Chapter 9

1148 Words
This night is for her, hindi magarbo ang party at tanging mga tao lang din sa hacienda ang nagkakasiyahan. May mga sumasayaw pa sa gitna ang iba ay mag-asawa pa. Nakakatuwa lang pagmasdan dahil kitang kita mo ang pagiging malapit ng lahay sa isa't isa. Hindi mo makikita ang pagkakaiba ng estado sa buhay ng bawat isa. Marunong makisama ang lahat. " Ma'am Agatha hinahanap na po kayo ng sinyora " tawag pansin sa kanya ni Nita. Nakasuot ito ng isang itim na bistida na hapit na hapit sa katawan nito. Pinilit nya pa itong suotin ang damit na iyon kaya ngayon ay ramdam niya ang ilang nito. Binili kasi niya ang damit na iyan last year pero dahil nga may instriktong siyang tatay ayun kahit kaylan hindi niya napakinabangan pero buti nalang hindi rin niya naisipang itapon. Tumango naman siya at kaagad na hinanap ang sinyora. Lumapit siya rito habang kausap nito ang dalawang babae na sa tingin niya ay kaedad lamang nito. " Hinahanap nyo raw po ako " agaw niya sa atensyon nito. " She's here, Agatha meet my friends, nanay Lordes and Belinda " kumaway naman ang mga ito sa kanya. Kitang kita ang ganda ng dalawamg kaharap. Wala kang makikitang kahit na anong alahas sa mga ito. " Hello po " " Happy birthday ija " Bati ng mga ito sa kanya. May inabot pa sa kanya ang isa. Isang box na nakabalot ng pulang gift wrapper. " Maraming salamat po " magalang na pasasalamat niya. " Tama ka Santina napakaganda nga ng asawa ni Xian " papuri pa ng isa sa kanya, si Nanay Lordes. " Wala ba kayong balak na magkaanak sa taong ito hindi ka na bumabata ija" kumento pa ng isa sa kanya. Napainom tuloy siya sa tubig na hawak hawak niya. Akmang sasagutin nya na ito ng maramdaman niya ang mga kamay na pumulupot sa bewang niya. " Agatha is still young auntie Belinda " magalang na sagot sa kanila ni Xian. " Your here ijo " " May I excuse my wife " " Sure " Kaagad naman siyang hinila ni Xian papunta sa mga nagsasayaw. " Happy birthday " bulong nito sa kanya habang tahimik silang nagsasayaw sa gitna. Napansin din niya ang pagbago ng tugtog. " Thank you " " You look beautiful tonight Agatha " mahinang papuri nito sa kanya. Nagsasayaw silang marahan kasabay ng romantic na tugtugun. Kita rin niya ang ilang magkapareha na magkayakap na habang nagsasayaw. " Nakakatuwa sila " turo niya sa dalawang may edad na nagsasayaw. Kitang kita ang pagmamahal sa mata ng mga ito. Parang may sarili silang mundo. " I want us to be like them " bulong nito sa tenga niya. Ramdam naman niya ang pag-init ng mukha niya dahil sa sinabi nito. " Sir Xian " pabirong tawag nya rito. Kumunot naman ang noo nito habang seryoso siyang tinitigan. " Stop calling me that way Agatha " Tumawa naman siya at sinandal ang sarili sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang pagtibok ng puso nito o puso nga ba nito ang naririnig niya. " Ang bilis ng heartbeat mo Xian " pabirong komento pa niya. " Because you're in my arm Agatha " mahinang bulong nito sa kanya. Ramdam niya ang pagdampi ng labi nito sa tenga niya. Ramdam niya ang pagdaloy ng kakaibang pakiramdam sa katawan niya. " Tama na nga ang kaharutan " patawang sita niya rito para mapagtakman ang estrangherong pakiramdam na dumaloy sa kaibuturan niya. Natawa naman ito at hinaplos ang buhok niya. Alam niyang kung ano ang nararamdaman niya. Sino nga namang hindi makakaramdam ng ganong pakiramdam kung ganito kagwapo ang lumalandi sayo. Xian is looking to her like she's the most precious thing for him. Para siyang isang bagay na gustong gusto nito. Nahinto lang ang kasiyahan nila ng tumigil ang tugtugin. Napatingin ang lahat sa lasing na lasing na dalaga na nasa taas na ng stage. May maliit kasing stage sa harapan. Kinuha pa nito ang mic ng host ng program halata na rin ang kalasingan sa ayos nito. " HAPPY BIRTHDAY MA'AM AGATHAAA!!" malakas na bati nito sabay taas pa ng baso ng wine na hawak nito. " Lily " nairinig niyang tawag ng iilan sa pangalan nito. " Wag nyo kong hawak " asar na sambit nito sa mga taong nagtatakang ibaba ito. " Dapat ako yung nandyan " malungkot na sambit nito habang tinuturo ang pwesto niya. " Ako ang pinangakuan" umiiyak na sambit na nito. Kitang kita niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito. " Don't listen to her Agatha " mahinang bulong ni Xian sa kanya. Hindi nya naman ito pinansin at nanatili lang na nakatingin sa nagwawalang dalaga sa harapan. " Pero bakit ikaw ang pinakasalan, I'm hurting Xian, alam mo bang hindi ako naniwala sa sabi sabi nila because I believe in you, pinanghawakan ko ang pangako mo " Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan nito. " She's hurting inside " hindi na niya napigilang ibulalas pa. " Let's go inside Agatha " akamang aakayin na siya ni Xian papasok sa mansyon ng pigilan niya ito. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya ay dumeretso siya papunta sa stage. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi nya yon pinansin. She's lonely nararamdaman nya yon at alam niya ang pakiramdam na iyon. Masakit lalo na kapag alam mong hindi mo na makakasama ang lalaking mahal mo. Malapit na sana siya sa stage ng bigla nalang siyang binuhat ni Xian palayo roon. " Let me go!" Asar na utos niya rito. Nagpapasag pa siya para pakawalan lamang siya nito. Perong parang wala itong naririnig o nararamdaman man lang sa gigawa niya. Binuhat siya nito at binaba na lamang ng makapasok sila sa kwarto nila. " You'll stay here "mariing utos nito sa kanya. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito pero hindi niya alam kung para saan. " She's hurting Xian " " You can't do anything about that " " But you have a promise to her, were not in love Xian darating din ang panahon na maghihiwalay tayong dalawa " Frustrated na napasipa ito sa upuang malapit rito. Lumakad ito palapit sa kanya at hinapit siya nito palapit sa kanya. Ngayon ay konti nalang ang distansya nila sa bawat isa. " You can't really see it Agatha masyado ba kong maluwang sayo " " What are you talking about?" Takang takang tanong niya rito. Dinantay nito ang noo nito sa kanya ngayon ay ramdam na ramdam niya ang mabangong hinga nito at sa konting galaw ay malapit ng magkalapit ang kanilang mga labi. " Your near but you're so far Agatha bakit hindi kita maabot?" Malungkot na sambit nito bago ito lumayo at iwan siyang mag-isa sa kwarto. Nanatili lang siyang nakatulala at nakatitig sa nilabasan nitong pinto. Bakit nga ba? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD