Chapter 10

862 Words
Kinabukasan lang ay kaagad din silang unalis sa hacienda. Ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin siya kinakausap ni Xian. " Ang lalim ng iniisip mo ma'am Agatha " napabaling siya kay Elizabeth. She's holding a tray of food. Binaba niya iyon sa lamesang nasa harapan niya. Kasalukuyan siyang nasa hardin ng bahay habang pinagmamasdan ang bulaklak na nasa paligid. " Hindi pa ba umuuwi ang sir Xian mo Eliza?" Tanong niya rito. " Ang sabi ni Nita dumating daw sya kagabi at maaga ding umalis pagdating ng umaga." Napabuntong hininga nalang siya at tinitigan ito. " May mali ba kong ginawa Eliza?" Tanong niya rito. Seryoso siya nitong tinitigan sa mga mata. " Kung mali ang hindi pagreact dahil nalaman mong may isang babaeng pinangakuan ang asawa mo, mali ka nga, kung mali rin ang pagka-awa sa babaeng may gusto sa asawa mukhang mali ka pa rin " Inis na sinipa nalang niya ito. Natawa naman ito at tinitigan siya. " Look ma'am Agatha it's not normal in the first place dapat nga nagwalk out ka na nung unang beses palang itong nagsalita " " Our relationship is not normal Eliza, it will never be " Inis na sambit niya rito. Umiling nalang ito at sukong suko na nanahimik nalang. Tumayo naman siya ay asar na naglakad pabalik sa loob ng bahay. Bakit ba hindi maintidihan ng lahat na she don't feel anything. Na kahit na makita niya si Xian na may kahalikan na iba ay wala pa rin siyang pakialam dahil hindi nya ito mahal at matutuwa pa siya kung makakakita ito ng babaeng mamahalin nito. And she want out in this relationship. Or rather she can say thay they don't have any kind of relationship. Pagdating niya sa kwarto niya ay sinalubong siya ng nagaalalang mukha ni Nita. Kanina pa ito pabalik-balik sa pinto ng kwarto niya. " Anong ginagawa mo Nita?" Takang takang tanong niya rito. " Ma'am Agatha wag po muna kayong pumasok sa loob " Nag-aalalang paki-usap pa nito sa kanya. Sa halip na pansinin ito ay inis na nilagpasan nya ito at naglakad papunta sa pinto. Gulat na gulat siya sa natagpuan niya sa loob. Nash picture is scattered everywhere. Punit punit ang iba at basag naman ang frame ng iba. " Who did this?" Asar na tanong niya. " I did " Nawala ang tapang niya ng makita ang galit na galit na mukha ni Xian. Galing ito sa banyo. Sinipa pa nito ang isang frame na nadaanan nito. " Anong ginawa mo?" Mahinahon na tanong niya. Ayaw niyang salubungin ang galit nito. " I'm going out of the country for three years Agatha, I will give you the time to sort everything out " seryosong sambit nito. Huminto ito sa mismong harapan niya at hinaplos ang pisngi niya. " Xian " tawag niya sa pangalan nito. " I don't want to see any picture of that boy in my house Agatha, do you understand?" Instriktong sambit nito para naman siyang isang maamong tupa na tumatango rito. " Stop thinking about him Agatha, I'm here, I'm the only one you need understand" para itong kumakausap ng isang bata . Pero hindi niya alam kung paano pero patuloy lang siyang sumasangayon sa gusto nito. Pinagdikit nito ang noo nila. Napapikit naman siya at sinamyo ang mabangong amoy nito. " Your mine Agatha, stop dreaming about that boy, I'm your man sweetheart" malambing na sambit nito sa kanya. Wala na siyang maintindihan sa sinasabi nito ang tanging naririnig nalamang niya ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Humiwalay ito ay hinaplos ang buhok niya. " I will be gone for a while Agatha behave yourself " Pagkasabi nito ng mga katagang iyon ay duon palang nito nilisan ang silid. Duon pa lang rin siya nakahinga. Ngayon nya lang napansin na hindi na pala siya humihinga habang kausap ito. Naramdaman niya ang takot sa mga oras na iyon sa tuwing nagsasalita ito at alam niyang nasagad na niya ang pasensya ni Xian. Lagi itong kalmado sa tuwing pinapagalitan siya sa mga kalokohan niya pero ngayon ramdam na niya ang galit nito. " Tulungan mo ko Nita " sambit niya kay Nita ng mapakalma na niya ang sarili. Duon pa lang rin ito kumilos at kumuha na ng walis. Pinulot naman niya ang ilang picture ni Nash na nakakalat sa sahig. " Grabe magselos si Sir Xian nakakatakot " hindi na nito napigilang ikomento sa kanya. Itinigil naman niya ang pagpulot sa picture at pinroseso ang ibig sabihin nito. Nagseselos si Xian para saan? In the first place alam nito kung ano sila. " I don't think so Nita, baka nagalit lang yon because I don't value our marriage " Pinagpatuloy niya ang pagpupulot, huminto naman ito sa pagwawalis at tinitigan siya. " Ma'am Agatha tama si Sir Xian bata ka nga po " umiling iling naman ito at pinagpatuloy na ang pagwawalis. Nang matapos silang maglinis ay sabay silang lumabas na ng silid. Hindi na niya nadatnan si Xian mukhang umalis na ito. Kaylangan ba niya itong tawagan para humingi ng tawad pero bakit siya hihingi ng tawad. Wala naman siyang ginawang mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD