When the Master of Ceremony is about to start the announcement of 18 roses ay lumapit dito si Sky saka binulungan ito. Sa 'di malamang dahilan tuloy ay bigla na lang nakaramdam ng kaba si Ayesha lalo na nang makita niya ang reaksyon ng MC.
Ano na naman kaya ang binabalak niya? piping tanong niya sa isipan.
Ipinapanalangin niyang sana ay hindi ito gumawa ng kalokohan o kung ano man dahil hindi niya talaga alam kung anong gagawin sa oras na mapahiya ang Tita Margarret niya.
Unang tinawag ang ama ni Sky na si Benedict. Ito ang first dance ni Ayesha dahil ito na nga rin ang tumatayo at kinikilala niyang ama. Nilapitan siya nito sa kaniyang puwesto at saka inilahad ang kamay para alalayan siya papunta sa dance floor.
"Happy birthay again, Anak. Sana ay ma-enjoy mo itong party na ito," nakangiting sambit nito matapos i-abot sakanya ang rosas na hawak.
Agad na kinuha niya naman iyon bago ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Salamat po, Tito. I am really, really thankful because I was able to experience this," sagot niya naman at saka ito nginitian.
Yes, alam niya na marami sa edad niya ang pinapangarap maranasan ang ganoon ka-engrandeng debut kaya totoo namang grateful siya kahit hindi naman talaga siya sanay sa mga ganoong klase ng okasyon because she is somehow an intoverted type of a person. Nakadagdag pa nga ang mga taong nanakit sa damdamin niya noon kaya tila nahihirapan na siyang makibagay. Takot na siyang magtiwala ulit kaya mas gusto niya na lang mapag-isa kung minsan.
"Mas mabuti siguro kung ngayon pa lang ay sasanayin mo na ang sarili mo na tawagin akong Daddy. Hindi lang dahil future father-in-law mo ako kung hindi dahil na rin matagal naman ng anak ang turing namin saiyo."
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Ayesha ng maalalang Fiancé nga pala siya ni Franz. She isn't really comfortable with that thought kasi alam niyang against ito roon. Kung meron nga lang din sana siyang choice, but how? Ayaw niyang sumuyaw sa mga taong nagpalaki at kumopkop sakaniya.
"Should I po, Daddy?" pag-sakay niya na lang sa sinabi nito. Kung sabagay, hindi niya rin naman talaga naramdaman kahit minsan na hindi anak ang trato nito sakaniya. Mula noong bata pa siya ay ini-spoil na siya nito sa mga regalo. Sa tuwing may dala ito para kay Sky ay meron din para sakaniya. He always treat them fairly kaya isa iyon sa nagpapa-init ni Sky.
"That's better. You know how much I wanted to have a baby girl right? And then you came, you are gift sent from above so I am very thankful. Pagpasensyahan mo na kung minsan ay nago-overreact ang mommy niyo. Or should I say madalas? Malaki lang din kasi talaga ang trust issues niya," apologetic na sambit nito.
May sakit sa matres si Margarett kaya naman isang beses lang ito pwedeng magka-anak. Swertehan pa nga raw ayon sa doctor ang pagkaka-anak nila kaya naman na-spoil si Franz mula pagkabata nito, kaya ng dumating si Ayesha ay ganoon na lamang ang pagta-tantrums at pagkainis nito sakaniya. At nadagdagan pa nga ng i-announce ni Margarett ang plano nitong ipakasal sila.
"Naiintindihan ko naman po siya. Alam ko naman pong ginagawa niya lang ito para sa tingin niyang mas ikakabuti namin ni Sky."
"At pagpasensyahan mo na lang din si Sky dahil minsan umiiral ang pagkapasaway at parati kang inaaway. Isa kasi sa pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong pakiramdam na pinangungunahan siyang magdesisyon sa buhay niya but at the end of the day ay hindi niya pa rin kayang suwayin ang asawa kong amazona," biro pa nito.
Her Tito Benedict is so sweet and gentle at parati talagang malumanay magsalita. Kung nagmana nga lang sana si Sky dito ay perfect na ang paninirahan niya sa pamilya ng mga ito. But as the saying goes, nobody is perfect.
Nang natapos ang tugtog at tinawag na ang susunod na magsasayaw sakaniya ay parehas na nagulat ang dalawa at nagkatinginan pa dahil sa halip na pangalan ni Cloud ay pangalan ni Sky ang binanggit ng MC.
"May I have this dance?" nakangising sambit pa nito ng i-abot ang rosas sakaniya.
"What is this, Sky?" malumanay ngunit may diin na sambit ni Benedict.
"Are you going to make a scene, Dad? Oh no, you can't. Of course, you won't ruin your daughter's party," sarkastikong sambit nito kaya napilitan na lamang umalis doon si Benedict.
"Are you disappointed? Hindi ka ba masaya dahil hindi ako ang last dance mo at hindi iisipin ng mga tao rito na there is something special going on between, us? Stop being delusional, I will never, ever fall in love with you," sambit nito at saka hinapit ang bewang ni Ayesha. Bahagya pa ngang napasinghap ang dalaga dahil ito ang unang beses na nagkalapit sila ng ganoon.
"I'm sorry. Kung---"
"Stop saying sorry because you are not," he cut her off. "If you are really sorry and you don't really like this, bakit hindi ka tumutol sa kagustuhan ni Mommy?"
"Alam mong---"
"was it because you really like me at gusto mo talaga akong maitali saiyo? Baka nga ikaw pa ang nag-kumbinsi kay Mommy tungkol sa plano niyang iyon, eh." nagiwas na lang siya ng tingin at hindi na sumagot pa dahil mukhang wala naman itong balak pakinggan siya. "What now? Cat got your tongue? Bakit hindi ka makaimik? Dahil tama ang hinala ko? I can't believe you are that desperate."
Sanay na si Ayesha sa pagbabato ng masasakit na salita ni Sky sakaniya ngunit pakiramdam niya pa rin ay iyon na ata ang pinakamahabang dalawang minuto ng buhay niya. Nakahinga nga lang siya ng maluwag ng sa wakas ay matapos na ang tugtog at tawagin na ng MC ang susunod na magsasayaw sakaniya, Mas comfortable pa siya sa mga nakasayaw niyang hindi niya naman talaga halos kilala na anak lang ng business associates ng mga go kaysa rito na ilang taon niya ng kasama sa bahay.
"I didn't know you are this beautiful, Yesha," papuri sakaniya ni Storm habang isinasayaw siya. Kilala niya ito, alam niyang mabulaklak talaga ang bunganga nito at malapit sa kahit na sinong babae. He is indeed like a storm who can break and ruin a girls heart with a blink of an eye. Iyon ang naririnig niyang bali-balita tungkol dito noong high school pa lamang sila.
But as for her, hindi naman niya naramdaman iyon because he always treat her casually and with respect kaya hindi naman siya galit dito.
"Thank you," nahihiyang sambit niya. She is not really used to receive praises like that kaya nahihiya talaga siya.
Ngitian na lamang naman siya nito, at bago pa nga matapos ang musika at tawagin ang susunod na magsasayaw sakaniya ay binulungan siya nito. "Cheer up, okay? Today is your day so don't let my asshole friend to ruin your day." Tinapik pa siya nito sa balikat bago ibigay ang kamay niya kay Thunder.
Kaagad namang kinuha nito ang kamay niya at inabot sakaniya ang bulalak bago marahang inilagay ang dalawang kamay niya sa balikat nito, kasunod niyon ay ang marahang paghawak nito sa bewang niya.
Thunder and Cloud has so many similarities. Mas mapagkakamalan pa ngang magkapatid ang mga ito kaysa kay Storm. Yes, Thunder and Storm are twins but not identical so they don't share the same face na talaga namang ipinagpapasalamat ni Thunder dahil kung nagkataon ay baka pati siya dumugin ng mga tinatakbuhan ng kakambal kapag napagkamalan.
"Happy Birthday, Yesha. Ako na ang humihingi ng tawad sa kalokohan ni Sky. Maybe na stuck siya sa teenage life niya kaya hanggang ngayon ay nagrerebelde pa rin," anito at saka alanganing ngumit.
"It's okay, I expected this thing to happen tho," sagot niya na lang. Sa tindi ng inis nito sakaniya ay magtataka talaga siya kung hindi nito sisirain ang gabing iyon.
"To be honest, I envy you for being strong and for having a very long patience kahit na parati ka na lang pinagtitripan ng kaibigan namin," nag-init na namang muli ang magkabilang pisngi ni Ayesha. Mas sanay kasi siyang marinig na uto-uto siya at atensyon seeker. Well at least, Sky's friend is very generous to praise her like that kahit na ayaw siya nito.
"T-thank you."
Ngayon lang nakausap ni Ayesha si Thunder dahil madalas itong tahimik kahit na kapag nasa bahay nila pero kahit papaano ay napagaan nito ang loob niya. Ang mga ito lang ang kilala niya na naroon kaya naman kahit papaano ay naging at ease ang pakiramdam niya.
"Happy birthday again. Hope you enjoy this day." He smiled at her as he gently tap her head. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang bata na nagkaroon ng kuya sa katauhan ni Thunder.
At gaya nga ng inaasahan ni Ayesha, tulad ng mga nakaraang araw, buwan, at taon. Si Cloud na naman ang naging Knight in shining armour niya. He took the spot as her last dance. "You do look tired now. Siguro gustong-gusto mo ng matapos ang party na ito ano?" nakangiting sambit ni Cloud habang sumasabay na sila sa saliw ng musika.
"Yes, I am really not into this naman talaga. And nakakapagod pala magsuot ng heels," sambit niya. For some reason, Ayesha can only be comfortable talking to Cloud. Kung minsan nga lang ay nahihiya siya lalo na kapag napapangunahan siya ng kilig.
"Gusto mo ba magpalit tayo ng sapatos?"
"Gusto mo bang pagkamalan kang bading?" natatawang sagot na lang niya.
"Ang gwapo ko naman masyado para maging bading," pagyayabang nito pero sa halip na ma-offend ay natawa pa nga ang dalaga. Alam niya naman kasing nagbibiro lang ito.
"Medyo lumakas yata yung hangin dito sa hall."
"Ha? May nararamdaman ka bang hindi ko nararamdaman? Mukhang kailangan mo na ng tulog," iiling-iling pang sambit nito. Ayedshe knew that Cloud is just trying to light up the mood kaya kung ano-anong kalokohan ang sinasabi nito.
"Thank you, Cloud," maya-maya ay sambit niya.
"For what? For being the most handsome tonight?"
"Tigilan mo ako, hindi mo bagay, hindi ka si Storm." Natawa ito sa sinabi niya. "I am very thankful dahil hindi mo ako iniwan at pinabayaan ngayong gabi. Salamat kasi nandiyan ka to give support. Without you, baka kanina pa ako nag-collapse during performance."
"No worries, My princess. You know that I always got your back right?" Nginitian niya na lamang ito bilang tugon dahil nga umatake na naman ang kilig niya at hindi siya makahanap ng slitang sasabihin.
Samantala, tutok na tutok naman ang nga mata nina Storm, Thunder at Sky kina Ayesha at Cloud na masyang nag-uusap at nagtatawanan sa may dance floor.
"I really think that Ayesha is into Cloud. Look at her. Ibang-iba ang ngiti niya ngayong silang dalawa ang magkausap," sambit ni Storm ng hindi inaalis ang tingin sa dalawa.
"I agree with you for the first time," sambit naman ni Thunder at saka bumaling kay Sky. "What do you think?"
"I don't care." Napailing na lang si Thunder sa tugon nito. Parati talagang mainit ang ulo ng kaibigan pagdating kay Ayesha.
"Sky." sabay-sabay na napalingon ang tatlo ng marinig ang ma-awtorisadong boses ni Benedict.
"Hi, Dad. Anyway, may ipapakilala ako saiyo," sagot nito at saka tinawag si Alexa. "This is Alexa, Daughter of Mr. and Mrs Imperial from Imperial Jewelry Corporation," proud at taas noong pakilala ni Sky sa kasintahan. "Ang Alexa, this is my Dad."
"Good evening po. It's a pleasure to meet you, Sir," magalang na sagot naman nito bago ilahad ang kamay for a shakehands.
"Nice to meet you too," maikling sagot naman ni Benedict at saka tinanggap ang pakikipag kamay nito. "We'll talk later. Your mom is not in a good mood right now so you better behave and just go home," anito ng bumaling jay Sky. Nagkibit-balikat lang naman ito.
Nang wala ng makuhang iba pang tugon ay inis na umalis na lamang ito roon. "Sky," may halong paki-usap at pagbabantang tawag ni Thunder. Ngunit sa halip na sumagot ay bumaling na lang ito kay Alexa.
"Let's go, ihahatid na kita."
"But---"
"I said let's go," anito at nauna nang naglakad. Nakasimangot na sumunod na lang naman tuloy ito.
Naiinis talaga si Sky dahil parati nalang si Ayesha ang pinapaboran ng mga ito samantalang siya ang tunay ba anak. "I will do my best to make your life a living hell, Ayesha Mendoza."