5 MONTHS LATER... NAKANGITI si Karenina habang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan mula sa kanyang kinaroroonan. Napaka-aliwalas na parang dagat sa sobrang asul at mangilan-ngilan lang ang puting panganod na nakikita niya. Marami rin siyang nakikitang mga ibon na masayang lumilipad sa kalawakan. God is really great that He made all these amazing things. "Anak, halika na at mag-aalmusal na tayo." Napalingon siya nang marinig niya ang boses ng Mama Karen niya. Nasa b****a ito ng bahay nila. Ngumiti siya at naglakad palapit dito. At nang tuluyan na siyang makalapit ay kaagad siyang yumakap dito. "Good morning, Ma," nakangiting bati niya rito. Limang buwan na ang nakaraan nang dalhin siya ni Tito Franco rito sa Cebu kasama si Lorelei. At tatlong buwan pa lang sila rito nang sumunod

