FY#38 "NO, YOU CAN'T TAKE MY DAUGHTER AWAY FROM US, TITO FRANCO!" Dumadagundong ang boses ni Luke sa loob ng kwarto, kung saan siya dinala nito. Hindi siya makakapayag na ang mga ito ang magdadala sa anak niya. Minsan na siyang niloko ng mga ito kaya wala na siyang tiwala sa mga ito. "That's our last option, Luke," sabi ni Lolo Alexander. Naroon din ito kasama sina Dhie at Andrei. Napatingin siya sa abuelo at umiling. Hindi siya makapaniwalang pati ito ay sumasang-ayon sa naging plano ni Tito Franco. "No, it wasn't, Lo." Matigas ang boses na protesta niya. "May iba pang paraan at kung ayaw niyo akong suportahan---" "Gathered your f*cking sense, Kuya," mariing sabat ni Andrei kaya natigil siya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masusunod ang mga plano mong iyan!" bulyaw pa nito na iki

