"NO!"
Brixton Alessandro's voice echoed in the four corners of his room. Napabalikwas din siya ng bangon mula sa kanyang kama. His whole body was sweating, and his muscles were also shaking. He also felt the excessive force of his heartbeat.
"F**k, with this nightmare! Again..." he murmured. Nakayukong naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha bago ikinuyom ang mga kamay at napapikit ng mariin para pakalmahin ang sarili. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya napakalma ang sarili.
Umupo siya ng maayos sa gilid ng kanyang kama habang nakalapat ang mga paa sa carpeted na sahig ng kanyang silid. Pagkaraan ay napatingin siya sa orasan na nasa ibabaw lang ng kanyang bedside table.
He groaned in frustration when it was still three f*****g o'clock in the morning.
"Mierda!" He cursed loudly and stood up from the bed. Hindi rin naman na siya makakatulog ulit kaya nagpasya na lang siyang pumunta sa rooftop para mag-jogging.
Why is he always dreaming? At paulit-ulit din ang mga eksena. Na para bang totoong-totoo ang mga iyon?
May kinalaman kaya iyon sa mga alaalang nawala niya? Pero sino ba talaga ang mga batang iyon? Ang mga ito lang ang klaro ang mga mukha sa panainip niya.
The rest ay hindi na niya makita ang mga mukha. Pero bakit kinuha ng mga ito ang mga batang iyon? Punung-puno ng katanungan ang kanyang isip na kailanman ay hindi pa nasasagot.
He sighed exasperatedly. He wanted to call his aunt Margareth and ask about his dream again, but he knew her very well. Magsisinungaling na naman ito sa kanya.
She's good at that. Ilang ulit na ba itong nagsisinungaling sa kanya? Hindi na niya mabilang. Lagi rin itong sunud-sunuran kay lola Conchitta.
Aunt Margareth is a f*****g puppet to that old witch!
Lahat ng frustration niya ay inilalabas niya sa pamamagitan ng pagjo-jogging.
Hinihingal na bumalik siya sa loob ng kanyang penthouse. Inalis na muna niya sa kanyang katawan ang basang-basa sa pawis niyang sleeveless T-shirt at walang pakialam na inihagis niya lang iyon sa may couch bago nagtungo sa may fridge at kumuha doon ng bottled water. Pagkuwan ay bumalik siya sa sala at kaagad sumalampak sa malaking couch doon.
Napatingin siya sa kanyang wristwatch and its already 5 o'clock in the morning. Dalawang oras din pala siyang nagjo-jogging. Dinampot niya ang remote ng TV at itinuon iyon doon at tahimik na nanonood ng balita.
His forehead creased when his cellphone rang on top of the center's table in front of him. Dumungaw siya para tingnan kung sino ang tumawag sa kanya ng ganito kaaga.
Napangiti siya at agad niyang dinampot ang cellphone nang makita niya kung sino ang tumatawag.
"Lulu? Any problem?" bungad niya sa kapatid.
Lorelei 'Lulu' is his sister. Ampon man ito ng pamilya pero itinuring niya pa rin itong tunay niyang kapatid.
Ang hindi lang niya maintindihan kay Tita Margareth ay kung bakit lagi nitong sinasaktan si Lorelei. Lalo na kapag wala sa mansion si Tito Franco. Para itong ibang tao. Para bang may kinikimkim itong galit kay Lorelei.
Minsan ay nagkakasagutan pa sila nito sa naging trato nito kay Lorelei. Sinasaktan din siya ng lola Conchitta niya pero hindi na niya iniinda iyon dahil lalaki siya at kaya niyang tiisin ang lahat.
Hindi nga niya alam kung bakit parang walang pagmamahal sa kanya ang lola niya at kung ituring siya nito ay para siyang salot.
Bw*s*t! Mga pabigat talaga kayo! Mga salot!
At magpahanggang ngayon, iyon pa rin ang tingin ng lola Conchitta niya sa kanya. Isang salot at pabigat. Pero lagi naman siya nitong pinapakinabangan.
He clenched his fists as he gritted his teeth. Mula nang magising siya at walang natatandaan sa sarili ay si Tita Margareth na ang nag-aalaga sa kanya at ramdam din niya na parang may kulang sa kanya. Pero hindi niya naman alam kung ano.
And he's dying to know that missing part of him. Gusto rin niyang hanapan ng kasagutan iyong mga panaginip niya gabi-gabi.
