Chapter 2

2515 Words
NAKAKUNOT ang noo ni Karenina habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng kaniyang laptop. Kasalukuyang nasa 5-storey building ng L.A Corporation siya kasama ang kaibigang si Andrea Mikaela Del Rio para sa business proposal presentation na gagawin nito sa harap ng may-ari at ng mga board members ng kompanya. Gusto kasi ng boss niyang si Mr. Andrew Miguel Del Rio na makuha nila bilang kasosyo sa negosyo ang L.A Corporation. Ngunit kailangan nitong pumunta sa Greece kasama si Tita Ysabella, kaya si Miss Andrea ang pinapunta nito dahil ayaw naman nitong ikansela ang meeting na ito. The L.A Corporation operates worldwide in the construction and infrastructure development industries. Kaya malaki ang maitutulong kapag nag-merge ito at ang Impero Del Rio Associatti. At iyon ang main goal nila ngayon, ang makuha ang oo nang may-ari nitong kompanya. Natahimik at agad nagsitayuan ang lahat nang bumukas ang glass door ng conference room. Agad namang nakita ni Karenina ang matangkad na lalaking magkasalubong ang makakapal na kilay. His eyes were very serious too. Sobrang lakas ng dating nito. Nakuha nga kaagad nito ang atensiyon ng lahat ng taong narito sa loob ng conference room. And she didn't think it was only because they were waiting for him. Dahil pustahan, kahit maglakad lang siguro ito sa labas ay makukuha nito kaagad ang atensiyon ng lahat. He was wearing a black button-down polo shirt tucked in his black pants. His clothes were all black, even his shoes. Sa tagal niyang nagtatrabaho bilang secretary ni Sir Andrew ay ngayon lang siya nakasalamuha ng isang businessman na kagaya nitong kaharap nila ngayon kung manamit. Pero agad natutop ng kamay ang dibdib niya nang tumambol iyon ng malakas. Why does her heart suddenly beat as it used to like when she had a crush on Luke? Does it mean she has a crush on this hot, drop-dead gorgeous man in front of everyone? Napakurap siya nang marinig ang mga taong narito sa loob ng conference na binati ang lalaki. Puno iyon ng paggalang na tila natatakot ang mga ito na magkamali ng sasabihin. Mabilis din niyang ibinaba ang kamay na nakapatong sa kanyang dibdib at sumabay sa pagbati sa lalaki. She doesn't know but damn! There was something in him that anyone couldn't just ignore. She knew the man by the name of Brixton Alessandro Sanford. Naisip niya, bagay ang pangalan nito sa hitsura nito—a certified hunk with a hint of danger. The man did not respond to their greeting, but instead, he motioned them to sit down, to which they quickly complied. Wala sa sariling napatitig na lang siya sa screen ng laptop na nasa harap niya. Kinakabahan siya. Mukhang totoo nga ang bali-balitang narinig niya na pinili lang ang mga taong kakausapin nito. Narinig din niya na sobrang metikuloso at istrikto nito pagdating sa business. Kaya natatakot siya na baka pumalpak ang ginawang PowerPoint presentation nila at mauwi sa wala ang isang linggong pagpupuyat nilang lahat, makuha lang nila ang interest ni Mr. Sanford. Nang makapag-settle na silang lahat ay nagsisimula ng magsalita si Miss Andrea. Siya naman ay panay lang ang pindot ng enter sa keyboard. "What do you think, Mr. Sanford?" Mahina siyang napasinghap nang marinig niya ang pagtatanong ng isang board member kay Mr. Sanford. Kung hindi siya nagkakamali ay si Mr. Perocchio iyon na nakadaupang palad nila ni Addie kanina. Pigil ang hininga niya habang hinihintay ang sagot ni Mr. Sanford at alam niyang gano'n din si Addie na nakatayo pa rin sa gilid sa harap ng mga ito. Binalot sila nang katahimikan nang hindi sumagot si Mr. Sanford at mataman lang itong nakatitig sa malaking screen sa harap nito. Wala na ring ibang board member ang nangahas