ADONIS

1719 Words
THIRD PERSON P O V " Tulungan na kita. " agaw kay Glorya ng plastic na bibitbitin n'ya sana ngunit naunahan nga s'ya ng kamay na mabalahibo at maugat kaya naman nag- angat agad s'ya nang tingin para sinuhin ang may ari ng maugat na braso. Ngunit, halos mag salubong na ang kilay n'ya pero hindi pa rin n'ya natatandaan na kilala n'ya ito o pamilyar ba ang mukha. " Manong bayad po. " saad na lamang n'ya sa Driver ng tricycle sabay abot ng perang papel na kulay pula. " Salamat! " dagdag pa n'yang wika nang bigyan s'ya nito ng sukling coins. Halos maubas naman ng mapangahas na lalake ang laman ng tricycle na mga pinamili n'ya dahil nga inisa- isa nitong ibaba ang mga plastic na naglalaman ng sari- sari n'yang paninda. " Sandali lang! Sino ka ba!? Kilala ba kita? " malumanay naman n'yang tanong at hinawakan pa n'ya ito sa brasong tila bato sa tigas. Nang bitbitin nito ang huling plastic na kanyang pinamili, nakababa na kasi s'ya sa tricycle at ibinaba muna nitong mapangahas na lalake sa gilid ng kalsada ang lahat ng kanyang paninda tsaka nito ngayon ipapasok sa loob ng kanilang bakuran dahil hindi pa naman naka- open ang kanyang sari- sari store. Hindi n'ya kasi hinahayaan ang Ina na magbukas niyon na mag- isa. Ngunit, agad din naman n'yang binitiwan iyon nang makaramdam s'ya ng tila maliliit na kuryente na nanulay sa kanyang buong kalamnan. " Anak, nand'yan ka na pala! S'ya nga pala si Adonis, iyong sinasabi ko sa'yong bagong tenant natin! Nagka salubong na raw kayo kanina bago ka tumungo sa bayan. " bati ni Mama kaya napa lingon ako sa kanya. " Good morning! Hi! I'm Adonis, pasensya na kanina kung nagmamadali ako, medyo nasira kasi ang tiyan ko sa byahe. " pakilala naman nito sabay lahad ng kanang kamay at tila naka ngiwi Tiningnan ko muna ang kamay n'yang maugat tsaka ko ibinalik sa pangahan n'yang mukha ang aking paningin. Manipis na mga labi, matangos na ilong, malamlam na mga mata at hindi masyadong makapal na kilay. Tila nakakahawig n'ya ang artistang si Xian Lim tapos tsinoy rin. " Staring is rude. " anas nitong tila nagpipigil na mangiti Kaya naman nagkaroon ng gitla ang aking noo, " Paano kita makikilala kung hindi kita titingnan!? Para pinag masdan ko lang iyang itsura mo, staring agad!? " mataray ko namang bigkas kaya natawa naman ito, nakagat na lamang ni Glorya ang kaniyang ibabang labi, kung hindi ay mapapa tulala na naman s'ya sa kagwapuhan nito at kung magkagayon ay baka kung ano na naman ang ipukol sa kanya. " Anyways, maraming salamat, alam mo naman na siguro ang pangalan ko dahil sinambit na ni Mama kanina? " sambit na lamang ng dalaga kaya tumango naman si Adonis na nagkakamot ng kilay Pumasok naman na si Glorya sa loob ng kanilang bakuran para buksan ang kanyang tindahan at maipason ang mga pinamili. " Okay na 'yan! Kaya ko na, tsaka wala akong iuupa sa'yo. " pigil naman n'ya sa tangkang pag bitbit ulit ni Adonis sa mga plastic " Hindi! Okay lang! Wala naman akong ginagawa sa unit ko, para kaunti lang naman ito, bakit pa ko magpapabayad? " pamimilit naman nito, kaya wala nang nagawa si Glorya dahil nabitbit na nga nito ang kanyang mga pinamili at ipinasok agad sa loob ng tindahan ng ito ay mabuksan n'ya. " Maraming salamat ulit, naabala pa tuloy kita. " kiming saad ni Glorya pagkatapos ipasok ni Adonis ang lahat ng kanyang pinamili. " Ayos lang iyon, tsaka mabuti na iyong maging close ako sa inyo, wala naman pala kayong kasamang lalake sa bahay. Ayan lang naman ang unit ko, anytime, pwede n'yo ko tawagin basta may kailangan kayo. " pahayag naman ng binata " Maraming salamat, oh, magpalamig ka muna. " saad ulit ng dalaga at inabutan ng isang boteng softdrinks na malamig si Adonis. " Puro ka naman salamat e! Wala iyon! Landladies ko kayo kaya dapat lamang na tumulong ako kahit papaano. " wika pa ng binata, hindi naman na kumibo ang dalaga at sumipsip na ito sa straw ng softdrinks. Sakto namang may bumili na kaya iyon muna ang inasikaso ng dalaga. " Dito ka na kumain, Adonis, hindi ka pa yata nakakapag- grocery sa unit mo. " sambit naman ni Aling Glenda sa binata, may bitbit s'yang tray kaya naman tinulungan na s'ya ng binata at ipinatong sa lamesang nasa sulok. " 'Di ba humihilab kamo ang tiyan mo? Bakit softdrinks agad iyang inimom mo!? E, hindi ka pa nga kumakain ng almusal? " bulalas na wika naman ng Ginang " Ay! I'm sorry! Hindi mo naman kasi sinabing bawal sa'yo!? " hinging paumanhin naman ni Glorya nang marinig n'ya ang sinambit ng Ina. " Okay lang! Nakainom naman na ako ng gamot kanina no'ng nagka salubong tayo. Nagising ko pa ang itong Mama mo kasi nga humihilab pa ang tiyan ko kaya nambulabog na ako kanina para manggising. " paliwanag naman ng binata, kiming tumango naman ang dalaga " Tara na! Kumain na tayo at uminom ka ulit ng gamot para tuluyang mawala ang pag hilab niyang tiyan mo. " masuyong sambit pa ng Ginang " Sige po, wala pa nga po akong grocery sa unit ko, balak ko nga pong mamili sana ngayon e. " magalang namang tugon ng binata. Umupo na nga sila para mag- umpisang kumain, tatlong pinggan talaga ang dinala ni Aling Glenda para makasabay ang binata. " Taga saan ka ba? " usisa naman ni Glorya sa bagong tenant nila " Sa San Marcelino, nais ko lamang ng bagong environment kaya ko naisipang lumayo sa amin. " seryosong saad naman ng binata " Ikaw lang ba ang nasa unit o may kasama kang pamilya mo? " usisa ulit n'ya na tila kinikilala ang bagong umuupa. " Ako lang tsaka binata pa ako. " natatawang tugon pa nito, tumango lang naman ang dalaga " Ano nga ba ang trabaho mo? " tanong naman ni Aling Glenda " Sa Rancho po sa isang farm sa San Marcelino, medyo napagod po kmsa pag- aalaga ng nga kabayo para humingi muna po ako sa mga amo ko ng pahinga. " turan naman ng binata " 'De kasamahan mo si Norma sa Hacienda? " usisa ulit ni Aling Glenda " Opo, sa kanya nga po ako nagtanong kung may alam s'yang pwede kong upahan. " magalang ulit nitong tugon " Mga ilang buwan naman kaya ang ilalagi mo rito? Magbabakasyon ka lang pala? " tanong ulit ng Ginang at mataman lamang nakikinig si Glorya, na waring ang nais niyang malaman ay naitanong na ng kaniyang Ina. " Depende po, basta po malayo muna ako sa pangangalaga ng mga kabayo. " kiming saad naman nito, kaya tumango- tango lamang ang Ginang at pinag patuloy ang pagkain. " Pero . . . . b- baka po magtagal din ako, " bawi agad n'ya sa kaniyang ipinahayag kanina kaya naman napa lingon sa kaniya ang mag- inang kasabay na kumakain. Na tila naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. " Magaganda po pala ang mga dalaga rito sa San Nicolas. " dugtong pa n'ya sabay tingin na tila nagniningning ang mga mata sa gawi ni Glorya. " Uhu! Uhu! " naubo tuloy ang dalaga nang mag tagpo ang kanilang mga mata. " Tubig oh! " tinulungan pa s'ya ng binata na uminom nang iabot nito ang isang basong tubig. Natatawa lamang ang Ginang na naiiling dahil sa pagka prangka ng kanilang bagong tenant. " Okay ka na? " usisa naman ni Adonis nang medyo mawala ang pag- ubo ng dalaga. " O- Oo, salamat. " kiming saad naman n'ya " Wala pa yata tayong isang oras na magkasama pero nakaka- ilang sambit ka ng 'salamat'. H'wag lang mag- alala, matagal- tagal mo pang makikita at makakasama ang mukhang ito kaya huwag kang mahihiya na tawagin ako kung may kailangan ka. " pahayag pa ni Adonis Tumango lang naman si Glorya at inubos na nila ang mga lamang pagkain sa kani- kanilang mga pinggan. " Marami pong salamat, lipat muna po ako sa unit ko para makapag- grocery. " paalam pa ni Adonis sa Ginang, tumango naman ito at ngumiti, " Pakisabi na lang din po kay Glorya. " dagdag pa nitong wika " Sige! Sige! Makakarating sa kanya. " nangingiting tugon na lamang ng Ginang May customer kasi si Glorya kay naman hindi s'ya makausap ni Adonis. Lumabas na nga ang binata sa gate ng bakuran ng mag- ina at lumipat sa unit nito. Dinala naman ng Ginang ang kanilang pinag kainan sa loob ng bahay para hugasan na rin. Nang matuklasan naman ni Glorya na nag- iisa na lamang s'ya ay inayos na n'ya ang mga pinamiling paninda sa shelves nito hanggang walang bumibili. " Meryenda ka muna, kanina ka pa riyan nag- aayos ng mga paninda mo. " nagulat naman s'ya sa tinig na galing sa kanyang likuran kaya mabilis s'yang pumihit. Sabay saponins ng isang kamay sa tapat ng dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon. Nakita naman n'ya si Adonis na may hawak sa magkabilang kamay na stick ng banana que. Nasa harapan s'ya ng tindahan kaya akala mo ay may bibilhin. Alas diyes na pala ng umaga nang tingnan n'ya ang oras sa wall clock, kaya pala ramdam n'yang kumakalam na ang kanyang sikmura. " Oh! Kainin na natin habang mainit pa. " inabot naman nito ang isang banana que, hindi n'ya sana tatanggapin dahil nahihiya s'ya ngunit bigla naman kumulo ang kanyang tiyan. Tanda na nagugutom na talaga s'ya kaya lumapit s'ya rito at inabot ang stick ng banana que. " Thank you! Pwede ka na ba sa softdrinks o hindi pa? " pasasalamat naman n'ya kasunod ng tanong " Pwede na! Nakatulong naman iykng binigay ng Mama mo kanina na gamot. " matamis ang ngiting tugon naman nito mabilis namang umiwas nang tingin si Glorya at kumuha ng dalawang softdrinks na nasa boteng maliit tsaka n'ya iyon binuksan at nilagyan ng dalawang straw. " Panulak. " tipid na saad naman n'ya sabay lapag ng bote sa harapan nito ngunit hindi naman s'ya maka tingin dito ng diretso sa mga mata. Ewan ba n'ya, feeling pa nga n'ya ay tila s'ya Teenager na kausap ang crush at nahihiya s'yang tumingin sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD