bc

My Unforeseen Husband [Tagalog]

book_age18+
112
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
possessive
sex
one-night stand
opposites attract
lighthearted
slavery
small town
rejected
addiction
like
intro-logo
Blurb

HUSBAND SERIES #5: RAINIERO LEDESMA

MATURED CONTENT / SPG R-18

Nakapagtapos si Rainiero Ledesma ng kursong Agrikultura bilang paghahanda sa pagtanggap niya sa ilang ektaryang magiging mana sa kanilang sakahang lupa na nasa probinsya. Hindi pa siya nakuntento doon, nag-aral din siya at kumuha ng sertipiko bilang beterenaryo dahil pangarap din niya ang mag-alaga ng iba't-ibang mga hayop sa magiging hacienda nila sa hinaharap. Ngunit sa halip na pagyamanin ang kanilang lupain at tulungan ang mga magulang dito ay walang patumpik-tumpik na tinanggap niya ang trabaho sa Rancho ng mga Maxino na inalok sa kanya ng babaeng noon pa man ay lihim niya ng iniibig. Hindi lang siya makaporma dahil iniisip niyang langit ito at lupa siya. Kung kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataong iyon, kahit na pagalitan siya ng kanyang mga magulang na umaasang pipiliin na pagyamanin na ang kanilang sakahan.

Iyon na nga kaya ang tamang oportunidad kay Rain upang mapalapit sa babaeng tinatangi?

Paano siya makikipag-deal sa ugali nitong noon pa man ay hindi na kaaya-aya?

Magpapatuloy pa ba siyang lumapit sa dalaga kung isang beses ay sabihan siya nitong kailanman ay hindi siya nito nakikitang magiging asawa niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakahalukipkip na matamang pinagmasdan ng mag-asawang Ledesma ang panganay nilang anak na kasalukuyang nag-iimpake ng mga dadalhin niyang mga gamit at damit paalis paalis ng araw na iyon. Kakauwi pa lang nito ng kanilang probinsya galing ng Manila ngayon matapos na maglakwatsa ng ilang buwan. At heto nga, muli na naman itong aalis na para bang wala itong kapaguran sa kanyang paghahanapbuhay at pag-alis ng bahay. Sanay na sanay ang katawan niyang gumala. “Mang, Pang, grabe naman kung makatingin kayo sa akin. Parang lulunukin niyo na ako nang buo niyan. Malapit lang naman po ang pupuntahan ko. Ilang bayan lang ang layo mula dito sa ating bayan. Huwag niyo na po akong pigilan sa nais ko.” usal na ni Rain na bahagyang natatawa ngayon sa reaction at gawi ng kanyang mga magulang. Hindi pinansin ng mag-asawa ang tinuran niya. Pinalampas lang nila ang mga iyon sa kabilang tainga. Mariin ang pagtutol nilang mag-asawa sa desisyon ng anak na magtrabaho sa Rancho ng ibang pamilya. Lalo ngayong ang malaking sakahan nila ay naghihintay rin na mataniman at maalagaan ng sarili nilang anak na pinagtapos nila sa kursong Agrikultura at Beterinaryo, sa pangakong siya ang mangangalaga noon katulong ang isa niya pang kapatid. Ilang taon na rin ang hinihintay nilang tuparin nito ang pangakong pagyamanin ang sariling lupain. At padamihin pa ang mga alagang hayop nila doon sa ilalim ng pangangalaga at pagmamando ng kanilang anak. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, Rain? Talaga bang mas pipiliin mo ang magpa-alipin sa ibang pamilya keysa ang manatili dito sa Libayo?” dismayado ang tono ng kanyang ama, “Gumising ka hijo at baka binabangungot ka na lang ngayon.” “Pang naman, isang taon lang naman po ang hinihiling ko sa inyo. Isang taon na lang. Pagbigyan niyo na po ako, pangako isang taon lang talaga ako dito sa Rancho ng mga Maxino.” tugon ng binatang saglit pang tumigil sa kanyang ginagawa at humarap na. Ipinapasok niya sa dadalhing backpack ang mga damit na kanyang tinanggal sa maletang dala niya galing ng Manila. Dumalo siya sa kasal ng isa sa kanyang mga kaibigan at ngayon ngang pagbalik niya ay nakahanap siya ng panibagong offer na trabaho na hindi niya pwedeng palagpasin sa kanyang palad. Hindi niya iyon pwedeng tanggihan dahil naniniwala siyang ang magandang opportunity ay minsan lang kakatok sa sarado nating pintuan. At kailangan natin iyong pagbuksan at kunin. “Isang taon lang ulit,” gaya ng kanyang ama sa rason na kanyang sinabi, umangat pa ang daliri nito at itinuro na siya halatang tutol talaga ang ama sa nais niyang gawin ngayon. “Ilang taon mo ng ginagawa, sinasabi at idinadahilan iyan? Sawang-sawa na kami sa mga pangako mo! Tandaan mo na hindi nauubos ang mga taon Rainiero! Patuloy iyong lumilipas nang hindi mo napapansin at namamalayan, kung kaya naman tigil-tigilan mo na kami diyan sa palagi mong inirarason sa amin ng ina mo!” Tuluyang natigilan na ang binata sa kanyang ginagawa. Sawang-sawa na rin siyang sitahin ng magulang sa mga nais niyang gawin habang binata pa, na sa bandang huli ay siya pa rin naman ang nasusunod kahit na tutulan nila iyon. Wala pa rin silang magawa dito lalo na at ginusto niyang gawin ang bagay na iyon. “Oo nga naman anak, palagi na lang iyan ang dahilan mo.” sabat na ng kanyang ina na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ama na magkaharap. Pasandal na nakatayo ang kanyang ama sa dahon ng kanyang silid, habang ang ina naman ay malapit sa headboard ng kanyang kama at nakahalukipkip sa kanya. “Inip na inip na kami sa kakahintay diyan sa mga sinasabi mong pangako. Makakatapos na lang ang bunso mong kapatid na babae sa kolehiyo ay hindi ka pa rin namamalagi dito. Ano kaya at ibenta na lang natin ang sakahan nang sa ganun ay wala na tayong iniisip na problema? At para wala na rin tayong pinagtatalunan na kagaya ng ganito?" suhestiyon ng kanyang ina na paulit-ulit na lang niyang naririnig bilang panakot sa kanya tuwing magakkaroon sila ng ganitong diskusyon. Gumuhit sa iisang linya ang makapal na kilay ng binata. Bahagya niyang sinuklay gamit ang mga daliri sa kamay ang bahagyang nagulo niyang may kahabaang buhok. Minsan, naririndi na siya sa kanila. Iyon nga lang ay hindi niya iyon ipinapakita. Bilang panganay na anak, tila ba responsable niya na sundin ang kung anong gusto ng mga magulang nila. Hindi naman siya tutol doon, iyon nga lang ay mas may priority siyang ibang bagay ngayon. Iyon ay ang makuha ang tiwala at maging ang puso ng babaeng kanyang tinatangi, at mangyayari lang ang bagay na iyon oras na tanggapin niya ang trabahong inaalok ng dalaga mismo sa kanya. Tama, ang nag-alok ng trabahong iyon ay ang long-time crush niya na mula pa noong nasa kolehiyo sila kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip at nagpatumpik-tumpik na pumayag agad sa alok nito. Sino bang tatanggi sa biyayang lumalapit na sa iyong harapan? Wala naman sigurong matinong tao hindi ba? At saka isang opportunity din iyon para mas maipahayag niya pa ang kanyang nararamdaman para sa dalaga na matagal na niyang ikinubli sa loob ng kanyang puso. Bakit niya iyon ginawa? Dahil ang dalaga iyon ay naging girlfriend ng isa sa mga kaibigan niya noong nasa highschool sila, ngunit ang kaibigang iyon ay may asawa na ngayon at dalawang beses ng nagpakasal sa babaeng mahal niya. Isa rin iyon sa naging dahilan upang isiwalat na niya nang tuluyan ang kanyang pag-ibig dito. Hindi na siya maghihintay pa ng matagal na panahon bago kumilos, at isa pa nagpaalam na rin naman siya sa kaibigan na wala na rin namang pakialam sa babaeng iniibig niya. “Dude, okay lang sa akin. Wala na rin naman akong pakialam sa kanya. Kung gugustuhin ka niya e 'di maganda, kung hindi naman ay humanap ka na lang ng iba. Ganun lang iyon.” turan ng kanyang kaibigang si Julian Velasco nang banggitin niya iyon dito, tinapik pa ang isa niyang balikat matapos na bigyan siya ng kakaibang ngiti. “Good luck! At ang tanging mapapayo ko lang sa'yo, sana ay mabihag mo ang kanyang puso at ibigan ka niya ng totoo. Huwag kang magpa-alipin sa pag-ibig, Rain.” “Look whose talking.” biglang sulpot ni Mico mula sa kung saan, isa rin sa kanyang mga kaibigan. “Oo nga, lahat naman tayo ay alipin ng pag-ibig na sinasabi niyo. Huwag na kayong magmalinis pa mga Dude.” sabat pa ni Lacim na nanggaling sa likod ni Mico, abala ito sa kanyang cellphone habang may naglalarong ngiti sa labi niyang kakaiba at masaya. “Hindi kayo ang kausap ko, tumabi nga kayo diyan!” natatawang singhal ni Rain na hindi na mapigilang pamulahan ng mukha niya doon kahit natatakpan ng balbas iyon. Sanay na siya sa mga kaibigang maagang namulat sa tinatawag na hagupit ng pag-ibig. Ilan sa kanila ay nasaktan, nadapa, nagkamali at ang iba pa ay halos ikawala ng tamang pag-iisip nila ngunit patuloy na lumaban at bumangon. Kung kaya naman sa isip ng binata, oras na mangyari rin iyon sa kanya ay hindi siya mangingimi na lumapit sa kanil at humingi ng payo. Hindi naman siguro siya bibiguin ng mga ito. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung papansinin ng mga ito gayong karamihan sa kanila ay bully at ang lakas mang-asar pagdating sa bagay na iyon. Ganunpaman ay umaasa siyang hindi nila iiwan doong mag-isa na nakasalampak sa tinatawag na hagupit ng unos ng pag-ibig. Maliit na siyang napangiti nang dahil doon, naiiling pa ito na akala tuloy ng mga magulang niya ay para sa kanila ang gawi niyang iyon. “Oh? Anong ginaganyan-ganyan mo Rainiero? Sa tingin mo ba ay hindi namin iyon kayang gawin? Huwag mo kaming subukan ng iyong ama. Baka bukas o makalawa, wala na tayong lupain at ibininta na namin sa mababang halaga!” bulalas ng kanyang ina na naging dahilan upang makabalik ang isipan ng binata sa reyalidad ng buhay. “Mamang, hindi naman po kayo ni Papang ang pinagtatawanan ko ah. May bagay lang pong sumagi sa isipan ko kung kaya ako natawa. Huwag po kayong balat-sibuyas diyan!” natatarantang paliwanag na ni Rain sa kanila na pinagmukha pang kawawa ang mukha niya, daig niya pa ang babaeng nahuling may ginagawa at todo tanggi pa. “Huwag mo ngang binibilog ang ulo namin ng ama mo dahil matagal na itong bilog!” Natameme na siya doon, hindi na ginusto pang dagdagan ang paliwanag niya sa kanila na alam niyang hindi pa rin naman nila mauunawaan kahit na ulit-ulitin niya pa iyon. “Magandang desisyon nga iyan Padaba, nang itong magaling mong anak na panganay ay wala ng bubungkaling lupa at pagyayamanin tutal mas gusto naman niyang mamasukan sa ibang lupain at sakahan nang kung sinong pamilya. Baka kapag ginawa natin iyon ay magtino na siya.” sulsol pa ng kanyang ama sa ina niyang ngayon ay nakapameywang na sa harap niya, dismayado na ang mga mata nitong nakatuon sa kanyang mukha habang naiiling pa. “Nakakasama lang ng loob kung patuloy tayong aasa at maniniwala sa pangako niyang napapako lang naman! At least, kapag naging pera iyon pwede na nating lustayin at magpasarap tayo sa buhay habang malakas pa. At mapakinabangan man lang natin ito bago tayo pa tumanda.” Pagak na natawa na doon si Rain, hindi para i-mock pa sila kung hindi dahil sa natatandaan niyang iyon ang paulit-ulit niyang naririnig na litanya mula sa kanila kapag tungkol na sa lupa ang kanilang pag-uusapan. Memoryado na nga niya ang litanyang iyon sa tagal na ng panahon. Oo, nangako siya sa kanila noon pero hiningi lang talaga ngayon ng pagkakataon na muli niya iyong i-abante pa ng isang taon. Gusto niya na bago gawin iyon ay may asawa na siya, bagay na isa rin sa hiling ng mga magulang niya sa kanya. Hindi nga lang niya iyon masabi nang tahasan ngayon. “Mang, Pang, promise isang taon lang po ito. Pagbigyan niyo na ako. Pagkatapos nito ay dito na ako mamamalagi at itatayo ko na ang sariling magiging hacienda ng pamilya natin. Maniwala kayo, last na talaga ang taong ito.” “Bakit hindi mo iyon gawin ngayon? Bakit hahayaan mo pang lumipas ang isang taon?” naghahamon na tanong ng kanyang ama, tumingin pa ito sa kanya nang malalim at parang nanunuri na doon. “Sayang lang ang mga buwang lilipas Rainiero.” Napakamot na sa ulo si Rain. Alam niya sa kanyang sarili na hindi sila titigil hangga't hindi niya ipinapaliwanag nang mabuti ang rason niya sa kanila. Kung kaya naman wala na siyang pagpipilian pa ng mga sandaling iyon. Huminga siya dito ng malalim. “Hindi po ba at nais niyo na rin akong mag-asawa?” Makahulugang nagkatingin na doon ang mag-asawa. “Mamang, Papang, iyong babaeng matagal ko ng gusto ang nag-alok ng trabaho sa akin doon.” kumpas niya pa ng kanyang mga kamay, “Kung kaya hindi ko ito—” “Oh? Eh, ano pang tinutunganga mo diyan?” pagputol sa kanya ng inang agad hinagilap na ang mga damit niyang natitirang nakalagay sa ibabaw ng kanyang kama upang siya na ang magpasok noon sa bag niyang dadalhin paalis, kulang na lang ay pumalakpak ang tainga ni Rain sa kanyang mga narinig. “Bilisan mo ng gumalaw at hindi ka pa man lang naliligo! Anong oras na? Huwag kang babagal-bagal, Rainiero!” Halos mapabunghalit ng tawa doon ang binata sa biglaang pagbabago ng mood ng ina niya. At maging ang mukha ng ama ay umaliwalas na. “Oo nga naman Rain, magmadali ka na at anong oras na. Kahit na malapit ang bayang iyon dito ay baka magka-aberya pa. Maiwan ko kayo saglit at ako ay tatawag na ng tricycle na sasakyan mo palabas ng ating Baranggay.” Hindi na napigilan ni Rain na malakas na humagalpak na doon ng tawa. Matagal na rin na hinihiling ng kanyang mga magulang na mag-asawa na siya. May nagiging kasintahan naman siya sa kanilang nayon, iyon nga lang ay hindi niya alam kung bakit hindi sila nagtatagal. Madalas pa sa mga iyon ay maganda at may sinasabi ang pamilya kung kaya naman hindi niya maintindihan ang sarili. Humahantong pa rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon sa hindi niya malamang dahilan. O marahil ay hindi talaga sila ang nakatadhanang magsama hanggang dulo. Patuloy na bumabalik sa kanyang balintataw ang imahe ng babaeng gabi-gabi ay hindi niya pinagsasawaang pagpantasyahang maging asawa. Maaaring langit ito kung ikukumpara silang dalawa, ngunit para sa kanya ay nakahanda siyang gawin ang lahat maabot lang ang langit na kinalalagyan ng babaeng iyon. Kahit pa ang magpa-alipin dito sa sarili nilang Rancho. “Rain, huwag ka ng tumunganga diyan. Aba, kumilos ka na! Sayang ang bawat minutong lumilipas. Basta ipangako mo sa amin ng iyong ama na magiging asawa mo siya ha? At dadalhin mo siya dito upang ipakilala sa amin.” pagde-demand nito na marahang ikinatango na lang ni Rain doon, buong-buo na ang kanyang desisyon na makukuha niya ang atensyon ng dalaga kahit na gaano pa iyon kailap sa kagaya niya. Makukuha niya ito, at naniniwala siya dito. “Maano ba naman ang isang taon, mahihintay naman namin iyon. At saka mabilis lang ang mga araw, hindi natin mamamalayan na tapos na ang isang taong pangako mo.” “Mamang...” natatawa ng usal doon ni Rain na halos umabot na sa tainga ang mga ngiti niya, mabilis na niya itong niyakap bilang pasasalamat sa panibagong taon nilang pagpayag na gawin niya ang nais niya. “Basta anak, dapat sa mga susunod na dalawang taon ay mabigyan mo na kami ng apo kahit na isa lang, o mas masaya kung sunod-sunurin mo na. At huwag mo na ‘ring alalahanin at isipin ang lupain, kaya pa naman naming pagyamin ito ng iyong mga kapatid na narito.” “Pangako po, Mamang, iuuwi ko siya dito at gagawin ko siyang manugang niyo at ina ng magiging mga apo niyo at mga anak ko. May kaartehan lang iyon sa katawan dahil anak siya ng mayaman, pero babaguhin ko siya at sisiguraduhin kong yayakapin niya kung ano ang pagkatao at pamilyang mayroon ako.” determinadong turan ni Rainiero na animo abot kamay na niya ang dalaga, “Pangako ko po iyon sa inyo ni Papang, kukunin ko siya at magiging asawa sa ayaw at sa gusto niya.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook