"You piece of sh*t! Get of me, Andrei!" Agad naitulak ni Karenina si Brixton nang marinig niya ang galit na sigaw ni Lorelei. Nakita naman niya itong nagpupumiglas habang hinahatak ito ni Andrei. So, Addie and Brixton weren't the only ones here. Andrei is also here. Nandito rin ba ang mga magulang ng mga ito? How about Lucas? "Ano ba Andrei, bitawan mo ako!" sigaw ulit ni Lorelei. Susundan na sana niya ang mga ito nang hawakan ni Brixton ang kanang braso niya kaya napatingin siya rito. "S-Sweetheart..." Umiling siya. "Huwag mo akong hawakan," aniya at hinila niya ang brasong hawak nito. Agad naman itong natigilan at unti-unting binitiwan ang braso niya. Nakita niya sa mga mata nito na nasasaktan ito. Pero bakit naman ito nasasaktan? "I'm sorry..." "Wala ka namang kasalanan. Bak