Lagi rin niyang tinatanong noon sa Tita Margareth niya kung bakit wala siyang maalala pero ang sabi nito, biktima siya kasama ang Mama Lauren niya at ang nakababatang kapatid niya nang sumabog ang bahay nila noon.
Pati lolo Lando niya na asawa raw dati ni lola Conchitta ay kasali rin sa sunog na iyon. At kasalanan daw iyon ng pamilyang Del Rio.
Pinapaaral, pinapakain at binihisan sila ng magagandang damit ni Lorelei pero kapalit naman noon ay ang mananatiling sunud-sunuran sa kung anuman ang gusto ng mga ito. Lalong-lalo na si Lorelei, tinuturuan ito kung paano maging masama.
Nang tumuntong siya sa kolehiyo ay doon lang niya naiintintindihan ang lahat. Kung bakit sintigas ng bato ang mga puso ng mga taong kinalalakihan niya.
Kaya nag-aral siya ng mabuti, nagpapakayaman para lang maisakatuparan lahat ng plano ng mag ito He even sold his soul to a demon.
Pumasok siya sa organisasyon na kinabibilangan ng kanyang Tito Franco.
And now, he's already a billionaire. A rare business genius diamond bachelor kung tawagin siya ng mga tao roon sa Europe magpahanggang dito sa Pilipinas.
"Kuya, can I go there, already?" sabi ni Lorelei sa kabilang linya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Punung-puno ng pag-asa ang boses nito. Bumalik ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Nakapangako kasi siya rito na kapag ga-graduate ito sa kolehiyo with flying colors ay papayag na siyang pupunta ito rito sa Pilipinas para dito na magtuturo.
Pero ang totoo, hindi pa rin niya ito kayang ilayo sa lola at Tita niya dahil lagi siyang pinagbabantaan ng matanda.
Ngunit ngayon, ay buo na ang desisyon niya. Dadalhin na niya ito rito sa Pilipinas at sisiguraduhin niyang hindi iyon malalaman ng abuela niya at ni Tita Margareth.
Lorelei's a teacher, and she wants to teach here in the Philippines. Gusto rin naman niya iyon dahil gusto na rin niyang magbago na ito at kalimutan na nito kung ano ito.
At nitong nakaraang buwan lang ito nakapagtapos, at alam niyang nagtatampo ito dahil hindi siya nakapunta sa graduation nito kaya kailangan talaga niyang bumawi rito.
"Wish granted." aniya na nagpatili rito ng malakas.
He cursed under his breath. Nailayo rin niya ang cellphone sa kanyang taenga.
"Yaay! Thanks, Kuya!" Puno ng kagalakang sabi nito. "Anyway, I have to go. Mag-iimpake pa ako at bibili ng ticket—"
"No. I will be the one to fetch you there." putol agad niya rito.
As long as kaya niyang maisingit ito sa schedule niya ay gagawin niya. Hindi puwedeng ito ang gagawa ng mga bagay na may kinalaman sa pera.
"Fine, Mr. Diamond, bachelor s***h my sweet and overprotective kuya." Pang-aasar pa nito sa kanya.
"Call me again like that, and you'll not go here ever." He coldly said, and she immediately fell silent on the other line.
Nagbibiro lang naman siya, pero nasisiguro niyang seneseryoso na nito iyong sinabi niya. Isa sa ugali nito ang madaling matakot kapag sinisigawan ito o di kaya ay malamig ang boses ng kausap nito. Except sa isang bagay na kaya nitong gawin na walang takot.
"S-Sorry, Kuya," she said, apologetically.
See? Iyon ang naging epekto nang laging pananakit nina Tita at Lola rito para lang mapasunod ito sa anumang gustong gawin ng mga ito sa kapatid niya.
"I'm just kidding. Anyway, I'll hang up now. See you in two days. Bye." aniya at agad ng pinutol ang tawag. Nangingiting ibinaba niya ang kanyang cell phone.
TATLONG magkasunod na katok ang narinig niya bago bumukas ang pinto ng kanyang opisina.
Agad naman siyang nag-angat nang tingin nang pumasok doon ang kanyang secretary bitbit ang planner nito.
"Sir, I just wanted to remind you of your business meeting with the Del Rio family at Belle of Dreams Restaurant." anito nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng kanyang opisina.
Tatlong araw na ang nakararaan mula nang pumayag siyang makipag-merged ang L.A Corporation sa Impero Del Rio Associatti. At kaagad nakipag-set ng dinner meeting sa kanya ang pamilyang iyon.
Napatingin naman siya sa kanyang wristwatch. Quarter to six in the evening. At alas sais ng gabi ang business meeting niya kasama ang mga Del Rio.