na magtanong ulit kaya mas lalong binalot sila ng katahimikan. Napayuko siya at mariing napapikit nang tumayo na ang lalaki, gano'n din ang secretary nito na nasa gilid lang nito. "Tell your father to prepare the contract," Mr. Sanford said. Malakas na napabuga siya nang hangin sa sobrang tuwa nang marinig nila ang sinabi ng lalaki. Pero ang katuwaang iyon ay biglang naglaho nang sa pag-angat niya nang tingin ay ang malapad na lang na likod ni Mr. Sanford ang nakita niya bago ito nakalabas nang conference room. He is the man of few words. Nakatulalang sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makalabas ito ng conference room. Natauhan lang siya nang marinig niya ang impit na pagtili ni Addie at kaagad siya nitong dinamba ng yakap. "Oh God, K! Did you hear that? He said to prefer the contract." anito sa masayang boses. Nangingiting tumango-tango naman siya. They were immediately relieved of each other's embrace when the board members approached them and greeted them. Panay naman ang pasalamat nila habang kinakamayan ang mga ito. "K, mauna ka na sa sasakyan. Kakausapin ko lang si Mr. Sanford," sabi ni Addie na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Addie, do you think—" but she immediately stops her. "I want to talk to him and thank him." pinal nitong sabi na ikinangiwi niya. Nag-aalalang tiningnan niya ito pagkuwa'y tumango na lang. Bahala na nga ito. Malaki rin naman ang tiwala niya sa kaibigan. Ang ipinag-aalala lang niya ay si Mr. Sanford. He's too dangerous. Nagpapasalamat pa siya sa mga board members bago nagpaalam na aalis na. Dumiretso siya sa malawak na parking lot ng L.A Corporation at sa sasakyan na lang niya hihintayin ang kaibigan. Pero hindi pa man nag-iinit ang pang-upo niya nang bumukas ang pinto sa may passenger seat ng sasakyan at ang sambakol na mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya. Napangiwi siya nang malakas ding isinara nito ang pinto nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng sasakyan. "Hey, are you okay?" Malumanay at nanantiyang tanong niya rito. Tumango lang ito pagkuwan ay sumandal sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. She stared at her best friend. Ano ba'ng nangyari? "Let's go, K." utos nito na ikinatango niya. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan. As usual siya na naman ang driver s***h Executive Assistant nito kapag inutusan ito ni Sir Andrew na makipag-deal o makipag-meet sa client ng huli. Ang pamilyang Del Rio ang nagpapa-aral sa kanya mula high school hanggang sa kolehiyo. Nang mag-graduate siya sa kursong Business Administration ay pinili niyang maging secretary ni Sir Andrew at maging instant Executive Assistant s***h driver ng best friend niya kapag ganitong may iniuutos si Sir Andrew dito. "Ano ba ang nangyari?" Hindi na niya napigilang tanong kay Addie. Sumulyap pa siya rito pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa daan. Nakasimangot pa rin ito at pinag-krus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito. "That man is pain in the ass! Hindi ko maintindihan ang ugali, he is too cold and—" napasulyap siya rito ng matigil ito sa pagsasalita. "And?" Umiling ito. "Nothing." She sighed. Looking at that man a while ago, he's really intimidating, domineering, and immensely powerful. Idagdag mo pa ang pagiging mukhang conceited nito sa sarili. An arrogant brute! Hindi man lang nakikipag-usap sa mga board members. Hindi nga rin niya naringgan ang lalaki na sumagot sa tanong ni Mr. Perocchio. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit biglang tumibok nang gano'n kabilis ang puso niya. Sa tagal ng panahon na hindi maka-appreciate ang puso niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Sa isang tao pa na hindi man lang kaya niyang abutin kahit ang dulo lang ng mga daliri nito. At wala rin siyang balak na makaharap ito ng mas malapitan. Guwapo ito, oo. Pero napaka-misteryoso nito. