Nang magsimula na ang on-the-job training nina Sky ay halos hindi na magtagpo ang landas nilang dalawa ni Ayesha. Kahit kasi weekends ay abala na ang binata para sa iba pang final requirements nito kagaya na lamang ng kanilang thesis dahil nalalapit na ang graduation. "Pansin ko lang, napapadalas ang pagtingin-tingin mo sa paligid nitong mga nakaraang araw," puna sa kaniya ni Zandra. Kasalukuyan sila ngayong nasa student center at nagpapalipas ng oras dahil mamaya pa ang susunod na klase nila. "Ha?" Maang na napatingin siya sa kaibigan. "Siguro, nami-miss mo si Cloud dahil hindi ka na niya pinupuntahan ano?" "H-Hindi, ah!" Nag-iwas siya ng tingin dito because she's guilty. Sinanay kasi siya ng binata na bigla na lamang itong sumusulpot kaya ngayong busy ito ay naninibago siya. Idagdag