He just nodded and dismissed him immediately.
"Sige, Sir." anito at lumabas agad ng kaniyang opisina.
Isinara niya ang kanyang laptop at tumuwid sa pagkakaupo. Tumalim ang tingin niya at nagtatagis ang mga ngipin. Ngayon niya makakaharap si Mr. Andrew Miguel Del Rio at ang pamilya nito.
Kuyom ang mga kamaong tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at lumabas ng kanyang opisina.
He stopped his black Toyota Fortuner at the parking lot of 'Belle of Dreams' Restau. According to the report, this was built by Mr. Del Rio 23 years ago for his beloved wife, Ysabella Sanchez-Del Rio.
Nagtagis ang mga ngipin niya at ikinuyom ang mga kamay na nakahawak pa rin sa steering wheel ng kanyang sasakyan. Matalim ang mga matang tiningnan niya ang entrance ng restaurant.
It's a two-story restaurant. At alam niyang million din ang kinikita nito bawat araw.
Mierda! Inis na hinampas niya ang steering wheel ng kanyang sasakyan. He unbuckled his seatbelt and get out of his expensive car.
"Good evening, Mr. Sanford,"
Magalang na bati ng dalawang security guard sa may entrance ng restaurant at kaagad binuksan ng mga ito ang double glass door ng restaurant. Bahagya pang yumukod ang mga ito sa kanya. Hindi siya tumugon at walang kangiti-ngiting nilagpasan lang niya ang mga ito.
"Mr. Del Rio's reservation." He coldly said to one of the servers who approached him.
"Good evening, Mr. Sanford, this way please." anito at agad siyang iginiya sa isang VIP room kung saan ang reservation ni Mr. Del Rio.
Malakas ang naging pintig ng puso niya na mas lalong nagpapagalit sa kanyang kalooban. Hindi naman siya ganito. Kahit Presidente ng Pilipinas ay hindi siya kinakabahan nang minsang nagkaroon siya ng meeting dito.
Lahat ng taong mga halang ang kaluluwa ay nakakaharap na rin niya at hindi iba ang kakaharapin niya ngayon sa mga taong iyon. Kaya bakit siya kinakabahan ng ganito?
Matagal na niya itong pinagpaplanuhan kaya hindi siya puwedeng pumalpak. Inilibot na lang niya ang paningin sa buong lugar. It's cozy and warm. Very relaxing, very opposite of what he felt right now.
"Nandito na po tayo, Mr. Sanford." Narinig niyang sabi ng waitress at binuksan ang pinto kung saan naroon sa loob ang mga taong— "Pasok na po kayo, Sir."
Tumalim kaagad ang tingin niya pagkapasok niya sa loob ng VIP room at makita ang mga masasayang mga mukha ng pamilyang Del Rio.
Oh! Andrei Miguel Del Rio was back in the Philippines, huh? Tapos na yata ang problema nito. Thinking about what happened— he shrugged at his thought. It is not his story to tell.
Mas tumalim ang mga mata niya nang mapadako ang tingin niya kay Andrew Miguel Del Rio. Katabi nito ang asawa na si Mrs. Ysabella Sanchez-Del Rio.
In his late 50's ay matikas pa rin ang pangangatawan nito at siguradong iniiyakan talaga ito ng mga babae noong kabataan nito. Gano'n din ang maybahay nito. Maganda at maamo pa rin ang mukha.
Una siyang nakita ng mag-asawa. Napangiti ang mga ito at kaagad napatayo kaya pilit niyang ibinabalik sa pormal ang mukha at naglakad palapit sa mga ito.
"Good evening, Mr. Sanford."
Bati sa kanya ng padre pamilya at kaagad nakipagkamay sa kanya. Inabot naman niya iyon pero nabawi naman niya kaagad nang bigla na lang sumikdo ang puso niya.
Tuwa? And why he f*****g felt that way? Damn it! Bakit naman siya matutuwa sa pamilyang sumira sa pamilya niya?
"Meet my family, Alessandro. This lovely lady beside me is my wife, Ysabella, and my twins, Andrei Miguel and Andrea Mikaela." Pagpapakilala ni Andrew Miguel sa pamilya nito.
"Actually, they are triplets, but my L-Luke died 23 years ago." si Mrs. Del Rio na may lambong sa mga matang wika nito.
And why the hell does his f*****g heart constrict in pain?!
Nakita lang niya ang malungkot na mga mata ng ginang pero kaagad ng naantig—no. This isn't right. F**k! He needs to focus!
"Nice meeting you, Mrs. Del Rio and I'm sorry to hear that," aniya at naglahad ang kamay para makipagkamay rito.
Pero nagulat siya nang sa halip na abutin nito ang kamay niyang nakalahad ay niyakap na lang siya nito bigla. At ang kaninang naramdaman niya ay mas lalo pang sumidhi.
Damn it, damn it! Sunud-sunod na mura niya sa kanyang isip. Hindi siya naparito para makipag-kaibigan o kung ano pa man. Nandito siya para pabagsakin si Andrew Miguel Del Rio! Kaya iyon ang dapat na isipin niya at wala ng iba.
"Nice meeting you, hijo. Tawagin mo na lang akong Tita Bella, please." The woman said and genuinely smiled at him nang pakawalan na siya nito.
Parang nilamukos ang puso niya sa sobrang sakit nang makita niyang may mga luha pang sumungaw sa mga mata ng ginang.
Bahagya lang siyang tumango at agad na niyang iniwas ang tingin dito at ibinaling sa anak nitong si Andrei Miguel nang tumikhim ito.
"Nice meeting you, Mr. Sanford." pormal na sabi nito at nakipagkamay sa kanya.
"Likewise, Mr. Andrei Miguel Del Rio." he said. Pero nang napadako ang tingin siya sa kapatid nitong babae ay kaagad kumunot ang noo niya nang inirapan siya nito.
He smugly smirk. Tsk. Women and their tantrums. Akmang babatiin na sana niya ito nang bumukas ang pinto ng VIP room at pumasok doon ang isang babae.
Bahagya pa siyang nagulat nang mamukhaan niya ito. Ito ang Executive Assistant ni Andrew Miguel Del Rio at ang babaeng kasama ni Miss Del Rio sa conference room noon.
"Sorry po, Tito, Tita. Nagka-traffic kasi." Nahihiyang sabi nito sa mag-asawa.
She's wearing an off-shoulder floral dress with a thin black belt on her tiny waist. And a black stiletto na mas lalong nagpatangkad dito.
Beautiful. Brixton thought, complimenting the woman. He intensely stared at her beautiful white neck, down her shoulder blade, and to her curvy body. Mierda!
"It's okay, hija. We are about to start anyway."
Napangiti naman ang babae, then she shifts her gaze to Andrei and smiles.
Damn! that was one hellá gorgeous smile.
"Hey, baby doll, how are you?" Andrei asked the woman with a smile on his lips.
Parang biglang nainis ang sistema niya ng tawagin nitong baby doll ang babae.
"I—I'm fine." tugon ng babae sa nahihiya pa ring boses.
Tinititigan niya ng mataman ang babae. Then his forehead creased. Mukhang hindi ito komportableng makaharap ang lalaki. May nakaraan ba itong dalawa? How about his—f**k! Wala na siyang pakialam pa roon.
He's here to destroy their empire and not anything else!
"By the way, Alessandro meet Karenina Alcantara. She's my secretary and she's also close to our family." Pagpapakilala ni Andrew Del Rio sa kanya doon sa babae. "And Ina, our new business partner soon, Mr. Brixton Alessandro Sanford."
Nabaling naman kaagad ang buong atensyon ni Karenina sa kanya.
"Good evening po, Sir." anito sa kanya at bahagya pang yumukod.
The smirk immediately formed on his lips.
"It's nice to meet you, Miss Karenina." aniya at naglahad ng kamay sa harap nito.
And the moment their hands touches each other, there were unnamed feelings he felt. Kung wala lang sigurong ibang tao dito sa loob baka nahalikan na niya ang dalaga or more than that.
Damn this woman for turning him on! Badly. Simula pa lang nang nakita niya ito sa loob ng conference room ay hindi na nito pinatahimik ang sistema niya.
He fantasizes about her every night. He's always thinking about what it would be like to be surrounded by those creamy legs. How would it be like to be kissed by those pouty red lips?
Tikhim ni Andrew Del Rio ang nagpapanumbalik sa katinuan niya. Ipinilig pa niya ng bahagya ang kanyang ulo para iwaglit ang mahahalay na eksena na nabuo sa isip niya kasama si Miss Karenina.
"Baby doll, dito ka na sa tabi ko maupo."
Narinig niyang sabi ni Andrei at ipinaghila pa nito ang babae ng upuan sa tabi nito.
Palihim niyang tiningnan ng masama si Andrei. If looks could kill, matagal na itong walang buhay na nakahandusay sa sahig.
And I will do that soon. Very soon.