GLORYA'S P O V GLORYA'S P O V " Hay! Naku! Next time kapag nagsabi ka pa ng 'thank you' hindi na kita tutulungan talaga! " tila inis namang wika ni Adonis kaya natawa na lamang ako. " S'yempre naman! Para simpleng 'salamat' lang ipagkakait ko pa bang banggitin? " tugon ko naman na may halong irap kaya bahagya lamang itong natawa. " Kasi naman araw- araw na nga tayong magkasama, parang ibang tao pa rin ang turing mo sa akin. " tila nagtatampo namang wika pa nito kaya naman napa bungisngis na naman ako. May pinagawa kasi akong cabinet dito sa aming kusina na kinain na siguro ng anay kaya bumagsak. Mabuti na lamang at marunong s'yang mag anluwage. Kaya s'ya na ang pinagawa ko. " Oo na! Sige na! Ubusin mo na 'yang snacks mo at maglilinis lang ako rito! " sambit ko na lamang at kinuh

