Kumatok muna ako bago pumasok,baka nag-umpisa na ang meeting.Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si sir Clyde na nakaupo sa swivel chair niya.Ang conferrence room nito ay magkatabi lang ng office..
"Good Afternoon sir! Bati ko sa lalake.
Agad naman tumakbo si Angel sa ama at niyakap ito ng mahigpit.
"I missed you so much daddy!
"Na miss din kita baby!Kumusta ka doon kila ate Loraine?
"Ok lang po doon daddy,she is nice po at palaging masarap ang luto niya ng foods ko!
Tumingin naman si sir sa akin at ngumiti.
"Thank you! Pasalamat nito sa akin.
"Ito na po pala ang usb sir,hindi na po kami magtatagal baka naghihintay na sa conferrence room ang mga ka meeting mo.
"Hintayin nyo ako dito,isang oras lang ito.May e discuss lang ako..After this,pasyal tayo at kakain sa labas..
Tama ba ako sa narinig ko?papasyal kami sa labas?Bigla akong natuwa at parang kinilig.
"Loraine,narinig mo ba ako?
Tumikhim muna ako,masyado yata akong halata..
"Ahm...yes sir narinig ko po...Sige ho maghihintay nalang kami dito.B-baka may ipapagawa ho kayo?..Sabi ko na lamang para hindi masyadong halata..
"Wala naman,pakibantay nalang kay Angel.
At lumabas na ito ng opisina.
Clyde pov
Palabas na ako ng opisina ng pigilan kong umuwe sila Loraine.Gusto ko sila ipasyal dahil sabado naman bukas.Ayaw ko din mag stay sa bahay dahil nandoon sila mama , daddy at Audrey.
Agad kong inumpisahan ang meeting para matapos na.Alam kong satisfied naman ang mga nasa harapan ko at wala ng maraming tanong.
"Clyde kailan mo balak mag-asawa?
Tanong ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ng kumpanya.Ninong ko ito at kaibigan ng daddy,isa siya sa may share ng pinaghirapan kong business.
"Wala pang nahanap ninong at busy pa masyado.Sagot ko dito at
ngumiti naman ito sa akin.
"You're to busy iho sa anak ng kapatid mo and your business,why don't you try to relax?You are not young iho at kailangan mo din magbuild ng family in your own..
Sabi pa nito sa akin,hindi na siya iba sa akin at mas marami pa yatang advice ito kaysa ama ko.
"Kapag makita ko na siya ninong,ipakilala ko agad sainyo.
Sabi ko nalamang para matapos na kami.
"Tapos na po tayo kung may tanong pa about our meeting today,sige lang po at sasagutin ko..
"Ah Clyde paano ang new product natin?We need a commercial model for this!...
"Don't worry mr.Aragon,may nahanap na ako na pwedeng mag modelo sa produktong ito.
"Mabuti naman at hindi na tayo maghanap pa..
"Yes po kaya no worries...May tanong pa po ba?Kung wala na pwede na po tayong lumabas.
Tumayo naman silang lahat ng sabay at ang iba ay binati ako..
"Let's go?Tawag ko sa dalawa angel at Loraine.
"Yeheey,mamasyal kami!!
Sabi ng anak ko na nakakapit pa ang kamay kay Loarine.Nakita kong ngumiti ang dalaga.
Habang sakay ng kotse ay panay ang tingin nito sa labas.Nasa tabi ko ito at si Angel ay nasa likod.
"Loraine sorry ha...Nakita kong nagulat ito.
"Para saan po sir?
"Sa pagpapa alaga ko kay Angel sayo..
"Naku,ok lang po..Mabait si Angel,hindi po siya mahirap alagaan..
Ngumiti ako dito.At ngayon ko lang yata natitigan ng mabuti ang babae.Maganda ito sa simpleng aura niya.May mahaba na buhok at magandang pilikmata na siyang bumagay sa mga mata nito.Para itong si Bangs Garcia hugis ng mukha at ilong.Saka mga labing maninipis na may naturang pula nito.
"May problema p-po sir?Untag nito sa akin kaya agad kong tinutok ang mga mata sa pagmamaneho.
"Pokus po sa pagmaneho sir,mahirap na po.Gusto ko pang mabuhay at makatulong sa pamilya at kapwa.
Natawa ako bigla dahil sa mga sinasabi nito.
"May nakakatawa po?Pahabol pa nito.
"Ha e wala,Loraine ok lang ba na gagawin kitang modelo sa bago kong produkto?
Nakita kong nagulat ito.
"Ako po? Naku sir baka nabigla lang kayo!
Sabi pa nito sabay ngiti sa akin.
"Hindi,sigurado na ako dahil sa meeting kanina ikaw talaga ang nasa isip ko..
"Oy iba na iyan sir,iniisip mo na ako.Mahirap iyan!
Natawa naman ako sa sagot niya sa akin.Bakit ba ang dali kong matawa kapag ito ang kausap ko.
"I am serious Loraine at bagay sayo ang commercial na ito.
"Sus,siguro nagtitipid ka sir ano..Dahil empleyado mo na ako at makalibre ka..
"Hindi ah!dahil nakita kong may potential ka dito!You have a beautiful smile and pantay-pantay na ngipin na natural ang pagkaputi!
Tumahimik ito ng makita sigurong seryoso na ako.
"Ok lang ba Loraine?I will pay you double sa commercial na gagawin natin.
"I will think about that sir,ang hirap kaya magdesisyon.Lalo na kapag makita na ako sa tv niyan.Paano kung sumikat at madiscover ako tapos may kukuha sa akin na mag artista?Tapos noon mag pirmahan na ng kontrata at iiwan ko na kayo! Mahaba nitong litanya.
"Bakit ayaw mo na ba kaming iwanan ni Angel?
"Ha,k-kasi iyon na nga po hindi pa ako handa.Saka,paano ka?paano si Angel?
Bigla akong natahimik dahil may tendency nga naman na makita ito at madiskubre..At bigla akong natuwa na nag alala na ito sa amin.
'Joke lang po,natahimik naman kayo..Sige na payag na ako sir alam ko naman na walang kukuha sa akin.Sa hitsura kong ito?
"You are beautiful Loraine at may tendency na may kukuha sayo...
"Naniwala naman po kayo,nagjojoke lang ako ano!
Sabi nito at biglang tumahimik..
"Sure ha na papayag kana? once na mailabas kasi ang toothgel na ito umpisahan agad natin ang commercial!
"Ok po sir..
Tipid na sagot niya.Parang nag-iisip pa ito.
"if nag da doubt ka pa ok lang.Pwede naman akong kumuha ng artista or mga modelo...
"Ok lang po saka naka oo na ako noh!baka sabihin mo wala akong isang salita.
Ngumiti nalang ako sa dalaga.Kaya nakaramdam ako ng tuwa at pumayag na ito.
Loraine pov
Halos pamulahan ako ng mukha sa mga sinabi ng boss ko.Saka ang gaan sa loob na may pag-uusap kaming ganito.Parang hindi na kasi sila iba sa akin...
Hindi ko din mapigilan ang sarili ko dahil kapag siya ang kasama ko ay napaka kampante ko.Nawala ang takot ko sa mga lalake.Habang kasama ko siya,parang ang safe ko.At may iba akong nararamdaman para dito.Agad kong kinurot ang sarili ko dahil nag e imagine nanaman ako.Piling ko kasi may gusto din si sir sa akin.Napailing na lamang ako at sumandal sa upu-an.
Saan ba kami pupunta at bakit parang ang layo naman ng byahe namin?