Back to present ....
Isa lang ang masasabi niya kinakabahan siya ngayon.
First time lang na magsasama sila ni Xian sa iisang kwarto, iisang kama.
Nanatili lang siya sa isang tabi habang nakamasid sa malaking higaan sa harapan niya.
" Your not tired?" Tanong nito sa kanya.
Kinuha nito ang isang libro sa study table nito at umupo sa kama.
" Pupuntahan ko si Eliza at Nita may nakalimutan akong sabihin sa kanila "
Nakangiting sambit niya.
Akmang lalabas na siya ng pinto ng magsalita itong muli.
" Don't be afraid Agatha " sambit nito sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa nito.
Napalunok naman siya ng maalala niya ang sinabi nito ng araw ng kasal nila.
Ito mismo ang nagbigay ng boundery sa relationship nila pero bakit kaylangang humantong sa ganito.
Kahit kaylan ay hindi niya inakala na aabot sila sa ganito. Kadarating lang nito nuong isang buwan galing sa ibang bansa. Matagal itong nawala at madalang lang siya nitong tawagan.
Minsan ay tinatawagan lang siya nito kapag kaylangan siya nitong sermunan.
" Sit here gusto kong malaman kung anong ginagawa mo for the past years"
Seryosong sambit nito sa kanya.
Binaba naman nito ang librong binabasa nito at tinitigan siya.
" Wala akong ikwekwento sayo, alam mo namang nasa bahay lang ako lagi "
That is a lie. Simula ng umalis ito ay madalas siyang nasa labas at nakikipagkita sa kapatid ni Nash.
Gusto niyang makabalita kung ano ng nangyari sa buhay nito.
" Your not a good liar Agatha, sit here and tell me kung pano ka tumatakas para makipagkita sa kapatid ng lalaking iyon "
Ramdam niya ang panunuya sa boses nito.
Tinapik pa nito ang espsayo sa tabi nito.
" Alam mo namang sila lang ang kaybigan ko Xian kaya wala akong ibang pwedeng puntahan "
" I leave because I want you to sort your feeling pero mukhang mas lumala pa Agatha, mas nagkalakas ka ng loob na tumakas "
" Dahil hindi mo ko papayagan"
Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya.
Napatingala siya rito ng huminto ito sa mismong harapan niya. Konting distansya nalang ang meron sila ngayon mula sa isa't isa.
" You just need to ask Agatha, I can give everything to you "
" Including my freedom " inosenteng tanong niya rito.
Doon niya nakita ang pagbabago ng emosyon ni Xian.
" That's not included Agatha " hinaplos nito ang pisngi niya habang nanatiling nakatitig sa mga mata niya.
Umurong siya ng maramdaman niyang mas lalo itong lumalapit sa kanya.
Naramdam na niya ang pinto sa likuran niya.
" Xian masyado ka ng malapit " itutulak sana niya ito ng hawakan nito ang kamay niya.
Kulong na kulong siya ngayon sa katawan nito.
Ramdam niya ang bawat paghinga nito at ang mabilis na pagtibok ng puso nito.
" Dinadahan dahan kita Agatha dahil ayaw kong mabigla ka pero mukhang iba ang pumasok sa isip mo sa ginagawa ko "
Akmang ilalapit nito ang labi nito sa kanya ng iiwas niya ang mukha niya dahilan para mahalikan nito ang pisngi niya.
" Anong ginagawa mo Xian?"
" What do you think about me Agatha?" Mahinang tanong nito sa kanya.
Pakiramdam niya ng mga oras na ito at kakawala na ang puso niya sa dibdib niya. Hindi na siya makahinga sa sobrang kaba o humihinga pa nga ba siya.
" Akala ko ba kapatid lang ang turing mo sa akin " mahinang sagot niya rito.
" You don't know what I'm thinking Agatha gabi-gabi kitang iniisip and now your in the right age sa tingin mo ba pipigilan ko pa ang sarili ko"
He hold my chin at sapilitan nya kong hinarap sa kanya.
Kitang kita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Xian.
He want me as a woman..
Napapikit nalang siya ng maramdaman niyang unti unting lumalapit ang mga labi nito sa kanya ng bigla nalang silang makarinig ng malakas na katok mula sa labas.
Mabilis niya tinulak si Xian at binuksan ang pinto.
Bumungad sa kanya ang luhaang mukha ni Nita.
" Ma'am Agatha " tawag nito sa pangalan niya.
Mabilis niya itong niyakap at pinapasok sa loob.
" What happened?"
Nag-aalalang tanong niya rito.
Sa halip na sagutin siya nito ay patuloy lang itong humahagulgol sa mga bisig niya.
" Nita " tawag pansin ni Xian rito.
" Wag mo syang pilitin Xian "
Akmang magsasalita pa sana si Xian ng humahangos na dumating si Eliza.
" She's here " nagaalalang sambit nito sa kanila.
" What happened?" Baling na tanong ni Xian rito.
" Her parents died, nasunog ang bahay na tinitirhan nila at nadamay ang pamilya nya, walang nakitang buhay kahit isa " malungkot ka pahayag ni Eliza sa kanila.
" I'm here Nita you will never be alone" niyakap niya ito ng mahigpit at hinayaang umiyak ng umiyak.
Alam nya kung gano kasakit ang mawalan.
Maswerte lamang siya dahil nariyan si Xian para alalayan siya.
" You can stay with them Agatha " seryosong pahayag ni Xian sabay labas ng pinto.
Pagkaalis nito ay kaagad na lumapit sa kanila si Eliza at yumakap na rin kay Nita.
Dalawa sila ngayong nakayakap sa humahagulgol na dalaga.
Buong buhay ni Nita ay nilaan nito sa kanyang pamilya.
May sakit ang mga magulang nito kaya hindi magawang makapagtrabaho.
Sinakripisyo nito ang lahat para maiayos ang buhay ng pamilya nito.
Pero ngayon wala ng natira rito kahit isa.
At alam niya ang ganong pakiramdam.
Alam niya kung gano kasakit ang gigising kanalang isang umaga na hindi mo na sila mahahawakan.
Hindi mo na sila mayayakap at makakausap kaylanman.
Alam niya kung gaano kasakit ang bagay na iyon.
Dahil ng mawalan siya ng magulang pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya.
Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ere.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung ano ang pwede niyang gawin.
Nawalan siya ng direksyon sa buhay. Nawala lahat ng plano niya...
Walang wala siya..
" Everything will be fine Nita "
Mahinang bulong niya rito...
Kahit alam niya mahirap, alam niyang kakayanin ni Nita ang lahat...