OVERTHINK

1492 Words
THIRD PERSON P O V " Maraming salamat ulit. " kiming saad ni Glorya sa binata. " Ayan ka na naman sa lagi mong sambit na salamat. Sabi ko naman sa'yo wala iyon e! " kontra naman ni Adonis " Para salamat lang e! " pairap namang sambit pa ng dalaga kaya mahina na lamang natawa si Adonis Nagpa tulong kasing magpagawa ng cabinet ang dalaga sa kanya sa itaas ng ibang istante sa loob ng tindahan. Nagdagdag kasi s'ya ng ibang paninda, iyong anluwage kasi nila rati ay may ginawaan daw sa iba kaya ang binata na ang nag prisintang gumawa. " Ayon na rin kasi sa'yo, kaya ka tumungo rito sa lugar namin ay dahil gusto mong mapahinga sa iyong trabaho sa Rancho. Tapos parang inaalila ka pa namin dito. " papayag pa ni Glorya " Sus! Maliit na bagay lang naman iyong pag bubuhat ng mga paninda mo, hindi nga pinag pawisan ang bayag ko este ang kilikili ko! " bulalas na turan naman ng binata Kumakain na s'ya ng biko na niluto ni Aling Glenda, bilang meryenda at binigyan din naman s'ya ng dalaga ng isang boteng softdrinks. Isang linggo na s'yang Tenant ng mag- ina, madalas nga ay aa tindahan lamang naka tambay ang binata kaya naman kapag may kailangang gawin sa bahay o tindahan man nila Glorya ay naririnig n'ya at s'ya na mismo ang nagpri prisintang gumawa. " Dapat kasi namamasyal ka kung bakit lagi kang naka tambay lamang dito sa aming tindahan. " wika pa ng dalaga na tila tinataboy s'ya nito. " Ayos lang! Nalilibre naman ako sa pagkain ko. " pabirong tugon pa ni Adonis sabay tawa kaya natawa na lamang din ng mahina si Glorya " Ahm! G- Glorya . . . " atubiling tawag pa ni Adonis sa dalaga pagkatapos pagbilhan ang customer. " Anong Glorya?! Ikaw ha! Isang linggo ka na rito, naririnig mo naman ang tawag sa akin ng mga kapitbahay natin. Tapos ikaw ay sa pangalan lamang ako tatawagin!? " natatawang saad naman ng dalaga " Iyon naman talaga ang pangalan mo, " naka simangot pang wika ni Adonis kaya nailing na lamang ang dalaga, " Tsaka . . . ayaw nga kitang tawagin na 'Ninang', iba ang nais ko. " dugtong pa nitong saad at tsaka may ibinulong na s'ya lamang ang nakaka rinig. " Ano naman ang itatawag mo sa akin, aber!? " pinag salikop naman ni Glorya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib kaya naman mas bumakat sa suot n'yang t-shirt ang kaumbukan niyon na tila pinag mamalaki pa sa lalake. Kaya naman nanlaki ang mga mata ng binata sabay lunok ng sariling laway. Bigla namang naialis agad ni Glorya ang mga braso na nasa didbib n'ya sabay talikod kay Adonis. Sakto namang may bumibili. Sa aspeto kasing iyon ay biniyayaan talaga ang dalaga ng hinaharap. Biro nga sa kanya ng mga kaibigan na sayang naman daw kung hindi mapapakinabangan ng kanyang magiging anak ang gatas n'ya kung hindi s'ya mag- aasawa. " Ano 'yong sasabihin mo nga kanina? " untag naman ni Glorya sa binata nang makaalis iyong bumibili, humarap ulit s'ya sa pwesto ng binata kung saan ito nakaupo. Naubos na ang biko sa platito kaya iyong softdrinks na lamang ang iniinom n'ya gamit ang straw. " K- Kung pwede sanang samahan mo akong mamasyal, boring naman kasi kung mag- isa lang ako. " tugon nito pagkaubos ng soda " Huh!? Hindi ba pwedeng maghanap ka na lang ng ibang sasama sa'yo? Alam mo naman na may tindahan ako tsaka walang kasama si Mama rito sa bahay. " malumanay namang tanggi ni Glorya " Mag- unwind ka naman! Puro ka na lang tindahan! Tsaka, ano naman ang mangyayari kay Tita Glenda e malakas naman s'ya!? Maghapon lang naman tayong mamamasyal kung sakali. " pahayag naman ng binata " Ninang Glorya, yelo nga po tatlo! " sigaw ng bata sa labas kaya naman doon na focus ang atensyon ng dalaga. " Wala ka na bang bibilhing iba, Bubot? " masuyong tanong pa ni Glorya sa bumibili ng yelo " Wala na po, Ninang. " magalang namang tugon ng bata at inabot na sa kanya ang perang papel, kinuha naman n'ya ito tsaka ibinalik ang sukli " Mag- iingat ka at baka ka madapa. " bilin pa n'ya sa bata " Opo, Ninang! " sigaw naman nito habang naglalakad palayo " Ano!? Samahan mo na ko! " ungot ni Adonis ng sila na lamang ulit ang naiwanan sa tindahan Bahagya pang natawa si Glorya dahil sa itsura nitong tila batang hindi mapag bigyan sa hilig. Mahaba ang nguso at naka simangot. " Ikaw lang naman ang kilala ko rito tsaka anak ni Aling Norma, e, nag- aaral pa ang nga iyon kaya hindi nila ako masasamahan. " wika pa ni Adonis " Saan mo naman ba gustong pumunta? " usisa na lamang ni Glorya " Sa mga tourist spot dito, s'yempre, taga rito ka kaya alam mo kung saan magandang mamasyal. " tugon naman ng binata " Pag- iisipan ko muna, kailan mo ba gustong mamasyal kung sakali? " usisa ulit ni Glorya Sumagi rin naman sa balintataw n'yang simpleng kahilingan lang naman ang hinihinging pabor ni Adonis sa dami na rin nang naitulong nito sa kanila. Isang araw lang naman kung pagbibigyan n'ya ito. Pabor din naman sa kanya kung sakali dahil mapapahinga s'ya. Kung tutuusin nga ay hindi na n'ya natandaan kung kailan ang huling pasyal n'ya mula ng mamayapa ang kanilang ama no'ng isang taon. Nagtayo kasi agad s'ya ng tindahan at mula noon ay madalang na s'yang mamasyal dahil ang mga kaibigan n'ya ay abala sa buhay may asawa at sa mga anak. Kung noong na Munisipyo s'ya nagta trabaho, mga co- workers n'ya ang nakakasama n'ya. Pero dahil may sari- sari store nga s'ya ay dumalang na rin ang pagsama- sama n'ya sa mga ito dahil nanghihinayang naman s'ya sa magiging benta. " Ikaw! Kung kailan ka pwede! Ikaw itong busy lagi e. " mabilis namang tugon ng binata kaya napa kamot na lamang si Glorya sa kanyang kilay " S- Sige, pag- iisipan ko muna. " pilit ang ngiting tugon naman n'ya " Talaga!? " hindi naman makapaniwalang ulit pa ni Adonis kaya tumango na lamang si Glorya, " Yes! Thank you! " tuwang- tuwag ito at napatayo pa sabay hawak aa magkabilang braso n'ya malapit sa balikat. " Salamat naman at pumayag ka, ikaw ang bahala kung kailan ko gusto, ikaw rin naman ang masusunod kung saan tayo mamamasyal. " matamis ang ngiting turan pa nito na tila binigyan ng paboritong candy o laruan. " Teka, hindi pa naman ako pumapayag e, sabi ko pag- iisipan ko muna. " pigil naman n'ya sa excitement ni Adonis " Kahit na! Alam ko namang papayag ka! Sige! Lipat muna ako sa unit ko at maliligo, salamat ulit. " paalam pa nito at hindi na hinintay ang tugon ng dalaga, lumabas na ito ng tindahan kaya walang nagawa si Glorya kung hindi umiling na lamang. Natanaw pa nga n'yang may palundag- lundag pa ang binata habang naglalakad. Akala mo talaga bata na pinag bigyan sa gusto nitong gawin. Hindi naman na nagpa kita ang binata sa kanya maghapon, sapantaha n'ya ay nakatulog siguro ito ng matagal. Kaya naman noong kumakain sila ng hapunan ng kanyang ina ay nagsabi s'ya rito tungkol sa nais na mangyari ng binata nilang tenant. " Pag bigyan mo na, para makapag- relax ka rin naman, mahirap na ang buhay ngayon, baka gawan pa s'ya ng masama kapag nalaman na hindi s'ya taga rito. " payo naman ng kaniyang Ina. " Paano naman po kayo rito? Wala po kayong kasama? " nagda dalawang isip pang sambit ni Glorya sa Ina " Kuhh! Ano naman ang mangyayari sa akin dito!? Ayan lang naman sila Ana sa kabilang pinto, pwede ko s'yang tawagin kapag may kailangan ako. " ang tenant nila sa unang unit ang tinutukoy ng Mama n'ya " Sige po, pag- iisipan ko pa rin po. " tugon n'ya lamang, iniisip din n'ya kasi talaga na sayang ang benta ng isang araw at ang Mama nga n'ya ngunit sa isang bahagi naman ng kaniyang isipan ay tila excited din s'yang mamasyal dahil ilang taon na rin na naranasan n'yang makipag- date. Bigla tuloy n'yang isinawata ang sarili, dahil simpleng pamamasyal lamang ang gagawin nila ni Adonis at hindi date. Kaya naman tinapos na agad n'ya ang pagkain dahil may bumibili, hindi pa rin naman nawawala ang balintataw n'ya kung papayag ba s'ya o hindi sa nais ng binatang tenant? Wala pa naman kasi ay tila na imagine n'yang date nila iyong dalawa. Kaya naman bigla tuloy kinilabutan si Glorya sa naisip. Malayo na kasi agad ang narating ng kaniyang utak sa pag- o- overthink. Waring hindi rin yata maganda na pumayag s'ya sa kahilingan ng binata dahil nabibigyan n'ya agad ng ibang kahulugan. Samantalang gusto lamang mamasyal ng binatang sampung taon ang tanda n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD