DATE NA TALAGA

1337 Words
THIRD PERSON P O V THIRD PERSON P O V Ang next naman nilang pinuntahan ay ang Zoobic Zafari sa loob pa rin ng Subic Bay Freeport Zone. Kung saan maraming dolphin at iba't ibang klase ng mga wild animals. Hindi gaya sa Aviary na pinuntahan nila, rito ay walang pakialam ang mga turista sa kanilang dalawa, palibhasa kasi ay mas marami ang foreigners dito sa Zafari kaysa sa Aviary. Kaya naman ayaw nang pakawalan ni Adonis ang kanyang kamay. Lagi itong nakahawak at naka alalay. Naaliw pa sila sa mga dolphin na sumusunod sa utos ng Trainer. Hanggang sa manawa silang manood at lumabas na rin pagkatapos nilang mag- pictures na halos lahat yata ng sulok ng Zoobic Zafari. Maganda naman kasi ang lugar at aakalain mo na nasa ibang bansa ka gaya ng Kenya sa East Africa. " Snacks muna tayo, marami na rin namang tourist, crowded na. " aya naman ni Adonis sa dalaga. " S- Sige! " tugon naman nito At holding hands pa rin silang lumabas ng naturang zoo. " Saan naman tayo next na pupunta? " usisa ni Glorya ng kalahati na lamang ang natitira sa kinakain nila. " Sa Baywalk na lang, malapit ng mag- sunset e! " mabilis namang tugon ng binata. " Okay! " tumatango- tango pang tugon ng dalaga Pagkaubos nga nang kinakain nila ay umalis na sila sa eatery at sumakay ulit ng tricycle para tunguhin ang baywalk. Subalit, bumili muna ng popcorn at softdrinks si Adonis na tila sila manunuod ng movie sa sinehan. Dahil pahapon na ay hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw. Kaya nang maupo sila sa gilid nmsa bato sa gilid ng baywalk ay marami ring tao. Matanda o bata dahil naglalaro rin sila o kaya ay nakasakay sa mga bike na nirerentahan paikot lamang sa baywalk. Pinag masdan muna nila ang mga tao sa paligid bago seryosong tumingin sa harapan nila kahit pa man lumukubog ang haring araw. " Busog pa ako, mamaya na lang. " magalang na tanggi ni Glorya nang alukin s'ya ng binata ng popcorn. " Ganda 'no!? " sambit ni Adonis, sa papalubog na araw nakatuon ang kanyang paningin kaya roon na rin bumaling si Glorya " Oo! " maikling tugon naman n'ya, kahit sa kalooban n'ya a parang simpleng paglubog lamang iyon ng haring araw. " Glorya. " mahinang tawag sa kanya ng binata " Hmm!? " tugon naman n'ya na busy sa pag nguya ng popcorn " P- Pwedeng magtanong? " " Nagtatanong ka na, 'di ba? " " Ano ba!? " natatawang wika naman n'ya nang batuhin s'ya ng isang popcorn ni Adonis at tumama sa hugis puso n'yang mukha. " May iba pa akong tanong. " saad pa nito " Okay! Lilinawin mo kasi! " pabirong wika pa ng dalaga kaya naman naiiling na lamang ang binata " Ehem! " pag- aalis muna ng bara sa lalamunan ni Adonis na tila may mabigat s'yang dinadalang problema, " P- Paano kung . . . malaman mong may tatay ka pala? Pero lumaki kang walang kinikilalang ama? " walang mababakas na emosyon sa mukha n'ya na nag- usisa sa dalaga. Sa papalubog na araw pa rin ito nakatuon ang atensyon. Natigilan naman si Glorya sa pagsub0 sana ng popcorn sa kanyang bibig sa seryosong tanong ng binata. Hindi n'ya kasi inaasahan na ganoon kabigat ang sasabihin nito. Kaya napakamot pa s'ya sa kanyang sintido bago sumagot. " Kung ano ang magiging reaksyon ko? " dugtong na usisa naman n'ya " Oo! " may halong tango pa ang tugon ng binata " Matutuwa s'yempre! At least, hindi ako putok buho! " pabirong saad naman n'ya ngunit seryoso lamang na naka tingin sa kanya ang binata, kaya naman na concious s'ya sa kaniyang itsura. Hindi pa naman s'ya nakaka tingin sa salamin buhat kaninang nasa Zoo sila. " Iyon lang ang magiging reaksyon mo!? " pagak ang tawang usisa pa ni Adonis " S'yempre! Maraming katanungan na ang kasunod niyon, bakit hindi nagpakita sa mahabang panahon? Bakit hindi ipinaalam ni Mother sa anak ang sitwasyon? Tsaka bakit ngayon lang s'ya magpapa kilala? " sunud- sunod namang turan ni Glorya " Actually, . . . H- Hindi naman sa hindi nagpa kilala, nakikita n'ya at nakakasama naman ang kaniyang ama sa kanyang paglaki, close sila subalit, hindi alam no'ng bata na ito pala ang kaniyang ama, kaya pala mabait ito sa kanya habang lumalaki s'ya. Tapos ngayong stablena s'ya, tanggap na n'yang wala s'yang ama tapos isang araw, nagpa kilala itong s'ya pala ang ama n'ya. " mahabang paliwanag naman ni Adonis " Oh! . . . Sana tinanong na n'ya kung bakit hindi nagpa kilala kaagad? I'm sure, mayroong mabigat na dahilang ang kaniyang Ama kung bakit ganoon ang naging kapalaran n'ya. " mahabang komento naman ni Glorya Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Adonis bago sumagot, " Ipinaliwanag naman sa kanya lahat, kaya lang . . . . Pwede naman n'yang sabihin sa anak n'ya iyong lihim nila, actually, close sila pero hindi bilang mag- ama, parang . . . magkaibigan, ganoon lang. Kaya lang naman n'ya ipinag tapat sa anak nila ang totoo kasi . . . kailangan na n'ya ang anak nila. " malungkot na wika pa ni Adonis Tila nahabag naman si Glorya para sa tanong kinu kwento ng binata na hindi nito alam na s'ya iyong tinutukoy n'ya. " Uhm! Mahirap mabigay ng opinyon ng hindi ikaw ang nakaka- experience mismo. " wika pa ni Glorya " For example, kung . . . sa'yo mangyari iyon, ano ang magiging pasya mo? " desidido talagang makakuha nang sagot ang binata mula sa dalagang ka- date. " Tatanggapin ko, kung ano man ang dahilan n'ya, after all, s'ya pa rin naman ang tatay ko. Kung hindi dahil sa kanya e wala ako rito sa mundo. Tsaka mainam nga iyon at least nakasama ko pa s'ya sa kaunting panahon. Hindi pa ako kakainin ng kunsensya ko kung hindi ko s'ya napag bigyan sa sandaling panahon. " mahabang tugon naman ng dalaga " Hindi ka ba magtatanim ng sama ng loob? Kasi . . maraming pagkakataon na pwede s'yang umamin na mag- ama sila . . pero hindi n'ya nagawa? " usisa ulit ni Adonis na tila nakukulangan pa aa tugon ng dalaga. " Mayroon din s'yempre! kaya nga lang, iisangtabi ko na s'ya para maging masaya naman kami. " wika pa ni Glorya na tango lamang ang naitugon ni Adonis. " Tara na! Uwi na tayo! Madilim na baka magalit na si Aling Glenda. " aya na nito sa kanya nang maubos nila ang pocpat drinks na binili nito kanina. Inalalayan pa s'ya nitong tumayo at holding hands na naman silang naglakad sa gilid ng kalsada para maghintay ng dadaan na tricycle patungo sa bayan. " Masarap ditong tumira sa San Marcelino, tahimik, maraming Theme Park at mukhang mababait ang mga tao. " pahayag pa ni Adonis habang nasa gilid na nga sila ng kalsada " Oo naman! D'yan ko maipagmamalaki ang bayan namin. " naka ngiting sambit naman ni Glorya " Pwede pong diretso na sa Sitio? " tanong ni Adonis sa Tricycle Driver na huminto sa kanilang harapan. " Sige po! " tugon naman nito kaya inalalayan na naman s'ya ng binata na makasakay bago ito lumulan sa tricycle. " Pasensya ka na ha!? Imbis na simpleng pamamasyal lang ang gawin natin e pinag- isip pa tuloy kita sa mga katanungan ko. " hinging paumanhin pa ng binata sa kanya habang bumibyahe na sila. " Sus! Ayos lang iyon! Maliit na bagay! " naka ngiti namang tugon ni Glorya at sinuklian naman s'ya ng matamis ding ngiti ng binata na tipong maka laglag p@nty. Kaya naman pigil na pigil ni Glorya ang kilig dahil sa gandang lalake nga naman ng kanyang katabi. Feeling pa nga n'ya ay tila mahihirapan s'yang makatulog mamaya dahil sa trato ni Adonis sa kanyang tila babasaging krystal dahil sa pag- alalay nito lagi sa kanya. Na hindi n'ya na experience sa dating kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD