"What?best naman!Baka madamay ka pa sa problema ng pamilyang yan!Alam na ni tita yan?
"Hindi best eh,para daw wala ng makakaalam kung saan ko niya iniwan si Angel.Para na din sa kaligtasan ng bata.
"May yaya naman yang bata ah,bakit hindi niya doon ipinagkatiwala?
"Matanda na kasi ang yaya niya,yaya pa dati ni sir yon...Maggie sige na 2 weeks lang naman mamalagi dito si Angel kesa maghanap pa kami ng matirhan namin..
"Oh s'ya basta 2 weeks lang ha,pasalamat ka next month pa dating ng kano ko..
"Nakakatampo ka naman,ako na bestfriend mo mula pagkabata,pagdating sa kano mo ipagpalit mo agad ako.Aba,tatlong taon mo palang yan beshy ha..
"Hindi kita ipagpalit doon,ayaw ko lang kasing may bata dito sa bahay.Alam mo naman ako minsan best.Halos mag 2 pieces lang ako..
"Tiisin mo muna best,2 weeks lang naman..
"Ano pa nga ba magagawa ko?
"Salamat best,aayusin ko lang gamit ko sa room para may paglagyan si Angel ng gamit niya.Maiwan muna kita.
"I career mo yan best,malay mo maging stepmom ka nyan..hahaha
"Hala s'ya,para kang buang best..Ayaw na yata mag-asawa ni sir dahil sa anak niya..
"Let's see beshy...
Napailing na lamang ako sa sinabi ng kaibigan ko.Alam kong malabo na mangyari ang sinasabi niya dahil anak at trabaho lamang ang inaatupag ng boss ko.Saka nakakatakot ang magulang niya kahit hindi ko pabsila kilala.Eh,sino yong Audrey sa buhay ni sir?Sayang,habang nasa akin si Angel hindi makareport sa trabaho.Pero ok lang,same sahod lang din naman.
Clyde Pov
"Welcome home mom,dad!
"Mabuti naman at nasundo mo pa kami Clyde.Suguruduhin mong wala ang bastardang bata doon sa bahay!
"Hi Clyde!Unbelievable,lumaki kang ganyan ka pogi at ka tikas ha...
"Hello,Audrey how are you?
"I'm good...Ninang,Ninong let's go!
"Tara na iha,Clyde ang mga gamit namin ha...
"Manong Fred,pakidala nalang ng iba ako na po nitong dalawang maleta.
"Kaya ko na yan sir,grabe naman yang magulang mo.Parang hanggang ngayon iba parin trato nila sayo.
"Ok lang yan manong,sanay na ako..
Hindi lingid sa kaalaman ng mga tauhan sa bahay ang trato nila mom sa akin.Mula kasi ng sinaway ko sila sa gusto nila sa akin na mag abogado ako at umayaw din na sumama sa kanila sa america ay naging cold na sila sa akin.Ayaw ko naman sana silang suwayin kaso si Angel lang kasi ang iniisip ko,Wala mag alaga dito kung mag aabogado ako.Kaya kumuha nalang ako ng business ad para apat na taon lang.Kaya tuloy pati bata ay damay sa galit nila sa akin.
"Mabuti at wala na ang bastardang bata dito!
"Ma,mabait si Angel bakit kasi ayaw mo sa bata,anak s'ya ng anak mo.
"Shut-up Clyde.Kahit kailan ayaw ko kilalanin ang batang iyon!
"Tama na nga 'yan Claudia!kakararing natin nakipag away ka d'yan sa anak mo.
"Claudio kilala mo ako,alam mo naman kami nitong anak mo.Paano suwail parin!
"Mauna na ako mom,dad may asikasuhin pa ako sa opisina.
"Bakit ka papasok?kakarating namin ahh...
"Mom,dito lang muna kayo.May meeting ako mamaya 3pm.After ng meeting uuwe ako agad.
"Sige na Clyde umalis kana,ako na bahala dito.
"Sige dad..
"Clyde sama ako..
"I'm sorry Audrey,meeting lang ang puntahan ko sa office,after the meeting uuwi ako agad.Bye!
"See you later!
Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat.Mukhang sasakit nanaman ang ulo ko.Hindi parin siya nagbabago.Saktong nag ring ang phone ko at si Loraine ang tumatawag.
"Hello,Loraine may problema ba?
"Hello daddy it's me Angel!
"Hello baby how are you?
"Ok lang ako dito daddy.Masaya kasama si ate Loraine,naglalaro kami dito
"Magpakabait ka dyan sa bakasyon mo ha..
"Opo daddy,kailan ka po susunod dito?
"Maybe next week na kasi may tatapusin pa ang daddy sa office.
"Ok po,wait ka po namin ni ate Loraine ha. Bye daddy!
"Bye baby!
Namiss ko na din agad si Angel..Napakabibong bata at sa kanyang edad ay napakatalino na.Pagkadating ko sa conferrence room ay halos kumpleto na silang lahat.Kaya inumpisahan ko na ang meeting ng maalala ko na hindi ko dala ang usb na naglalaman ng pagmemetingan namin.Agad kung tinawagan si Loraine dahil siya lang ang may alam ng importanteng gamit ko sa office ng mansyon.
Loraine Pov
"Sige na Angel magmeryenda na muna tayo ha..wait may tumatawag."Hello sir napatawag po kayo?
"I need your help Loraine,kindly get my usb sa office ng mansyon and bring it here.May meeting kasi ako ngayon with my client.Ikaw lang ang malapit dyan sa mansyon kesa uuwi pa ako.
"Ah ok sir,pero paano si Angel?
"Dalhin mo na lang sya...
"Ok po...bye!
"Angel lets go,may kukunin tayo sa mansyon at ihatid natin kay daddy mo sa opisina..
"Yeheey,makikita ko si daddy..
"Opo pero dapat behave tayo doon ha?
"Yes po ate Loraine!
"Ang cute mo talaga,ang sarap mong kagatin!
"Ouch!!!!!....
"Bakit?
"kakagatin nyo po ako eh..
"Joke lang naman po..
Pagkarating namin ng masyon ay kinuha ko agad ang pinapakuha ni sir Clyde.Mabuti at walang tao.Baka nagpahinga ang mga balikbayan.Iniwan ko lang si Angel sa bench ng hardin para mabilis kong makuha ang sadya ko nang. .
"Aray ko po,nakakasakit na po kayo ah...
"Sino ka nga at bakit mo sinasabi na dito ka nakatira ha?
"Opo,bahay ito ng daddy Clyde ko.
"Sinungaling!ang batang bata mo pa nagsisinungaling kana.Get out!
"Excuse me po maan,nasasaktan po ang bata.Bitiwan mo ang braso n'ya.
"And who are you too?Yaya ka ba nito?paano kayo nakapasok dito?
"Secretary po ako ni sir Clyde,may pinapakuha lang po s'ya dito sa office pinapahatid niya doon sa meeting niya.
"Sige,lumabas na kayo!Sa susunod ayaw ko ng makitang paharang harang yang anak mo dito sa hardin ha..
"Halika na Angel..
Tinalikuran na namin ang babae na nagsasalita pa.Iyon yata ang Audrey na kasama ng magulang ni sir Clyde.Halos kita na boobs nito sa suot na dress.
"Are you ok Angel?
"Ok lang po ako ate..Bakit kaya galit yong babae doon sa mansyon ate.Saka bakit siya nandoon?
"Ah,bisita kasi sya ng daddy mo.
"Ang sungit nya po unlike you na super bait...
"Hindi naman siguro sya masungit,baka nagulat lang sayo na may super duper kagandang bata doon sa hardin.Maganda na super cute pa..
"You too ate Loreine,super pretty!
"We're both pretty baby...Buti nandito na tayo,be good girl ha,hatid lang natin tong usb sa daddy mo.