Ang Babae Sa Painting
___________Ang babae sa painting____________
______ Prologue _____
Ilang gabi nang hindi makatulog nang maayos si Weir. Ilang gabi na kasi niyang napapanaginipan ang tungkol sa isang babae. Hindi niya kilala ang babaeng iyon na laging nagpapakita sa kanyang balintataw. Madalas parehong eksena ang kanyang nakikita.
Namamasyal raw siya sa isang napakagandang lugar. Napapalibutan nang mga mga nagtataasang mga puno ng akasya. Sa gitna nang mga puno ay mayroong hindi kalawakang ilog. Napakalinaw ng tubig rito animo mga kinang ng krystal ang tubig kapag nasisinagan ng pang umagang araw. Mayroon itong tulay na gawa sa narra. Napakakinis nang pagkakayari nito at ginamitan pa nang varnish kaya naman kay gandang tingnan. Sa ilalim ng tulay ay mayroong pitong malalaking bilog na gawa rin sa narra na siyang nagsisilbing pundasyon ng tulay sa ilalim. Ang kabuuan ng tulay ay gawa sa puno ng narra. Napakagandang tulay nito mistulang ginawa ng isang napakahusay na mga kamay. Kaya kung ikaw ay nagmula sa kaliwang bahagi, maaari kang makatawid papunta sa kanang bahagi dahil sa tulay. Dahil gawa sa kahoy ang tulay ay para lamang ito sa mga tao.May mga pahabang upuan rin na narito. Sinadyang gawin para may pagtambayan ang mga taong mamasyal dito.Kakaiba ang ganda nang lugar, tila itong isang paraiso na tanging sa pangarap mo lamang makikita.
Ang mas nakaagaw ng kanyang pansin ay ang isang babae na nakaupo sa upuang nasa parteng ibaba na ng ilog. Mahaba ang alon-alon nitong buhok na nililipad ng hangin. Nakasuot ng mahabang bistidang kulay rosas. Bahagya siyang lumapit.
Sa isa pang bahagi ng lugar kung saan niya
nakikita ang babae ay tila isang hardin na napalilibutan ng ibat ibang klase ng mga bulaklak at halaman. Maski saan niya ibaling ang paningin ay puro naggagandahang mga bulaklak ang kanyang nakikita. Nakatayo ang babae na nakatalikod. Nakasuot ng mahabang dress na kulay rosas na may tali sa likod. Bahagya itong luminga.
"Miss?"
tawag niya para mapansin siya nito.
Dahan dahan nga itong lumingon sa kanya.
Para siyang nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa. Napakaganda ng babaeng ito na ngayon ay nakaharap na sa kanya..
"Sino ka? bakit ba paulit paulit kitang nakikita sa mga panaginip? ngayon ko lang nakita ang iyong maamong mukha, at pakiramdam ko ngayon, kung isa na naman itong panaginip ay ayoko ng magising!"
Sabi niya rito at lumuhod siya sa harap nito inabot ang isang kamay ng babae at ginawaran ito ng isang masuyong halik... Napakalambot ng palad nito animo isang bulak..
Binawi ng babae ang kamay nito sa kanya.
"Bakit mo hinagkan ang aking kamay? ang lakas naman ng loob mo dahil hindi pa naman tayo magkakilala,"
Sabi nito ngunit sa paraang mahinahon ang boses.
"Iyon ay dahil sa madalas kang magpakita sa aking mga panaginip. Mahal na kita! ikaw lang ang tanging babaeng nakapukaw ng ganito sa aking pansin maski na sa panaginip lang kita nakikita..Sabihin mo sa akin, ano ang iyong pangalan magandang binibini?"
tanong ng binata rito at hinawakan muli ang kamay nito tila bagang takot ito na bigla itong mawala...
Ngumiti ito ng pagkatamis tamis bago sumagot.
"Samarah, ako si Samarah," sagot nito at dahan dahan hinila ang kamay nito na kanyang hawak.
Tumakbo ito palayo sa kanya habang malayang isinasayaw ng hangin ang mahaba at alon-alon nitong buhok..
Napatda siya at ilang sandaling nanatiling nakatayo habang tinitingnan itong tumatakbo palayo sa kanya...
"Samarah sandali!"
Habol niya rito ngunit huli na...tuluyan na itong parang bulang bigla na lang naglaho...
"Samarah!"
Sigaw niya sabay balikwas ng bangon sa kanyang kama. Tigpi tigpi ang pawis sa kanyang noo.
"Ang misteryosong babaeng iyon na parati kong nakikita sa aking panaginip, siya na naman," sabi ng binata na may matamis na ngiti sa mga labi...
"Sana, totoong nag eexist ka sa totoong buhay Samarah. Kung totoo ka man, at hindi isang panaginip lang, titiyakin kong hahanapin kita upang makilala ka, Samarah."
Nakangiting sambit ni Weir, habang nakatingin sa larawan ng babaeng palaging laman nang kanyang mga panaginip. Iginuhit niya ang mukha ng babaeng iyon, mula nang unang beses niya itong napanaginipan. Bawat eksenang nakikita niya sa kanyang panaginip, ay iginuguhit niya sa kanyang sketchpad. Kapag nakikita niya kasi ang mga iyon, pakiramdam niya ay totoong nag eexist ang babae sa kanyang mga panaginip. Bumangon siya sa kanyang kama at kinuha ang kanyang pang guhit para iguhit na naman ang eksenang nakita niya ngayon sa kanyang panaginip. Parang may buhay ang kanyang mga guhit. Kusang gumagalaw ang kanyang kamay, pakiramdam niya ay mayroong pwersa na kumokontrol sa kanyang kamay habang ginuguhit iyon, kaya naman kapag natapos na ay nagugulat na lamang siya dahil nakakagawa siya nang mga magagandang obra..
_________________Chapter 1____________________
___WEIR SANDOVAL _A 30 years old man. CEO sa isang sikat na Business Construction Company.. Ang ES Construction Company Inc. na mismong pag aari ng pamilya niya na pinagtulungang itatag nang kanyang ama na si Don Enrique Sandoval at ang bunsong
kapatid nito na si Vladimir Sandoval.
Ipinanganak sa Dalupiran Roxas Magsaysay ngunit lumaki sa Veruela City. Business oriented, goal oriented, istrikto, may pagkasuplado at bibihirang ngumiti. Pinangingilagan siya ng mga ilang taong nakakakilala sa kanya lalo na ang mga empleyado niya sa kumpanya. He had a strong personality, iyong tipong isang tingin lang niya sa isang tao ay siguradong titiklop na. Para siyang DIYOS kung tratuhin nang mga tao sa paligid niya. Kung tutuusin.... na sa kanya na ang lahat. Kayamanan, pera, mga mamahaling sasakyan, mga babae, Hindi naman siya babaero habulin lang talaga siya ng mga kababaihan. Mga naglalakihang mga bahay na nagkalat sa ibat ibang lugar. Kapangyarihan na mapasunod ang lahat ng tao sa paligid niya dahil sa kanyang mga impluwensiya, at mga tauhan na handang maging sunod sunuran sa lahat nang mga iuutos niya. He is a very powerful kind of man. He is a young billionaire bachelor in town. Matigas ang kanyang kalooban pero ngunit may malaking puso para sa mga nangangailangan. Ngunit ang pagiging matulungin niya ay inililihim lamang niya, walang ibang nakakaalam non maliban sa mga taong malalapit sa kanya...
12 years ago nang mamatay ang kanyang ama na si Enrique Sandoval. Ito ang tumatayong Presidente nang kanilang kompanya noon. Magaling at mabait na boss ang kanyang ama kaya naman napamahal ito sa lahat nang mga empleyado nang kanilang kompanya. Isang araw na may dadaluhan sanang Conference Meeting ang kanyang ama nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente. Nakasakay na ito sa Luxury car nito ngunit hindi pa nakakalayo nang takbo ang sasakyan nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog nang sinasakyan nito. Isang nakabibinging saglit na katahimikan ang sumunod. Ilang sandali lang ang nakalipas ay may mga tao ng nakiusyoso sa pinangyarihan ng insidente, pati na ang mga sunod sunod na ingay na sirena ng patrol car at ambulansiya, ngunit wala ng naabutang buhay kundi ang watak watak na mga bahagi nang katawan ng tao at nang sasakyan. Maging ang makapal na usok na sanhi nang pagsabog. Isang Hindi malilimutang pangyayari na kumitil sa buhay nang isang mabait at kilalang business tycoon sa bansa.. Ayon sa imbestigasyon posible umanong kinabitan nang bomba ang ilalim nang sinakyan nito na activate nang umandar na ang sasakyan...
""""""""""""""""""""""""""""
NALULUHANG nakaluhod si Weir sa harap nang nitso nang kanyang ama. Tinitingnan niya ang lapida nito. March 26 2009, almost 12 years ago nang namayapa ang ama pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanyang gunita ang pagkamatay nito. Punong puno nang puot ang kanyang puso sa sinumang tao na may kinalaman sa pagkamatay nang ama niya. Nakuyom niya ang kanyang kamao kasabay nang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Lalaki siya pero hindi niya mapigilan ang lumuha sa pagkudlit nang mga masasakit na alaala sa pagkamatay ng kanyang ama. He is young then, nineteen to be exact. Kasalukuyan siyang nasa 2nd year college pa lamang. Bagito pa lang siya noon, at wala pa gaanong nalalaman. Ngunit ipinangako niya sa oras mismo na namatay ang ama niya, na hahanapin niya ang mga taong responsable sa pagkamatay nito. He wants to take revenge!!
