Chapter 3

1049 Words
The party was held at the Whitespace Manila located at 2314 Don Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Black and red ang motif which is her favorite color. Hindi inasahan ni Ayesha ni ganito kagarbo ang magiging celebration niya. Halos maiyak na nga siya dahil daig pa talaga niya si Cinderella at ang Tita Margaret niya ang kanyang Fairy God Mother. Kung tutuusin naman kasi ay hindi na siya kailangan pang gastusan ng mga ito since hindi naman nila siya anak and yet ipinaparanas pa rin saniya ng mga ito ang marangyang buhay. "Thank you," nakangiting sambit ni Ayesha matapos abutin ang kamay ni Cloud na nakalahad upang maalalayan siya pabalik sa kanyang pwesto. Wala talaga syang masabi sa sobrang kabaitan na ipinapakita nito sakanya. Katatapos nya lang tumugtog ng piano para sa mga bisita. At tulad nga ng sinabi nito kahapon ay hindi nga talaga sya nito pinabayaan. Bago siya magsimula ay kinausap pa siya nito para palakasin ang kanyang loob. Naroon lang ito sa isang gilid at nakatitig sakaniya habang tumutugtog siya at sa tuwing mapapalingon siya sa gawi nito ay nagta-thumbs up pa ito upang palakasin ang loob niya. Kung wala ito ay baka kanina pa sya nataranta. Hindi naman kasi sya sanay sa mga ganoon kagarang party. Usually kasi ay kumakain lang sila sa labas pero ngayon ay talagang sobrang pinaghandaan nila ang okasyon na iyon. She is indeed lucky and blessed dahil ipinaranas nila sakaniya ang nga bagay na dati ay sa pelikula niya lang nakikita. "Sabi sa'yo kaya mo, eh," malawak ang ngiting sambit ni Cloud. "That's a very wonderful performance from our debutant! Hindi lang talaga sya maganda. Very talented pa!" Muling nag palakpakan ang mga bisita sa sinabi ng MC (Master of Ceremonies). She looked around para tignan ang mga bisita. Naroon ang kaibigan ni Sky na Si Thunder at Storm. Invited ang mga ito at kasama sa 18 roses dahil anak ito ng mga business partners ng pamilyang Go. Wala naman kasi siyang kaibigan na maituturing kaya karamihan talaga ng tao roon ay bisita talaga ng mag-asawa. Samantala, hindi nya naman alam kung ano ang mararamdaman dahil hindi nya matanaw sa buong paligid si Sky. Ito pa naman sana ang Last dance nya. She sighed. Hindi naman nya pinapangarap na gustuhin sya ni Sky bilang isang babae. Alam nya naman kasing mataas ang standards nito. Ang gusto nya lang naman sa ngayon ay magka-ayos sila. Ayaw niya din kasing nagtatalo ang mag-ina ng dahil sakanya. "Dahil tapos na ang ating 18 candles ceremony at ang pasabog na solo performance ng ating gorgeous debutant! Ngayon naman, Before we proceed to the 18 roses ceremony. Pakinggan muna natin ang isang awiting handog ni Mr. Cloud Samaniego para sa ating Gorgeous Celebrant." Muling nagpalakpakan ang lahat ng tumayo si Cloud sa may gilid ni Ayesha bitbit ang gitara. "Happy Birthday again, My Little Princess," bulong pa nito before he started strumming on his guitar. Halos lahat ng kababaihang ka-edad nila na naroon ay nakatutok lang ang mga mata kay Cloud at kinikilig habang pinapakinggan ang binatang kumakanta ng Just the way you are by Bruno Mars. Maging si Ayesha ay hindi maitago ang kilig lalo na sa tuwing sumusulyap sakaniya ang binata habang kumakanta. Mukhang hindi nya na pala kailangan ng blush on dahil ang ngiti at titig palang nito ay sapat na para papulahin ang buong mukha niya. ------ "She's very beautiful," kumikinang ang matang sambit ni Thunder "And very sexy," dagdag pa ni Storm. Habang ang mga kababaihan ay abala sa pagtitig kay Cloud. Ang mga kalalakihan naman ay hindi na maalis ang tingin kay Ayesha. "She always wear t-shirts and jeans kaya hindi ko inakalang maganda pala ang katawan nya," muli ay sambit pa ni Storm. She's wearing a red off shoulder ball gown na medyo mababa ang neckline. Sumisilip tuloy ang malusog na dibdib nito. Dahil nga hapit ang gown na suot ay na emphasize din ang magandang kurba ng katawan niya. "Hindi ko din talaga maintindihan kung anong ayaw sakaniya ni Sky. If i were him? Hindi na ako mag dadalawang isip pa. Papakasalanan ko na agad si Ayesha," Storm said habang nakatutok padin ang mga mata sa dalaga "Then go. Pakasalanan mo na para mawalan na ako ng problema." Sabay na napalingon ang dalawa sa nagsalita. "Sky! Akala namin hindi ka na talaga makakarating," sambit ni Thunder. "I have no other choice. Sabi ni daddy wala daw akong allowance kapag sinira ko ang araw na ito, eh," bored na sambit ni sky tsaka ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks na suot. "Anong trip ni Cloud?" maya-maya ay sambit ni Sky. "May bago ba? Alam mo namang basta para kay Ayesha ay to the rescue agad siya. I can't blame him though. She's too pretty to resist." "Shut up, Storm. 'Wag mong igaya sa'yo si Cloud. Lahat naman ng babae hindi mo talaga natatanggihan," saway naman dito ni Thunder. "wait, is that Alexa?" kunot-noong tanong pa nito ng mapalingon sa isang bahagi ng event hall. "Yea, dinala ko sya dito para ipakilala kina mommy." "What? Are you crazy?" sabay na sambit ng dalawa. "Ngayon mo talaga sya ipapakilala? At this party? Kailan pa ba naging kayo ni Alexa? Akala ko ba fling lang? At Akala ko pa naman hindi ka gagawa ng eksena ngayon," naiiling na sabi ni Thunder. Hindi ito makapaniwala sa inaakto ng kaibigan. Hindi nalang naman ito pinansin ni Sky. Nang bumaba sa may stage si Cloud pagkatapos nitong kumanta ay agad itong sinalubong ni Sky. "Bro, palit tayo ha? Ikaw ang last dance. I'm with my girlfriend. Ayokong ma-misinterpret ni Alexa ang relationship namin ni Ayesha. Boyfriend ang usually last dance 'di ba? You take the spot. Tutal mukhang interesado ka naman," tila sarkastikong sabi pa nito tsaka sya marahang tinapik sa balikat. Hindi na nga rin siya hinintay sumagot ni Sky. Umalis din ito kaagad para lapitan si Alexa. Minsan din talaga ay hindi na maintindihan ni Cloud ang ikinikilos ni Sky. Alam niya namang ayaw nitong ikasal kay Ayesha kaya ganoon ang pakikitungo nito sa dalaga. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit mainit ang ulo nito sa tuwing lumalapit siya sa dalaga. Para itong bata na kapag may kaaway ay dapat kaaway na din ng mga kaibigan. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD