FY#37 ANOTHER month passed. At ito na ang buwan na manganganak na si Karenina. Lagi na nga silang nagdi-drill kung ano ang gagawin ng mga kasamahan nila sa bahay kung sakaling dumating ang araw na sasakit ang tiyan niya at magkataong wala si Luke. Which is impossible dahil daig pa nito ang gwardya niya sa pagbabantay sa kanya. Hirap siyang paalisin ito sa tabi niya. At sa halip na sa opisina nito dapat gawin ang mga paper works nito ay dito nito iyon ginagawa. Kung kinakailangan talaga nitong umalis ng mansion ay katakot-takot na bilin at pag-uutos ang sinasabi nito sa mga kasambahay at mga guwardya. Pero ang lalo niyang ikinababahala ay ang lagi niya itong magisnan sa madaling-araw na may kausap sa phone nito. Kung tatanungin naman niya ay sasabihin nitong si Tony, ang sekretaryo nit

