GLORYA' S P O V
Sa insidenteng iyon ay tila nawalan ako ng gana, mabauti na lamang at paubos na ang aming kinakain ng dumating ang mga babaeng tila ahas kung maka lingkis sa mga braso ni Adonis.
" Sige na! Sige na! Umalis na kayo! " dinig kong pagtataboy ng binata sa mga babae kaya naman bahagya akong nataas ng ulo mula sa pagkaka yuko dahil sumipsip ako ng softdrinks sa baso ko gamit ang straw.
" Grabe ka naman, Adonis, hindi mo man lang ba kami ipapa kilala rito sa magandang binibini na kasama mo!? " saad no' ng isa na tantya ko ay pinaka matanda sa kanilang tatlo
" Ay! Sh!t! Oo nga pala! Pasensya na! " bulalas na wika naman ni Adonis, " Guys, si Glorya nga pala, landlady ko, Glorya, mga k- ahh! . . . K- Kaibigan ko nga pala! Si Didith, Ver at si Lyn. " kiming saad n'ya
" Hi! Kumusta!? " naka ngiting bati no'ng isa, hindi ko naman na natandaan ang pangalan, inilahad pa n'ya ang kanang kamay sa harapan ko.
" M- Mabuti naman. " kiming tugon at inabot ko ang kamay n'ya para makapag shake hands kami.
Ganoon din naman ang ginawa ng dalawa pang babae, na malugod ko namang tinanggap.
" Sige! Alis na kami at baka ma- late kami sa aming appointments. " paalam naman no'ng babaeng pinaka matanda.
" Okay! Mag- iingat kayo! " kumaway pa si Adonis sa mga babae bago ang mga ito tuluyang mawala sa aming paningin.
" So . . . Let's go! Para marami tayong mapuntahan. " aya na nito kaya tumango lamang ako.
Tumango na lamang ako tsaka tumayo na rin, napa pitlag naman ako nang hawakan n'ya ako sa siko habang naglalakad kami palabas ng fast food restaurant.
" Relax! Hindi ako nangangain. " pabirong wika naman n'ya.
" Nagulat lang ako. " kiming saad ko kaya naman lihim akong napa ngiwi ng may maramdaman na naman akong alam nanulay na tila maliliit na boltahe ng kuryente sa himaymay ng aking kalamnan.
" Sa Aviary, Manong! " saad ni Adonis sa Tricycle Driver na nakapila sa terminal ng mga sasakyan.
" Sige po! " magalang din naman nitong tugon, kaya naman inalalayan na ako ng binata na makasakay sa tricycle tsaka ini- on ng Driver ang makina niyon nang makasakay na rin si Adonis.
Naging tahimik naman ang naging byahe namin dahil maingay ang makina ng tricycle ay kailangan pa naming sumigaw ng bahagya para magkarinigan.
" Ang sakit sa tainga! " natatawang reklamo ng binata nang makababa na kami, may kalayuan din kasi ang aviary kaya ang tagal ng naging byahe namin.
" Oo nga e! Ayoko sanang sumakay roon kaya lang iyon ang nasa unahang pila. " sang- ayon ko naman sa kanya, may kalumaan na kasi iyong tricycle kaya talagang iingay ang makina niyon.
" Tara na nga! Matatanggal din siguro itong ugong sa tainga ko. " aya na nito sa entrance ng Aviary para bumili ng tickets, kaya naman sumunod na ako sa kanya sa paglalakad, " Hayaan mo magsisikap ako para kapag may date tayo ay naka kotse tayo at naka- aircon pa. " saad pa ng binata na tila nangangako.
" Sira! " naiiling na wika ko na lamang sa kanya, at nauna na akong naglakad patungo nga sa ticket booth.
" Ako na ang magbabayad! Ako ang nag- aya sayo e! Tsaka dapat sa pakikipag- date, hindi pina pagastos ang mga babae. " agaw nito sa ticket na bababayaran ko sana dahil ako ang nasa harapan at nasa likuran s'ya.
" Hmmpp! Ang dami mong alam! Tara na nga! " nauna ko nang tinungo ang entrance ng Aviary, sumunod na lamang s'ya.
Ilang sandali nga ay kasama na kaming naglikibot ng nga turista sa loob ng Aviary na tumitingin sa iba't ibang klase ng ibon. As usual, feeling magkasintahan na naman kami, dahil hawak na naman n'ya ang kanang kamay ko. Marami tuloy ang napapa tingin sa amin, kaya naman nahihiya ako. Ang tumatanim siguro sa mga isipan nila ay ang tanda naman ng babae kumpara sa lalake.
" Bakit? May masakit ba sa'yo!? " takang tanong ni Adonis ng mapagmasdan n'ya sigurong bigla akong nanamlay habang naglilibot kami. Sinalat pa ng palad n'ya ang noo at leeg ko.
" Wala! Napagod lang siguro 'ko. " pilit ang ngiting tugon ko naman
" Ano!? Umuwi na lang kaya tayo? Baka tuluyan ka na niyang magka sakit? " bakas sa pangahang mukha nito ang labis na pag- aalala, kaya naman tila nakaramdam ako ng guilt.