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi na niya ito ulit tiningnan kahit isang beses man lang. But the way her heart beats was when Luke was near her. And that was 23 years ago. Napabuntonghininga na lang siya. Ayon kay Sir Andrew, si Mr. Sanford ang nagmamay-ari ng 80% share ng L. A Corporation, and the rest ay ang mother nito ang may-ari. He is a business tycoon—a multi-billionaire in Europe. Inihinto niya ang sasakyan sa may parking lot ng Del Rio Medical Center, kung saan nagtatrabaho si Addie mula ng magtapos ito sa kursong medisina. "Addie, nandito na tayo." untag niya rito nang makitang hindi pa rin ito natinag. Mukhang malungkot na naman ito at sigurado siyang si Luke na naman ang iniisip nito. "Ah, yeah. Sorry, hindi ko namalayan." anito. Kinalas nito ang seatbelt at niyakap siya. Bumuntonghininga na lang siya at gumanti ng yakap dito. Sanay na siya rito, bata pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa at lahat ng pinagdadaanan ng pamilyang Del Rio ay alam niya. Malaki rin ang ipinagbago nito mula ng ma-kidnap ito kasama ang dalawang kuya nito lalong-lalo na ng mawala si Luke. Ang dating masayahin at talkative na Andrea Mikaela ay naging tahimik na lang bigla at malungkot. She barely talked kahit na kina Sir Andrew at Tita Ysabella. Pero kapag kasama nito ang nakakabatang kapatid nitong si Drew Lucas ay doon mo lang makikita ang totoong ngiti nito. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata. Ayaw na niyang balikan iyong bangungot na nangyari sa pamilya nito. Iyon kasi ang pinakamasakit na nangyari rito at sa pamilya nito at aaminin man niya't sa hindi ay gano'n din siya, nasasaktan siya. Hindi lang para sa kaibigan kung 'di para rin sa batang puso niyang umiibig na sa kapatid nito. Luke Andrew Del Rio. Her childhood crush. No, hindi lang pala basta crush dahil kung crush nga lang yung nararamdaman niya, 'di sana burado na ito ngayon sa puso niya. She even promised herself to marry him at the right time, but she guessed they were not meant to be. "Are you okay?" "He reminds me of kuya Luke," Mahina at puno ng lungkot ang boses nitong sabi. Kaagad bumundol sa kaba ang puso niya sa sinabi nito. Hindi lang pala siya ang may ganoong pakiramdam dahil gano'n din ito. And hearing his name again ay parang may sumuntok sa puso niya at hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Sobrang sakit. Though iniisip niya ang kapatid nito palagi pero mas lesser iyong sakit kaysa naririnig niya ang pangalan nito sa ibang tao o di kaya ay sa pamilya nito. "But I know he is not. Malayong-malayo siya sa kuya Luke ko." Andrea sighed heavily. "Alright, I'm going down. Sabihin mo na lang kay Dhie na okay na ang deal sa L.A Corporation," Hindi pa man siya nakasagot ay kaagad na nitong nabuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. She sighed again at inihatid na lang niya ito ng tingin hanggang sa nakapasok na ito sa loob ng ospital. Alam niya na hanggang ngayon, ang sarili pa rin nito ang sinisisi kung bakit nawala sa kanila si Luke. Sana nandito ka pa rin, Luke. Ang hirap-hirap tingnan araw-araw ang kapatid mo na ganito. Agad niyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya at muling binuhay ang sasakyan. At sa halip na bumalik na sa building ng Impero ay tinahak niya ang daan kung saan nakahimlay ang taong gustung-gusto niyang makita araw-araw. "I don't like you!" "Okay lang, basta ako gusto talaga kita." ngiting-ngiti na sabi niya. "And someday, you will marry me." Dagdag niya pa. "No! There's no way I will marry you!" sikmat nito na ikinangiti lang niya. Napakurap siya at may tumulo na namang luha sa mga mata niya nang maalala niya ang sinabi niya sa lalaki noong bata pa sila. Hindi nga siya nakaramdam ng takot kahit na halos patayin na siya nito sa mga tingin nito dahil sa inis nito sa kaniya. Kaya nang malaman niya ang nangyari rito ay halos gumuho rin ang mundo niya. Ilang beses niyang nahiling noon na 'di bali ng hindi na siya gustuhin nito habang-buhay basta makita lang niya itong buhay at masaya kasama ang pamilya nito. "Hi po Manong Greg," bati niya sa caretaker nang makasalubong niya ito pagkapasok niya sa loob ng memorial park. "Ang aga po natin Ma'am ah," anito na ikinangiti lang niya. Usually, kasi ay mamaya pang alas y sinco ng hapon ang pagpunta niya rito kaya lang mas gusto niyang tumambay na muna rito at hindi na muna pumasok sa office. Araw-araw siyang laging nandito. Pagkalabas niya sa office ay dederetso siya kaagad dito. Mas payapa kasi ang gabi niya kapag nakapunta siya rito at nakapagkuwento ng kung anu-ano sa harap ng puntod ni Luke. "Pasensya ka na at wala akong dalang bulaklak para sa'yo, biglaan eh." Kausap niya sa puntod ni Luke habang nagsindi ng kandila at kaagad umupo sa may damuhan paharap sa lapida nito. Hindi basta-basta ang mausoleum ng mga Del Rio. Napaka-elegante. She traced every letter of his name that was engraved on the marble. "Sana nandito ka. Sawang-sawa na kasi akong makita ang best friend ko na umiiyak dahil nami-miss ka na niya. Hindi man niya sabihin pero alam kong ang sarili niya ang sinisisi niya sa nangyari sa 'yo," Tears pooled in her eyes again and fell on her cheeks which she immediately wiped with her hand. "Alam mo ba na may lalaking nagpapaalala sa 'yo sa kanya? His name is Brixton Alessandro Sanford, ang may-ari ng L.A Corporation na gustong maka-partner ng daddy niyo sa negosyo. Hindi naman kayo magkamukha pero sa ugali ay parang ikaw, ang cold at laging magkasalubong ang mga kilay. Pero alam kong hindi siya ikaw kasi kung ikaw nga siya, hinding-hindi mo hahayaan na masaktan si Addie at iiyak. He was your princess and will be your forever princess Mikaela." mahabang kuwento niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib para pigilan ang pag-iyak. Pero hindi pa rin niya napigilan ang pagtakas ng mga butil ng luha sa mga mata niya. Ulit. "It's been 23 years pero heto ako at hindi pa rin naka-move on sa 'yo." Tumingala siya at mariing ipinikit niya ang mga mata para h'wag lang maiyak. God knows, kung paano niya sinubukan ang sarili na magkagusto sa iba. Lagi na nga siyang seni-set-up ni Addie ng date sa mga kaibigan nitong doctor pero wala pa ring nangyayari. Hindi tumitibok ang puso niya kagaya ng nararamdaman niya kapag nakikita niya si Luke noon. Akala niya noong una puppy love lang ang nararamdaman niya rito dahil mga bata pa naman sila. She was four and he was five then, pero nagkakamali siya dahil hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng puso niya. Walang sila, pero bakit ganito kasakit? Kung puppy love lang ang nararamdaman niya bakit inabot ng ganito kahabang panahon na minahal niya ito? "Siguro kailangan ko ng mag-move on sa 'yo, kahit walang tayo. Don't worry lagi pa rin akong bibisita sa 'yo rito." aniya habang patuloy pa ring hinahaplos ang pangalan nitong nakaukit sa lapida. At bago pa tumulo ulit ang luha niya ay tumayo na siya at huminga ng malalim. Napatingala siya at nakita niyang sobrang aliwalas ng kalangitan na para bang masaya pa sa naging desisyon niya. She closed her eyes and tried to mentally form a picture of Luke. I love you, but goodbye, Luke Andrew Del Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD