GLORYA'S P O V GLORYA'S P O V " Ano ba namang batag iyan! Hindi man lang nagpa- alam na aalis pala! " himutok na sambit ni Mama Lakas loob na nga kasi akong kumatok sa pinto ng unit ni Adonis kinabukasan. Nang sumakit ang likod ng palad ko sa kakakatok ay kinuha ko na ang duplicate key ng kanyang apartment sa aming bahay tsaka ko binuksan iyon. " Adonis! . . . Adonis!? " Nagulantang ako ng walang tao sa loob kahit ilang beses na akong tumawag, kahit dahan- dahan akong pumasok sa kanyang silid at banyo ay wala rin s'ya. Kaya aga- agad akong lumabas at bumalik sa tindahan dahil si Mama muna nga ang tumao roon. " Ma! Wala po roon si Adonis! Pero nandoon pa po ang mga gamit n'ya. " hinihingal kong pagbibigay impotmasyon sa aking Ina. " Hindi mo ba nakuha ang kanyang cellphone numb