"H- hindi na! B- bagalan na lamang siguro natin ang lakad para hindi ako mapagod. " wika ko naman, at kailangan kong panindigan na masama ang pakiramdam ko para hindi ito mag- akalang hindi ako nagsasabi ng totoo.
" Okay! Pero magsabi ka agad kung hindi mo na kaya at uuwi na tayo, hmmm!? " malambing pa niyang wika kaya naman tila may humaplos na kung ano sa aking puso.
" O- Oo! " kiming saad ko naman, " Let's go! " ako na ang naunang humakbang patungo sa kabilang side ng Aviary, kung todo alalay naman si Adonis na tila ba babasaging krystal ako. Na hindi ko kailanman naranasan sa aking ex boyfriend.
" Wow! Mas dumami na pala ang mga paro- paro rito! " manghang anas ko, napasok naman kasi kami sa butterfly sanctuary.
At tila nakalimutan kong kunwari na masama ang aking pakiramdam kaya naman tuwang- tuwa akong hinabol iyong isa na lumipad malapit sa akin at pinadapo ko sa aking kamay. Kaya namang galak na galak ako dahil ang sarap sa pakiramdam, feeling ko kasi ay para rin akong paru- paro mula nang makipag- break ako sa nobyo ko noon.
Wari kasi akong naka tapak noon sa numero, lahat na lamang ay bawal sa kanya at h'wagkong gagawin, iyon pala ay s'ya itong gumagawa ng milagro.
" Mukhang gustong- gusto mo iyang mga paru- paro, ah!? Bigla ka kasing sumigla! " dinig ko ang boses malapit sa aking tainga kaya naman nanindig ang mga balahibo ko at tila ako kiniliti kaya humarap ako sa nag salita.
Nakita ko si Adonis na nakadikit na ang katawan sa likod ko kaya naman mas lumakas ang kabog ng aking dibdib. Idagdag pa ang matamis n'yang ngiti, na tila maka laglag p@nty sa ganda ang set ng kanyang mapuputing mga ngipin.
" Ahm! O- Oo! Ang ganda naman kasi tapos iba- ibang kulay pa sila. " kiming saad ko naman nang makahuma ako. " Sino ba ang hindi magagandahan sa mga butterfly ay tila sumisimbolo sila sa pagbukadkad gaya ng isang babae? At sa lahat ng iyong pagtitiis ay may maganda pa rin sa iyo ay naghihintay. " dugtong ko pang wika
Tumango- tango naman s'ya, hindi ko naman alam kung sang- ayon sa sinabi ko o hindi na lamang nakipag talo.
" Pwesto ka roon, picture-an kita. " wika naman nito at itinuro ang isang garden na maraming namumulaklak na halaman kaya maraming paru- paro roon ang nakadapo.
Sumunod naman ako, mayroon pa ngang selfie naming dalawa na s'ya ang may hawak ng cellphone para makasama rin s'ya sa picture.
Dito lamang kami nagtagal kaysa sa mga ibon. Kung minsan nga ay nakikipag habulan pa kami ni Adonis na tila mga bata. Kaunti lamang kasing tourist ang gumagawi rito kaya malaya kaming nakaka galaw. Kanina kasi ay tila hinu hubaran nila ako sa klase ng kanilang mga tingin.
Kahit hindi ko naman sila tingnan ay nakikita ko sa aking peripheral vision ang mga nanunuri nilang tanaw. Na tila ba malaking krimen na ang pagsama ng older woman sa younger man?
Kaya nga gustong- gusto ko ang paru- paro o anumang klase ng hayop na lumilipad. Dahil nagagawa nilang makaalis sa isang lugar kung ayaw na nila o toxic na. Pwed3 pa silanh mamili ng lugar kung saan nila gustong mag- stay ng matagal. Sana ganoon din sa tao na madaling umalis kapag ang nasa palagid mo ay wala ng magandang idudulot sa iyong mental health. O kaya kapag ayaw mo na mismo. Na walang nangingialam.
" Mga paru- paro lang pala ang magbabalik ng iyong ngiti, sana kanina pa kita dinala roon. " sambit ni Adonis nang palabas na kami ng Aviary, naka ngiti naman ito sa akin.
Mahina lang naman akong natawa at hindi na sumagot, katwiran ko kasi ay pakialam ko ba kung ano ang isipin ng mga tao sa amin ng binata. Wala naman silang ambag sa buhay ko o namin para pag- aksayahan ko sila ng panahon at isipan. Tsaka isa pa ay wala naman kaming relasyon ng Adonis para maapektuhan ako ng mga nanunuri nilang tingin.
Gaya ng paru- paro na may kanya- kanyang ganda at katangian o kulay ang kanilang mga pakpak. Hindi lahat ay nagagandahan sa kanila lalo na sa kulay itim na iba ang kahulugan daw. Gayundin sa tao, hindi lahat ay magagandahan sa iyong itsura o matutuwa, pero kung may isa o dalawa ka namang napapasaya ay bakit iintindihin mo ang kanilang mga opinyon.