanya, that they want to have a good f*ck with him. And because of his high libido and his needs as a man, he took advantage of those women.
But this Del Rio princess isn't like those women. She's too different. And there's something inside his heart that wants to protect— kaagad siyang natigilan sa naiisip.
Damn! Why do I feel like this? Get a grip, Sanford! He chastised himself and hardened his aura while staring at the woman.
Iniwas niya ang tingin kay Miss Del Rio at nalipat naman iyon sa babaeng kanina pa nakatingin sa screen ng laptop. Mukhang ito yata ang executive assistant ni Miss Del Rio na sinasabi ni Tony sa kanya kanina.
Mariin niya itong tinititigan. She's too beautiful in his sight. Hindi man niya nakikita ang mukha ng babae pero alam niyang maganda ito. She's wearing an office attire. Iniisip din niya kung ano ang mga nakatago—damn it!
He shrugged his thought and immediately averted his eyes from the woman. Then he turned his gaze to the big screen in front of him as if memorizing all those words written in the presentation to eliminate his nonsense thought.
"What do you think, Mr. Sanford?"
Natauhan lang siya nang marinig niya ang tanong ni Mr. Perocchio, isa sa mga board members ng L.A Corporation. Saglit lang niya itong sinulyapan, at agad ding ibinalik ang paningin sa screen as if pinag-aaralan talaga niya lahat ng mga ipini-present ni Miss Del Rio.
In his peripheral vision he saw that all the board members were staring at him. Tila hinihintay rin ng mga ito ang approval niya o kung ano man ang sasabihin niya. Tamad na isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang executive swivel chair habang pinaikot-ikot niya sa kanyang daliri ang kanina pang hawak-hawak niyang sign pen.
Well, wala naman siyang dapat na pag-isipan pa dahil nakaplano na ang lahat. But he wanted to prolonged the presenter's agony, so he remained silent.
Ilang minuto pa ang pinalipas niya habang nakatitig lang sa malaking screen sa harap. Kitang-kita niya sa mukha ni Miss Del Rio ang pag-asa na sana nagustuhan niya ang presentation nito.
Well, she said it very well and he liked her proposals. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ni Mr. Perocchio ay tumayo na siya.
"Tell your father to prepare the contract, Miss Del Rio," he said, before turning his back and walking out of the conference room.
Sumunod din naman kaagad sa kanya si Tony.
"Sir, aren't you—"
"I'm not in the mood to talk with her," malamig niyang putol sa sinasabi ng kanyang sekretaryo.
Mailap siya sa mga board member ng kompanya kaya hindi na rin siya nag-abala pang lumapit sa mga ito at makipag-kuwentuhan.
It's a waste of time, though.
Noong unang nagpakilala siya bilang C.E.O and President ng L.A Corporation, ay wala siya ni isang pinaunlakan sa mga ito na makausap siya at magpahanggang ngayon. Except if there was a board meeting and there was something he didn't like, or he wasn't satisfied with the company's annual profit.
They are not part of his plan and in time mawawala rin naman itong kpmpanya kapag naisakatuparan na niya ang mission niya kung bakit siya naparito.
Scam? Yes. This is a dummy company. Pero sa mata ng mga ito ay totoo siya at itong kompanya.
He sighed heavily. Kumuyom din ang kamao niya. Ang hindi lang niya maintindihan ay ang nararamdaman niya habang nakatitig siya kanina kay Miss Del Rio.
He feels something like—longing. But why?
Sa paglabas niya sa conference room ay agad nagsilingunan sa gawi niya ang mga babaeng empleyado niya. Pero natakot yata sa hitsura niya kaya bumalik kaagad ang mga tingin ng mga ito sa harap ng kanilang mga computer.
Poker face lang siyang naglakad at kaagad sumakay sa private lift niya pero bago pa man sumara ang pintuan niyon nang may mga kamay na pumigil n'yon. At ang humihingal na si Miss Del Rio ang kaagad pumasok sa loob.
"F**k! What are you doing woman?!" galit niyang tanong sa babae.
Bahagya pa itong napaatras at nakauklo pa rin habang hawak-hawak nito ang dibdib sa sobrang pagkahingal.
Kunot ang noong matalim niya itong tinititigan. What if she tripped or worst—? F**k! Why do he care?
"I want us to talk but it seems that your thought is not on this entire building. Kaya hindi mo ako naririnig na kanina pa tumatawag sa'yo." Tuloy-tuloy nitong sabi na ikinakunot lalo ng noo niya.
"I didn't hear you called me." Malamig niyang tugon dito.
Pilit tinatakpan ang amusement na nararamdaman niya para sa babae. How on earth has this woman run after him wearing that pair of killer heels?
"Wow!"
He heard her exclaimed when the elevator opened at tumambad sa kanila ang opisina niya. He saw amusement on her pretty face.
"Sit." Maawtoridad niyang utos sa babae na kaagad naman na tumalima. Nang makitang nakaupo na ito ay umupo siya sa swivel chair niya at sumandal roon. "Now, talk." He demanded. Nakita niya itong sumimangot, and even glared at him.
"H'wag mo akong utusan." she said in gritted teeth. Bakas sa mukha nito ang inis. "I knew what I had to do."
He smirked. Ah, this Del Rio princess is not accustomed to being commanded by others, huh!
"My office, my rules. Now, talk." Malamig at walang emosyon niyang sabi sa babae. Her chocolate brown eyes stared at him. Napatitig din siya rito.
They have the same eye color, huh?
"You remind me of my brother." Nakasimangot nitong sabi na ikinakunot ng noo niya.
"That's what you want to talk about?" he asked annoyingly. "Seriously? You run after me for that?"
"Yes—No! I mean—of course not! I want to invite you for dinner or coffee, perhaps," she said. Her voice was now hesitant.
Napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito. This innocent woman invited him to go out, huh? Come to think of it. Akala niya kanina ay wala siyang epekto sa babae. He shook his head to suppress his laugh.
"Hayst! It's not what you think, okay?" naniningkit ang mga matang depensa nito sa sarili.
"I am not saying anything, Dra. Del Rio," he said, mockingly.
Bigla naman itong natigilan. She looks so surprise. But then, agad din itong nakabawi at kumunot ang noo nito.
"You knew my profession?" Tila namamangha pang tanong nito sa kanya.
He chuckled and tilted his head. "I don't merge my company to someone's company without knowing the owner's family."
Napakurap ito. Umayos pa ito sa pagkakaupo.
"So, you had investigated us before you decide to merge my father's company."
"About your invitation," he said to dismiss the topic. Hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan iyon. "I'm busy, so... no. Now you can go. I have a lot of papers to sign." seryoso niyang taboy sa babae.
Kinuha niya ang isang folder sa may folder shelf na nasa ibabaw ng kaniyang executive desk at sinimulan ang pagbabasa sa kontratang nakapaloob doon. He completely ignored Miss Del Rio.
"But—"
He immediately cut her off.
"Get out."
"Conceited brute, ughh!" mahinang sambit nito bago padabog na tumayo at walang paalam na lumabas ng kanyang opisina.
He shook his head and focused on the files he was holding, but he immediately stopped when his phone rang.
"Yes," he answered coldly.