bc

Winter in your heart

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Vea Ysabel Laurier isang babaeng probinsyana, tinatawag din ng mga kaibigan na NBSB sa kabila ng nakakaakit nitong ganda, dahil siya ay naniniwala na darating ang pag ibig sa kanya sa tamang panahon ngunit paano Kung nagtagpo Ang landas nila ni Marco Zumirez, Isang mayaman, guwapo ngunit tinatawag din ng mga kakilala na Isang malamig na yelo Ang Puso dahil sa paging arogante at suplado nito sa lahat ng mga nakapaligid at pagpapaiyak sa mga babae . Mananatili ba Ang pananaw ni Vea kung sa araw araw na pagkikita nila ni Marco ay natutunan niya na itong mahalin at alagaan sa kanyang puso. Magiging matatag ba siya sa paghihintay o susuko na lang at hayaan na ang tadhana para sa kanyang pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Winter in your heart
Chapter 1 kabataan Halos malaglag si Vea Ysabel Laurier sa hagdanan ng paaralan habang nag uunahan ang mga kaklase sa Senior High School. "Anu ba guys, please slow down!" sigaw nya sa mga ito, pero huli na ang lahat dahil halos nakapasuk na ang mga ito.. 'what the' .. bulong nya sa sarili at inayos Ang uniform na medyo nagusot dahil sa siksikan kanina bago siya pumasok at diretso agad sa upuan... "Ve? may assignment ka sa English?" Tanung ni Liza Mae isa sa tatlong matalik nyang kaibigan simula pa ng grade school hanggang ngayon na nasa Senior High School na sila. "Oo, merun. bakit?" sagot nya rito habang naghahalungkat ng mga gamit sa bag. "Pakopya ako please?" hinila nito ang braso nya.. Kaya napatingin na siya dito. Nakita niya ring nakatingin sa kanya ang dalawa niya pang kaibigan na sina Joan at Mitz na katabi ni Liza Mae sa upuan at alam nya na hindi lang isa ang mangongopya kundi ang dalawa pa... "Oh", at inirapan ang mga ito habang inaabot ang papel Kay Mitz. "Wag pati pangalan ko ha, iba ibahin nyo din ang ibang words jan para hindi halata na nangupya kayo." hirit nya pa. "Anu ang ginawa nyo nung sabado at kahapun at kagabi at hindi kayo gumawa ng assignment?" Tanung niya sa mga ito na busy na sa pagsusulat at pagtingin sa assignment nya. kapag ganitong lunes nalalate Ang teacher nila sa English Kaya naman may time sila para mag tsismisan. "Gumimik kaming tatlo nung Saturday at kahapun Naman family bonding Kaya napagud ako." sagot ni Mitz Oo nga pala, naalala nyang niyaya din siya ng mga ito na gumimik pero dahil mas inuuna niyang makatulong sa nanay niya kaya hindi siya sumama sa mga ito. Sa kanilang apat siya lang ang medyo mahirap, Ang tatlo niyang kaibigan ay masasabing mayaman dahil may mga negosyo ang mga magulang ng mga ito dito sa probinsya nila sa Palawan, at ibang pang probinsya at kamaynilaan. Mas pinili lamang ng mga ito manirahan dito sa Palawan dahil sa gusto Ang tahimik na buhay. Nagpapasalamat din siya dahil kahit na mahirap siya tanggap ng mga ito Ang kalagayan niya. "Kasi ve, Kung sumama ka lng sana sa amin eh di sna kumpleto Tayo.." ngumungusong sagot ni Joan. Ito Naman Ang pinaka Maarte sa kanilang apat at ayaw pinapahawakan ang mga gamit maliban sa kanilang tatlo. "Yeah, d bale may next Saturday pa Naman." sagot Naman ni Liza. "Kaya, sumama ka na. Ipagpaalam ka Namin Kay Nanay Mila." sagot Naman ni Joan. Napabuntung hininga siya kaya napatingin sa kanya ang tatlo na malapit ng matapus sa pagkopya sa assignment nya. "Alam nyo naman girls na tinutulungan ko si nanay sa pagtitinda sa palengke." May pwesto ang nanay nya sa Isang palengke sa bayan nila, malaki man Ang kinikita ng nanay niya sa pagtitinda ngunit sapat lamang iyon sa pag aaral nila ng ate nya at dalawa pang kapatid, may iba pang gastusin ang nanay nya tulad ng upa sa pwesto, kuryente, tubig at sa pang araw araw pa nila na pangangailangan. Second year college at kumukuha ng kursong BSED Ang ate nya, samantalang patay na ang kanyang ama dahil sa atake sa puso. Apat silang magkakapatid, pangalawa siya sa kanila, ang sumunod sa kanya ay mga lalaki na sina Ysmael at Ylias. Nasa Grade 9 na si Ysmael at Graduating naman sa Elementary si Ylias. "Don't worry Vea, sa inyo kami mamimili ng gulay para Naman mabilis maubos Ang paninda nyo then I'll pick you up?" Sabi ni Mitz. "Yeah, ako din, I suggest Yaya Carmen na dagdagan ang gulay na bilihin duon sa inyo, though suki na kmi ng gulayan nyo,." Saad naman ni Liza Mae. "It's very true. my mom choosed also your gulayan friend dahil bukod sa fresh na eh kumpleto pa, and no worries about the price, that's not a big deal for us." Nakatikwas Ang daliri na sabi naman ni Mitz. Napanganga na lng siya sa mga sinabi ng mga kaibigan nya. ganun talaga sila basta may gustong gawin nagkakaisa sila at sinupuportahan ang bawat isa... "Hay, Ang babait talaga ng mga kaibigan ko, bukod na sa mayayaman eh mababait pa"... nakapangalumbaba na sabi nya. "Group Hug" Malakas na sabi nya sa tatlo at akmang tatayo na siya para yakapin ang mga ito ngunit bigla ng pumasok ang kanilang teacher sa English, Kaya bumalik na lang Siya sa kanyang upuan. Napahagikhik naman ang tatlo dahil sa nangyari.. Sabado ng tanghali tulad ng kanilang pinag usapan sinundo siya ni Mitz. excited itong bumaba sa likuran ng sasakyan at hindi na inantay ang driver na pagbuksan ito. "OMG, friend, ready?" tanung nito na hinawakan siya sa kamay at sinipat Ang kanyang suot... "Yes, ok na ba ang suot ko? maliligo lang naman tayo ngayon diba? tanung niya dito dahil napansin niyang tumaas ng kunti Ang kilay nito pagkakita sa suot niyang Jogging Pants at T-shirt. Sa kanila Kasi siya lang ang Hindi mahilig sa mga girly na damit. "yeah, that's fine, pahihiramin na lang Kita ng swim suit later. let's go?" Hinila na siya nito papunta sa sasakyan. "Mitz, you know that I don't have any confident to wear that kind piece of cover." Sabi niya habang nakaupo na sila sa likuran at kasalukuyang bumabyahe papunta sa mansyon nila ni Mitz. kinukulit siya nito na mag suot ng swim suit kahit todo tanggi Naman siya. "I know, but you should try it sometimes. Apat lang Naman tayo sa pool mamaya. we don't have any visitors today so,.. ating atin Ang swimming pool... at humagikhik pa ito. Pagkarating nila sa mansyon nila ni Mitz, naka abang na agad ang dalawa nilang kaibigan sa entrada ng bahay na naka bihis na ng two piece, ngunit hindi lamang masyadong Kita ang pangbabang suot dahil may nakatali na medyo may kanipisan ding cover. Hinila na siya ng tatlo para magbihis sa kwarto ni Mitz, medyo kinakabahan siya dahil first time niyang susuot ng kakaramput na damit tulad ng suot ng dalawa niyang kaibigan na si Joan at Liza. Nasa unahan niya si Liza na kitang kita Ang kurba ng bewang sa suot na two piece, cover lamang nito ang dibdib na may patrianggle ang hugis ng tela at nakatali lamang sa likod at sa may leeg, naaninag niya naman ang may kaliitang pang ibaba nito na katulad din sa kulay maroon na pang taas. Ngayon palang naaasiwa na siya magsuot ng mga ganong klaseng damit. "Go Vea Ysabel, flaunt us your beautiful and sexy body".. tumawa si Mitz at initsa sa kanya ang susuutin nya. Tinulak Naman siya ni Joan sa loob ng CR ni Mitz pero hindi niya alam kung CR bang matatawag yun dahil kasing laki na iyon ng kanilang kusina at sala. Ilang beses na rin siyang nakapasuk at nakakatulog sa kwarto ni Mitz at sa iba pang mga kaibigan simula pa ng grade school sila, lalo na kapag week end at gusto nila mag kwentuhan at mag tambay lang, minsan naman dahil sa project at homework. Pero lagi nilang sinisigurado na natutulungan nya muna ang nanay nya sa mga gawain sa bahay at sa pagtitinda sa palengke. katatapus niya lang magbihis at tinitingnan ang sarili sa salamin. Naiilang siya sa kanyang nakikita, lalo na at hindi talaga siya sanay na mag suot ng ganitong damit. Inilugay nya ang kanyang mahaba at itim na buhok at itinabing sa bandang dibdib dahil sa manipis lang na tela ang nakatabing dito. 17years old pa lamang siya pero halata na sa hubog ng katawan niya ang pagiging dalaga na. Mulagat ang mga mata ng mga kaibigan niya ng lumabas siya, at parang na estatwa ang mga ito. Dahil nahihiya siya, tinakpan nya ng palad ang dibdib nya, ang pang ibaba nya kasi ay may nakapalibot pang tela na manipis, tulad ng ginawa ni Liza Mae Kaya hindi na siya nag abala pa na takpan ang harapan nya. "Hey, don't". Saway sa kanya ni Joan. "Wow, weeet weet,.." Ngisi ni Liza Mae at pumalakpak pa ito... "Don't be shy beshy, tayo lang naman Ang nasa pool, and dapat ka ng masanay dahil lagi na nating gagawin to, diba mga besh? Sabi ni Mitz. Tumango naman ang dalawa niya pang kaibigan at nagyakapan silang apat... Lumakad na sila pababa at napansin niya ang mga katulong nila Mitz na nakatingin sa kanila, nahihiya man pero binaliwala niya na lamang dahil pinisil ni Joan ang kanyang mga palad na nanlalamig at hinawakan nito iyon ng mahigpit... Wala talaga siyang masabi sa mga mababait at supportive niyang mga kaibigan.. Napaka swerte niya sa mga ito. Maya maya pa ay nag enjoy na sila sa pag tatampisaw sa katatampaman lamang na lamig ng swimming pool nila Mitz. "Mag meryenda muna kayo mga bata", Sigaw ni Yaya Carmen sa kanila. Napa ismid Naman si Mitz habang umaahon sa tubig. "How many times that I told you Yaya, we are not kids anymore, don't call us like that... Ewww,... I have a boyfriend na Po." Sabi nito habang pinupusan Ang katawan ng puting tuwalya. "Alam ko Naman yun anak, pero para sa akin kasi bata pa din kayo". Sagot Naman ni Yaya Carmen habang nilalapag ang meryenda sa mesa. "At yang boyfriend mo, baka masama Ang ugali at lulukuhin ka lang ah"... lintanya pa nito uli. "Huh! wag siyang magkakamali, at siya ang paiiyakin ko, Sagot naman ni Mitz ng nakaupo na, nakaupo na rin sila at nakikinig na lamang sa kanilang dalawa. "o sige sige na, aalis muna ako at marami pa akong gagawin sa loob, mag enjoy kayo diyan mga bata ah.". at umalis na ito. Napairap na lamang si Mitz sa narinig, samantalang nagtawanan na lamang din sila. Habang nag nagmemeryenda at kukwentuhan sila may biglang namang tumawag sa cellphone ni Joan. "Oh hi Hon", halos makita naman nila ang ngala ngala nito dahil sa pag ngiti at pigil na kilig habang kausap ang bago nitong boyfriend,.. Napairap si Liza Mae Kay Joan. napangisi Naman si Mitz. Ito Kasi ang playgirl sa kanila, umaabot lamang ng pinakamahaba na ang tatlong buwan at magpapalit na kapag sawa na ito. Si Liza Mae naman ay may boyfriend na at two years na ang mga ito, childhood sweetheart ang tawag nila dito dahil elementarya pa lamang ay mukhang may pag tingin na daw sila sa isat Isa. Si Mitz naman ay bago pa lamang pumasok sa isang relasyon, sinagot nito ang napakatagal ng manliligaw na si Justin. Oo, siya na lamang sa kanilang apat Ang Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend, at wala talaga siyang balak dahil gusto niya munang makapag tapus ng pag aaral at matulungan ang nanay niya. At naniniwala siya na darating ang pag ibig niya sa tamang panahon. Naisip niya din na aksaya lamang sa panahon niya ang pagboboyfriend. Nagulat sila ng biglang parang nagkagulo sa loob ng mansyon nila Mitz, dahil sa ingay ng pagparada ng mga sasakyan. "What's that beshy? Sabi mo wala kayong bisita? sunod sunod na tanung ni Liza Mae... "Ye-Yeah", mamayang gabi pa ang dating nila mom at dad from work. Utal utal nitong sagot habang nakatingin sa pintuan papasok sa loob ng mansyon. Maya maya pa ay tumayo ito upang tingnan kung sino Ang mga dumating. Kinuha niya naman ang tela na pinululupot nya sa bewang kanina at saka nilagay ulit. Ayaw niya talaga ng may nakakakita sa katawan niya. "Hey Vea Ysabel, what are you doing? Sabi ni Liza sa kanya ng makitang nakatapi na Siya.. "let's go, I want to swim again"... Yaya nito sa kanya, kaya napilitan siyang tanggalin ang maliit na tapis at sumunod dito. Gustong gusto niya rin kasi talagang maligo, nag eenjoy siya dito. Hinayaan na lamang nila si Joan na kausap pa din Ang new boy toy nito sa cellphone. Ngunit hindi pa sila nakakababa sa swimming pool ay tumitili na si Mitz habang patakbo palapit sa kanila... "Oh my god, guys, all of my cousin from Manila is here, let's go inside and I want you to meet them all". Sigaw nito sa kanila. May nakita naman siyang mga lalaki na pasilip slip sa may pintuan ng mansyon nila ni Mitz, kaya kinakabahan siya. Inaamin niyang hindi talaga siya sanay sa mga meet and greet Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ay ayaw niya talagang makipag kilala. Maya maya pa ay lumabas na ang mga pinsan na sinasabi nito Kaya hinintay na lamang nila Ang mga ito na makalapit. Lumapit agad siya sa kanyang tapis at itinali ito sa kanyang bewang. "Wow, you have a gorgeous and beautiful friends cousin". Sabi ng isang matangkad na lalaki. Pito silang lahat, limang lalaki at dalawang babae ang dumating sa harapan nila, at wala siyang masabi kundi napaka ganda talaga ng lahi nila Mitz, mga guwapo at magaganda, at mapuputi pa lalo na ang dalawang babae. "Yeah of course", I'm beautiful too. puri Naman ni Mitz sa sarili kaya nag si ilingan na lamang ang mga pinsan nito at nagsitawanan. "Puring puri sa sarili? Dapat inantay mo muna kami na na purihin ka brat." Inakbayan ito ng isang napakagwapong lalaki na pero hindi man lamang ito nakangiti at seryosong nakatingin lang sa tubig sa swimming pool. Parang merung nagsisitakbuhan at naghahabulan sa dibdib nya ng makita niya ito, at dumoble Ang kaba niya. "Don't call me brat kuya Marco, and you are the one who is suplado here. Irap nito sa tinatawag nitong Marco. "By the way mga besh, meet my cousin, Kuya Marco, kuya Andrei, , kuya Michael, kuya Jackson, Ate Marie, Hannah and the bunso one is George." Pag katapus sila naman ang ipinakilala nito sa mga pinsan at nagkamayan sila maliban na lang sa kuya Marco nito na umupo sa gilid at hindi na nakipag-usap sa kanila. Wow, ilang taon na kayo guys? tanung ni ate Marie,. "We're 17, sagot naman ni Liza". "17 pa lang pero ang sexy nyo naman. Sagot ni Hannah. I'm almost 16 but look at my body I'm just like a broom and no curves at all, I'm just like lumunok lang ng isang baldeng glutathione sa puti and I hate it... mahabang lintanya nito... "Walis tingting nga kaya wala talagang kurba Yun". sagot naman ni Ate Marie na nagpatawa sa kanila... "Your a witch ate". at sumimangot ito, pero maya maya at tumawa ulit ito ng makitang tinulak ni Kuya Michael si Goerge sa tubig. Lahat sila ay napalingon sa mga ito, nagulat na lang siya ng malingunan niya din si Marco na naghuhubad ng damit at lumuwa ang mga mata niya at medyo napaawang din ang mga labi niya sa nakikitang kakisigan ni Marco. Hindi niya namalayan na nakalapit na ito sa kanya habang siya ay titig na titig pa din dito, "Ang laway mo miss, tumutulo na". Sabi nito ng dumaan ito sa harapan nya papunta sa swimming pool. Agad niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mga labi pero mas lalo siyang na shocks ng wala namang laway na nakapa duon. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya at ramdam niya ang pamumula at pag iinit ng kanyang mga pisngi. Nagrerebelde ang kanyang kalooban dahil sa inasal nito. Impakto at ngali ngali nya itong sipain pero kailangan nya magpigil dahil pinsan ito ng kanyang kaibigan. Oo, gwapo nga ito pero impakto naman ata ang ugali. hmmmp. at napairap siya sa hangin. Ngunit laking gulat nya ng nakita nyang naka ngisi sa kanya si Mitz. "Crush mo ang pinsan ko no?" bulong nito sa kanya. "Eww, hindi no,. ang pangit na impa- ng pinsan mo, Kaya hindi ko siya type..." Muntik niya pang masabi ang impakto na tawag nya dito sa isip lang, buti na lang at napigil nya pa ang bunganga niya. "Kuya Marco is 23 years old and a heartbreaker. Kaya ingat ka besh..." Sabi ni Mitz. Napatawa naman ang dalawa ko pang kaibigan na nakikinig din pala pero halatang kinikilig sa mga abs ng mga pinsang lalaki ni Mitz. "Mga besh, alam nyo naman na wala pa akong balak mag boyfriend, study and family first muna ako." "Anu ka ba, try mo naman, pang remembrance mo lang, malapit na tayo mag college pero wla ka pa ding boy friend". sagot naman ni Joan. "Anung remembrance"? asik niya dito. Darating ang pag ibig ko sa tamang panahon"... nakapangalumbaba niyang Sabi sa mga ito. "Eh, panu pala kung dumating na, pero pinipigilan mo lang,."tanung naman ni Liza. Napalingon agad siya kay Marco, naramdamdaman niya ulit ang mabilis na pagtibok ng puso niya. "Oh, so, napatingin agad sa crush o pag ibig na ba".. tanung ni Liza. Inalis nya din agad ang tingin sa kay Marco at kunwari tumingin din sa iba... "Mag aantay ako sa tamang panahon". parang bulong lang iyon na pagkakasabi niya, pero alam nyang narinig iyon ng mga kaibigan dahil napatitig ang mga ito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
831.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
623.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.6K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook