DATE?

1696 Words
GLORYA'S P O V " Ma, alis na po kami! Mag- iingat po kayo rito, Lily, ilaw na ang bahala sa Lola mo. " paalam ko sa aking Ina sabay bilin naman sa pamangkin ko. Hindi talaga kasi ako pumayag na walang kasama ang aking ina habang namamasyal kami ni Adonis. Kaya itinapat ko na araw ng linggo para walang pasok sa eskwela ang aking pamangkin. " Mag- iingat din kayo! " bilin din naman ni Mama " Tita, pasalubong namin ha!? " bilin din naman ng pamangkin ko, dalawa kasi silang magkapatid ang makakasama ni Mama. " Opo! Basta ang mga bilin ko, ha!? " tugon ko naman " Yes po, Tita! " mabilis naman nitong tugon " Tita Ganda, sana po si Tito Adonis na maging asawa mo. " sambit naman ni Didy, ang anim na taong gulang kong pamangkin din. " Oy! Iyang bibig mo! " gigil kong sermon sa pamangkin ko sabay takip ng palad ko sa kanyang bibig. Luminga na rin ako sa paligid at baka may nakarinig, nandito na kasi kami sa may gate at hinihintay lang namin ang pagdating nga ng binata. Mahina na lamang natawa si Mama at Lily sa katabilan ng pamangkin kong ito. " Ang bata- bata mo pa, alam mo na iyong tungkol sa pag- aasawa!? " nanlalaki ang mga matang sermon ko pa sa kanya. " 'Di po ba sila Mommy at Daddy ay mag- asawa!? 'De magiging ganoon din po kayo! " bungisngis pa nitong tugon kaya naman natawa ulit sila Lily at Mama. " Magandang umaga po, Aling Glenda at Glorya! " bati na nanggagaling sa aking likod na kahit hindi ko nakikita dahil nakatalikod ako sa gate ay kilala ko naman ang kanyang boses. Kaya naman pinandilatan ko pa si Didy ng nga nata ko na tila nagbabantang h'wag n'yang babanggitin ang mga sinambit kanina sa harapan ng binata. Kaya nang lumingon ako sa kanya ay pilit na ang mga ngiti ko. " M- Magandang umaga rin! " kiming tugon ko " Let's go!? Para marami tayong mapuntahan? " aya naman na nito kaya tumango na lamang ako. " Alis na po kami Aling Glenda, kids. " paalam pa nito kila Mama " Sige! Mag- iingat kayo! " tugon naman ng aking Ina " Opo! " magalang na tugon naman ng binata at bahagya pa s'yang yumukod. Lumabas na nga kami sa gate, nakabukas naman kasi iyon kanina kaya malayang nakapasok si Adonis. Inihatid naman nila kami hanggang sa makasakay kami ng tricycle. Kumaway na lamang nga ako sa tatlong naiwanan namin sa bahay ganoon din naman sila sa amin ng binata. " Saan ang una nating pupuntahan? " usisa ko sa katabi ko sa loob ng tricycle ng malayo na kami sa bahay namin. " Magsimba muna tayo, may misa ngayon, 'di ba? " tugon naman n'ya na may kasamang tanong " O- Oo! M- May mass ngayon. " sagot ko naman Pero natigilan ako, sa loob kasi ng dalawang taong magkasintahan kami ni Brent ay hindi ko s'ya kailanman narinig na inaya n'ya akong mag- attend ng Sunday Mass. Puro ako lang kasi ang umaaya sa kanya na alam ko namang napipilitan lamang s'ya. " S- Sige! " kiming saad ko na lamang na tila may humaplos na kung ano sa aking puso. Hindi na lamang ito sumagot sa akin bagkus ay kinausap ang Driver kung saan kami bababa. Naging tahimik na ulit ang aming naging byahe hanggang sa makarating nga sa kabayanan at bumaba kami sa tapat ng gate ng simbahan. " Bayad po, Manong! " abot ni Adonis ng perang papel na kulay violet, kinuha naman ng Driver at agad na sinuklian ang binata, " Salamat po. " saad naman ng binata kaya ngumiti lamang sa amin ang Driver, ngunit hindi na nito binilang ang sukli at isinilid agad sa bulsa ng suot n'yang pantalon na maong. Magka- agapay na kaming pumasok sa patio ng simbahan at s'yempre, regularly naman akong nag- a- attend ng Sunday Mass ay marami na akong nagiging kasabayan at kabatian. Kaya naman nagugulat sila sa kasama ko at bahagyang nanlalaki ang mga mata. Ang tingin pa naman nila kay Adonis ay tila sinusuring mabuti na akala mo isda sa palengke. " Kilala mo ba silang lahat? " pagkaupo namin sa loob ng simbahan ay tanong ng binata. " Not personally, lagi ko silang nakaka sabay na magsimba, kaya naging kabatian ko na. " kiminh saad ko naman, napansin din n'ya siguro ang nga nanunuring mga tingin ng tao sa kanya " Ahh! Akala ko kaibigan o kamag- anak mo. " tugon na lamang n'ya at hindi na ako naka sagot dahil nag- umpisa nang kumanta ang choir sa harap ng altar, hudyat iyon na mag- uumpisa na ang misa kaya naman tumayo na kaming dalawa pati na ang aming katabi sa upuan. Naging mataimtim naman ang aming pakikinig ng Holy Mass. At dahil kailangan na mag hawak kamay kapag nanalangin ng 'Ama Namin' at nag- aatubili pa ako no'ng una dahil nahihiya ako pero s'ya mismo ang kumuha sa kaliwang kamay ko at pinag salikop n'yang lahat ang aming mga daliri. Na tila hindi bagay para sa pag darasal, kahit anong hila ko naman sa aking kamay ay ayaw n'yang bitawan. Iba rin kasi ang nararamdaman ko ng mga oras na ito na tila may maliliit na nlboltahe ng kuryente na nanulay sa aking buong kalamnan, hindi ko naman alam kung na- feel din iyon ng binata. Kahit naman tapos na ang panalangin ay ayaw pa ring bitawan ng binata ang kamay ko. Ayoko namang makagawa ng eskandalo kaya naman hinayaan ko na lamang. Kahit tila may kakaiba akong nararamdaman sa aking buong katawan sa gesture niyang ito. " Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko? " bulong ko sa kanya nang makalabas na kami sa simbahan, naglalakad na kami sa patio para makalabas na nang tuluyan sa vicinity ng simbahan. " Wala! " mabilis naman nitong tugon at ang loko ay ni sway- sway pa ang aming mga kamay na magka salikop. " Tumigil ka nga! " bulong ko pa sa kanya sabay hampas ng mahina sa kanyang braso " Ayaw! " pagpupumulit pa nito at kahit anong hila ko ay ayaw niyang bitawan, ano naman kasi ang panama ko sa laki ng palad n'ya sa liit ng akin? Halos masakop na ng kamay n'ya ang kamay ko sa liit. " Mag- snacks muna tayo! " aya nito at sa kabilang kalsada na pala kami patungo para pumasok sa isang fast food restaurant. Hindi na ako kumibo, kahit naman sabihin kong ayoko ay wala naman akong magagawa dahil dahil hawak nga n'ya nang mahigpit ang aking kaliwang kamay. Hanggang sa pagpasok namin sa nasabing kainan ay hindi pa rin n'ya binibitawan ang palad ko. Kahit noong nag- order na kami at maghanap ng table. " Hayst! Salamat naman! " pairap kong sambit nang bitawan n'ya ang kamay ko kaya naman pawis na pawis iyon. Bahagya lamang s'yang natawa, magkatapat kasi ang aming silya kaya kailangan na naming mag bitiw ng mga kamay. " Ayaw mo no'n, tila tayo magkasintahan! Halos lahat kasi ng katabi natin kanina sa loob ng simbahan e puro couple, hindi mo ba napansin? " pahayag naman ng binata Napansin ko naman iyon, pero dahil ilang taon na rin naman akong single ay kumbaga sanay na akong makakita ng mga sweet couples. Sa edad ko ba namang ito na wala na sa kalendaryo ay maiinggit pa ba ako sa kanila? Katwiran ko kasi ay para lamang sa mga bata- bata iyon, ang nasa isipan ko na lamang kasi ngayon kung paano makakaipon para sa aking pagtanda at sa pambili ng maintenence ng Mama ko. Hindi naman na ako nakakibo dahil dumating na ang order namin kaya pagka- alis ng waiter ay kumain na rin kami. " Adonis!? " " Is that you, Adonis!? " " Oh my God! Ikaw nga! " Medyo may kalakasan na tawag ng tatlong babae sa likuran ko nang lumingo ako. Nakita ko namang napa kamot sa ulo n'ya si Adonis kaya alam kong kilala n'ya ang mga tumawag sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang yumakap ang nga ito sa kanya isa- isa at humalik sa kan'yang pisngi. Na tila hindi lamang simpleng magka kilala sila. " Bakit out of coverage ang phone mo!? " " Ang layas mo?! " " Saan ka ngayon nakatira!? " Sunod- sunod ulit na tanong ng mga ito sa kanya at kumuha pa talaga sila ng tig- iisa ng silya at umupo sa tabi ng binata. At tila naman mga tukong nakayakap pa sa mga braso ni Adonis na akala mo ayaw pawalan ang binata. Bigla naman akong nahiya, nga bata pa kasi ang tatlong babae at halatang galing sa mayamang pamilya dahil na rin sa kanilang mga bihis at pananalita. Samantalang ako ay simpleng blouse, pants at doll shoes lamang ang suot at walang kolorete sa mukha. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inferiority complex dahil batang- bata ang mga ito samantalang ako ay papunta na sa pagka matandang dalaga. Kumbaga ay nalipasan na ng ganda, although, alam kong mayroon naman akong ibubuga sa pagandahan. Iyon nga lamang at hindi ko na naaayos ang sarili ko hindi tulad noong nagta trabaho pa ako sa Munisipyo dahil kailangan maayos kapag haharap sa mga taong nangangailan ng aming serbisyo noon. Samantalang ngayon ay talk powder lamang ay ayos na sa akin, tsaka napipilitan lamang kasi akong maglagay ng mga kolorete sa mukha dahil kailangan nga. Pero nagpapahid pa rin naman ako ng lotion sa buong katawan ko. Iyon nga lamang ay malayong- malayo pa rin ang itsura ako sa mga babaeng naka paligid kay Adonis. Bigla ko namang sinawata ang sarili ko kung bakit iyon ang aking pinag kakaabalahang isipin? Samantalang tenant lang naman namin ang binata at mukhang womaniser dahil tatlong babae agad ang lumingkis sa katawan n'ya pagkakita ng mga ito sa kanya. Hindi man lang nga ako pinagka abalahang ipakilala. Sapantaha ko naman ay baka nabuntis n'ya ang mga ito kaya s'ya napadpad dito sa aming lugar? Para pag taguan, iyon nga lamang ay nakita agad s'ya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD