Luke Andrew took a deep breath as he gazed upon the tall, towering structures across Europe. Gusto sana niyang bitiwan ang posisyon niya sa kompanya dahil sa nangyari noon pero hindi naman siya pinayagan ng mga board. Lalo na si Dhie mula nang magising ito sa coma. "Come in," he said, when he heard a series of knocks at his office door. Pumihit siya paharap nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang kaniyang ama. "Dhie," Lumapit siya rito at niyakap ito. Tinapik naman nito ang balikat niya saka kumalas sa yakap. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang magising ito. Walang pagsidlan ang tuwa nila lalong-lalo na si Mhie nang magising ito. Hindi rin niya makalimutan kung paano ito umiyak at humingi ng tawad sa kaniya dahil hindi raw siya nito nagawang iligtas sa mga taong kumuha sa