Nagtagis ang kanyang mga bagang habang mas lalo pang humigpit ang pagkuyom niya sa kanyang kamao.
"Ipinapangako ko papa, magbabayad ang sinumang may kinalaman sa pagkamatay mo. Hindi ako titigil, hanggat hindi ko sila nahahanap. Ipararanas ko sa kanila, ang bagsik nang aking paghihingati!"
Matigas ang mukha na sabi niya sa harap nang puntod ng kanyang ama. Saka siya tumayo na. Isinuot niya ang kanyang dark shade saka isinuot sa kanya nang kanyang alalay na si Marco Salvador ang kanyang office coat. Naglakad na sila palabas nang private cemetery na iyon na puro mga kilala at mayayamang mga tao lamang ang nakalibing.
Pinagbuksan siya nito nang pinto at pumasok na siya sa kanyang luxury car. Si Marco mismo ang magmamaneho sa kotse niya. Papunta siya nang opisina ngayon, dumaan lang talaga muna siya sa cemetery bago pumasok sa opisina..Wala naman siyang importanteng meeting ngayon, pero need kailangan pa rin niyang pumasok. Marami mga papeles ang naghihintay sa kanya na kailangan niyang pirmahan. Para kasi sa kanya, ang oras ay sadyang napakahalaga. Ayaw niya nang nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang bagay. Lahat ng mga bagay bagay na ginagawa niya sa araw araw ay nakaischedule lahat. May oras siya para sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang work out, sa kanyang pagtulog, sa kanyang mga gawain sa opisina, sa pagbisita niya sa kanyang mga charity funds, at may oras din siya para sa kanyang sarili. Iba na rin ang oras niya sa mga babaeng ginagawa ang lahat mapansin lang niya..Hindi naman kasi sa nagbububat siya nang sarili niyang bangko, pero bukod sa strong character niya, malakas ang din ang physical appearance lalo na sa mga kababaihan. Matangkad siya sa taas na 6'3. Matipuno ang kanyang pangangatawan na alaga sa gym. Moreno, matangos ang ilong, at nagtataglay siya ng isang prominenteng cheekbone na mas nakadagdag sa kaguwapuhan niya. Siguro walang mag aakala na ang isang businessman at CEO na kagaya niya ay nagagawa pa rin ang mga bagay na gusto niya sa kabila nang sobrang pagka busy niya na tao. Kaya nga siya si Weir Sandoval, lahat ng gusto niya, kapag ginusto niya, nakukuha niya..
Bukod sa pagiging CEO ay mayroon ding lihim na itinatago si Weir. Marami siyang mga tauhan na handang pumatay at mamatay para sa kanya. Malaki ang naitutulong nang mga ito sa kanya, isang utos lang niya sa mga ito ay handang sumunod sa kanya ang mga ito sa anumang bagay na gustuhin niyang iutos sa mga ito..
*********************
"ELISE! umahon ka na diyan anak at kanina ka pang naglulunoy sa diyan sa ilog!"
Tawag ni Esmeralda sa anak niyang dalaga na kasalukuyang sumisisid sa napakalinaw na ilog na iyon na nasa likod mismo nang kanilang bahay. Katatapos lamang naglaba ng babae at ngayon ay kasalukuyang nagsasampay ng mga nilabhang damit.
Umahon ang isang magandang babae mula sa ilog. Ang kanyang kulay tsokolate at bilogang mga mata na naparisan nang mahahaba at malalantik na pilikmata, ang hugis itlog na mukha, ang matangos na ilong at ang hugis puso at kulay makopang mga labi nito. Ang mahabang buhok na natural na kulay tsokolate na kakulay rin lang ng mga mata nito, at ang malaporselana at kulay gatas nitong balat ang unang mapapansin. Para sa mga taga Dagat Dagatan, ang dalagang ito ang pinakamagandang babae sa kanilang lugar. Maraming naggagandahang mga dilag sa lugar nila pero kakaiba ang ganda nang isang ito. Hindi pangkaraniwang ganda. Animo isang buhay na manika na kapag tumitig ay tila ka mahihipnotismo..
"Opo nay! aahon na po!"
Sagot ng dalaga at dinampot niya ang tuwalya na nakasabit sa sanga nang kahoy saka iyon ibinalot sa kanyang katawan na nasusuotan nang may kanipisang kulay puting bestidang pambahay na hindi abot sa tuhod, bago siya lumusong sa umahon sa ilog..
Siya si ELISEA LORAINE HADES_
25 years old. Panganay na anak nina Esmeralda Carmona Hades at Antonio Hades.
Mabait, magalang, matulungin, at mapagmahal na anak at kapatid. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay, pangalawa si Jordan, at ang bunso nila ay Jewel. .
_________________□Itutuloy□_________________