THIRD PERSON P O V THIRD PERSON P O V Dumaan pa ang mga araw na naging linggo na walang Adonis na nagpapakita kay Glorya kaya naman ang dalagang tindera ay miss na miss na ang binatang tenant. Ang ginagawa nitong pagtulong sa kanya kapag namimili s'ya ng paninda at pag kumpuni minsan ng mga sirang gamit sa loob ng bahay nila ang hinahanap n'ya. At, s'yempre iyong presence nito mismo, ang pangungulit din sa kanya minsan. Kaya naman madalas ay malungkot aag dalagang Ninang ng kanilang lugar at kung minsan ay nakatanaw sa saradong pinto ng unit ng binatang Ranchero. " Pabili nga po ng softdrinks, " sambit ng isang customer kaya ang tindera ay napahinto sa pagsusulat sa notebook, nagtaas ito ng ulo at biglang napa pitlag nang makilala kung sino ang bumibili. Lihim naman s'yang napa

