Chapter 7

1027 Words
"We are here! Sabay tigil niya ng kotse sa harap ng malaking restaurant..Nagulat pa ako at sa KAMAYAN RESTAURANT kami kakain,paano si Angel? Bulong ko sa sarili..Baka hindi alam ng bata magkamay.. "Don't worry Loraine,kahit Kamayan Restaurant iyan,may mga kutsara sila d'yan sa ayaw magkamay! Sabi nito na nabasa yata ang isip ko.. "Angel halika na?...Yaya ko sa bata na walang imik kanina pa.. "Ayaw mo ba dito anak? Tanong niya sa bata.. "Gusto po daddy,akala ko lang po kasi mamasyal tayong tatlo! "Yeah after we eat,pupunta tayo sa likod nito,may beach sa likod at may mga palaru-an ng bata! "Talaga po? Yeheey!!! Tuwang tuwa naman ito at kumapit na sa kamay ko.. Pagkapasok sa loob ay kumuha agad kami ng table na pangtatluhan. "Order lang kayo Loraine ha,sagutin ko lang ang tawag...Excuse saglit... Tumawag naman ako ng waiter,lahat kasi dito ay sea foods..Kaya agad kong tinanong si Angel kung ano ang gusto niya.. "Hipon at pusit lang for me,kahit anong luto po basta iyan ok na sa akin! "Iyong order po ng bata iyan na din po sa akin,buttered shrimp,adobong pusit at inihaw na pusit... "Ate,si daddy kaya ano ang gusto? "Siya na bahala sa order niya,...Sabi ko naman sa bata.. "I know what's his favorite! Agad naman nitong tinawag ang waiter... "Kuya one order of talaba,baked tahong,Inihaw na telapia at Grilled bangus! "Bakit ang dami Angel? Baka ayaw ng daddy mo? "Iyan po ang gusto niya at makikain din tayo syempre! Kaya pinabayaan ko nalang ang bata.Naghugas din ito ng kamay. "Magkakamay ka din?Tanong ko dito.. "Opo! so masarap po kumain kapag mag kamay eh.. Kaya natawa naman ako dito.. Maya-maya ay dumating na ang order namin at napakarami pa.Sakto naman na dumating na ang lalake at narinig ko pa ang sabi nito sa kausap. "Yes Audrey,usap tayo mamaya at may dinner lang kami ng mga kasama kong clients.. Hindi nito sinabi na kami ang kasama niya dahil alam kong iniiwas nito na malaman ng mommy niya at daddy na kasama si Angel nahahabag na naman ako sa bata..Bakit ayaw dito sa lolo at lola niya,napakagandang anghel nito na aayawan nila.Kung pwede nga lang akin nalang ang batang ito eh.Pero hindi naman pwede dahil may ama itong nag-aalaga sa kanya.. "Kain na!..wow thank you at inorederan nyo na ako! Sabi nito na tuwang-tuwa.. "Take-out nalang natin ang iba ha.Dahil ang dami nito! "Yes daddy,ako po kasi ang umorder niyan lahat eh! "Thank you anak,naku pinapataba mo yata ang daddy ah! Tumawa lang ang bata at saktong lagyan ko na ng kanin ang pinggan niya ay kukunin din ni sir ang kanin kaya nagbanggaan ang kamay namin.. "Oy,kayong dalawa ha!! Asar sa amin ni Angel... "Naku,Angel wala iyon ha.Ang daddy mo kasi gusto ng kumuha ng rice eh... "Don't explain ate Loraine,nakita ko naman po..Alam ninyo,bagay kayo ni daddy! Nagulat naman ako sa sinasabi ng batang ito..Limang taon lang ba talaga ito? "Kumain kana Loraine,naku ikaw talaga Angel,huwag mo ng pansinin iyang bata Loraine, baka hindi kana makakain.. "Oo nga po eh,sige kumain na tayo.. Naparami ako ng kain kahit si Angel ay sarap na sarap.Pagkatapos namin ay pumunta kami sa likod ng Kamayan Restaurant nilakad lang namin dahil 10 minutes away lang naman ito sa nasabing kainan. "Wow! Ang ganda naman dito! Mangha kong sabi kaya tumawa naman si Angel.. "Ate doon tayo! Kaya sumunod ako sa bata at naiwang mag-isa ang ama nito. "Saan tayo,ang layo na natin sa daddy mo! "Dito lang po,let's make a castle! "Ah ok,akala ko magse swimming kana eh! "I have no other clothes po eh,sayang sana nagdala tayo ano? "Oo nga naman pero malamig na dito eh! Habang gumagawa kami ng castle ay nag-uusap kami ng bata. "Alam mo ate Loraine! Namimiss ko na ang mommy ko at nakikita ko siya sayo..Saka ramdam ko naman po na ayaw ng lolo at lola ko sa akin..Alam nyo po ba noong 4 years old ako.Nakita nila ako sa mansyon and they treating me differrent po. Bigla naman ako nakaramdam ng pagkahabag dito.Kaya nayakap ko ang bata. "Hindi ko din po maiwasan ate na magtampo sa mommy ko because after she delivered me in this world...Hindi na niya natapos ang sasabihin ay umiyak na ito.Mag a anim na taon pa lang ito sa susunod na buwan,pero parang matanda na ito kung magsalita. "Huwag kang mag alala baby ha,simula ngayon nandito lang ako sa tabi mo.Ate Loraine is your angel now! "Promise po? "Opo,hinding hindi kita iiwan kahit na matanda kana! "Promise nyo po iyan ha! Itaas nyo po ang kanang kamay ninyo! Natawa naman ako at sinunod ang sinabi niya.Sabay yakap nito sa akin ng mahigpit.. "Anong drama ninyong dalawa d'yan? Si sir Clyde na nakalapit na pala sa amin.. "Daddy i am happy now! "Why baby? "Because ate Loraine's is my angel now! "Really? "Yes dad and she's promise me that she never leave me kahit na tatanda na ako! Nakita kong nakatingin sa akin si sir Clyde at ngumiti ito na parang may kislap sa kanyang mga mata... Nagkwentuhan nalang kaming tatlo sa tabi ng ginawa naming castle ni Angel ng nakaramdam ako ng ginaw.Agad namang hinubad ni sir Clyde ang jacket niya at ibinigay sa akin.Nakita kong ngumiti si Angel at maya-maya ay nakatulog na ito. "Let's go back to the car sir? Sabi ko sa lalake dahil 7pm na nga gabi.. Ngunit tiningnan lang ako nito. "Tuparin mo sana ang pangako mo kay Angel and don't leave her kahit ano pa man ang mangyari..Sabi nito sa akin. "I will sir,dahil hindi ko na din kaya na mawala ang bata sa akin... Nagulat naman ako ng palapit ng palapit ang mukha niya sa akin "Loraine,thank you...Thank you dahil may karamay na ako sa pagmamahal sa kanya! But he kiss my lips at nadala naman ako..Tinugon ko ang mga halik nito pero gumalaw si Angel kaya tumigil kami bigla,nakaunan kasi ang ulo ng bata sa mga hita ko...Ngumiti siya sa akin at binuhat na si Angel para makabalik na kami ng sasakyan..Masyadong okupado ang utak ko.Paano pala kung wala si Angel,baka nabigay ko na din ang iniingat-ingatan ko..Ang bilis ko naman yatang bumigay kung nagkataon..Bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD